Mansion
I woke up feeling unwell. My head hurts like hell and I'm feeling really cold right now.
Napansin ko na wala ako sa aking kwarto. Hala! All I remember is that I passed out. Where am I? Tiningnan ko rin ang suot kong damit.
Isang oversized T-shirt at isang color gray na pajamas. Wait what?! Paano ako nakapagpalit?! Kanino ang kwartong ito? Nahagip ng mata ko ang isang orasan sa gilid ng kama. 3 PM. Hapon na pala? Ang pagkakaalam ko gabi ako umuwi galing sa school dahil sa ulan.
Unti-unti akong tumayo at pinilit na lumabas ng kwarto. Bumungad sakin ang hallway na carpeted ang sahig. Nakakamangha. May mga paintings na nakasabit sa wall na alam kong mamahalin talaga. Mga tatlong kwarto ang akin pang nadaanan hanggang makita ko ang hagdan pababa. Isang napakaganda at eleganteng staircase ang binabaan ko. Carpeted din ito. I assumed na centralized aircon ang buong bahay or should I say mansion dahil kanina ko pa nararamdaman ang lamig. Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko.
"Ma'am?! bakit po kayo bumangon? Hindi pa po maayos ang pakiramdam niyo."
Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Kita ko ang pawis sa kaniyang noo at tila kinakabahan siya. Napansin ko rin ang suot niyang maid uniform.
"Sino ka? Nasaan ako? Paano ako napadpad dito? Kayo ba ang nagpalit ng damit ko?" Sunod-sunod and pagbato ko ng mga katanungan. Baka nakidnap ako ng hindi ko pala nalalaman. Pero sinong kidnapper ba ang ganito kayaman? Napamake face ako sa sariling katangahan.
"Nakita po naming buhat-buhat kayo ni Sir kagabi. Kami rin po ang nagpalit ng damit niyo dahil basang-basa po kayo at inaapoy ng lagnat.Girlfriend ka po ba niya? Malalagot kami kay Sir kapag nalaman niyang bumangon ka ng hindi pa gumagaling." Sabi ng kinakabahang katulong.
Bakit siya magagalit?
"Hindi. Hindi ko siya kilala. Sino ba ang amo mo?"
"Si Sir Yoo-" naputol ang sinasabi niya nang pigilan siya ng kadarating lang na isa pang nagsisilbi sa bahay.
"Marta! Bakit mo kinakausap si ma'am?! Gusto mo bang masisante ni Sir?" Puno ng pagbabanta niyang sabi.
Napakunot ang noo ko. Sino bang Sir nila? Parang takot na takot sila doon.
"Ma'am pasensiya na po. Ipinaghanda na po namin kayo ng pagkain."
Sumunod ako sa katulong dahil nakaramdam narin ako ng pagkagutom. Mabagal at hinang hina akong naglakad.
Bumungad sakin ang napakahabang table. Mga labing dalawa siguro ang pwedeng kumain dito. Agaw pansin din ang chandelier na nakasabit sa taas at kumikinang kinang pa katulad din ito sa chandelier na nakita ko kanina sa sala pero mas malaki at mas maraming diyamante yun.
Tiningnan ko ang lamesa ngunit wala pa iyong laman. Inalalayan ako ng katulong na umupo. May lumabas na tatlo pang katulong ngunit may bitbit ang mga ito na isa-isang inilapag sa harapan ko. Bumungad sakin ang masasap na putahe ng pagkain. Kahit hindi ako pamilyar sa mga ito ay feeling ko masarap. Lalo na yung seafoods.
Nasaan ba ako? Para akong nasa palasyo at lahat pinagsisilbihan ako. Kilala ba ako ng may ari?
Ang sarap namang tumira dito. May sumulpot din na isnag lalaking naka-tuxedo na black na sa tantiya ko ay nasa edad 30 pataas. Siya raw ang butler sa mansyong ito. Siya ang naglagay ng pagkain sa aking plato na kanina ko pa pinipigilan dahil kaya ko naman na iyong gawin ngunit nagpumilit siya at wala na akong nagawa.
Sisimulan ko sa sanang kumain ng makita ko ang mga kubyertos sa gilid ng aking baso. Ang dami nito. May maliit na kutsara, may kutsilyo at iba pa. At dahil sa gutom ay dinampot ko ang kutsara na una kong nakita kanina at isang tinidor.
"Hindi ba kayo kakain?"
Napansin ko kasing hindi umalis amg mga katulong sa gilid at nakatayo lang sila doon.
Isang gulat na ekspresyon ang ipinakita nila sakin.
"Bakit ganyan kayo makatingin?"
"We're here to tend all your needs ma'am. Hindi po kami pwedeng sumabay sa inyo." Sagot naman ng butler.
"Pero masyadong marami ang nakahain. Hindi ko mauubos 'to."
Napakunot naman ang noo ko. Bakit naman hindi? Ano ba nila ako dito at tila lahat nalang ng gagawin ko ay pinagsisilbihan nila ako.
Nakarinig ako ng yabag na indikasyong may paparating kaya nilingon ko ang entrance ng dining room.
Nalaglag ang panga ko sa aking nakita. Siya yun! Yung napakaputing lalaki!
Nagsiyukuan ang mga katulong at mabilis na nagsipag-alisan.
"You're awake. Are you feeling better now?"
Hindi ako makasagot sa tanong niya at patuloy parin ang pagtitig sa kaniya.
"Hey! Are you okay?" Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya.
"You're the guy from the rooftop. Kilala mo ako? Bakit ako nandito?"
"I saw you while I was driving. You're lying on the street that's why I brought you here."
"Matagal-tagal ba akong nakatulog?"
"Yeah. I brought you here yesterday but you won't wake up because of your fever. I'm glad you look a little better now."
Napangiti ako sa kaniyang sagot. May mababait parin palang tao na handang tumulong sayo kahit hindi nila alam ang nagyari.
Napakurap siya ng ilang beses at saka umiiwas ng tingin.
"Continue eating. I'll eat with you." Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin at umupo sa katapat kong upuan.
"Ano nga palang pangalan mo?"
"Yoongi."
Ah. Ang tipid niyang magsalita.
Amg sungit parin niya kagaya noong huli naming pagkikita.
"Ako nga pala si Winter. Winter de Villa. Salamat nga pala sa pagdadala sakin dito."
Nahihiya kong sabi.
Natingin siya sakin sandali at ipinagpatuloy ang pagkain.
Natahimik nalang ako at inubos ang natitirang pagkain sa plato ko.
Nang matapos kami ay agad siyang tumayo ngunit bago siya makalabas ay may sinabi muna siya.
"You should stay until you're fever is gone."
He's so kind. Kahit hindi man halata sa mukha niya dahil lagi itong seryoso ay alam kong mabait talaga siya. And it's very comfortable when I'm with him. Ewan ko ba. Parang nakalimutan ko yung nangyari kahapon bago ako mahimatay. And thinking what happened yesterday, ngayon lang nagsink in ang sinabi ni Mir sakin. Na hindi niya talaga ako minahal.
Umiinit nanaman ang sulok ng mata ko. Agad akong bumalik sa kwartong pinagmulan ko kanina.
Bumalik ako sa pagkakahiga. I feel so pathetic. I should move on. Yeah that's it. It'll be hard but I'll try.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top