2 Chances
"Tama na anak wag ka nag umiyak" pag-aalo sa akin ni Nay Sena.
"Matigas po kasi ang ulo kahit alam ko pong hindi alam kong hindi po ako papayagan sige pa rin po ako". Sagot ko naman.
"Nak patawarin moa ko ha wala kasi akong magawa gustuhin ko man si mommy mo pa rin ang masusunod. Ewan ko dyan sa nanay"
"Ok lang naman po naiintidihan ko po."
Hanggang sa umalis si nanay Sena. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Pangarap kong makapag-aral sa MU at gagawin ko ang lahat makapasok lang dun. Iniisip ko kasi baka pag nagging successful na ako saka ako matanggap ni Mommy. Iisang tao lang ang naiisip kong makakatulong sa akin at yun ay si Tito Eduardo.
Nang gabi ding pasekreto kung hinintay makauwi si Tito Eduardo. Nang makapasok sya ng library ay lihim ko syang sinundan. Kinatok ko yung pinto.
"It's me, Cassie po Tito". Nang marinig kung magsalita si Tito Ed ay pumasok na ako.
"Oh iha, anung kailangan mo?"
"Tito Ed, puede po bang humingi ng favor? Please po kayo nalang po ang pag-asa ko po"
"What is it?"
"Nakuha po ako ng scholarship sa MU full scholar po with allowance po. Gusto ko pong mag-aral sa MU, nagpaalam po ako kay mommy pero hindi po sya pumayag, please po Tito tulungan nyo po akong kumbinsihin si mommy"
"Cassie, Iha alam mo ang stand ko dyan"
"Please po Tito Ed, ngayon lang po ako humihiling po sa inyo nakikiusap po ako sa inyo kayo nalang po ang pag-asa". Naluluha kong pakiusap.
"Iha..." Nahihirapang saad ni Tito Eduardo.
"Naiintindihan ko po kau Tito Ed pero sana maintindihan nyo din po ako. Hirap na hirap na po ako. Hanggang kailan ko po pagbabayaran ang kasalanan ng tatay ko. Kayo po ang nagsabi noon na hindi ko po kasalanan ang nangyari kay mommy pero bakit po ako nagbabayad nun." Alam ko nahihirapan si Tito Ed pero sya nalang ang pag-asa ko.
"Iyon nalang din po kasi Tito Ed ang naiisip kong paraan para matanggap ako ni mommy. Pag dumating ang araw na maging successful na po ako baka dun na lang po nya maiisip na may isa pa pong syang anak na ang pangalan ay Cassie".
"Iha, alam mong ayaw kong bigyan ng sama ng loob ang mommy". Nanghihinang sabi niya.
"Please po Tito nagmamakaawa po ako sa inyo kayo nalang po pag-asa ko. Ngayon lang po ako humihiling sa inyo. Alam ko po kahit papano may puwang din po ako ng konti dyan sa puso nyo."
Ilang minuto ding tahimik si Tito Eduardo. Kahit papano may nakikita akong pag-asa. Alam kong ayaw ni Tito Ed na masakta si mommy pero alam ko din na naiintindihan nya ako. Alam kong kahit hindi nya ipakita sa akin alam kong may puwang ako sa puso nya. Alam kong sya din ang nag-uutos ng lihim sa mga katulong na bigyan ako ng pagkain pag hindi ako binibigyan ng pagkain ni mommy every time na pinaparusahan ako.
"I'll try Iha pero hindi ko maipapangako sa'yo". Pinal sa sabi ni Tito Eduardo.
"Salamat po ng marami Tito, kahit po anung maging resulta tatanggapin ko po. Pasensya na po alam ko pong nahihirapan po kayo pero kayo na lang po kasi ang pag-asa ako". Naiiyak kong sabi.
"It's okay Iha don't worry di ko man maipapangako ng magandang resulta pero I'll try my best to convince your mom." Sa sobrang tuwa hindi ko napigilang yakapin si Tito Eduardo.
After a week nung kinausap ako si Tito Eduardo, pinatawag ako ni Mommy sa library. Kinakabahan akong pumunta.
"Pak!..." Biglang sampal sa akin ni mommy pagkapasok ko sa loob.
"Hindi ka pa rin tumigil at nagpatulong ka pa kay Eduardo" galit na sambit niya.
"Sorry po, gusting-gusto ko lang pong makagpag-aral sa MU". Umiiyak kong sabi.
"Wala kang utang na loob ako pa pinalalabas mong masama pero sige pag bibigyan kita pero isang pagkakamali mo alam mo na ang mangyayari".
"Opo mommy". Sagot ko.
"Naintindihan mo ba. Sagot!." Sigaw nya.
"Opo, opo naiintindihan ko po". Natatarantang kong sagot.
"Lumabas kana at naiinis na ako sa'yo ng sobra".
"O..po..." Dali-dali ako lumabas ng library.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko kahit ramdam ko pa ang hapdi ng aking pisngi. Ito na yun ang simula ng aking munting pangarap..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top