Start of Something New
Winter's POV
Hinatid ako ni Yoongi sa bahay kaninang umaga. Hindi pa sana ako papayag dahil baka sabihin abusado na ako. Pinaalagaan na nga tapos ihahatid pa.
Nakakahiya rin. Pero nakakatakot kasi siyang tumingin kaya wala din akong nagawa at pumayag na lamang. Itinuro ko na lamang ang daan pauwi sa bahay.
********************
Nasa school ako ngayon at ginagawa ang assignment na ibinigay daw kahapon. Yung nerd na kaklase ko, si Elise, ang nagsabi dahil nga absent ako kahapon. Well she's not exactly a nerd pero may makapal kasi siyang salamin kaya iyon ang laging tawag sa kaniya. Buti na lamang kahit papaano ay may malasakit parin ang ibang estudyante.
Nahihiya pa nga akong hiramin yung notes niya pero siya na mismo ang nagbigay.
Nagkaroon tuloy ako ng bagong kaibigan. Hindi ko inakalang may gusto paring kaibiganin ako kahit na hindi maganda ang reputasyon ko sa paaralang ito.
Lunch na at sinamahan ako ni Elise sa rooftop upang doon na rin kumain.
"Wow! Bakit di ko naisipang kumain dito dati? It's so refreshing and peaceful here." Manghang sabi ni Elise. Napangiti na lamang ako sa kaniya.
"Where are your friends?"
"I have no friends. Eversince that happened." Malungkot kong sagot.
"Well don't worry I'm here. I can be your friend. Ang galing mo nga eh. Despite of what happened you still stand up on your own. Kinaya mo."
Nakakatouch. I'll treasure her forever. She's too good for me. Sana lahat kagaya niya. Hindi judgemental. Nakakatawang ang bilis kong magtiwala sa kaniya. Maybe because she's kind. I'm easily attached to kind people like her and I know that she's not faking it.
********************
Nagpaalam ako kay Elise bago ako umuwi.
Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko nanaman ang busy-ng busy na si Mir at Keehana na naguusap. Nakita ko pa ang matamis na ngiti na ibinigay niya kay Keehana. Mabilis akong lumiko upang hindi sila makasalubong. Masakit talagang makita.
Pauwi na ng maisipang kong tumambay sa isang playground na nadaanan ko.
Dahil hapon na rin at palubog na ang araw ay wala na akong nakitang tao at tanging ako na lamang mag isa. Umupo ako sa isang swing at sinimulang iduyan ang sarili ngunit dahan dahan lang.
Ang lamig ng hangin.
Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko ngayon lalo na at mag-isa lamang ako. Naisip ko nanaman ang ginawa ni Mir. Mapait akong napangiti. Nagsisimula ng uminit ang sulok ng aking mga mata. Napayuko lamang ako. Hindi nila ako masisi kung bakit ako nagda-drama ngayon.
Mahirap kalimutan ang ginawa nila pero ngayon pa lamang ay pinapatawad ko na sila. Hindo ko masisisi si Keehana at Mir. Nagmahal lang din naman sila ngunit sa maling paraan nga lang. Kasalanan ko rin siguro. Binulag ko kasi ang sarili ko sa paniniwalang walang masamang nangyayari. Masyado kong pinaniwala ang sarili ko na mahal niya parin ako kahit na nararamdaman ko na ang panlalamig niya. Siguro ganun lang talaga kapag ayaw mong mawala sayo ang isang tao.
Napahinto ako sa pagduyan ng makita ang pares ng isang mamahaling sapatos sa aking harapan.
"Umiyak ka nanaman ba?"
Napaangat ako kaagad ng tingin.
"Why am I always seeing your pained expression every time we meet?"
Hindi ko nasagot ang katanungan niya at napatitig sa kaniyang mukha.
Hinila niya ako dahilan upang ako ay mapatayo at laking gulat ko ng bigla niya akong niyakap.
"Stop your stupidity and move on. I'll help you. I can be your crying shoulder whenever you need me."
For a moment I was strucked and can't barely move. As if on cue ay humagulgol ako. I need this. I really need a person to share my pain right now.
"Hi-hindi a-ako nasasaktan."
"K-kaya ko."
"They don't deserve my tears."
Kahit hirap ay kinaya kong sabihin yun. Kailangan ko na siyang kalimutan. It's been four months already.
"I know and I'm here for you."
He softly said that made me cry more. Hindi dahil kay Mir kundi dahil sa kaniya. I'm touched. He's so kind.
"Stop crying. Nabasa na yung damit ko oh."
Natawa naman ako ng mahina at pinunasan ng kamay ko ang aking mga luha. Kumuha din siya ng panyo para ipamunas din sa akin.
Bakit sa tuwing nasasaktan ako ikaw ang sumasalo sa akin?
I looked at him and saw his irritated face while wiping my tears. I smiled lightly. Ang gaan ng loob ko sa kaniya kahit na sandaling panahon pa lamang kami magkakalilala. Kahit na sobrang sungit niya nung una na hanggang ngayon naman ata. Kahit na puro sakit lamang ng ulo ang naidulot ko sa kanya. I wanna be his friend.
"Better. You look better without tears.It's blocking your face."
Napayuko lang ako sa sinabi niya.
"Let's get you home. Ihahatid na kita."
"Hindi na. Malapit lang naman na ang bahay ko. Maglalakad nalang ako." Mabilis kong sagot sa kaniya.
"Then I'll walk you home."
"Pero ka-"
"No buts! Baka makita nanaman kitang nakahandusay sa kalsada kapag hindi kita inihatid."
Madiin niyang sabi at saka ako tiningnan ng matalim.
Nakakatakot talaga siya kapag ang sungit niya. Parang anytime mabubugbog ka niya.
I gulped then started walking to lessen the tension. Nagsimula na rin siyang maglakad at sinabayan ako. Naramdaman kong tila may ipinatong siya sa ulo ko at nang hawakan ko ay isa pala iyong sumbrero. Napahinto ako. Ngayon ko lang napansin na nakasumbrero siya kanina at may suot pang itim na coat.
"Baka mahamugan ka. Gabi na."
It made my heart flutter. Why is he so kind?
"Let's be friends." I suddenly said while looking at him.
He just looked back and I saw his expressionless face. We were quiet for three minutes when he spoke.
"No."
Another rejection. Ang kapal ko naman kasi para gawin yun. Ang sakit umasa na magiging kaibigan ko siya.
I smiled at him kahit na alam kong peke ang kinalabasan nun. Bakas ang lungkot sa mga mata ko.
Nauna na ulit akong naglakad sa kaniya. Wala na akong naramdamang sumusunod sa akin kaya naisip kong umalis na rin siya.
Stupid me.
Mabilis akong pumasok sa bahay. Dumiretso kaagad ako sa kwarto at naglinis ng katawan upang makapagpalit.
Nang matapos na magbihis ay umupo ako sa sofa sa aking sala.
I signed deeply. Ang tanga ko naman kasi. Bakit ko ba iniisip na magiging kaibigan ko siya?
Pero sayang parin. Gusto ko talaga siya maging kaibigan at mas makilala pa. Nalulungkot talaga ako.
Narinig kong may kumatok sa pinto. Hindi ko nga pala naisarado ang gate. Sino namn ang maghahanap sakin?
Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin ang nakasimangot na mukha ni Yoongi habang may hawak na maliit na box.
Ibinigay niya iyon sakin ng hindi ko inaasahan at walang pasabing pumasok sa aking bahay.
"Teka sanda-"
"What now? Nauuhaw ako. Nasaan ang kusina?"
Instead of answering, I asked him again.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na. Akala ko ba umuwi ka na?"
Tinaasan niya ako ng kilay kaya kinabahan nanaman ako.
"Bawal na ba ang kaibigan sa bahay mo ngayon?"
Hindi agad nai-process ng aking utak ang kaniyang sinabi. Nanlaki ang mata ako at napangiti ng abot tenga. Hindi ko alam kung saan ko inilapag ang box at agad na tumakbo sa pwesto niya upang yakapin.
Hindi ako makapaniwala! Pumayag siya! Sa isang iglap nakalimutan ko ang ginawa niya kanina.
Napaubo naman siya kaya napaibitiw ako mula sa pagkakayakap sa kaniya.
Nakita ko ang kaunting pagpula ng kaniyang mga pisngi at hindi makatingun ng duretso sa akin. Mainit nga pala dito sa bahay. Hindi naman 'to katulad ng mansyon niya na centralized aircon.
"Hehe sorry. I'm just too happy!"
Nakangiti kong sabi. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpigil niya ng ngiti. I guess he's happy too.
Nang maalala ko ay agad akong pumunta sa kusina at kumuha ng isang basong tubig.
Bumalik ako at ibinigay sakaniya iyon na agad niya namang ininom.
"I'll be going now." Hinatid ko siya sa labas ng gate.
"Go inside now and lock your gate. Even your door. And don't forget to close your windows."
Paalala niya.
I thought I gained a friend but it looks like I gained a father instead.
"Mag-ingat ka sa pagmamaneho."
Nahihiya kong sabi at tumango lamang siya.
Hinintay niya akong makapasok at ilock ang gate hanggang makapasok sa bahay bago siya pumasok sa kotse niya at umalis.
Ini-lock ko narin ang pinto at tiningnan ang laman ng ibinigay ni Yoongi. Cake pala! Paborito ko! Actually lahat ng matamis ay paborito.
Ibinalik ko muli ito sa box at inilagay sa ref. Babaunin ko ito bukas.
Dumiretso na ako sa kwarto at natulog.
*********************
Yoongi's POV
Friend? Really? So f*cking gay.
Tsss. If it isn't because of her expression then I wouldn't have done that. Those sad eyes and fake smile. I hate it when she do that specially if it's because of me.
I'd rather sleep now. I think I'm loosing my swag because of that crybaby.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top