11 Challenge and Verdict
Cassie POV
"Talaga ba nakausap mo na si Nathaniel Vasquez?"..nagugulat na sabi ni George
"Oo tapos ang bait nya talaga".
"Meaning two down two more to go peg mo"..sabi ni Sam.
"Oo nga eh mukhang mahihirapan ako sa dalawang yun".
"Kaw pa, alam mong kaya mo yan"..sabi ni Kath.
"Sana nga magdilang anghel ka at talagang baka hindi ko kayanin at sobrang sungit at snob nung dalawa".
"Hahahaha, keri mo yan and don't lose hope".
"Yeah tama!"
"Ewan ko halos tumambling na ako kahapon ayaw pa rin puro sigaw lang nakuha ko kay Kuya Sungit yung isa na naman sa sobrang irita sa akin natulog nalang".
"What time ka pala pupunta ulit duon? After class din ba parang gusto kung sumama..hehehehe"..sabi ni George.
"Wala akong pasok ngayon after this punta na ako dun"..
"Ay, sayang naman gusto sana kitang panourin".
"Ay guys, I have to go na magstart na class ko"..paalam ni Sam
"Sabay na ko Sam".. sabi ni Kath
"Ako din" sabi ni George.
"Bye guys".
"See you and good luck" sabi ni Sam.
"Yeah, Fighting!" sabi ni Kath.
"Yeah kaya mo yan"..sabi naman ni George.
At nagkanya-kanya kaming alis.
Nate POV
"Asan na kaya bata mo?" tanong ko kay Gab.
"Bakit namimiss mo na..hahahaha"..tudyo ni Gab
"Wala lang gusto ko ulit makitang kulitin nya si Seb"
"Hahahahaha. Oo nga eh laging epic mukha ni Seb"
"Anong pinagbubulungan nyo dyan?" singit ni Seb.
"Wala ikaw talaga ang paranoid mo"..sabi ni Gab.
"Anong paranoid? Akala mo hindi ko alam Gab na ikaw ang nagbigay ng pass dun sa makulit na bubwit na yun" naiinis na sabi ni Seb.
"Kaw naman Seb ang hot mo parati pag-bigyan mo na kasi ang bata at hindi kana kulitin nun" sabi ni Gab.
"Oo nga Seb pagbigyan mo na ang bata isang tanong lang naman" sabi ko naman.
"Oo tapos pag pinagbigyan uulit na naman mamimihasa yan at tapos ano dahil pinagbigyan natin aakalain nila na okey tapos magsusunud-sunod na naman sila." Iritableng sagot ni Seb.
"Aysus, isang tanung lang naman hinhingi nung bata. Ang sabihin mo nag-enjoy kalang makipag-kulitan dun" tudyo ni Gab.
"Ewan ko sayo Gab. Anung nag-eenjoy naiirita ako dun sa bata mo nagtitimpi lang ako baka itapon ko patiwarik yun"..
"Ikaw naman Seb, ang harsh mo bata lang yun" sabi ko.
"Hindi ako katulad mo Nate na mabait at anung bata dun matanda na yun"..
At bigla nalang kaming nagulat ng biglang sumulpot ang pinag-uusapan namin.
"Good afternoon mga Kuya kung Pogi"..sigaw ni Cassie
"Hahahaha..speaking of the cute devil"..natatawang sabi ni Gab.
Cassie POV
"Good afternoon mga Kuya kung Pogi"..sabay sigaw ko pagpasok na pag pasok ko.
"Andito ka naman mag-iingay ka na naman"..biglang sigaw ni Kuya Seb.
"Kaw naman Kuya Sungit naka-sigaw ka na agad relax lang naman"..
"Panu ako makakapagrelax eh nandito ka naman"
"Kaw naman kasi Kuya kong pinagbigyan mo na po ako edi di na kita kukulitin".
"At kasalan ko pa ngayon?"
"Naman!"
"Ewan ko sayo bat pabalik-balik ka dito hindi ka naman welcome"
"Anung hindi po welcome? Welcome na welcome po kaya ako diba po Kuya Gab at Kuya Nate?" Sabay sa tingin sa dalawa na tumatawa sa gilid.
"Kuya naman eh, suportahan nyo ko wag kayong tumawa dyan". Nagpapadyak kong sabi.
"Oo naman Princess welcome na welcome ka dito"..pagsang-ayon ni Kuya Gab.
"O diba po sabi ko sayo Kuya Seb"..
"Sa kanila ok lang sa akin hindi at lumayo-layo ka baka itapon kitang bubwit ka at isa pa wag mo akong tawaging kuya at hindi kita kapatid".
"Ikaw po talaga ko Kuya masyadong kang HOT at selfish kahit kuya bawal? It's a sign of respect. Heeler!"
"Oi, tama na muna yan lika muna dito bubwit"..tawag sa akin ni Kuya Gab.
"Kuya Gab naman eh nakikibubwit ka din"..
"Hahahahahaha..ay mali Princess pala"..
"Paalisin mo na nga yan dito Gab"..sabay walk-out ni Kuya Seb.
"Diba sabi ko sayo wag masyadong sagut-sagutin si Seb mahihirapan ka nyan." Malumanay na sabi sa akin ni Kuya Nate.
"Ok lang yan Nate, ayaw mo nun masaya" tuwang-tuwa sabi ni Kuya Gab.
"Ikaw talaga Gab kung anu-ano siguro tinuturo mo sa bata at ikaw naman wag masyadong magpapaniwala kay Kuya Gab mo ha"..
"Opo Kuya Nate sorry po if may times na out of the line na po ang pag-sagot sagot ko kay Kuya Seb."
"Ok lang basta wag mong kalimutan na mas matanda pa rin si Seb kailangan mo pa rin respetuhin".
"Opo Father, Hahahahah!..ikaw talaga Nate masyadong kang mabait"..tumatawang sabi ni Kuya Gab.
"Alam nyo po Kuya Gab at Kuya Nate para kayong Angel at Devil"..
"So anu ang gusto mong iparating Devil ako?"..
"Oi, Kuya Gab wala po akong sinabi kaw po nagsabi nyan".
"Eh yan ang gusto mong iparating"..
"Hehehehe..Peace po Kuya Gab don't worry po ikaw pa rin ang favorite Kuya ko po next po si Kuya Nate"
"Bakit may kuya ka pa bang iba?"..
"Wala na po kayo lang po puede ko din po isama si Kuya Seb pero di ko po sya favorite"..
"Haynaku, ikaw talaga bata ka ewan ko nalang"..sabi ni Kuya Nate sabay gulo ng buhok ko.
"Pero maiba po ako Kuya tulungan nyo naman po ako kay Kuya Tyron parang ang hirap nyang i-approach. Natatakot po akong lumapit sa kanya parang tingin palang tameme ako agad".
"Actually kung si Seb tagilid ka yang isang yan parang walang kang chance"..
"Grabe ka naman kuya Gab imbis na palakasin mo loob ko tinaob mo agad"
"Sinasabi ko lang ang totoo kahit tanungin mo pa si Nate"..
"Yeah, Gab is right. Kahit kami na matagal na naming syang kasama may time din ilag din kami" sabi ni Kuya Nate.
"Panu ka yan? Konting araw nalang ang natitira sa akin" sabay hinga ng malalim.
"But you must try maybe makaya mo. Actually, kaya naman naming sagutin lahat ng tanong mo but we need to respect their privacy" sabi ni Kuya Nate.
"Alam mo po Kuya Nate sobrang bait mo talaga. Feeling ko lahat ng sabihin mo laging tama"..
"Hahahahha..Oo nga baka nga nagkamali yan ng piniling course di dapat doctor yan dapat pari yan"....
"Ay sayang naman lahi ni Kuya Nate tiyak mga pogi at maganda din anak nyan"..
"Ay ewan ko sa inyong dalawa basta kalokohan magkasundo kayong talaga"
"Wait lang pala mga Kuya try ko lang po lapitan si Kuya Tyron may plano ako try ko lang po kung effective"
"Ok galingan mo ha. Kaya mo yan."
Kahit kinakabahan lakas ng loob na lumapit ako kay Kuya Tyron habang kinukuha ko sa bag ang dala kung apple. Di ko alam kung paano ko sisimulan ang approach.
"Hi po Kuya, ako po si Cassie para po sa inyo" sabay lagay ng apple at biglang takbo at lumapit uli kay Kuya Gab at Kuya Nate.
"Yun na yun?, Yun na ang plano mo?" tanong ni Kuya Gabriel.
"Eh kasi naman kuya nung tiningnan nya na ako nanginig ako sa takot"
"hahahahah..epic yun bata" sabi ni Kuya Nate.
"Kinabahan talaga ako dun kuya naubos ang enery ko" at sabay kaming nagtawanan na tatlo.
"Nga pala kuya mauna na po ako baka hanapin na ako sa amin."
"O sige, ingat ka balik ka bukas" sabi ni Kuya Gab.
"Aba siyempre naman at talagang babalik ako. Babye po at maraming thank you.".. at sabay alis
Tyron POV
"Good afternoon mga Kuya kung Pogi". Sa lakas ng boses bigla akong napatingin sa pumasok. Di na ako nagulat ng makita ang makulit at maingay na bata na laging kaaway ni Seb. Ewan ko ba at laging pinapatulan ni Seb si Gab at Nate naman halatang nag-eenjoy lalung-lalo na si Gab. Di ko na sila pinansin bahala sila sa buhay nila.
"Hi po Kuya, ako po si Cassie para po sa inyo"..nagulat ako ng lumapit sya sa akin at may nilagay na apple sa table at bilang tumakbo at nakita ko nalang nagpapaalm kay Nate at Gab.
Nang tiningnan ko ang apple may nakalagay na post it at may nakasulat na " Hi po Kuya si Cassie po, smile naman po dyan J". Nangungunot noo ko ng lumapit si Gab at Nate.
"Anu yan? Anung binigay sayo ng bata ko" tanung ni Gab.
"Ewan" sabay hagis ng apple kay Gab.
"Bat ikaw lang meron nito akala ko ako favorite kuya nun? Napakabalingbing talaga ng bubwit na yun."
Di na ako nagsalita. Hinayaan ko nalang si Gab sa mga sinasabi nyang walang sense.
"Maiba ako Ty, alam kong alam mo ang kailangan nung batang yun ano gusto mo ba?" tanung ni Nate.
"No".. maiksi kong sagot.
"Naku kawawa naman bata ko, pagbigyan mo na sa akin na naman mag-iingay nun"..sabi ni Gab.
"No"..
"Haynaku Ty, di kaya mapanisan ka ng ng laway dyan ang iksi mga sagot mo ha"..
"I know that you like her but not me though I can tolerate her presence but she needs to know her place"
"Aray ko naman parang ako ang nasaktan para sa bata ko ha".
"Ayaw mo talaga Ty? Kailangan ata nya nun para makapasok sa school org may makukuha kasing allowance ata dun incase na makapasok sya" sabi Nate.
"Oo nga Ty, one question lang naman naawa na kami sa bata"..
"No and she's not my responsibility and if she needs allowance, I know you can provide that beside both are you are rich"
"Haynaku wala ka talagang awa Ty"..yun na lang nasabi ni Gab.
Cassie POV
Pagkauwi sa bahay dumiritso muna ako sa kwarto at di muna lumabas. Balik na naman ako sa reality kung buhay. Ang hirap naman na magpanggap na masaya pakiramdam ko ibang tao ako pag kausap ko ang mga "Kuya kong pogi" pero di ko maiwasan maiingit sa side na Cassie na yun. Cassie na masaya. Cassie na malakas ang loob. Cassie na madiskarte. Sana totoo nalang sya.
"Anong tinutunganga mo dito? Lumabas ka tulungan mo si Yaya Sena"..sita akin sa akin ni Ate Chylsea.
"Opo Ate magpalit lang po ako ng damit" natataranta kung sabi.
"Bilisan mo wag kang bagal-bagal" sigaw nyang sabi.
"Opo Ate" at umalis na si Ate Chylse.
Haynaku kalian kay magbabago ang buhay ko. Sa totoo lang hirap na hirap na ako gusto ko nang sumuko ang hirap lumaban ng mag-isa at walang kakampi minsan si tadhana nag-iinis pa. Tinatatagan ko lang ang loob ko bahala na gaya ng lagi kung sinasabi tiwala lang.
Habang dumadaan ang mga araw ay laging pa ko pa rin kinukulit si Kuya Seb na makakuha ng interview at kung anu-ano yung mga binibigay ko kay Kuya Tyron pero sa kasamaang palad ay walang effect pa rin. Pero kahit ganun hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa at isa pa ramdam ko naman ang suporta ni Kuya Gab at Kuya Nate. Pakiramdam ko hindi man ako magtagumpay sa challenge ko ay wala akong pagsisisihan dahil nakilala ko si Kuya Gab at Kuya Nate isama ko na rin si Kuya Seb na masungit at Kuya Tyron na kahit hindi nya ako pinapansin ramdam ko naman na ok lang na nandyan presence ko basta hindi ko lang sya kukulitin. Siguro pag natapos lahat ng ito mamimiss ko silang kulitin. Oo andyan yung mga kaibigan ko pero iba pa rin pala yung feeling na may kuya kang magtatanggol sayo.
"Haay!!!"..
"Ang lalim nun ah, anong problema mo?"..sabi sa akin ni Kuya Gab.
"Bukas na deadline ko pero bokya pa rin ako kay Kuya Seb at Kuya Tyron"..
"Sori ha di ka namin natulungan, gusto mo bang kami na ang lumapit sa MPO?"
"Wag na po Kuya Nate, thanks po gusto ko pong maging fair po sa mga members po".
"Ano ka ba ok lang yun"..
"Wag na po Kuya Gab ok lang po talaga, pero alam nyo po kahit hindi po ako nakapasa dun thankful pa rin po ako kasi dahil po sa kanila nakilala ko po kayo at feeling ko po ang swerte-swerte ko po nagkaroon ako ng instant na mga poging kuya"..
"Hay naku princess, nambola ka pa"..sabi ni kuya Gab.
"Oo nga at saka kahit naman tapos na ang mission mo, your still allowed pa rin na pumunta dito".
"Talaga po Kuya Gab?".. excited kung tanong.
"Abay oo naman welcome na welcome ka pa rin dito"..
"Hays!..ang swerte ko talaga at nakilala ko po kayo"..
"Ang sweet mo ngayon princess"..sabi ni Kuya Gab.
"Pero mga Kuya hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa mag-try pa rin ako makakuha ng interview kina Kuya Gab and Kuya Tyron bukas pa naman deadline ko..hehehehehe"..
"Hahahahaha, ayaw mo pa ring mag give up ha"
"Ayaw pa rin Kuya Nate atleast kahit mag-fail ako I did my best at wala akong pagsisihan"..
"Oh siya hala andyan si Seb at Ty lapitan mo na.." Tulak ng marahan ni Kuya Gab.
At dahan-dahan akong lumapit kay Kuya Seb. Kahit papaano di gaya ng dati na tuwing lalapit ako kina Kuya Seb at Kuya Tyron na kinakabahan ako. Lately din napapansin ko kay Kuya Seb na di na sya ganun kasungit sa akin pero masungit pa rin sa akin ng slight lalo na pagkinukulit ko sya.
"Hi po Kuya Seb"..bati ko sa kanya at inirapan lang ako. O diba slight na lang pagsusungit nya sa akin.
"Ano po kasi bukas na deadline ko di pa rin po nagbabago isip mo po? Baka naman.."
"My answer stand still, it's a No"..
"Wala na po bang chance na magbago? Isang tanung lang naman po".
"It's a No and that is final and can you please move aside can't you see I'm busy"..
"Ok po Kuya Seb, sorry po sa istorbo" at malungkot na bumalik ako sa tabi nila Kuya Nate at Kuya Gab.
"So how was it?".. Tanong ni Kuya Nate.
"No pa rin Kuya pero atleast di tulad ng dati na laging nakasigaw"
"That's okay princess, lapitan mo na yung isa"..sabay turo ni Kuya Gab kay Kuya Tyron.
Dahan-dahan akong lumapit kay Kuya Tyron.
"Hi po Kuya Ty".. tiningnan lang ako at di sumagot.
"Ano po kasi try ko lang po baka po nagbago na ang isip nyo at pumayag sa interview. Isang question lang naman po".
"No".. sabay talikod sa akin
"Wala na po bang chance kuya?"
"No". Di manlang tumingin sa akin
Laglag ang balikat kung bumalik ulit kina Kuya Nate at Kuya Gab. Kahit di ako magsalita alam kong alam nila ang resulta.
"That's ok Cassie, you did your best naman"..alo ni Kuya Nate.
"Ok lang po ako Kuya from the start naman po alam ko naman po na mahihirapan ako atleast nga po nag ok po kayo ni Kuya Gab sa akin".
"What your plan na? Anyway, we told you naman na kami na kakausap sa kanila".
"It's ok Kuya Gab sabi nga ni Kuya Ty "NO" (sabay gaya ng boses ni Kuya Ty) and that is final (gaya naman ng boses ni Kuya Seb)." At sabay kaming nagtawanan na tatlo.
"Basta ha if you need help we're just call away"..
"Opo Kuya Nate"
"Don't forget ha, your still welcome here"
"Opo Kuya Gab at mauna na rin po ako baka ma-late ako pag-uwi mapagalitan pa ako sa amin".
"Ok mag-ingat ka pag-uwi balitan mo kami bukas ha at kaya mo yan"..
"Opo Kuya no worries, mauna na po ako pa ba bye po"..paalam na sabi ko.
Nagmamadali akong umalis dun. Ayaw kong makita ni Kuya Gab at Kuya Nate na naiiyak na ako. Kahit sabihin ko pa sa sarili ko na ok lang di ko pa rin maiwasan na malungkot at masaktan.
Gab POV
"Na-giguilty ako Nate, feeling di ko sya natulungan".
"Yeah ako rin pero hindi rin naman natin hawak yung decision ng dalawa".
"Yeah tama ka".
"Pero I think naman kaya naman ng bata natin matibay kaya loob nun"
"Yeah right, she's strong"..
Seb POV
"Hi po Kuya Seb"..
"Ano po kasi bukas na deadline ko di pa rin po nagbabago isip mo po? Baka naman.." patuloy na sabi nito
"My answer stand still, it's a No"..
"Wala na po bang chance na magbago? Isang tanung lang naman po".
"It's a No and that is final and can you please move aside can't you see I'm busy"..
"Ok po Kuya Seb, sorry po sa istorbo". Tiningnan ko sya habang pabalik sa pwesto nila Gab.
Half of me gusto ng pumayag pero ewan ko ba nagmamatigas pa rin ako kahit nakikita ko naman yung effort nya na makuha yung interview. Compare nung una na naiinis ako sa kanya makita ko palang pero lately nasanay na din siguro ako sa presence nya kaya nabawasan ang inis ko sa kanya. Bahala na, I stand my decision and it's a NO.
Tyron POV
"Hi po Kuya Ty".. naramdaman kung lumapit sa akin ang makulit na bubwit.
"Ano po kasi try ko lang po baka po nagbago na ang isip nyo at pumayag sa interview. Isang question lang naman po".
"No".. sabay talikod ko.
"Wala na po bang chance kuya?"
"No". Di tumitingin na sabi ko.
Ng umalis sya sa tabi ko saka ako tumingin sa kanya. Part of me wanted to say yes pero I value my privacy so much. Kahit papano nakikita ko naman yung effort nya makuha lang yung interview pero wali eh ayaw ko talaga.
"Grabe talaga kayo di na kayo naawa sa bata"..sabi ni Gab
"Yeah ang tindi nyo ah" dagdag ni Nate.
Nagtinginan nalang kami ni Seb pero di kami nagsalita.
Cassie POV
Kinabukasan kahit papano tanggap ko na magiging decision ni Ms. Frenchie I did my best naman.
"Oo ano kumusta kana, ready ka na ba mamaya?" tanong sa akin ni George.
"Oo ready na ako, I did my best naman pero wala talaga eh."
"It's ok naman at the end naman is you build friendship with Kuya Gab and Kuya Nate. Imagine it's Gabriel Earl Montenegro and Nathaniel John Vazquez" dagdag ni Sam.
"Oo nga Cass, I can't imagine na magagawa mo yun".. sabi ni Kath.
"Yeah Kath you're right"..
"Tama kayo, on a brighter side nagkaroon ako ng dalawang poging Kuya..hahahaha"
"Tama!" sabay ng sigaw ng tatlo at nagtawanan na kami.
After ng klase ko pumunta ako sa MPO Office para isubmit ang nakuha kung interview kina Kuya Gab and Kuya Nate.
"Hi po Ms. Pres and Ms. Frenchie".. bati ko sa dalawa.
"Hi Cassie, how was it? Did you get an exclusive interview with our very own young billionaires?" excited na tanong sa akin ni Ms. Pres.
"I'm sorry Ms. Pres and Ms. Frenchie si Gabriel Montenegro at Nathaniel Vazquez lang po ang nakuhanan ko ng interview at gaya po ng napagkasunduan isang tanong lang po. At saka po si Tyron Mondragon at Sebastian Garcia ilag po sila. They value their privacy so much po. Ito po pala yong ginawa kong manuscript at yung voice record ng sagot nila"..sabay bigay ng manuscript at flash drive na naglalaman ng record ng sagot ni Kuya Gab at Kuya Nate.
"Talaga! Out of 4 nakuha mong mapapayag ang dalawa?" Shock na turan ni Ms. Frenchie.
"Opo".. nagtataka kong sagot. Di ko alam kong bakit nagugulat sila.
"Oh my goodness, I can't believe it. You're something talaga. I like your guts"..sabi ng gulat din na si Ms. Pres.
"Ano po yun? Di ko po kayo maintindihan?" nagtataka kong tanong.
"Actually, kahit wala yung challenge we decided to accept you. Pero kasi we are curios kung hanggang saan ang kaya mo kaya we challenge you to have an interview with our very own young billionaires but for the record whether you can do it or not still your already part of the organization"..explain sa akin ni Ms. Pres.
"Talaga po pasok na po ako"..naiiyak kong sabi parang lahat ng pagod at hirap ko ng nakaraang isang buwan ay parang bulang naglaho.
"Yeah, we're very sorry to pressure you but on the brighter side we can't believe it. Sa lahat ng gustong mainterview sila wala silang pinagbigyan there are many tried their luck pero wala even me I tried it also pero masyadong silang ilag and they value so much their privacy".. sabi ni Ms. Frenchie.
"Yeah, even me I tried it also pero wala eh umuwi din akong luhaan"..pabirong sabi ni Ms. Pres.
"Talaga po? Actually, mabait naman po si Kuya Gab and Kuya Nate si Kuya Ty at Kuya Seb lang ang mahirap timplahin ang ugali"
"Gabriel and Nathaniel are nice compare the two but still hindi pa rin sila basta basta nagpapainterview"..natutuwang sabi ni Ms. Frenchie.
"Oo nga, grabe you're something talaga and by the way congratulation"..sabi ni Ms. Pres.
"Thank you po for believing in me".. mangiyak-ngiyak kung pasasalamat sa kanila.
Di ako makapaniwala na sa una lang pala tanggap na ako. Nagpapasalamat pa rin ako sa kanila na kahit mahirap yung binigay nilang challenge ay nagkaroon ako ng chance na mameet ang apat ng young billioaires. Di na ako makapaghintay na sabihin sa mga kaibigan ko ang magandang balita pati din pala kay Kuya Gab at Kuya Nate alam kong matutuwa sila. God is Good talaga always.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top