Ms. Clumsy meets Mr. Perfect [7]



Raye

minsan mas okay talaga na mag-isa ka lang kesa merong kasama, minsan kasi hindi tanggap ng kasama mo kung sino ka talaga, minsan naman may kasama ka pero parang wala rin.

*15 text messages received

"wanna join me tonight?" -unknown

"Date tayo please? " -unknown

"Raye can you be my date for the next exhibit?"- unknown 

"pogi mo idol, palike naman ng dp ko sa fb :D" - unknown

"wanna be my Mr. Right? ;) " - unknown

at marami pang walang kwentang mensahe ang kanyang natanggap, napabuntong hininga nalang siya sa mga nabasa niya.

"palagay mo Shiro, sino naman kaya ang kumuha at nagkalat ng number ko this time?" tanong niya sa kanyang alagang Pitbull

"Aff aff" natawa siya ng marinig niya ang sagot sa kanya ng kanyang alaga, naisip niya na minsan talaga mas okay pa na aso ang kasama kesa sa taong ugaling aso.

tanging ang alaga ni Raye na si Shiro lang ang kasama niya sa isang maaking bahay, ang ina at kapatid neto ay nasa ibang bansa, ayaw niya rin naman na kumuha ng katulong kasi kaya niya naman gumawa ng gawaing bahay at magluto.

pumunta siya sa isang kwarto kung san punong puno ng mga litrato, mahilig siyang kumuha ng mga larawan kaya minsan napapasali siya sa mga exhibit sa kanyang edad, habang pinapatuyo niya ang isang larawan, tiningnan niya to ng mabuti dahil may ibang nakuha ang lente ng kanyang camera.

pumunta siya sa kusina at tsaka nagluto ng Tinola, mahilig siya sa mga pagkaing may sabaw, inihanda niya naman ang pagkain ni Shiro dahil kasabay niya ito sa pagkain. matapos maluto ay kumain na ang dalawa.

Kinabukasan

"Ui tina may bago tayong teacher?!" pambungad na balita ni Jake sa kakagising este kakapasok palang na si Tina

"ha?! bakit?" medyo naaalog-alog pa ang utak ng dalaga dahil sa mga nangyari kagabi

"I mean may bago tayong teacher sa school balita ko magiging teacher daw natin siya " pagkasabi niya  eh parang nagulat si Tina kasi wala namang nababanggit sa kanya ang kanyang ama na mayron silang bagong teacher, pero napaisip din siya kasi naalala niya na wala nga pala siyang pakealam sa pamamalakad ng kanyang ama sa eskwelahan kaya napakamot siya sa ulo.

"guys speaking off andian na ata " at ayun gumrand entrance na nga ang pinag-uusapan nila.

"ok good morning sa inyong lahat i'm Mr.Makatakot!" panimula ng bago nilang guro nang biglang nagtawanan ang mga estudyante. at may biglang sumigaw ng

"bakla si sir! "

"OO bakla ako pero kahit bakla ako maganda ako eh kayo maganda ba kayo?! " asar na sabi sa kanila ng bago nilang guro

"eh sir hindi naman kasi kami bakla kaya hidi kami maganda hahaha! "pamimilosopo sa kanya nung estudyante

"ah ganun. by the way ako ang teacher niyo in English kaya umayos kayong lahat kung ayaw niyong bumagsak in my subject " pagbabanta neto sa mga estudyante habang nakataas ang isang kilay.

"oo nga noh galingan nating lahat :)) balita ko kuripot daw magbigay ng grades yan eh sabi sa reviews na nabasa ko mula sa ibang students sa school kung san siya nanggaling." ayun at nagbigay naman ng encouragement words tong si Benz.

"ah ganun ba" samantalang eto lang ang nasagot ni Tina

"oh my gad! teacher natin ka federation ko aahhaha!! first time i really love him? o her ano kaya dapat? ah ewan pinag isip pa ko" bulong neto sa sarili

" by the way first project niyo saken is role playing kayo na bahala mag-isip ng kwento ilagay niyo ang pangalan niyo sa index card tapos ay tupiin ito at ipasa sa harap, In 5,4,3,2,1 times up ang mga di nakapag pasa..walang group bahala kayong magsolo" matapos ay inayos niya ang mga index card na napasa sa kanya at isa isang bumunot.

"Samantha, Duke, Sendy, Potie, Ferdinand, Leo, Earie, Pattie, Sansrival, at Paseo kayo ang first group.  Benz ,Jake,Tina ,Tiffy, Raye, Jerry, Kent, Yen,Desiree and Ram kayo ang second group. Watty, Kenzo, Dave, Filo, Xavier, Danielle, Kiff, Queen, Vexie, Joane group 3 , so papaalala ko lang na 5 subjects ang related sa project na ito so once you fail this play, you'll also fail you're 4 related subjects, you'll be given 4 months of preparation so you have no excuse to fail this one. I expect nothing but perfection so please do your best, as of now you may take your break .

"woohh buti nagbreak din kahit ka federation ko siya di siya ganun ka nice." buntong hiningang sabi ni Jake.

" pero buti na lang magkakagroup tayo diba wait asan nga pala si Tina?" pagtatanong naman ni Benz kasi nawala sa paningin nila si Tina

"ayun oh! kinakausap si Raye" sinasabi niya to habang nakaturo naman kay Tina na pansamantalang numininja moves kay Raye

" mag....mag...ka group pala tayp" nauutal-utal na sabi ni Tina, panong di mauutal-utal eh kaharap niya ang taong matagal na matagal na niyang gusto

"tapos?" sagot naman ni Mr. suplado

" kailangan nating magpractice." wala eh in-love eh syempre gagawin lahat para lang mapahaba ang conversation.

"sabihin niyo na lang saken kung kelan " yun lang ang nasabi niya

"ah ok:)" tapos dali-dali siyang lumapit kela Jake halos mapunit ang kanyang labi sa kakangiti niya.

"YES! ka group naten si Raye!" excited na pagbabalita niya sa mga ito

"hindi naman halatang gusto mo siyang maging ka group eh noh?" sagot naman ni Benz sa balita ni Tina.

" kagrupo nga naten siya eh ka group naman naten si Palaka" eh kasi nga kagrupo nila yung mortal enemy niya kaya ayun di siya masyadong excited

"oo nga noh Jake pumunta ka sa bahay namen mamaya pag-uusapan naten yung mangyayari sa play kasi yung iba nating ka group parang walang pakialam" pag aalala ni Tina

"sige ,sige pero kailan yung first meeting natin with them saan?"takang tanong ni Jake

"siguro dun na lng muna sa bahay namin." sagot naman ni Tina

"ok." reply ni Jake

"teka pwedeng sumama mamaya? wala naman na kasi din akong gagawin i want to help" pagpapaalam ni Benz

" oo naman Benz ano ka ba :)" Oh well di halatang ganun siya kasaya 

"look at this disgusting guy here" napadaan na naman si Tiffy kung nasan sila Jake

"haha thanks ;) and correction I'm not a guy, em e gerl" sabay hagalpak sa kakatawa, naasar na naman si Tiffy dahil naalala niya na naman ang nangyari kahapon kaya umalis na din siya agad

"thank you san?" tanong ni Benz

"wag ka magselos bebe ko di ako pumapatol sa palaka" tawang tawang sabi ni Jake

then after the class pumunta agad sila sa bahay nila Tina at nag-usap usap kung ano ang unang step na gagawin nila.

"i miss this place." nabanggit na sabi ni Benz

"onga pala Benz you used to be here noh?" pagsasabi ni Jake

"yah naglalaro kami ni Tina haha childhood days" sabi nito matapos ay uminom ng coffee.

"guys! may naisip nako :D" masayang sabi ni Tina

"ano yun? " tanong ni Jake

"how about sa sat magmeeting tayong lahat para mapag usapan ng maayos to?" nakangiting sabi ni Tina

"ano ba bes kala ko naman may idea ka na kaloka ka hahaha!" natatawang sabi ni Jake

"sige sige mas okay yun atleast diba kasama yung iba, mapagsasama sama natin yung mga ideas natin." pag sang ayon naman ni Benz

"o ano pang ginagawa namin dito alis na kami" sabay pulupot ni Jake sa braso ni Benz.

"actually" may ssabihan pa sana si Benz kaya lang di niya na natuloy kasi hinila na siya ni Jake, kumaway nalang siya paalis kay Tina.

Saturday

nagpadala ng message si Tina na dun magmemeeting sa bahay nila at nakalagay na dun ung address nandun na ang lahat pero si Raye ay naligaw. lumipas ang oras Kumpleto na ang lahat siya wala pa rin, text sila ng text kaso di naman siya nagrereply

" manong tama po ba tong address na nakalagay dito?" tanong ni Raye sa isang di kilalang lalaki, di alam ni Raye na yung manong na kinausap niya eh tatay ni Tina na si Danny at yun na mismo ung bahay nila , masyado kasing Malaki kaya hindi niya nalaman na nasa loob na siya ng hardin nila Tina.

"oh di ko rin alam ijo eh bakit?" pagpapanggap ni Danny.

"may meeting po kasi kami dun eh"

"gusto mo samahan mo nalang ako ijo miss ko na kasi ung anak kong lalaki eh medyo matagal ko na ring di nakakasama yun magkasing edad lang ata kayo nun eh ano pwede ka ba?" tanong ni Danny dito

"ok lang po manong, di pa naman po ata seryoso yung meeting namin eh." oh well pumayag nalang siya sa kadahilanang tinatamad siya oo pinoy na pinoy talaga yung character niya 2 kasi anak ni Danny Si Tina at Tom, si Tom kasi ay nasawi na kaya hindi na niya nakakasama sa kwento niya naantig si Raye kaya naman pinagbigyan nalang siya neto kasi naawa siya sa matanda. pumasyal sila mall , park, zoo, arcades at kung saan-saan pa dala naman ni Raye ang sasakyan niya kaya okay lang at last napagdesisyunan nilang kumain sa isang resto.

" alam mo ang saya mo kasama , natutuwa ako sayo ijo, sana mameet mo yung anak kong babae ang gusto ko lang naman kasi ay makakita siya ng lalaking para sa kanya yung parang ikaw "gusto niya na kasing magkaboyfriend si Tina kaya binubugaw na niya haha!

" ahaha! ah sige po mauna na po ako ah sana magkita pa po ulet tayo." Ani ni Raye magaan ng loob niya kay Danny kasi wala na rin siyang ama nasa langit na rin kagaya ng anak ni Danny na si Tom.hindi niya kilala kung sino ang ma-ari ng eskwelahan sa mukha, alam niya lang ang pangalan kaya hindi niya alam na kausap niya to. Kita sa mukha ni Danny ang kasiyahan niya dahil sa pagsama sa kanya ng binata

"sana talaga magkakilala kayo ni Tina" bulong neto sa sarili habang pinagmamasdan ang binata papalayo mula sa table nila.

______________________________________________________________

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top