1 The Beginning
"Nay Sena, tingin nyo po ba payagan po ako n mommy mag-aral sa Montenegro University?" tanong ko kay Nanay Sena.
"Oo naman anak papayagan ka naman suguro nun..pero alam mo anak proud na proud ako sayo akalain mo bang nakapasa ka sa scholarhip nila"
"Oo nga po Nay Sena di po ako makapaniwala" sagot ko naman.
"O sige iha puntahan muna Mommy"
"Salamat po Nay Sena puntahah ko na po siya" paalam ko.
Dali-dali ako pumunta sa kwarto ni Mommy. Pilit na nilalakasan ko ang loob, puno ng takot at kaba ang pakiramdam ko habang kumakatok ng pinto.
"Sino yan?". Tanong ni Mommy
"Mom, it's me Cassie" sagot ko at diretsong bukas ng pinto.
"Anong kailangan mo? I'm busy" sagot niya habang nakatutok ang mata sa laptop.
"Kasi po mom, magpaalam po sana ako mag-enrol sa Montenegro University ngaun pasukan" kinakabahan kong sagot.
"Anong kalohan yan? Sa MU pa talaga ang taas din naman ng pangarap mo? May pera ka ba?"
"Mom, nakapasa po kasi sa scholarship program po nila wala po kayong gagastusin sa tuition at may allowance din po silang binibigay". Sagot ko na naman.
"Diyan ka nalang sa may TESDA kumuha ka nalang ng vocational course wag ka nang mag-ambition sa MU" di man lang tumitingin sa akin na sagot niya.
"Pero Mom wala naman po kayong gagastusin sa pag-aaral ko" nanginginig na sagot ko.
"Ang tigas ng ulo mo pag-sinabi kong hindi, HINDI! Naiintindihan mo ba o kailangan ko pang isaksak sa kukote mo" pasigaw na sabi nya.
"Pero Mom.....pak!". naluluhang hinawakan ko ang aking mukha ramdan ko ang bigat ng kamay ni Mommy.
"Lumabas kana umiinit ang ulo ko sau pahirap ka talaga sa buhay ko"
Marami pa akong gusting sabihin pero walang lumalabas sa bibig ko. Inaasahan ko na ang pagtanggi ni Mommy pero bakit masakit pa rin. Bakit palagi akong umaasa alam ko naman ang magiging resulta. Umiiyak akong nagmamadaling lumabas ng kwarto.
"Ay kawawa naman ang bata nasampal!" pangungutya ni Chylsea ang ate kong walang ginawa kundi pahirapan ako.
Di ako nagsalita tiningnan ko lang siya. Ayaw ko syang patulan kasi ako naman ang pagagalitan pag sinagot ko sya. Sa mata ni Mommy kahit wala akong ginagawa ako lagi ang masama.
"Lalaban ka". Sabay hila ng buhok ko.
"Hindi po ate, tama na po masakit po"
"Diyan ka na nga" sabay tulak sa akin.
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto. Bakit lagi nalang ganito. Hirap na hirap na ako. Siguro nung naghulog ng kamalasan gising na gising ako at madami akong nasalo. Mula simula hindi ko naramdaman na minahal ako ni Mommy. Dati hindi ko maintidihan yung trato nya sa akin. Laging kung tinatanung si Nanay Sena kung bakit magkaiba yung trato sa amin Ate Chylsea. Si Ate laging may bagong damit at laruan. Sa pagkakaalaala ako never pa akong binilhan ni Mommy ng ganun. Konti pagkakamali sampal at sabunot agad ni Mommy ang nararamdaman ko. Hindi din ako sabay kumain sa kanila. Pag may party sa bahay bawal akong lumabas. Pag may nagtatanong kung sino magulang ko bawal ko ding sabihin. Pag nagbabakasyon sila hindi din ako kasama. Tinanong ko din dati si Nanay Sena kung bakit bawal kung tawaging Daddy si Tito Eduardo at bakit hindi Buenafe ang gamit kong apelyido. Masyadong daw pa akong bata para maintinduhan ko, laging yan ang sagot sa akin ni Nanay Sena. Hanggang isang araw, naiintindihan ko nalaman ko lahat sa masakit na paraan.
"Sinabi ko sayo na wag mong papakialaman ang gamit ng ate pero ang tigas ng ulo mo" pinapalo akong sabi ni Mommy.
"Tama na po Mommy, di ko po sinasadya di ko na po uulitin"..umiiyak kung sabi habang nakikita ko sa may gilid si Ate Chylsea.
"Lagi po syang ganyan Mommy, sinisira na nya po mga laruan ko po, siguro naiingit po sya sa akin" nangagatong pang sabi ni Ate.
"Kelan kang magtatandang bata ka, hindi ka makontento sa kung anu binibigay sau" patuloy na sabunot at sampal ang ginagawa sa akin ni Mommy.
"Marcela, tama na nasaktan ang bata"..saway ni Tito Eduardo.
"Tama na po Mommy masakit po"..halos wala ng boses na sabi ko.
"Hindi para magtanda kana". Dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko sinubukan kong makawala kay Mommy ng aksidente ko syang matulak.
"Ingrata kang bata, wala kang galang"
"Marcela, anu bat ama na" sabay hawak ni Tito Eduardo kay Mommy.
"Bakit ganun po Mommy laging nalang po ako may kasalanan lagi pong akong mali kahit wala po akong ginawa masama. Laging si Ate Chylsea nalang parati, anak nyo din po ako"..di ko maiwasang isumbat kay Mommy yung sama ng loob ko.
"Hindi kita anak! Anak ka ng demonyo. Naiintidihan mo ba, anak ka ng demonyo! Ng Hayop! Kahit kailan hindi kita tinuring na anak. Kinamumuhian kita, pag nakikita kita naalala ko lahat ng pangbababoy ng hayop na tatay mo sa akin. Nagsisisi ako't binuhay pa kita. Sana Nawala ka nalang.
"Marcela, sabi ko tama na!. Chylsea, dalhin mong Mommy sa taas" utos ni Tito Eduardo kay Ate Chylsea.
"Yes po Daddy". Sabay tingin ng matalim sa akin.
Nang makalayo na sila. Kinarga ako ni Tito Eduardo sa may hardin.
"Pagpasensyahan mo na Mommy mo ha".
"Tito Ed, totoo po ba sabi ni Mommy na anak po ako ng demonyo? Kaya po ba ayaw ni Mommy na tawagin po kitang Daddy?. Umiiyak na tanong ko.
"Makinig kang mabuti Cassandra minsan ko lang tong sabihin".
"Nung mag-isang taon ang Ate Chylsea, dinukot ng Mommy mo ng dati niyang manliligaw. Hindi kasi nito matanggap na ako ang pinakasalan ng Mommy mo at masaya kaming nagsasama bilang isang pamilya. Tatlong araw nawala ang Mommy Nakita na lang naming sya sa ospital na puro pasa ang katawan at halos hindi na makilala ang mukha. Tuwing magigising ang Mommy lagi syang nagwawala halos hindi naming sya makausap. She suffered from breakdown. Nightmares from nightmares at wala akong magawa. Mas lalo iyong lumala nang magbunga ang panggagahasa sa kanya.
"At ako po ba yun?" Nasasaktan kong tanong.
"Oo ikaw iyon, sinubukan ng Mommy na na ipalaglag ka pero sinabi kong iiwan ko sya pag ginawa nya kaya hindi na nya tinuloy. Pinagpatuloy nya ang pabubuntis sau ng labag sa kanya. Pero habang lumalaki ka nakikita ko ang sakit sa mata ng Mommy. Pag sinusubukan kung magpakita ng mapalapit sau nakikita kung yung pagdaramdam ng Mommy mo kya pinipigilan ko ang sarili ko. Sobrang mahal ko ang mommy kaya lahat ay gagawin ko para sa kanya. Na giguilty ako kasi hindi ko manlang sya naprotektahan sa ama mo."
"Galit din po ba kayo sa akin?"
"Hindi ako galit sayo. Ito ang lagi mong tatandaan wala kang kasalanan sa nangyari pero patawarin mo ako kung hindi kita maipagtanggol sa mommy. You see I love her so much and I choose her over everything at ayaw ko na syang masaktan ng paulit-ulit".
"Naiintindihan ko po at sorry po sa lahat". Umiiyak pa rin kung sagot. Sa isip ko, tinatanong ko sa sarili ko, pano naman ako.
Nung time nay un para akong sinampal ng katotohanan sobrang sakit at hindi ko maintindihan pero tinanggap ko nalang sa sarili ko ang katotohanan. Pilit na inintindi ang lahat pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na matutunan din akong mahalin ni mommy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top