Ms. Clumsy meets Mr. Perfect [1]
Tina
bakit ganun may kakaibang tunog dito sa loob ng puso ko, kinakabahan ako ngayong alam ko na dito na ulit sa school si Raye at magkaklase pa kami, iisang silid lang kaming dalawa at iisang hangin lang ang hinihinga naming dalawa. di kaya gumagawa ang tadhana ng paraan para masabi ko kay Raye ang lahat? yung nararamdaman ko kasi diba sabi nila kung babagal bagal ka, ang tadhana ang siyang hahakbang.
"oi!" ng bigla akong tinapik ni Jake ano ba naman yun kung kelan ako nagmomoment
"oh" tanong ko dito
"wala lang natulala ka na kasi eh, alam mo sis nababahala nako sayo ah." sabi nito saken sabay ngumiti ng nakakaloko, baliw talaga
"ano ka ba nag - iisip lang ako noh" sabi ko kay Jake
"guys nadiyan na si Ms. Castro!" sigaw ng isa nilang kaklase, yung watch out nila
"ano? siya na naman ang adviser natin? siya din adviser natin last year, last last year, at super last last year ah yung tataa? Tina wala na bang ibang mahnap si tito na teacher sa panahon ngayon?" pagrereklamo ni Jake
"onga siya na naman" sabat naman nung isa nilang kaklase
"last time nagkawarla pa kami niyan sis naku do you remember?" tanong niya saken
"hay naku Jake wala na tayong magagawa kung siya pa rin." sabi ko kay Jake
"kami wala pero ikaw meron." sabay bulong nito saken, actually siya lang ang may alam na ang tatay ko ay ang may ari nitong paaralan. sinabi ko kasi nun kay papa na ayaw kong makilala na anak niya lang, gusto kong may mapatunayan sa iba na di lang ako clumsy at anak ng may-ari , na kahit pano may ibubuga din ako
"haha alam mong di ako nangigialam sa pagpapatakbo ni papa sa paaralan diba Jake." sabay tingin ko sa kanya ng as in zoom in at alam niya an gang ibig kong sabihin dun
"Goodmorning everyone okay keep quiet, you know me very well naman iba ako pag nagagalit. we all know each other naman na since last year kasi ako din naman ang adviser niyo, last last year ako pa rin at ako forever till now graduating na kayo, sa ayaw at sa ayaw niyo ako pa rin ang makakasalamuha ng umaga niyo." panimula nito
"so yung introduce yourself ay gagawin nalang ng isang estudyante yung nag iisang transferee sa room nato." pagsasabi niya matapos ay tumayo ang isa naming kasama sa silid. yung tahimik lang simula kanina pa
"goodmorning, I'm Benz Lee, sana magkasundo tayong lahat. " matapos ay umupo na siya, ang bilis niya magpakilala ah samantalang yung samen last year akala mo eh makakagawa na kami ng nobela, pati kung ano ang kinakain sa breakfast lunch at dinner kailangan included sa pagpapakilala tapos sa kanya sing iksi lang ? sing iksi ng panahon na naramdaman ni Jake na lalaki siya?
"ang gwapo niya." bulong ng kaklaseng nasa likuran ko, habang si Jake naman ay akala mo nakakita ng gabriel sa lupa
"ma'am excuse me po." isang boses na sobrang pamilyar sa mga tenga ko. boses ni Raye napalingon ako kung san nangagagaling ang boses, sa pinto
"Mr. Cruz your late!" sabi ni ma'am sungit
"ah may inayos lang po ako sa locker." sabi naman ni Raye my loves
"papalampasin ko to ngayon but next time, make sure to give value to my time." masungit na sabi nito matapos ay pumasok na si Raye, halos lahat ng mata ng mga babae sa room ay nasa kanya
" hay sa wakas break time na sis! ayoko na talagang makita mukha ng teacher na yan naku! magtitiis na naman tayo sa martial law niyan, ano lagi nalang ba tayong magtitiis?" pag iinarte saken ni Jake
"saken okay lang as long as nakikita ko si Raye " masayang sabi ko, hahaha oo na ako na panira ng moment ni Jake
"hala, selfish to :3 buti nalang ako meron na din! pak na pak si papa Benz , Tina look papalapit dito ang anghel sa lupa " matapos ay hinampas hampas ako ni Jake na tuwang tuwa
"uhm , excuse me" sabi ni Benz samen ni Jake
"ano yun papz? este Benz?" tanong ni Jake hahaha at talaga pinush niya na
"ahm gusto ko lang sana makipagkaibigan sa inyo." sabi nito samen matapos ay ngumiti
"naku sis em genne die em genne die" bulong saken ni Jake , konti nalang babatukan ko na to hahaha
"ah eh oo naman, kaya lang pinapaalalahanan na kita na lagi akong minamalas, baka lang mahawa ka" pagbabanta ko sa kanya
"hahaha hindi okay lang , friends? "matapos ay iniabot niya samen ang kamay niya, agad naman sinunggaban ni Jake ang pagkakataon na maholding hands niya ang kamay ni Benz
"hahaha wag kang matakot sa kanya ganyan lang talaga yan pag nakakakita ng tao " biro ko dito
"hahaha ikaw talaga Tina , so sabay na tayong magbreak?" pagyayaya samen ni Jake at mukhang may namumuong plano na sa utak niya
"sure" masayang sabi nito , pero bago kami umalis ay ginrab ko na ang pagkakataon na mag isa lang si Raye sa upuan niya, nilapitan ko na siya siguro panahon na para kumilos baka magtampo ang tadhana eh, habang papalapit ako ay yumuko siya matapos ay nagsalita nako
"ahm Raye?" panimula ko, napansin ko na meron siyang hawak na litrato, malalaglag na sa kamay niya kaya naman ay kinuha ko pero tiningnan ko muna bago ko ibalik, picture ng isang batang babae, at ng isang batang lalaki, nakaakbay yung batang lalaki sa batang babae, sino kaya yung babae?
"ahm yung pict" hindi ko natuloy ang sasbaihin ko dahil natutulog pala siya at sa pagsasalita ko ay napukaw ko ang diwa niya
" ang ingay mo naman miss." sabi nito saken matapos ay nakita ko ang mga mata niya, alam mo yung matang antok na antok naku ang gwapo niya shems yung mata niya nakakaakit, yung ilong niya nakakahumaling yung labi niya yung boses niya sheyt.
"ay sorry sorry naku natutulog ka pala" nahihiya ko sa kanya dahil natulala ako at saka ko lang narealize na nakadistorbo pala ko sa tulog niya kaya naman agad agad ay umalis ako pero nagulat ako dahil may pumigil sa kamay ko, hinawakan niya ang kamay ko, OO HAWAK NIYA ANG KAMAY KO. SASABOG NA ATA AKO.
"yung pic? saken yan diba?" matapos eh naalala ko agad ang litrato na hawak ko, kaya naman ay ibinalik ko sa kanya agad at tsaka kumaripas ng takbo papunta kila Jake, naku nakakahiya talaga kaloka,hindi ko alam kung nakablush on nako ngayon sa sobrang pula ko daig ko pa ang inatake ng allergies dahil sa pagkain ng hipon.
"Teka sino yun?" natanong ni Benz habang tumatakbo kami palayo sa Lugar
"ah yun ba? si Raye yun ang matagal ng crush ng Lola mo." sagot ni Jake sa kanya, habang ako ay nagmamadali maglakad para makalayo
"ah kaya pala ganun siya kanina " sabi naman ni Benz, matapos ay nakarating na din kami sa canteen , kahit papano ay ,malayo layo na kami kung asan si Raye, actually masaya ko sa nangyari kahit papano nakita ko siya ng malapitan sa ilang taon ko ring pagtingin sa kanya mula lang sa malayo. Kahit papano nagkaron ako ng lakas ng loob.
Raye
inaantok nako kanina pa ko humihikab , makatulog nga.
matutulog na sana ako pero ang ingay nung babae kaya hindi na naman ako natuloy sa pag-idlip ko
"ay sorry sorry naku natutulog ka pala" paghingi niya ng paumanhin, tiningnan ko lang siya, napansin ko na natulala siya at nataranta, tatakbo na sana siya pero dala niya ang pic ko kaya naman hinawakan ko ang kamay niya
"yung pic? saken yan diba?" matapos eh agad niyang sinauli saken ang litratong hawak niya, medyo weird yung babae kasi madalas pag may lumalapit saken kung hindi nila ko balak halikan, eh balak nila akong hilain at itali sa kung saang tahimik na lugar para masolo nila ako, pero siya tinakbuhan ako ang weird niya.
__________________________________________________________________________
TBC..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top