Queen and The Seven Itlogs
Winter's POV
"My my! Look what I've found." She said while grinning at me.
I can't believe that she's in front of me.
She's so angelic but with a devilish smile. And I must say, Queen Montreal is an angel and a devil at the same time.
"You're here already, Queen?Kailan ka nakauwi? Bakit hindi ka nagsabi para nasundo sana kita." Lalong naging malambot ang expression ng mukha ni Yoongi habang tuluyan na ngang nakalapit sila sa amin.
"They did that for you idiot. Sila ang sumundo sa akin kahapon." Tila naiiritang sagot ni Queen dito.
"But still, you should've called."
This is the first time na nakita ko siyang frustrated. Usually kasi, kalmado lang siya pero ngayon, hindi siya mapakali.
"We texted you. Anong silbi ng cellphone mo kung hindi mo naman gagamitin kuya?" Ngayon lang nagsalita si RM.
But the latter just glared at him at muling ibinaling ang tingin kay Queen.
Hinila ako ng kaunti na Yoongi at nang makalapit na kami sa kanila ay saka na ako marahang binitawan at tumungo kay Queen at saka ito niyakap.
YOONGI'S POV
"I'm sorry okay? Hindi na mauulit kamahalan." Marahan kong sambit dito.
"I'm not your favorite anymore."
Sagot nito nang may himig na pagtatampo. She may appear angelic yet devilish at the same time but she's actually a fragile girl in the inside kaya ganun na lamang ang pag-aalala namin sa kaniya.
"Ofcourse not! You know that it will never happen." I said as I kiss her forehead.
"Who is she by the way?" atsaka siya kumalas sa pagkakayakap ko at matamang tiningnan si Winter.
Shit! Nandito nga pala siya. Humarap ako sa kaniya atsaka ipinakilala kay Queen.
"Queen, alam kong kilala mo na siya the moment you came back but I will still introduce her to you. Winter this is Queen at Queen this is Winter, my-"
"Bestfriend! I'm her bestfriend. Nice to meet you. Ang ganda ganda mo talaga." halata ang excitement sa boses niya.
Tss. Bestfriend? That sucks.
"His bestfriend huh? That's a shame." Queen said as she eyed me playfully.
F*ck! I know that look.
WINTER'S POV
Grabe. Hindi parin ako makapaniwalang nasa harapan ko ang reyna nila.
"Cousin. How about us? Hindi mo man lang ba kami ipapakila sa bestfriend mo?" Tatawa tawa pang sabi ni Hope.
Ang gwapo niya. Ang gwapo nila!
"Uhm- kilala ko po kayo. Nabasa ko po sa article."
"Are we that famous to have our own article written about us?" Sabi ni RM na habang nakakunot ang noo nito. Hala! Nakakatakot naman siya.
"Sarili mong school tapos hindi mo alam na may article na ipinublish ang mga estudyante niyo dito?" Yoongi said with a mocking tone. Grabe din talaga silang mag usap eh. Mga harsh.
"You know that don't have time to deal with those kind of things Kuya. " Anito habang sinisipat ang relo atsaka muling nagsalita.
"Let's go Your highness. Ihahatid ka na namin sa room mo."
"But-"
"No buts mahal na reyna. Malapit ng mag-time. Kuya, mauuna kami. You know that it's her first day in school so I don't want her to be late." putol ni Hope sa sasabihin sana ni Queen at bumaling kay Yoongi.
"We'll go with you. Madadaanan natin ang room niya at gusto ko ring ihatid si Queen." Yoongi said eagerly. Excited sila sa first day ni Queen. Ang alam ko kasi, ngayon lang siya papasok sa totoong school kasi nga ever since then, home-schooled na talaga siya.
Sabay-sabay kaming naglakad at sana unahan ang tatlo habang nakasunod naman kami ni Yoongi sa likod. Binabagalan ko nga ang lakad ko kasi nakakahiya namang sumabay sa mga high profiled na katulad nila pero marahan akong hinihigit ni Yoongi kaya wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa kaniya.
"They're all here." Biglang sabi ni RM kaya napatingin ako sa unahan at doon, nakita ko ang mga tagapag-mana ng Montreal Empire na hinihintay ata ang pagdating ni Queen. Kahit yung mga estudyateng napapadaan ay nagnanakaw din ng tingin sa mga magpipinsan na kulang na lamang ay huminto sila para mas matitigan ang mga ito ng maigi.
"What are you all doing here idiots?" agad na tanong ni Queen na may halong pagkairita sa boses.
"We just want to welcome you on your first day. Are you comfortable here?" JK said as she pull Queen into a hug. Marahan naman ito tinapik ni Queen para bitiwan siya nito.
"Why are you all hugging me? You're ruining my dress."
JK just chuckled and immediately let her go.
"Welcome Queen." Biglang sabi ni V na tahimik lang na nakikinig kanina as he gave her a peck on her left cheek. Agad naman napasimangot si Queen. Ang cute nilang tignan grabe! Kahit mukha akong outsider dito, nag-eenjoy parin akong panuorin ang magpipinsan. Pansin ko lang na sobrang touchy at protective nila kay Queen. Kulang na lamang ay itali nila ito sa kanila para hindi mawala sa paningin nila.
"Queen!" sabay-sabay kaming napalingon sa sumigaw. Isang lalaking humahangos ang nakita kong papalapit sa amin.
"Argh! Even my puppy is here."
Queen rolled her eyes pero hindi nakatakas sa paningin ko ang munti niyang ngiti na agad namang nawala nang makalapit ang lalaki sa amin.
Ang cute niya! Habang nakangiti kasi siya ay tila nawawala ang kaniyang mga mata. Tama! Siya yung kapatid ni Yoongi! Si Jimin! Siya si Jimin!
Mabilis niyang niyakap si Queen at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Ganoon din ang ginawa ni Jin na kasunod lamang pala nitong pumunta.
"Hyung! Dumaan ako sa mansyon kanina pero wala ka na. Himala yata na ang aga mong pumasok." Baling ni Jimin kay Yoongi atsaka napansin na katabi ako ng kapatid niya. Nanlaki ang mga mata niya na kanina lang ay parang isang linya nang makita ako.
"You must be Winter! Kuya! Siya na ba yung-" tila naghe-hysterical nitong sabi ng bigla tinakpan ni RM ang bibig nito. Sinamaan naman siya ng tingin ni Yoongi. Nakakahiya na. Pati si Jimin ay kilala na ako. Siguro nakarating na sa kanila yung nangyari kahapon kaya nila ako nakilala. Haaaays.
"Hello there Winter. It's nice to see you again." Nginitian ko na lamang ang pagbati ni Jin. Nahihiya na kasi talaga ako. Imagine, kumpleto silang magpipinsan sa harapan ko na ang gaganda pa ng genes. Feeling ko tuloy isa akong malaking joke dito.
"Can I enter my classroom now? Tapos na ba kayo?" inip na inip na sabi ni Queen. Hala. Nagalit na ata siya.
"Selosa." Pang-aasar ni Jimin kaya naman biglang lumagapak ang kamay ni Queen sa braso nito.
Tatawa tawa lamang si Jimin habang marahang lumalayo kay Queen.
"You can go now. We already know your schedule at sabay-sabay tayong magla-lunch palagi." sabi ni RM dito.
Bantay sarado si Queen. Mahal na mahal talaga siya ng mga pinsan niya. Hindi ko pa man sila nakasama ng matagal ay mahahalata mo naman ang bagay na iyon dahil sa pakikitungo nila dito na para itong dyamante na ayaw nilang manakaw ng kahit sino. Mukhang mahihirapan ang mga manliligaw kay Queen.
"Yeah whatever. Kayo, go back to all your departments na." Queen dismissed them atsaka ito tumalikod at tuluyan na ngang pumasok sa room.
"I'll be the one to fetch her later." sabi ng katabi ko. Ah. May katabi pa nga pala ako. Ang tahimik kasi ni Yoongi.
Binalingan naman siya ng magpipinsan atsaka sila tumango.
"Make sure to do that kung ayaw mong maubusan ng kabuhayan at mapunta lahat kay Jimin ang mana para may maipang-babae siya. Siguradong magagalit si Gran kapag nalaman niya na hindi ka kasama kahapon na sumundo kay Queen." Jin said na ikinasimangot ni Jimin.
"Ako nanaman ang nakita niyo!"
"Ungas! Kungi hindi ka nagsalita ay hindi ko mapapansin na nandito ka. Ang liit mo kasi." pang-aasar ni JK dito kaya lalo itong napasimangot. Pati si V ay sumali na rin sa pang-iinis kay Jimin. Para tuloy silang mga bata.
Patuloy lamang sila sa bangayan at oblivious na sa paligid habang itong katabi ko ay tumango na lamang bilang pagsagot atsaka nagpaalam si Jin na papasok na.
Nagpaalam na rin ang iba pa niyang mga pinsan kay Yoongi at sa akin at dahil nahihiya ako ay tanging pagyuko na lamang ang naisagot ko sa kanila. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Jimin.
"She's adorable kuya."
"Shut up. Pumasok ka na nga." Marahas nito sabi atsaka hinawakan ang kamay ko bago kami naglakad papalayo sa tumatawang si Jimin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top