Leisure Room

Winter's POV

Lunch break na nang makita ko si Yoongi sa labas ng classroom na naghihintay. Nakayuko ito habang nakasandal sa pader at hindi man lang pinapansin ang atensyon na nakukuha mula sa aming schoolmates. Kahit ang mga senior ko sa course ay himalang biglang napadaan sa floor namin at matamang tinitingnan si Yoongi but as always, hindi man lang nito inangat ang tingin.

He looks dashing I must say. As in.

"Yoongi!" tawag ko sa kaniya at doon lamang nito ako nakita.

Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago nagpakawala ng munting ngiti. Shit. Hindi ako marunong magmura. Ngayon lang. Narinig ko ang singhap ng mga nasa paligid.

Alam kong ang OA ng reaksyon pero naiintindihan ko sila. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang yelong ito ay bigla-biglang ngingiti. Although konting kibot lamang iyon ng kaniyang labi ay maituturing parin iyong ngiti ng mga madalang makakita nito.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniyang pwesto.

"We'll eat lunch with my cousins. Is it okay with you?"

Of course it's fine! Gusto ko sanang isagot kaya lang baka naman sabihin niyang atat na atat akong makilala ang mga pinsan niya which is true by the way.

Base sa lahat ng nakikita ko at kakilala ko, madalang lang daw talaga na may kausapin na ibang tao ang magpipinsan.

"Kung papayag sila then okay narin sakin." sagot ko na lamang.

Nakarating kami sa harap ng CTHM building. College of Tourism and Hotel Management. Magkakaiba kasi ang building kada kurso dito sa aming  
school at sa dami ng ino-offer sa courses, mamamangha ka sa laki nito.

"I'll introduce you to them." sabi niya bago buksan ang kotse saka ako pinapasok.
Wait--
"Hindi ba nakakahiya? I mean, hindi niyo naman ako pamilya para kumain ako kasama niyo." I said nervously nang makaupo na siya sa driver's seat.

"Soon." then he started the engine and drove off.

I sighed and just stared at the window. Wala talaga siyang kwenta kausap minsan. I couldn't understand his vague answer.

After a few minute drive, nakarating kami sa main cafeteria ng paaralan.
Kaya naman sanang lakarin ang cafeteria ngunit sa lawak ng school grounds ay matatagalan talaga. Fun fact, this school is actually built like a small community (or maybe not that small). Kumpleto sa facilities. Bookstore, gymnasium, may convenience store na stationed in every college building, may tennis court, swimming pool, soccer field, at marami pang sports facilities. Pwede ka naring magshoping dahil naglagay din ng ilang stores dito.

Nang makapasok ako sa school, dito talaga ako sa cafeteria namangha and this is not your ordinary cafeteria na limited lang ang food choices at isa pa, dalawang palapag ito at sobrang lawak. Maraming branches ng local and international fast food chains at meron ding mga high end restaurants ang nagseserve ng pagkain. Sa gitna ng cafeteria nakalagay ang mga tables and chairs.

Marami ang nagtitinginan nang sabay kaming pumasok ni Yoongi. Nabawasan ang ingay ng cafeteria at nangibabaw ang bulungan.

Pero itong kasama ay tuloy-tuloy lamang sa paglakad at tila'y sanay na sanay na na maging sentro ng atensiyon. Sumunod na lamang ako habang bahagyang nakayuko. Nang akala ko ay hihinto kami sa isa sa mga upuan ay dumiretso ito sa hagdanan paakyat sa ikalawang palapag.

Puro cafés naman ang nasa second floor and contrary to the first floor, mas tahimik dito sa taas. Instead of chairs and tables, couches ang nandirito at mga mini table.
Yoongi led me to the corner most of the cafés at doon, nakita ko ang isang malaking pintuan.

Wow! Meron palang ganito dito. Marahan niyang binuksan ang pinto at naunang pumasok.
Rinig na rinig ko ang tawanan mula sa kinaroruonan ko.
Dahan dahan naman akong sumunod dito at hindi parin makapaniwala sa napuntahan.

They actully have their own space to eat. How cool!

"Nandito na ang tamad!" sigaw ng isa sa kanila.
Nang umalis si Yoongi sa harapan ko ay agad kong pinagmasadan ang lugar. It's a big room. May mahabang dining table sa pinakadulo at open kitchen naman sa left side. Bumungad sa akin ang malaking carpet kung saan nakalagay ang isang sofa bed, a few couches and bean bags . May malaking television din na kasalukuyan nakapatay.

Nangtinginan ang lahat sa aming pwesto and eventually, the laughters died down nang mapansin ang hindi pamilyar na panauhin.

"Care to formally introduce her my dear cousin?" the only girl in the room said. I can even see her not-so-friendly grin. Parang nagsitaasan ang balahibo ko sa way ng pagkakasabi niya. Grabe talaga si Queen. Ayaw niya ba sakin?

I heard Yoongi sighed.
"I bet everyone of you knows her already."

"Ako kuya kilala ko na siya." Nakataas pa ang kamay nitong sabi. Wala namang pumansin dito at samin parin nakatutok ang kanilang mata.

"Hi. I'm Winter dela Vega. Uhm- friend ako ni Yoongi. Well I consider him as my bestfriend though." pahina ng pahina ang boses ko sa nerbiyos. 

"Okay enough. Everyone take your sits. We'll have our lunch na." Naputol ang tension ng magsalita si Jin. Or should I call him Kuya? Mas nakakatanda naman siya sakin. Wag na nga. Nakakahiya.

"Hi Winter! It's nice to formally meet you." Hope gave me a warm welcoming smile. Kumaway naman ang kambal na nasa tabi nito. Cutie talaga ng mga to.
RM just nodded atsaka ito tumayo ay pumunta na hapag-kainan.

Doon ko lang napansin na puno ng pagkain ang mahabang dining table.
Ganito ba sila kumain? Parang laging may handaan.
"You'll get used to it. Malakas kumain ang mga pinsan ko kata ganiyan karami." I heard someone talked bwside me as we sat. Katabi ko pala si Hope at sa kabila naman ay si Yoongi. 

Sitting opposite to mine is Queen. Pinapagitnaan naman siya ng kambal. Di na niya kailangang kumuha ng pagkain dahil ang kambal na mismo ang gumawa nito. Nakakatuwa pa na nag-aaway ang kambal kung ano ba ang talagang paborito ni Queen na pagkain.

"Stop staring at them. Eat." Napalingon ako kay Yoongi na nagsisimula ng kumain. Looking at my plate, balak ata akong patabain ng lalaking ito. Mukha ba akong ganito kalakas kumain?

Keeping all my thoughts to myself, I started eating too. Wow! For the second time today! Sobrang sarap! How could they get all of these resources? Ah. Right. They are freakin' rich!



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top