Adobo
Her POV
Today is Saturday and my whole week was surprisingly peaceful. Walang nambubully sa akin na lubos kong ikinagulat. In just a snap mukhang nagbago ang lahat. Ni wala ngang pumapansin sa akin na mga estudyante bukod kay Elise which is actually a good thing.
Ilag sa akin ang mga estudyante. Si Elise rin ang lagi kong kasama mapa-recess o lunch man.
Ngunit sa uwian ay magkahiwalay na kami since iba ang way ng bahay nila at sinusundo din siya ng driver nila.
RK pala siya.
Kanina ko pa natapos lahat ng gawain dito sa bahay. Nakapaglaba na rin ako. Nagawa ko na rin lahat ng assignments ko kaya ngayong nakapagpahinga na ako ay hindi ko maiwasang ma-boring.
Anong gagawin ko ngayon? Alas tres palang naman ng hapon kaya naisipan kong pumunta sa mall. Nagsuot lang ako ng black tshirt at black shorts na hanggang kalahati ng binti ko ang haba and a pair of sneakers.
Tanging wallet at cellphone lang ang dala ko habang ako ay naglilibot nang madaanan ko ang supermarket.
Err. Should I make him something as a sign of gratitude? Kaso baka hindi niya tanggapin. Well, there's no harm in trying. In the end I decided to cook for him.
Mabilis akong namili at agad na umuwi upang makapagluto na. Adobo lang naman ang ginawa ko para mabilis lang maluto at hindi ako gabihin. Nang matapos ay isinalin ko ito sa isang tupperware at inilagay sa paperbag. Nagbihis muna ako ng damit dahil nabasa na ito ng pawis gawa ng pagluluto ko then made my hair into a messy bun.
Bumaba ako ng jeep at maglakad patungo sa village nila. Muntik pa akong hindi makapasok dahil sa nagbabantay na guard na wala atang tiwala sakin. I can't help but to pout. Do I look like a criminal now?
Buti na lamang pinapasok din ako ng tanungin ng guard ang pangalan ko.Bakas pa sa kaniyang mukha ang pagkagulat na may halong takot at dali daling binuksan ang entrance ng village.Wow. Magic word na pala ang pangalan ko.Hehe.
Nagpasalamat naman ako at naglakad na patungo sa mansion nila Yoongi .
Pagod na pagod na ako pero hindi ko parin nanarating ang bahay niya. Ang layo naman kasi tapos ang lalaki pa ng mga bahay at pagitan nito sa ibang bahay.
"Yes! Ito na yun!"
Sa wakas at narating ko din. Nagdoorbell ako kaya lumapit yung guard na nagbabantay.
"Anong kailangan mo Miss?"
"A-ah may ibibigay lang po sana ako kay Yoongi. Ito po oh!" Sabi ko sabay pakita ng hawak kong paper bag.
"Nako! Isa ka ba sa mga babae ni sir na patay na patay sa kaniya? Mga kabataan nga naman oh. Ang ganda mo pa naman sana Miss kaso walang interes yun sa babae. Pagtulog lang ang mahal nun kaya kung ako sayo ay uuwi na ako. Nagsasayang ka lang ng oras mo miss."
Mahabang litanya ni Kuyang guard na ikinabagsak ng balikat ko.
Babae niya naman kasi talaga ako eh. Babaeng kaibigan. Ano bang ibig sabihin niya doon?
At hindi naman ako patay na patay. Buhay kaya ako.
"Babae niya po ako. Babaeng kaibagan."
"Patawa ka Miss. Puro lalaki lang ang kaibigan ni Sir."
Wala na akong nagawa. Malungkot kong binagtas ang daan palabas ng village. Hindi pa man ako nakakalayo sa bahay niya ay naisipan kong umupo sa tabi ng kalsada.
Kanina pa kasi ako lakad ng lakad at hindi man lang ako nakainom ng tubig. Tiningnan ko ang hawak kong Paper bag. Sayang naman. Ginawa ko pa naman ito para sa kaniya.
Sinilip ko ang cellphone ko at nakitang ala-sais na pala ng hapon. Haay. Bukas na ang mga streetlights at papalubog na rin ang araw.
Napapitlag ako ng may bumusina na isang magarang kotse. Pinatay niya ang makina atsaka siya bumaba. Si Yoongi!
Binalot ako ng saya sa aking nakita.
"What are you sitting there?" Naka-kunot noo niyang tanong.
"Nilakad ko kaya ang bahay mo mula sa entrance. Kaso lang hindi ako pinapasok ni Kuyang guard na nagbabantay sa bahay mo. Mukha ba akong babaeng patay na patay sayo? Tinanong kasi ako kanina ni kuyang guard niyan." Nakanguso kong tanong. Nauuhaw na ako!
"No you silly girl. And what? He won't let you inside?!" Nahimigan ko ang pagkaiirita sa kaniyang boses.
"Sabi na eh! Ayaw niya kasing maniwala sa akin. Babae mo namna kasi talaga ako diba?"
"What are you saying? You're my girl?!" Tila hindi siya makapaniwala na narinig niya ito mula sa akin. Pati ba naman siya?
"Oo. Babaeng kaibigan." I said while pouting.
Kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"The fck? I can't believe this woman. " He said like he heard the most stupid answer ever.
What? Tama naman eh.
"Hey no cussing! Bad yun!"
"Yeah whatever."
At nagrolled eyes pa talaga
"Nauuhaw na ako." Hindi ko mapigilang hindi mapanguso habang sinasabi iyon. Imagine? Kanina pa ako lakad g lakad tapos hindi pa ako pinapasok. Huhu. Sadlyf!
"Tsk. Let's get into my car."
Hinila niya ang kamay ko at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat. Hehe. It'll be my first time inside a luxurious car. It's so cool!
"I like your car!" Sabi ko ng makapasok na siya at naupo na sa driver's seat. Tila nagningning ang aking mga mata.
Hindi niya ako sinagot but instead, he asked me a question.
"What's the thing that you're holding?"
"Ah ito ba? I cooked it for you since you're my friend now and you helped me a lot actully."
"Really?" Ramdam ko ang saya sa boses niya at patunay na dito ang kaniyang mga ngiti. He smiled! I'm relieved.
Inayos niya ang seatbelt ko at pinaandar na ang kotse niya.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay niya ay automatic na bumukas ang gate ngunit nagtaka ako ng huminto si Yoongi sa tapat ng guardhouse kung saan nakikita ko si Kuyang guard na ayaw akong papasukin kanina.
Lumapit ang guard at binuksan naman ni Yoongi ang bintana ng kotse.
Nakita kong nanlaki ang mata ni kuyang guard na tila nakakita ng multo pagkakita niya sakin dito sa loob kaya kinawayan ko siya at nginitian.
Pagkalingon ko naman sa katabi ko ay nakita ko ang walang kaemo-emosyon niyang mukha na tila hindi nagugustuhan ang taong nakikita. Teka kay kuya guard siya nakatingin ah?
"S-sir! k-kilala niyo po pala si Miss!"
Bakas ang takot sa kanyang mukha habang nagtatanong. Bakit kaya? Nakakatakot na ba ang mukha ko? Bigla tuloy akong napatingin sa salamin ng kotse. Hindi naman eh!
"Yes I know her and by the way, YOU'RE FIRED!"
Nagulat ako sa aking narinig. Bukod sa nakakatakot ang boses ni Yoongi ng sabihin niya iyon ay nakita ko rin ang mukha niya na tila may ginawa itong napakalaking kasalanan sa kaniya.
"Sir wag po! M-maawa na po kayo! Ako lang po ang inaasahan sa amin!"
Maluha-luha na yong guard at nakakaawa na ring tingnan. Bakit ba siya tinanggal ni Yoongi. So mean!
"Hala! Bakit mo ba kasi siya tinanggal? Ano bang ginawa niyang mali?"
"Because he's stupid. No one dares to mess up with my property."
Wala man lang akong makitang awa sa mata niya. Mukhang mahirap i-convince na bawiin ang kaniyang sinabi.
"Sir sige na po maawa na po kayo!"
Halos ipasok niya na ang kaniyang sarili sa bintana ng kotse. Nakakaawa na siya. Tiningnan ko namna si Yoongi na malamig parin ang tingin kay Kuyang guard.
"Yoongi. Wag mo na syang tanggalin. Nakakaawa naman ang pamilya niya. Tsaka gusto mo ipagluto nalang kita ng sinigang na lapu lapu para mawala ang init ng ulo mo. Pero bukas nalang ha. Gabi na kasi eh"
Sabay turo ko pa sa kalangitan. Lumubog na ang araw eh. At sana gumana ang suhol ko. *le cross fingers*
"Tss. Fine." Nakita ko pa ang patagong ngiti niya na ipinagtaka ko naman. Bumaling naman ako kay kuyang guard.
"Kuya okay na daw. Wag ka ng magalala."
"Naku salamat po Sir! Lalo na sayo Ma'am! Hindi ko na po uulitin sa susunod!" Sabi ni kuyang guard na bakas ang tuwa sa kaniyang mukha sabay tumakbo pabalik sa guard house.
Huh? Uulitin ang alin? Wala naman siyang kasalanan sakin ah?
"Teka lang. Anong ibig niyang sabihin? May ginawa siyang kasalanan sakin?"
Nagkibit balikat lang siya at sinimulan na uling magdrive. Huminto kami sa harap ng mansyo at siya narin mismo ang kumalas sa seatbelt ko. Marunong naman ako eh!
Pagkalabas namin ng kotse ay ibinigay niya ang susi doon kay kuyang Butler. Natatandaan ko siya hehe.
Pagpasok namin ay nagbow sa kaniya ang apat na katulong na nakalinya. Wow. Sosyal talaga tong sungit na to. Hindi man lang binati pabalik. Nahiya pa nga ako dahil nagbow din sakin. Nag-hi nalang ako kahit ang awkward nun.Hehe.
Dala-dala ni Yoongi ang paper bag kaya ng akmang kukunin ng katulong iyon para ito ang magbitbit ay agad niya itong nilayo at tiningnan ng masama ang katulong. Napaatras ito bigla at bakas ang takot sa mukha. Ang suplado talaga.
"Pasensiya na po sa kaniya ha."
Pabulong kong sabi ng madaanan ko yung katulong. Nginitian naman ako nito pabalik.
Nakarating na kami sa kusina na napakaganda. Wow! Kumpletong-kumpleto dito! Ang sarap atang tumira dito. Siya na mismo ang kumuha ng mangkok at sandok at saka inilipat ang adobo doon. Ibinigay naman niya ang baunan sa isang katulong na nakasunod sa amin.
Pumunta kami sa dining table. Siya na rin ang nagdala ng adobo. Pagkaupo namin ay siya namang paglalagay ng mga katulong ng plato, kutsara, baso at iba pang kagamitan sa pagkain. Kanin at juice lang din ang pinalagay niya at wala akong nakitang ibang ulam. Naghihirap na ba siya?
"Let's eat."
Okay. Nakita kong sumubo siya at hinintay ko ang kaniyang reksiyon.
"Masarap ba? Sorry yan lang naluto ko. Wala na kasing oras eh."
Hindi ko mapigilang magtanong. Excited akong malaman ang sagot niya.
Tumango siya na ikinatuwa ko lalo.
"Yeah. It's delicious." Sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.
Napangiti pa nga siya ng kaunti. Abot tenga na talaga ang mga ngiti ko.
Mabuti naman nagustuhan niya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top