CHAPTER 5
CAYLEY
Nadischarge ako kahapon lang, ngayon namin hinihintay kong dumating ang magsusundo sa akin at maghahatid papaunta sa airport.
Nilingon ko ulit ang bahay at nakita ko ang isang kasambahay doon na naiiyak habang nakatingin sa akin.
I remember her, siya yung tumulong sa akin sa paglinis ng basag na vase na itinapon ni Kievan sa harapan ko.
"Come here, i wanna hug you." I said.
Lumapit ito at saka ako mahigpit na niyakap
"Are you sure you won't come with me? I can still book you a plane ticket."Sabi ko.
"Wag na po ma'am, makita lang po kita malayo sa mansyong ito sapat na po iyon para sumaya ako, ramdam ko po ang pagtitiis niyo sa bahay na ito, sana po ay alagaan niyo ang sarili niyo pati narin ang bata sa sinapupunan niyo." Sabi niya.
"Yes, i will." Sabi ko.
I hug her again and bid my goodbyes, sumakay na ako sa sasakyan ng makarating ito saka binuksan ang bintana.
"Kung tatanongin po kayo kong na saan ako ang sabihin niyo po ay nasa malayong malayong lugar, lugar kung saan hindi niya po ako makikita." Sabi ko.
Nagsitanguan sila. Nilingon ko ulit ang bahay sa huling pagkakataon.
Babalik man ako o hindi ililibing ko sa kailaliman ang pagtitiis ko sa kamay mo Kievan, at sa pagbalik ko gagantihan kita sa mga ginawa mo.
Nag drive na papuntang airport ang driver nang makarating doon agad kong nakita si Mama, Casper at Caspian.
"Ate!" Tawag nito.
Makasabay nila ako niyakap at nag si iyakan kaming tatlo, si mama naman ay nakatingin lang sa amin at umiiyak din.
"Hindi hindi ko po mapapatawad ang lalaking iyon ate!" Galit na sabi ni Casper.
"Okay na bunso, hindi niya na ako masasaktan ulit."sabi ko.
"Ate wag ka nalang bumalik dito, doon nalang tayo sa ibinigay na bahay ng biyenan mo." Pamimilit ni Caspian.
"Hindi pwedi Ian, maghahanap ng ama ang anak ko ano naman ang isasagot ko sa kanya?" I asked.
"Sabihin mo na bayolente ang ama niya at hindi magandang magsama kayong dala-"
"Tigil na Ian, hali na kayo at mahuhuli tayo sa flight." Sabi ni mama.
Nauna na silang pumasok sa eroplano ng may tumawag sa telephono ko.
Number lang iyon kaya naman sinagot ko.
"Where the hell are you Cayley!" Isang sigaw mula sa kabilang linya ang agad na bumungad sa akin.
"Sa impyerno sasama ka?" I asked.
"I'll track you down b*tch don't you ever dare hide my child from me!" He said.
"Catch me if you can." Pagmamatapang ko.
"Dam-toot-toot-toot"
Agad kong kinuhanan ng sim pack ang telephonong gamit ko at in-off iyon, sinabihan ko din i-off nila Caspian ang cellphone nila at baka i-track ni Kievan ang mga location ng phone nila.
I lay my back on the backrest saka bumuntong hininga.
Huwag mo sana akong pahirapang palakihin ka anak, maawa ka kay mama.
Ipinikit ko ang mata at saka pinilit ang sariling matulog.
**
6 years later.
"Mama?"I heard a voice against my left ear while rocking my shoulder.
"Mama? Are you dead mama?" Idinilat ko ang mata at agad na bumungad sa akin ang maganda mukha ng anak ko.
I can't deny that all of his features namana niya sa ama niya.
Ilong at mata ko lang ang nakuha niya, the rest is his father.
"Goodmorning mama! Breakfast is ready!" He said as he jumped out of the bed while smiling at me.
"Where's my kiss baby?" I asked.
"You should get up po muna and brush your teeth..ew."He acted disgusted kaya itinapon ko sa kanya throw pillow.
"No kisses for you." I said.
"Just kidding mama! I love you so much po!" He said.
Tinalon niya ang pagitan namin at naglambitin sa leeg ko.
"Mama carry me!" He said.
Instead of carrying him i tickled him on his stomach kaya ayun napuno ng tawa ang buong kwarto.
"Ate! Breakfast is ready maya na iyan!" Sigaw ni Casper sa labas ng kwarto.
"Oo na!" Sigaw ko pabalik.
I carried Adam with me in the bathroom and brush my teeth.
"You know what baby, you started to gain weight mama won't carry you na." I said.
Bumibigat na kasi ito.
For the past 6 years, i never heard or received any calls and text messages from Kievan, only his mom.
Tinatawagan ako nito and she even visited us here.
"Mama, when will i see papa?" He said.
"I don't know baby, papa is a busy man. He can't leave his work for us so let's just wait for him to call and tell us that we can see him." I told him.
Lumungkot ang mukha nito, niyakap ko ito para aluhin.
"Don't worry mama's here naman tsaka bibisitahin ka ni Dada mo, ayaw mo ba kay dada?" I asked.
Si Enzo, half canadian half filipino nakilala ko nung ilang months palang kami dito, he even said that he will help me taking care of Adam dahil hindi din naman daw siya busy sa business niya.
Laking pasalamat ko nga sakanya eh, ang laki nang naitulong niya sa akin nung kapapanganak ko palang kay Adam.
"Where's dada po?" He asked agad namang lumiwanag ang mukha niya.
Tinapos ko na ang pagto toothbrush saka ulit ito kinarga.
Bumukas ang pinto ng kwarto ko at agad na sumalubong sa amin ang matamis na ngiti ni Enzo.
Speaking of the devil.
"Goodmorning!" Bati niya.
Ibinaba ko si Adam at agad naman itong tumakbo at yumakap kay Enzo.
"Dadaaa! Laro po tayo ngayon?" Tanong niya.
"Sorry Adam pero dada is busy, sasama lang ako sa agahan niyo is that okay with you?" He said.
"Okay po!"masiglang sabi niya.
Lumapit ako sa kanila at saka pinat ang ulo ni Adam.
"Kumain ka na?" I asked Enzo.
"Uhm, no kakarating ko lang din makikikain nga sana." Sabi niya.
Sinuntok ko ang braso nito.
"Parang baliw!" Sabi ko.
Mahina itong tumawa saka ako hinalikan sa tuktok ng ulo ko.
"Tara?" Aya niya.
Karga niya sa kabilang bisig si Adam habang inabot naman ni Enzo ang kabilang kamay niya sa akin.
Hinawakan ko iyon saka na kami lumabas sa kwarto ko.
"Uyyy! Si ate!" Rinig kong sigaw ni Caspian nakasilip ito sa gilid ng pinto ng kwarto niya.
Sinamaan ko siya ng tingin saka ito sinensyahang 'tatamaan ka talaga sa akin.'
Tinawanan niya lang ako.
Nagtungo na kami sa baba para kumain, saka nagkwentuhan ng mga bagay bagay.
Masiglang natapos ang breakfast namin, umalis na din si Enzo dahil may meeting pa daw siyang pupuntahan, nakisabay lang daw siya sa amin para makita si Adam at ako.
I don't know, until now i still love Kievan kahit na ang dami niyang nagawang kasalanan sa akin, pero hindi ako tanga para bumalik ulit sa puder niya para magpabugbug ulit.
"Atee! Tawag tawag!" Sigaw ni Casper saka inabot sa akin ang cellphone ko, naiwan ko siguro ito sa may countertop habang naghuhugas ng pinggan.
Sinagot ko iyon habang inaayos ang pagkaka arrange ng mga baso sa lalagyan.
"Hello?"
"Hija? How are you?" Agad ko namang nakilala ang boses non napangiti ako saka siya sinagot.
"I'm fine po mama." Sagot ko naman.
"Good, kailan kayo uuwi dito?" She asked.
I paused for a second before answering her question.
"Next week siguro ma, but i don't know if mags-stay kami dyan for good. Maybe only a week kasi mags-start na din ang class ni Adam dito."sagot ko naman.
"By the way ma, sasama po sa pag uwi namin dyan si Enzo. He has some ideas about sa project na gagawin sa pinas." i said.
Mama knows Enzo, business partner nila ito sa rito sa canada and he is also one of the stakeholders sa paparating na big project ng company nila.
"My apo is enjoying his life there, pero hindi naman siguro masama kong ipapakilala mo na siya sa totoo niyang tatay hindi ba?" Ani ni mama.
"Hindi ko po alam mama, kahit po ilang taon na ang nakalipas sariwang sariwa parin po sa memorya ko ang mga ginawa ni Kievan sa akin." I said.
"I know hija, but i hope soon magkaayos na kayo. Kahit para sa apo ko lang, okay na sa akin kung hindi na kayo magkakaayos ulit, basta ma kilala niya lang ang ama niya, and if you insist na d'yan na muna kayo titira, i won't force you na umuwi dito sa pinas, i know you have suffered enough ayoko nang madagdagan pa 'yon." She said.
"Hindi naman po sa ipinagdadamot ko si Adam sa kanya, nag iisip lang po ako kung anong gagawin ko sa oras na magkita ang mag ama, i will settle things with him when i'm ready na po." Sabi ko.
"It's okay hija, i understand. Nandyan ba si Adam? gusto ko sana siyang makausap." Sabi niya.
Napangiti ako.
"Opo!" Sabi ko saka tinawag si Adam.
"Adam baby! Mama La wants to talk to you."sabi ko.
"Mama La!" Sigaw naman nito habang tumatalon na nagtungo sa akin.
Pasalamat nga ako at hindi ugali ni Kievan ang namana niya, may pagka jolly ang anak ko saka friendly. Hindi din naman ito masungit kaya madaling paamuhin kapang nag tatampo.
Ibinigay ko sa kanya ang telephono at hinayaan silang dalawa magkausap.
Alam kong hinahanap parin ako ni Kievan ngayon at bilib din ako kay mama dahil nanatili itong tahimik para hindi kami mahanap ni Kievan.
Kami lang ni Adam ang uuwi ng pilipinas, dito kasi nakabase ang trabaho ni Caspian si Casper naman ga-graduate na ilang buwan nalang bibilangin.
Si mama pinatayuan ko ng flower shop para naman may libangan ito at hindi mainip dito sa bahay.
Kinuha ko ang laptop ko saka nag book ng flight, nag isip din ako ng mga gagawin kapag nag kita ulit kami.
Nang maihanda ko na lahat sinimulan ko nang mag impake at ayusin ang mga gamit namin.
Kung hindi lang kami pinilit ni mom na umuwi ng pinas ay mas gugustuhin kong manirahan dito.
Nakasanayan ko nang manirahan dito simula nung maipanganak ko Adam, ayaw ko siyang ipagdamot kay Kievan pero ayoko ding bumalik sa puder nito.
Enough na para sa akin ang maging isang single mom, namuhay kami ni Adam dito na kami lang at walang kahit na anong supporta galing kay Kievan.
Hindi ko din naman tatanggapin 'yon kung sakalinh tutulong ito.
Titiisin ko muna ang ilang araw na pag-s-stay sa pinas para magkita ang ama at agad na uuwi rito dahil siguro akong hindi ko masisikmura ang makaharap ito kahit ngayon na may anak na kami.
Kung ako lang ang papipiliin kong sinong magiging ama ng anak ko mas mabuti pang si Enzo nalang ang naging ama niya. Mas deserving pa siyang maging tatay ni Kievan.
Tinapos ko na ang pag-iimpake at nag-isip-isip.
I texted mom about my answer sa tanong niya kanina.
'Hindi ako papayag sa gusto niyong mangyari mom, I'm sorry pero tama na po ang ilang taong paghihirap ko sa kamay ng anak niyo.'
After i hit send button itinapon ko ang cellphone sa kama at humiga, bumuntong hininga ako saka ulit nag isip sip.
It will take time to heal, hindi ganoon kadaling magpatawad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top