Ms. Clumsy meets Mr. Perfect [6]
nang nasa bahay na si Tina agad syiang pumunta sa kwarto niya para magbihis nang mapansin niyang nawawala ang pendant niya.
"hala! yung pendant ko nawawala?! " sigaw neto na rinig sa buong bahay nila, yung pendant na yun ay bigay sa kanya ng kanyang ina yun ang pinakamahalagang regalo ng kanyang ina para sa kanya kaya naman iniingatan niya to kaso nawala kaya naman agad tumawag si Tina kay Jake.
"RRRRIIIINNNGGGGG!!!"
" hello,speaking?" malumanay na sagot ni Jake sa telepono na akala mo eh nasa call center
"nawawala ung pendant ko!" sigaw neto
"teka makasigaw ah anong pendant?"
"OO ung pendant na bigay ni mama ko nawawala!"
" baka naman nalaglag sa school eh napaka clumsy mo pa naman alalahanin mo baka may nakabangga ka" nang walang anu-ano'y naalala ni Tina yung taong nakabangga niya nung nakaraang araw na di naman niya nilingon kasi sobrang nagmamadali na siya
"oo nga may nakabangga ako nung nakaraan pero di ko nakita mukha niya kasi nagmamadali ako eh"
"yun lang , pano na yan ngayon?" balik na tanong sa kanya ni Jake
" hhhuuhhuuuhhhuuu!!!!" ayan at nagsisimula na siyang humagulgol
"huy wag ka ngang umiyak!" pagpapatahan naman ni Jake sa kanyang bestfriend na tatangaa-tanga.
"eee" pag-iinarte neto
"eh kasalanan mo naman yan eh! napaka eng eng neto! pumunta na lang tayo sa manghuhula tanong naten kung nasan" pagbibiro ni Jake kay Tina
"tara!" sagot ni Tina na ikinabigla naman ni Jake kasi nagbibiro lang siya.
"teka nagjo-joke lang ako!" pagbawi ni Jake sa sinabi neto.
" tara na!" seryosong pagyayaya naman sa kanya ni Tina
"ngayon na? ang haggard haggard ko ngayon kakauwi ko palang burado na nga kilay ko bes eh tapos pag uwi ko yayayain mo ko lumabas? you're so "
"ano? ituloy mo yang english mo ah"
"joke lang eto naman , susunduin mo ko? seryoso ka talaga? nagtatakang tanong ni Jake
"oo susunduin kita diyan antayin mo lang ako paalis na ko " nagamamadaling Lumabas si Tina nang makita naman ni Danny ang anak niya na kumakaripas ng takbo
" san ka pupunta?" tanong neto sa anak
"magpapahula po bye " at di na nga siya nakapagsalita dahil nakalabas na ang anak.
" magpapahula? teka ingat anak!" pagpapaalala niya sa anak.
*nang makarating na sila sa manghuhula.
"sino ba ang magpapahula sa inyo?" tanong sa kanila ng manghuhula,
"guess who?" pang aasar ni Jake
"di mo ba alam na sideline ko rin mangulam?" pagbabanta ng babae sa kanya parang nakita na ni Jake yung babae pero di niya lang maalala
" yung bestfriend ko po kayo naman di na mabiro haha" sagot naman ni Jake.
"hindi po unahin niyo na po si Jake " ayan nahiya na naman si Tina kaya nadamay na naman si Jake,
"lumapit ka dito ijo " bulong ng matanda..
"i'm not ijo i'm ija can't you see? dami ko pang bling bling tapos sasabihan mo kong ijo " pagtataray naman neto sa manghuhula.
" wag kang choosy! lumapit ka " sabay hila sa kanya ng matanda
"o" sobrang lapit niya na sa manghuhula
"anong gusto mong ipahula?"
"oh eh di ba mo manghuhula ka, edi hulaan mo"
"hindi ako nakikipagbiruan sayo tilapia ka kukuamin talaga kita." sabi ng manghuhula dito
"sa lahat ng itatawag saken tilapia talaga lovelife ko na lang po manang "
" nakilala mo na siya " sabi neto habang binabalasa ang hawak niyang baraha
" ang boylet po?" sagot naman ni Jake.
"HOPIA to syempre ang babaeng makakatuluyan mo" nagtinginan si Jake at Tina..
"eeeewwww as in very eeeewwwww" yan lang ang nasabi nilang dalawa,
"ikaw ija." sabay turo naman neto kay Tina
"baket ho?"
" ang dalawa."
"dalawa ho?" ulit ni Tina sa sinabi ng manghuhula
"oo dumating na ang dalawang lalaki sa buhay mo."
"eh hindi naman po yan ung itatanong ko ee"
"oo pero ang dalawang lalaking ito ay ang taong mamahalin mo ang isa nakatadhana para sayo at ang isa ay ang magiging asawa mo kung hindi ka mag iingat sa mga desisyon mo pareho silang dalawa na mawawala sayo"
"hindi po ba sila iisang tao lang." pagtatanong neto sa manghuhula na grabe kung makatitig sa kanya.
"Hindi kung sino ang magbabalik sayo ng Pendant na nawawala siya ang taong nakatadhana para sayo at ang taong nagpaparamdam sayo ngayon ay ang taong mapapangasawa mo."
"nagpaparamdam? multo po ba siya?" takot na tanong ni Tina
"hindi! niloloko mo ba ko?! basta sa palagay ko nagsisimula na siyang magparamdam sayo."
"hala ka sis." pananakot naman neto kay Tina
"ee tinatakot niyo naman ako niyan eh pero mababalik pa ba saken ung pendant ko?"
"malamang yung nakatadhana nga sayo ang magbabalik diba makulit lang? kelangan paulet-ulet? di makaintindi?" nakulitan na ang matanda sa laging pag uulit ni Tina haha
"pero gusto ko lang sabihin sa inyo na, madali magmahal, mahirap sumugal." yan ang sinabi ng manghuhula matapos ay tumirik ang mata nito at nakatulog
"hala! manang! manang!" paggising ng dalawa sa manghuhula
"naku ni di pa nga tayo nakakapagbayad eh" sabi naman ni Tina
"bes mag iwan nalang kaya tayo ng pera dito mukhang sa hilik niya sa susunod na araw pa siya magigising eh wala tayong dalang tent para dito magcamping " sabi nito sa kaibigan.
"sige sige" matapos ay nag iwan na sila ng pera at note para sa manghuhula, matapos neto ay umalis na sila at sumakay na sa sasakyan ni Tina
"alam mo bes ang weird nung manghuhula" sabi ni Jake sa kaibigan
"onga feeling ko rin" sabi naman ng dalaga sakanya
"namumukhaan ko siya eh pero di ko alam kung san ko siya nakita." inaalala ni JAke kung san niya nakita ang mukha ng manghuhula at hindi ito mapakali
"jake baka siya siya yung sinasabi niyang the one mo XD" tawang tawa si Tina habang nagmamaneho
"ah nawawala ang pendant! :P" agad namang naiba ang emosyon ni Tina
"ikaw naman di ka na mabiro." sabi nito sa kaibigan matapos ay inihatid na nito si Jake sa kaniang bahay matapos ay umuwi na rin si Tina sa bahay nila upang makapagpahinga, pagdating niya ay tulog na ang kayang ama.
_____________________________________________________________________
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top