Schema

Winter's POV

Humahangos ako patungong eskwelahan kaya naman hindi ko maiwasang may mabangga. Na-late kasi ako ng gising kaya nagmamadali ako ngayon dahil 5 minutes na lamang ay time na.

Ang hirap naman kasing gamitin ng cellphone na binigay sa akin ni Yoongi. First time kong gumamit ng ganun kaya hindi ko alam ang mga pipindutin. I tried to use it as an alarm but then again mali pala ang ginawa ko. Hindi tumunog kanina kaya nalate ako ng gising.

Natanaw ko na ang classroom namin kaya mas binilisan ko pa ang takbo. Luckily, hindi ako inabutan ng bell. Strikto pa naman sa oras ang prof kaya dapat laging on time. Inabutan ako ni Elise ng tubig at sakto namang dumating ang prof namin.

"Sit down everyone. I have an important announcement and please Miss de Villa, comb your hair. You look like a witch. Haggard na haggard ka."

Nahihiya kong kinapa ang buhok ko at tama nga si Miss. Parang nilipad ng hangin ang buhok.

Narinig ko ang mahinang hagikgikan ng mga kaklase ko  ngunit bigla naman silang tumigil nang makita akong nakatingin sa kanila at kaniya-kaniya pang iwas ng tingin sa akin. Weird. Dapat tinataasan na nila ako ng kilay ngayon pero nevermind. Mas gusto ko na ganyan sila. Tahimik ang buhay ko.

Hinanap ko ang suklay sa bag ko habang nakikinig sa sasabihin ng Prof.

"So as I was saying, may importanteng announcement ako. Next week ay magkakaroon ng Science festival ang school at mayroong competitions doon. Usually academic courses dapat ang kasali pero nirequired kayong sumali sa competition. I believe lahat ng departments ay kasama"

Maraming umalma sa sinabi ng Prof. Nakakatamad naman kasi talagang sumali. Anong gagawin namin doon? Eh HRM students kami. Magluluto ng potions? Kpayn.

"So the top three highest students in your class will be participating the elimination round later to finalize the school's representative. Be thankful that you were given a chance to participate as an HRM student. Para naman malaman nila na hindi lang pagluluto ang alam niyo"

The teacher's trying to motivate us and it looks like it actually works for some of our classmate but as for me, I'm too lazy to participate. Bahala na nga.

"So Ms. Dela Vega, Mr. Sison and Ms. Cruz you may now proceed to the engineering building. Ngayon na kasi gaganapin para sa susunod na araw ay magrereview nalang."
Nakangiting turan pa ng prof.

What?! Agad agad? Ni wala man lang review? Stock knowledge nalang ang pagaganahin ko ganun? Schema it is.

Inexcuse na kami sa klase at saka tumungo sa venue.

Nakita kong maraming estudyante ang kasali mula sa iba't ibang courses kaya higit limang classrooms yata ang ginamit.

Dalawang category kasi ang laban. Isa sa quiz bee at isa sa trivia. Isa sa aming tatlo ang lalaban ss trivia at dalawa naman sa quiz bee. Napagkasunduan naming ako nalang ang sa trivia.

Pumasok na ako sa isa sa mga classroom at umupo. Tanging ballpen lang ang aming dala dahil bibigyan naman daw kami ng sasagutang papel.

Pinaliwanag ng quiz master ang gagawin. Sasagutan lang daw namin ang papel na naglalaman ng tanong atsaka ipapasok sa isang machine para irecord ang mga nakuhang scores. Ang may pinakamataas na score sa  namin ay ang opisyal na ipanglalaban sa competetion.

Naipamigay na ang mga papel.

"3. 2. 1. Start!"

Binasa ko ang mga test questions. Kahit papaano ay may alam naman akong sagutan. Actually twenty items lang naman ang sasagutan within thirty minutes. Bahala na nga.

Matapos sagutan ay napatingin ako sa paligid. Lahat sila nakayuko hehe. Ako ang pinakaunang natapos. Tiningnan ko ang relo ko at may 10 minutes pa bago ako makalabas. I kept myself busy by looking outside the window. Hindi ko namalayan ang oras at nakita ko na lamang na lumalabas na ang iba kong mga kasama.

Kailangan daw naming maghintay ng isang oras bago i-announce ang mapapasama sa competetion kaya tumungo muna ako sa cafeteria at saktong break time na. Nakita ko pa ang pagkaway ni Elise nula ss isang table kaya tumungo ako doon.

"I already ordered foods for you. Hindi ko alam ang gusto mo kaya burger at coke nalang binili ko."

Bungad niya sakin at kinuha ko naman ang ibinigay niya.

"Salamat." Nahihiya ko pang sabi. Ang bait niya. Sinuklian niya ako ng isang ngiti na nagpangiti din sa akin.

"You're so pretty when you smile!" Tuwang-tuwa pa niyang sabi at inipit pa ang magkabilang pisngi ko sa pagutan ng kanyang mga palad.

"And your so cute!"
"Asdfgjkdieuj"
"What?" Kunot noo niyang tanong.

Tinuro ko ang isa sa mga kamay niya na nakahawak parin sa aking pisngi.

She realized what I meant to say and immediately removed her hands.

"Sorry. I just can't help it."

"It's okay."

Sinimulan na naming kainin ang mga in-order niya habang siya naman ay kwento lang ng kwento nang tumunog ang speaker ng school.

"Calling the attention of students who participated the elimination round, the results have been finalized. Please proceed to the announcement board for the further information."

Tumingin naman ako kay Elise matapos marinig ang ibtercom ng school at saka siya tumango.

Nang makarating ako sa announcement board ay maraming estudyante ang nakakumpol. Pinilit kong sumiksik pero sadyang malakas talaga ang ibang estudyante kaya naman natumba ako.

Napaaray ako sa sakit mula sa pagbagsak na nagpahinto sa mga nagkukumpulan.

Narinig ko pa ang pagbubulungan ng iba.
"Hala lagot ka. Naitulak mo ata si Winter."

"Anong ako? Ikaw kaya yun!"
Nakita ko ang takot mula sa kanilang mga mata. Dahan-dahan akong tumayo na dahilan upang umalis sila sa pagkakakumpol. Hindi ko sila pinansin at tumungo sa announcement board. I scanned the whole list of the students who passed-

Did I read it wrong?

My name.

It's number one. I've scored the highest!

Dang! Kinurot ko pa ang pisngi ko pero natigilan ako ng may biglang dumamba ng yakap sa akin.

"You made it! I knew you will make it!"
Elise exclaimed happily. So totoo nga!

"This calls for a celebration."

"Pero may pupuntahan pa ako mamaya." Malungkot kong sabi. Gusto ko rin naman sana siyang makasama pero may gagawin ako eh.

"Oh. Then tomorrow! Let's do it tomorrow."
Napangiti ako sa kaniyang sinabi at tumango.

Naiisip ko na agad ang gagawin ko mamaya. Magluluto ulit ako at dadalhin kay Yoongi. He's my best friend now so I guess he needs to know. Well he's not really my best friend but for me he is.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa aking mga naiisip. Excited na akong maguwian!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top