Surprise
Winter's POV
Nang tumunog ang bell na hudyat ng uwian ay dali dali kong inayos ang aking gamit.
"Bye Elise!" Hindi ko na hinintay pang sumagot si Elise at nauna na akong lumabas sa pintuan. Narinig ko pa siyang sumigaw pero hindi ko na ito naintindihan.
Pagkarating ko sa bahay ay sinimulan ko na kaagad ang pagprepare ng ingredients. Hindi ko na inabala pa ang sarili sa pagbihis at sinimulan agad ang pagluluto.
Menudo ang napili kong lutuin at ng matapos ay mabilis akong naligo at nagbihis. Suot ang puting T-shirt, black shorts na hindi masyadong maiksi na pinaresan ko ng puting sneakers, ay inilock ko ang pinto ng bahay dala ang aking niluto at nag-abang ng jeep patungo sa mansiyon ni Yoongi.
Ilang minuto akong nag-abang at nakasakay na rin sa wakas.
Pagkarating ko sa labas ng village ay natanaw ko kaagad ang gate papasok dito.
Nginitian ako ng guard atsaka pinapasok.
Ilang minuto din akong naglakad bago ko marating ang gate sa mansiyon. Nang makita ako ni Kuyang guard ay agad-agad niyang binuksan ang gate.
"Ma'am kayo po pala!" Nginitian ko na lamang siya. Mas mabait na siya ngayon hehe.
"Nandiyan po ba si Yoongi?" Magalang kong tanong.
"Ay opo ma'am. Sakto po kayo dahil kararating niya lang din kanina. May dala pa nga pong cake eh."
Agad niyang sagot sa akin. Cake?
Omygad! Birthday niya ba?!
Nagpasalamat ako sa guard at saka tumungo sa mansyon. Pumasok ako sa malaking pinto sa harap ng mansyon. Ang mga nakahilerang mga katulong ay nagsiyuko naman.
"Welcome Young Lady!" Sabay-sabay pa nilang sabi. Hindi ako magkanda-ugaga sa pagpigil sa kanila sa pag-bow pero in the end ay ginawa parin nila. Ang awkward kasi na nagba-bow sila sa akin. Ang weird eh. Hindi naman kasi nila ako amo.
Tinanong ko sa isang katulong kung nasaan si Yoongi at sinamahan naman nila ako patungo sa kaniya. Ito yung daan patungong dining hall. Natandaan ko pa noong nanggaling ako dito.
Nang makarating ako ay napansin ko ang mga pagkain sa lamesa. Napakarami nito at sa gitna naman ay may nakalagay na maliit na chocolate fountain.
Nakakatakam ang mga nakahain at mahahalata mo talagang high class. Yung ibang putahe nga ay hindi ko alam ang tawag. Tanging pasta lamang ang nakilala kong pagkain na hindi pa ako sigurado kung tama dahil masyadong sosyal tingnan. At isa pa, kahit HRM student ako, hindi pa namin napag-aaralan ang paggawa ng international cuisines. Nakakahiya atang ibigay ang niluto ko.
Hinanap ko si Yoongi sa paligid ng dining hall ngunit hindi ko siya nakita. Tatalikod na sana ako para itanong sa katulong nang biglang may nagsihulugang color pink na petals.
Napakaganda nito tingnan. Ngunit nagtaka ako kung ano ang nangyayari. Anong meron?
"Winter."
Yoongi?! Nagulat ako sa nakita ko. Ang gwapo niya. Si Yoongi, may hawak siyang cake at nakasindi na ang kandila dito. Wala na ring nagsisibagsakang petals.
"Para saan iyan? Birthday mo?!"
Aligagang tanong ko sa kaniya. Nakakahiya naman. Menudo lang ang dala ko! Wala akong regalo!
"The fxck?! Seriously?"
Biglang nagbago ang maaliwalas niyang ekspresyon na ngayon ay napalitan ng blangko. Why? May mali ba sa sinabi ko? Sabi ko na eh birthday niya talaga.
"Sabi na eh birthday mo talaga! Nakakahiya naman. Wala akong dalang regalo."
Malungkot na saad ko. Sana pala dinagdagan ko pa ang niluto ko. Naglakad siya papalapit sa akin dala dala parin ang cake na may naksinding kandila.
"Silly girl. It's for you."
Huh? Akin daw?
"Talaga?! Bakit mo ako pinaghanda? Pati ba iyon?"
Tinuro ko pa ang mga nakahanda sa lamesa na kanina ko pa talaga gustong tikman. Hehe nakakatakam eh.
Tumango siya atsaka sumagot.
"Yeah. It's all yours. I heard that you made it to the elimination. So I prepared this for you. Blow the candles now."
Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.
I feel like crying now. Bakit ang bait niya?
Pumikit ako at nagwish bago ko inihipan ang kandila.
Nagpalalakpakan ang mga katulong sa likuran namin. Kinuha ko ang cake mula sa kamay niya at ipinahawak sa isang katulong kasama ng niluto ko.
Inilapag nila ito sa isang tabi at saka rin sila sinenyasan ni Yoongi na umalis.
Humarap ako kay Yoongi atsaka ngumiti ng pagkalawak-lawak bago ko siya dinamba ng yakap.
"H-hey! What are you doing? Are you that happy?" Natatawa niya pang sabi.
Bumagsak ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako malungkot. Labis na katuwaan lang ang aking nararamdaman sa oras na ito.
"Are you crying?" Naging malumanay ang timbre ng boses ni Yoongi. Umiling-iling naman ako bago magsalita. Nakayakap parin ako sa kaniya.
"Thank you. Thank you so much."
Wala na akong pakialam kung nababasa ko na ang damit niya.
"Natuwa ka na dahil diyan? Ang babaw naman ng kaligayahan mo."
Natawa nalang ako sa kaniyang tinuran. Kahit kailan talaga ang sungit niya. Kumalas ako sa kaniya at pinusan ang luha ko.
"Ako na nga." Inalis niya ang mga kamay kong nagpupunas ng luha at kumuha ng panyo para siya ang gumawa nito.
Napatingala ako at napatitig sa kaniya habang seryoso siyang nagpupunas.
"What?" Tanong niya nang mahuli niya akong nakatitig sa kaniya matapos ang kaniyang ginagawa.
"Nothing. I'm just thankful that I met you."
I met his eyes pero mabilis niyang binawi ang kaniyang titig.
"L-let's just eat." Mabilis niyang sabi. Hindi nakatakas ss paningin ko ang namumula niyang pisngi.
Grabe talaga ang mayayaman, kita mo 'tong si Yoongi oh, pinkish cheeks.
"Nilutuan kita ng menudo! Sasabihin ko palang sana na kasama ako ss competetion kaso naunahan mo na ako. By the way, saan mo pala nalaman?"
Nagkibit balikat lamang ito bago umupo. Saan kaya niya nalaman? May pagka-chismoso rin pala siya.
Umupo narin ako sa tabi niya.
"Nasaan ang niluto mo?" Baling niya sa akin.
Tumayo ako at kinuha iyon na ngayon ay nakalagay sa isang magandang mangkok.
"Here it is. It's called menudo."
Nilapag ko ito sa harapan niya. Tiningnan muna niya ako bago sumandok.
Bawat galaw niya ay pinapanuod ko hanggang sa sinimulan niya na itong kainin.
"So what do you think?"
"Delicious." Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Nakangiti pa nga siya kaso dun sa kinakain niya siya nakaharap.
Siguro nga nagustuhan niya talaga. Sumandok narin ako at sinimulang tikman ang mga pagkain na ngayon ko lamang makikita at matitikman. Ang swerte ko!
"Tawagin mo yung mga katulong. Isama natin sila dito. "
"Why? Am I not enough?" Masungit niyang sagot. Hala. Saan naman galing yung sinabi niya? Hugot ba yun?
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh. Ang dami kaya ng pagkain. Hindi natin mauubos to."
"Tss. Fine."
Hindi niya ako matitiis hihihi!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top