10 Nate


Cassie POV

After my class, pumunta na ako ng building ng nina Kuya Pogi. Tenixt nya ako kanina sabi nito kumpleto daw sila ngaun at chance ko ng simulant ang interview or should I say pangungulit. O diba close na kami ni Kuya Pogi. Kinakabanhan ako lumapit sa may receptionist.

"Hi Miss, good afternoon po" bati ko.

"Hi good afternoon, may I help you?"

"May schedule po ako ng interview kay Mr. Gabriel Montenegro"

"Ha! Are you sure Miss? As far as I am concern, hindi sila nagpapa-interview kahit kanino"..nagtataka sabi nito.

"Ha! Ganun po ba? Pero sabi ni Kuya Pogi ok lang naman daw"..nagdradramang sabi ko.

"Kuya Pogi?!, naku Miss wag mo akong pinagloloko hindi lang ikaw ang unang beses na nagsabi nyan" nagtaray na sabi nito.

"Pero sabi po ni Kuya Pogi, I mean ni Kuya Gab ok lang po. Ito nga po yung pass ni binigay nya po sa akin"..sabay abot ko ng pass sa babae.

"Wag mo akong pinagloloko baka scam ka lang"

"Hindi po Miss kahit tawagan mo pa sya"..

"Haynaku Miss, uwi kana" sabi nito bigla akong tinalikuran.

Bigla akong nanihimik di ko alam panu kumbinsihin ang babaeng ito.

"Miss, sige na please tawagan nyo nalang po si Kuya Gab kilala nya po ako." Pakiusap ko pa.

"Umalis ka na Miss bago ako tumawag ng guard"..

"Hindi po Miss nagsasabi po ako ng totoo mabilis lang naman pong tumawag dun"..

"Sige..sige tatawagan ko" nakukulitang sabi ng babae.

"Salamat ng marami po Miss"..natutuwang sabi ko.

"Hi Sir, good afternoon po. May naghahanap po sa inyo dito sa baba" sabay nito sa kausap sa phone.

"Yes sir"..anung pangalan mo Miss?" tanong sa akin

"Cassandra Buenavista" sagot ko naman.

"Cassandra Buenavista po Sir..ok po sir sabihan ko po..Good day and thank you po"..sabi nito sa kausap.

"Ok Miss pasok ka na daw"..nagtataka pang sabi nito. Di ata makapaniwala na pumayag silang magpa-interview di nya lang alam mamimilit pa lang ako. Hehehehe.

"Thank you Miss" tuwang-tuwa sabi ko.

Habang naglalakad papunta taas iniisip ko ng ang aking gagawin. Kinakabahang kinatok ko ang pinto.

"Hi Cassie!" nakangiting sabi ni Kuya Gab.

"Hi po Kuya Pogi"...bati ko naman.

"Galingan mo ha, wag kang matakot kay Seb"..pampalakas ng loob na sabi nya.

"Salamat po talaga ng marami Kuya Pogi"..

"Ok lang simulant mo na"..

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng tuluyan sa kwarto. This is it. Kaya ko to. Ng tuluyan ako pumasok hindi pa ako napapansin ng tatlo. Yung Tyron nakita kong tulala lang sa isang tabi habang si Nathaniel at Sebastian ay mukhang naglalaro.

"Good afternoon po sa inyo mga Poging Kuya?"..malakas na boses na sabi ko. My God, hindi ako makapiwala sa mga ginagawa ko parang hindi ako ganito.

Nagulat silang nagtinginan sa akin.

"Anu na naman ang ginagawa mo dito bata? Pinaalis kana bumabalik kana naman..nanlilisik ng mata na sabi ni Kuya Sungit.

"Ikaw naman Kuya Sungit este Kuya Sebastian, binisita lang po kita na highblood ka naman po" pabibong at feeling close na sabi ko pa.

"At sinong nagsasabing tumatanggap ako ng bisita? Hindi ko kailangan ng bisita umalis kana nang-iistorbo ka lang"..galit pa ring sabi nito.

"Kaw naman Kuya Sebastian actually si Kuya Poging Gab lang po binisita ko dinamay lang po kita"..di ko alam kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ko. Natatakot ako baka bigla na lang akong itapon nito sa bintana sa sobrang inis.

"So parang utang na loob ko pang dinamay mol ang ako bisitahin at sinong nagsabi sayong tawagin akong kuya bakit kapatid ba kita ha"..sigaw pa nito.

"Wala po. Rumirespeto lang po ako sa matatanda. Sa pagkaka-alam ko po 5 years po tanda nyo po sa akin kaya po kuya"..nang-iinis ko pang sabi. Ewan ko ba parang natutuwa pa akong inisin to.

"Aba't..sumasagot-sagot ka pang bata ka ha"...nangigil na sabi pa nito.

At narinig ko nalang na may nagtatawan sa likod ko. Pagtingin ko si Kuya Gab pala at yung Nathaniel.

"Oi tama na yan Seb, kaw talaga kahit sino na lang pinapatulan mo" awat ni Kuya Gab.

"Ayusin mo yan Gab ha at ikaw bata wag kang pahara-hara dito baka hindi kita matansya itapon kita sa bintana"..banta pa nito.

"Oi, awat na Seb! Come here princess" tawag pa sa akin ni Kuya Gab.

"Kuya Pogi, I'm not princess I'm Cassie"..

"I know, it' just and endearment you know"..sabi ni Kuya Gab.

Lumapit ako kina Kuya Gabriel at pinakilala niya ako kay Nathaniel Vazquez.

"Cassie, this is Nathaniel Vasquez..Nate this is Cassie" pakilala ni Kuya Gab.

"Hi po Kuya Nathaniel, pasensya na po kanina" sabi ko pa.

"Ok lang, nakakatuwa nga kayo ni Seb. Minsan lang din umingay dito"..sabi pa nito.

"Heheheheh..natatakot nga po ako kanina baka po biglang po akong suntukin nung Kuya Sungit nay un"..

"Hahahaha, you're so funny I like you na"..tuwang-tuwa pang sabi nito.

"Talaga po you like na Kuya Nate, so puede po kayong ma-interview kahit isang tanong lang po"..

"Woooh! Wooh!..Wait lang ha Cassie masyadong tayong aggressive hinay hinay lang" awat ni Kuya Nathaniel.

"Hahahahah.. I told you Nate"..tawang tawang sabi ni Kuya Gab sabay kindat ni Kuya Gab kay Kuya Nate.

"Sige na po Kuya Nate, isang tanong lang naman po tapos tapos na, isipin mo na lang na sa isang tanung na sinagot mo isang buhay na po ang nasagip nyo po."..

"Wait lang kasi ha, I'm a private person actually we are I private person. As much as possible, ayokong may lumalabas na mga write ups about me. And I want to be that way."..

"Kuya Nate please po, kailangan ko po kasi makapasok sa Media and Publication Org saying po kasi ang allowance po dun"..pagmamakaawang sabi ko.

"Anu kasi, pasensya na sweetheart"..

"Kuya Nate wag nyo naman po akong pahirapan gaya po ni Kuya Sungit, please po nagmamakawa po ako kahit anung iutos nyo po gagawin ko po"..pagmamakaawa ko pang sabi.

"Anu kasi..ahmmm"..

"Kuya Gab naman eh, sabi nyo ang bait po ni Kuya Nate sabi nyo pa sya pinakamabait sa inyo pero hindi naman po"..nagdradramang sabi ko pa.

"Oh, bat kasalanan ko pang ayaw ni Nate"..natatawang sabi ni Kuya Gab.

"Katulad pala sya ni Kuya Sungit masama ugali. Paano na lang ang kinabukasan ko. Mapapasama ko dun sa bilang ng mga out of school youth. Wala akong makukuha magandang trabaho magiging palaboy nalang ako o di magiging isang babae nalang akong mababa ang lipad o di kaya sa sobrang kahirapan ay tatalon nalang ako ng tulay"..pangongonsensya ko pa.

"Ok! Ok! Awat na tama, OA kana..payag na ako" natatawang sabi ni Kuya Nate.

"Talaga po ok na po pumapayag kana po. Binabawi ko na po sinasabi ko kanina. Ikaw na po talaga Kuya Nate ang pinakamabait po sa lahat"..tumatalon-talon ko pang sabi.

"hahahahahahah.."...di na mapigilang tawa ni Kuya Gab.

"Sabi ko sayo Nate mapapayag ka nito"...

"Hahahahaha..you're right" tawa din ni Kuya Nate. Parang sila lang ni Kuya Gab ang nagkakaintindihan.

"Anu po yun mga Kuya?..isama nyo naman po ako sa usapan nyo" singit ko sa dalawa.

"Haynaku Princess awat na masama na tingin sa atin ni Seb" sabi ni Kuya Gab.

"Mga Kuya anu po pla problem ani Kuya Sungit bat po sya laging ganyan? Broken hearted po sya? Nagtatakang ko pang sabi.

Sabay na nagtawan pa yung dalawa.

"Hahahaha..Hindi naman di pa na-iinlove yan. Sadyang masungit lang talaga yan." Sabi ni Kuya Nate.

"Naku Princess, hinay-hinay ka kay Seb at sinasabi ko mahihirapan kang talagang makakuha ng interview kay Seb"..

"Eh!!! Anu po gagawin ko po feeling ko po kahit po lumuha po ako ng dugo susungitan pa rin po ako nyan."

"Yeah, sa amin kasi sya yung tipong pag-ayaw ayaw talaga"

"Pero kaya ko to mga Kuya tiwala lang pero mga Kuya may isa pa akong problema"

"Anu yun?" tanong ni Kuya Nate.

"Di ko po alam panu po lalapitan po sya" sabay turo ko kay Tyron na nakatingin lang sa labas ng bintana at walang pakialam sa nangyayari sa isang tabi.

"Yun lang, kung si Seb ay dakilang masungit yang isa naman yan isang dakilang snobero" saad ni Kuya Gab.

"Natatakot po akong lumapit sa kanya"..

"Sa susunod nalang ng mga araw mo sya lapitan wag muna ngayon" sabi ni Kuya Nate

Nagtataka akong tumango sa kanila ng biglang akong may naalala.

"Pero mga Kuya bago tayo magkalimutan ang interview ko muna"..pabibong sabi ko.

"hahahahahahah...ang sigurista mo talaga"tawang-tawang sabi ni Kuya Gab.

"Naku, mahirap na baka magbago bigla isip nyo."

"Hahahahaha....Sure sure let's start na..isang tanong lang ha"..paniniguradong sabi ni Kuya Nate.

"Isang tanong lang Kuya promise" pangako ko pa.

"Ok game!"....

At isang araw na naman ang natapos na may magandang nangyari. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala nga nakakausap ko sila Kuya Gab at Kuya Nate. Ang matindi pa ay nakakaya ko pang makipag-biruan sa kanila. Sana magtuloy-tuloy na ang mga magagandang pangyayari sa buhay ko. Tiwala lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top