Ms. Clumsy meets Mr. Perfect [12]
"aw aw aw" bati ni Shiro habang dumidila pa sa amo na kakagising lang
"haha oo na oo na babangon nako ah" matapos ay bumangon na at inihanda ang pagkain ng kanyang alaga at naghanda na para maligo.
Matapos niyang maligo ay napansin niya na may tao sa tapat ng bahay niya, nakita niya kasi ang monitor ng cctv. Nagbihis muna siya , suot niya ang uniporme ng St. Anthony inihanda niya na din ang pagkain ni Shiro para sa tanghali at hapunan kung sakaling ma late siya ng uwi, matalinong aso si Shiro kaya alam niya na rin kung pano magpigil kumain at magtira para mamaya. Pinuno niya ang lagayan ng tubig ni Shiro, inayos ang higaan matapos ay dumiretso ng kusina.
Kumuha siya ng bawang at sibuyas matapos ay pinrito ito, sinamahan niya ng kanin at itlog. Matapos niyang maluto ang sinangag ay nagluto naman siya ng sausage. Inihanda niya na ang lamesa para sa umagahan niya.
"pwede bang makikaen?" nagulat si Raye sa nakita, yung matandang nakasama niya nung nakaraang araw
"nandito po kayo?" yan ang unang tanong ni Raye
"ahm gusto ko sana magpasama sayo ulit mamayang lunch eh , birthday kasi ngayon ni Tom, yung anak kong lalaki." Sabi nito ng may lungkot sa mga mata
"kung itatanong mo kung pano ako nakapasok , kanina kasi maghihintay lang ako dapat sa labas, bumili lang ako ng kape saglit dun sa may tindahan matapos eh may nakita akong babae na nakahoodie na itim, nakasalamin , at nakabota. Binubuksan niya ang bahay mo kaya naman nagpanggap akong Tito mo sabi ko kung ano ang kelangan niya, pero di na sumagot yung babae, tumakbo na ito papalayo. Maghihintay lang sana ako ulit ng mapansin ko na bukas ang gate mo. nahulaan niya yung password mo kaya naman pumasok nako, may cctv k aba dito?" pagkukwento ni Danny sa binata
"meron po" matapos eh tinuro niya yung daan sa monitor, nireplay ni Danny yung oras na nagpunta ang babae, at totoo nga ang sinabi niya pero laking gulat nila na blurred ang babae sa video, tila baa yaw magpakuha sa camera.
"di kaya naedit niya na rin ang settings ng camera mo?" taking tanong ni Danny
"naku salamat po sa ginawa niyo ah" pagpapasalamat ni Danny, lumapit naman si Shiro at tila nagustuhan si Danny
"ikaw lang mag isa dito?" tanong niya sa binata
"ah opo si Shiro lang po ang kasama ko dito" matapos ay pumunta siyang kusina at kumuha pa ng isang set ng plato at baso.
"kain ho muna tayo." Matapos eh umupo rin naman si Danny at sabay silang kumain
"sarap mo magluto ijo ah." Bati ni Danny sa luto ni Raye
"naku simple nga lang ho yan eh " nahiyang sagot ni Raye
"magaling ba magluto ang magulang mo?" tanong nito
"si mama po mahilig magluto" matapos eh napatingin siya sa direksyon kung nasan ang larawan ng kanyang ina kaya naman napatingin rin si Danny.
"mana ka pala sa kanya." Matapos eh ngumiti ito sa binata
"naalala ko po birthday pala ngayon ng anak niyong lalaki, sinabi niyo po nung nakaraan na naalala niyo siya kasi malapit na kaarawan niya, pupuntahan niyo po ba siya?" tanong ni Raye sa matanda
"ahm gusto ko sana magcelebrate kaya lang mag-isa lang naman ako, pwede mo ba akong samahan? " tanong nito
"ah opo naman, wala din naman sigurong gano gagawin ngayon sa school kaya po masasamahan ko po kayo" matapos eh ngumiti ito sa matanda
"naku salamat ijo ah masaya ako at nagkakilala tayong dalawa " masayang sabi ni Danny
"aw aw aw" masiglang sagot naman ni Shiro
"hahaha!" at nagtawanan ang dalawa.
Harbor View Resto
Raye
"order ka muna ijo ah" di maalis sa mga ngiti ng matanda ang kanyang mga ngiti sa pagsama ko sa kanya , kaya naman masaya rin ako at napapsaya ko siya, sa totoo lang naalala ko sa kanya ang ama ko, kung di lang sila naghiwalay ni mama siguro katulad niya di rin maalis sa labi ko ngayon ang mga ngiti na nawala simula nung araw na iniwanan niya kami ni mama.
"naku sige po okay lang ako may inaantay po ba kayo?" kasi napansin ko na parang di siya mapakali eh, lagi niyang tinitingnan ang bawat babaeng dumadaan
"ah oo yung anak kong babae " ah kaya pala
"oh alex?" rinig kong sabi ng matanda since tinitingnan ko rin kung ano ang masarap kainin ditto sa resto nato di nako lumingon
"boyfriend ko dad" narinig ko ang boses ng isang babae, pakiramdam ko narinig ko na kung saan ang boses niya, umupo ang kanyang anak sa tabi niya at naramdaman ko rin na may umupo sa tabi ko, yung boyfriend niya. Nakayukong umupo ang anak niya.
"Raye?!" ng iniangat niya ang kanyang mukha, naalala ko siya nga pala ang kaklase ko si Christina, medyo nagulat din siya di niya rin siguro alam kung bakit ako kasama ang matanda.
"magkakilala na kayo?" tanong ng matanda samen iimik sana ko pero nauna na siyang magpaliwanag
"kaklase namin siya dad" pagkukwento ni Christina sa sitwasyon
"hi." Bati naman nung transferee saken, Benz ata pangalan niya
"dad?" natanong ko, bakit pa nga ba ko nagtanong eh mukhang siya nga ang anak ng matanda kasi magkamuha talaga silang dalawa.
"siya yung anak ko ijo, at ito naman ang bestfriend niya, ay boyfriend na pala si Benz nasanay kasi ako na magbestfriend lang sila eh" pagpapakilala niya saken sa anak at sa nobyo nito.
"Danny nga pala "pagpapakilala niya saken, ngayon lang siya nagsabi ng pangalan niya, hindi ko rin natanong dahil nakalimutan ko, ang gaan kasi ng loob ko sa kanya eh
"so nung" kumindat siya saken, ah baka hindi niya naikuwento sa anak niya na magkasama kaming dalawa nung araw na dapat magmeeting kami about dun sa gagawin naming project
"ay di ko pa pala natatawag ang waiter noh" matapos eh tinaas niya ang kamay niya at lumapit na ang staff samen
"ano pong order nila sir?" tanong nito
"Mr. Montenegro." Yan lang ang sinabi niya matapos ay nagsunuran na ang iba't ibang kasle ng pagkain sa harap naming, pakiramdam ko alam niya na na sasama ako sa kanya kanina palang, nakahanda na lahat.
"seafoods " masayang sabi nito saken, pakiramdam ko alam niya na paborito ko ang seafood
"salamat po" kinuha ko yung plater na iniabot niya saken at kumuha ng buttered lobster.
"Benz ijo" iniabot niya rin yung buttered lobster kay Benz, habang hinimay himay niya naman yung para kay Christina
"dad" hiya niyang sabi
"kaw talaga baby pa rin naman kita eh" wala na siyang nagawa sa kanyang ama. Habang kumakain kami, napansin ko na alagang alaga ni Mang Danny ang kanyang anak, naalala ko ang pamilya ko. Kung sana nakuntento lang siya, baka may inuuwian din akong pamilya ngayon, baka nakakasabay ko rin sila kumain sa mga ganitong restaurant.
"salamat po tito sa pagkain" masayang sabi ni Benz dito. Tapos na kaming kumain at nasa labas na kami
"salamat din Benz ijo ah " masayang sabi nito
"ahm Tina mauna na ko umuwi ah may kailangan pa kasi akong puntahan eh " pagpapaalam nito sa dalaga
"ay oo naman, naku Benz salamat sa pagsama ah" pagpapasalamat ni Christina matapos ay pumasok na si Benz sa sasakyan at umalis na
"salamat po at happy birthday po pala sa anak niyo, mauuna na rin ho ako"pagpapaalam ko
"naku salamat ijo at sinamahan mo ko ah " masayang sabi niya
"uhm ano, ah salamat sa pagsama kay dad" sabi ni Christina, hindi ko alam pero simula kanina pagdating nilang dalawa ni Benz eh hindi siya makatingin ng diretso sa mata ko
"ah wala yun, mag ingat kayo pauwi"masayang sabi ko at saka pumasok nako sa sasakyan at pinaandar ang engine nito.
Sumulyap ako sa side mirror bago ako umalis ng tuluyan, niyakap niya ang ama niya. Sana may ama din ako na pwedeng mayakap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top