Rain and the Truth

Winter's POV

Matapos ang nangyaring iyon ay buong araw akong tumambay sa rooftop. Hindi ko na naisip na pumasok sa klase dahil wala naman ako sa mood. At isa pa, baka may mang-bully nanaman. Sayang naman ang uniform ko.

Uwian na ng maisipan kong bumaba. Dire-diretso akong naglakad palabas sa gate at kung minamalas ka nga naman! Biglang bumuhos ang malakas na ulan kung kaya't tumakbo ako sa waiting shed na pinakamalapit na may kotseng nakaparada sa harapan.

"Are you sure that someone will fetch you? Pwede kitang isabay."

"Hahaha you're so sweet but I can manage. Anytime darating na rin yung driver namin."

I know that voice. At mukhang kilala ko rin yung kausap niya. My ex and his-

"Winter? Is that you?"
Tila mas lalo akong nanlamig nang marinig ko iyon. Unti unti akong lumingon sa may-ari ng boses.
I smiled bitterly at her. How can she even talk to me like we were still okay?

"Keehana." Mahina kong sambit. Tila nagulat din si Mir ng makita ako.

Ngayon niya lang ulit ako nakita matapos siyang makipaghiwalay sakin at mukhang hindi niya ini-expect na makita ako.

Tumingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ni Keehana.
I felt a knife stabbed in my heart.

Sinundan niya ang tinitingnan ko kaya napabitiw siya bigla.

"Mir! She should know!" Nanggagalaiting sabi ni Keehana matapos bitiwan ni Mir ang kamay niya.

"Keehana stop. I've done enough" Pag-awat niya kay Keehana

"What? Tayo naman talaga dapat in the first placeNaintindihan ko namang na fall out of love ka kay Winter  pero dahil naawa ka sa kaniya ay itinago mo ang relasyon natin. Face it Winter! Hindi ka na niya mahal. Ako talaga ang mahal niya!"

Parang pinasabugan ang buong sistema ko. Hindi iyon totoo! Hindi! Mahal niya parin ako!

Maluha-luhang napatingin ako kay Mir.

"Totoo ba?" Sana hindi. Kahit magsinungaling siya ay paniniwalaan ko parin ang anumang sasabihin niya. Sabihin mong hindi Mir at tatanggapin parin kita.

Hinintay ko siyang sumagot ngunit hindi siya makatingin sa akin. Isa lang ang ibig sabihin nun.

Totoo nga.

How could he?!

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Gusto ko siyang sigawan pero walang lumalabas na boses mula sa aking bibig. Nagagalit ako sa kaniya! Pero nakakainis lang, mas nangingibabaw parin yung pagmamahal ko sa kaniya.

Hindi ko siya magawang sumbatan. Kasalanan ko rin naman eh. Bakit ba kasi ako umasa ng malaki. Nagpauto ako. 

Hindi pa nakuntento si Keehana at sinampal niya pa ako.

"Para yan sa pag-iilusyon mo! You think he can settle less for you? No! He deserves someone like me with the same level as him! "

" I said stop! Tama na Keehana! That's too much." Nakahawak na siya sa bewang nito upang pigilan sa paglapit sakin.

"Tinutulungan ko lang siyang gumising sa katotohanan."

Right. I wish this is all just a dream. Ang sakit! Ang sakit sakit na!

Nakita kong dumating na ang sundo ni Keehana. Bago ito umalis ay inismiran pa ako at saka humalik kay Mir.

Sinundan ko lang sila ng tingin. Masokista na yata ako. Lumingon naman sakin si Mir.

"I'm sorry Winter. Hindi ako para sa tulad mo. But believe me, I loved you pero nawalan na ako ng gana. Sorry. "
Iyon lang ang nasabi niya bago siya tuluyang pumasok sa kaniyang kotse at pinaharurot ito paalis. Sinaktan niya ako pero nagsosorry siya? What kind of human is he?

Naiwan akong tulala sa sahig.

I'm so pathetic right now. Really helpless.

Without a second thought ay tumakbo ako kahit na malakas pa ang ulan.
I love the rain. It masks my tears. Mga luhang kanina pa gustong kumawala at hindi nila makikita dahil umuulan.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa may narinig akong malakas na busina and everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top