She doesn't like me, does she?
@MelanieLambiawa Hi!
************************************
Matapos ang lunch break ay inihatid din ako ni Yoongi sa susunod na subject ko. Nagkaniya-kaniya din ang magpipinsan at bago kami umalis, nasaksihan ko kung paano sila mag-debate kung sino ba sa kanila ang maghahatid kay Queen.
Sa huli ay si RM din ang nagwagi. I mean, no doubt he aced the debate. "This is so unfair! Suntukan nalang ano?" Jimin said while looking annoyed.
RM suddenly raised his right hand.
"Papayag ako pero abutin mo muna ito." Pertaining to his hand and smirked at Jimin.
Ah. He knows that he's taller and he's confident that Jimin won't be able to reach it unless he jumps.
Knowing Jimin, tinadyakan lang naman niya si RM sa tuhod dahilan para ito ay mapaaray.
"Hindi ko abot yan pero abot ko naman ang tuhod mo." Jimin said as he looked down on RM who's now crouching and holding his knee because of the pain.
"Bye Queen! Ako nalamg susundo sayo mamaya ha." Jimin kissed her cheek before he walked away from them with a slight smile seemingly in good mood.
Iba din pala 'tong mga kapag napipikon. At mas lalong nakakatakot ang kanilang katuwaan. Napansin kong mas lalo silang sumasaya kapag nakikita nilang nagdudusa ang kanilang pinsan. Sadists.
I shrivelled at my thoughts. Ganun rin ba si Yoongi?
"Bilisan mo na RM, baka ma-late si Queen." Yoongi said while checking Queen's bag to see if she left any of her belongings.
Nang makutento na ito ay saka naman niya inabot ang bag kay RM na mabilis na tumayo, tila walang nangyari saka dumiretso sa powder room.
Doon lamang tumigil si Queen sa paglalaro ng cellphone at tumayo mula sa couch na ikinauupuan.
Bago lumapit kay RM ay nagtama ang aming mga mata.
Halos tatlong segundo iyong nagtagal bago ko inialis ang aking tingin kasi masyado na akong kinakabahan. Mula sa aking peripheral vision, napansin kong itinaas niya pa ang isa niyang kilay bago tumalikod at lumabas kasama si RM.
Ah. I'm doomed. Ayaw niya nga talaga siguro sa akin. Paano na? I want to be her friend though. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Mukha pa naman siyang intimidating at protektado pa ng magpipinsan. Baka kapag nainis iyon sa akin ay si Yoongi na mismo ang magpaalis sa akin sa school para lang hindi ako makita ni Queen. Or worst, ipatapon sa ibang bansa?! Nah. Hindi naman siguro. Ha. Haha. Wag naman Lord.
Malalim na ang narating ng aking pag-iisip nang sakto na lumabas si Yoongi sa powder room.
"Let's go, baka tayo naman ang ma-late"
Pilit akong ngumiti at tumango.
Sumunod ako sa kaniya pababa at sumakay na sa kotse niya.
"What's wrong?" he suddenly asked.
"Huh? A-ano... May naisip lang ako bigla?"
He raised his left eyebrow at my response. Ano ba yan? Hilig ba talaga ng magpipinsan na itaas ang kanilang kilay. Masyado silang mataray.
"Ayaw ba saakin ni Queen? Kasi, ano uhm napansin ko na parang ayaw niya sa presence ko. " mahina kong tanong dito.
"And? Did she told you that?"
Umiling ako kasi wala naman talagang sinabi saakin.
"Then it's all good. Introverted lang talaga yun at medyo mataray but she won't do anything to you. In fact she won't do anything at all because she's too lazy to care about what happens around her. So don't put it to your mind."
Wow ang haba ng sinabi niya ah. Parang ngayon lang ko lang nalaman na kaya oala niyang magsalita ng higit one sentence at dahil ito sa pag-clarify sa ugali ni Queen. It's cute though.
"Uhm. Okay. Sorry nag-over think ako. Ang assuming tuloy ng dating ko." Saka ako alanganing napangiti kay Yoongi.
"Whatever." Bago ito bumaba at pinagbuksan ako ng pinto.
Lowkey gentleman talaga ang mga Montreal pansin ko lang. Or maybe not lowkey kasi halatang halata talaga sa iba niyang pinsan.
Naglakad kami patungo sa next subject ko at nang makarating na sa room ay saka siya nagpaalam na umalis.
Patapos na ang aking last subject nang mabasa ang message ni Yoongi.
'Di kita masusundo, ako maghahatid kay Queen pauwi. Be careful and don't be stupid kapag tumatawid.' it says so I replied an okay.
Grabe naman maka-stupid. Ang mean talga nun. Di pa naman ako nasasagasaan ever. Pero teka, akala ko ba si Jimin ang susundo kay Queen? Tiyak mag-aaway nanaman sila. Sobrang swerte din talaga ni Queen sa mga pinsan niya dahil mahal na mahal siya ng mga ito. Paghatid sundo palang ay pinag-aagawan na sila.
Napabuntong hininga ako sa naisip. Hays. Anyway, diretso akong umuwi sa bahay para tapusin ang mga assignments at outputs ko. Bumili narin pala ako ng pagkain sa labas para hindi na ako magluto. Yup. Chef na tamad magluto.
After dinner ay naghalf bath ako bago tuluyang matulog. Maaga talaga akong matutulog ngayon kasi nagtext si Yoongi na susunduin niya ako bukas. Hehe tipid nanaman ako sa pamasahe nito.
Kinabukasan, pagkatapos ko mag ayos ng sarili ay may narinig akong busina sa labas. Isang beses lang yun pero alam kong si Yoongi na yun.
Dali dali kong kinuha ang aking bag at inilock ang pinto.
Nakasandal si Yoongi sa kaniyang sasakyan at nang makita ako nito ay binuksan niya ang pinto ng back seat. Huh? Akala ko ba ayaw niya ng nagmumukhang driver?
Maybe he saw the confusion in my eyes that's why he immediately signaled me to just get in the car which I did.
Oh. Kaya pala nasa likod ako ngayon. Nandito pala si Queen. I saw her looking at me through the rearview mirror which made me look down the car floor. Ang ganda pala ng design ng carpet nito. Ha! Sinong niloko mo Winter eh kulay gray lang naman yan. I heard her chuckle a little. Tumaas ang balahibo dahil dun. Please kung iba ang nasa sitwssyon ko ay baka lumabas pa sila ng sasakyan at pipiliin nalang na maglakad. Ganun ka-intimidating si Queen. Bumukas ang pinto ng driver seat at pumasok si Yoongi.
"Wear you seatbelt." He said.
"Have you had your breakfast?"
Nahihiya akong umiling sa kaniya kasi paano ba naman, medyo napasarap ako ng tulog at hindi pala nakaset ang alarm ko kanina kaya wala na akong oras pang magluto at kumain ng breakfast.
"Let's eat nalang before we go to school. We still have an hour before the class starts." sabi ni Queen dahilan para mapatingin ako sa gawi niya.
"Doon tayo sa Breakfast House." dagdag pa nito. Ah! Nakakahiya talaga. Gusto kong magpalamon sa lupa. Baka ako pa ang dahilan kung bakit malelate silang dalawa. Tuluyan na nga yata akong ipapatapon sa ibang bansa. Papakiusapan ko nalang na sa South Korea ako dalhin para kahit papaano ay makita ko ang BTS. Kung papalarin.
"We haven't had our breakfast too."
Napansin yata ni Yoongi ang kaba ko.
And so, we went to the restaurant and ordered a quick breakfast for the three of us. Nang makita ko ang menu ay pinagpawisan talaga ako. Anong klaseng pancake ba yan at nagkakahalaga ng five hundred? May gold bang ingredient diyan? Ang sosyal talaga ng magpipinsan na 'to. Last time pinagsabihan ako ni Yoongi na hindi ako dapat kumakain sa fastfood chain restaurants dahil unhealthy daw yun. Kung mayaman lang ako Yoongi ay hindi ko rin gagawin yun kaso wala, hindi kaya ng budget ko.
After 20 minutes, the waiter served us all the foods. Mayroong pancake na sobrang mahal, bacon, and scrumbled egg. Hindi ko rin alam kung ano ang pangalan noong isang dish na inabot ni Yoongi kay Queen. He also put a pancake on my plate with lots of butter and maple syrup before he ate his food. Iniabot niya rin yung uba pang dishes malapit sa akin na hindi ginagalaw ni Queen. That's when I observed that she's a picky eater.
Walang nagsasalita at nakafocus lang kami sa pagkain.
Breakfast na fine dining. Pinag aaralan din naman namin to pero iba parin talaga yung ikaw na ang nasa sitwasyon. I sounded ignorant pero- wait! oh my gosh! Anong klaseng pancake ito? Ang sarap! Pero hindi parin makatarungan ang five hundred! Ang liit lang naman ng serving.
Nang matapos kami ay kinuha ko ang aking wallet para sana magbayad ng mga kinain ko. Goodbye five hundred. May drinks pa pala. Lord, budget ko na po ito ng three days.
Iaabot ko na sana ang bayad kay Yoongi nang dumating ang waiter at binigay ang paper bag na dala.
"Thank you Ma'am and Sir and come again next time!" sabi nito ng may ngiti.
Wait. Di ko naman nakita na nagbayad sila ah. Tuloy tuloy lang ang dalawa paglabas mula sa breakfast house kaya sumunod agad ako. Pinagbuksan pa kami ni Yoongi ng pintuan ng sasakyan niya bago kami umalis papuntang school.
"The foods were already paid months ago." Queen said nang hindi tumitingin sa akin nang mapansin ang nagtatanong kong mata. Yoongi nodded to what she said.
Eh? How? Like advance pay? Palagi siguro silang magpipinsan doon. Ayoko namang magtanong kasi baka sabihin na nosy ako.
Nauna naming inihatid si Queen sa kaniyang building. Literal na kaniya kasi kay Queen naman nakapangalan iyong building. Sa mga hindi nakakaalam, na recently ko lang din nalaman, kada building pala ng colleges ay nakapangalan sa bawat isang magpipinsan. Cool right? Sobrang clueless talaga ako noon dahil ngayon ko lang ito napansin.
As usual, bago bumaba ng sasakyan ay chineck nanaman ni Yoongi ang bag nito. Yesterday, I asked Yoongi why he does that and he answered,
"Kasi walang pakialam si Queen kung ano ba ang laman ng bag niya." minsan daw ay nakakalimutan nitong palitan ang libro na para sa ibang subjects kung kaya't they made the locker system in college. For preparation para hindi na magbibitbit ng mabibigat na gamit si Queen at para hindi hassle kung nakalimutan nitong dalhin ang books. He said that it was RM's idea way back before sila mag college. Kaya naman wow. Just wow.
Isang sana all para kay Queen.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top