Chapter 5
"Ano 'yan?" tanong ni Anne Marie habang tinutukoy ang box na dala-dala ko. Nagkasalubong kami sa may gate at napagdesisyunan naming sabay nang pumasok sa classroom.
"Wala naman. Cupcakes lang," sagot ko at sinubukan ko na ring itago ang kahon mula sa mga kaklase ko, kasi for sure maku-curios sila at iintrigahin ako kung ibebenta ko ba iyon o kung ibibigay kung kanino. Pero mukhang mas kapanipaniwalang may pagbibigyan ako at hindi nila ako titigilang usisain kung sino. Ganoon naman palagi. Hindi natitigil ang mga tanong nila. And I am sick of that; they are just curious about me but don't care about me at all.
"Cupcakes? As far as I know, hindi ko naman birthday." May halong pagtataka ang mukha ng best friend ko nang lingunin niya ako.
"Dahil hindi naman ito para sa 'yo," sagot ko.
"Gano'n? Eh, kanino pala? Sa ex-boyfriend mo?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Binigyan ko siya ng ano-bang-pinagsasasabi-mo look.
"Of course not!" Hindi ko alam bakit biglang nagbago ang timpla ko nang marinig ko iyon. "Bakit ko naman siya bibigyan ng cupcakes? Ano ako nahihibang?"
"Kung hindi para sa akin, hindi para sa ex mo, kanino pala?" Naka-crossed arms pa niyang tanong. Akala ko ay makakaligtas na ako sa interrogation, sa kaniya pala hindi.
Nahihiya akong sumagot. "P-para kay Jhon Rey." Kusang ngumiti ang mga labi ko nang banggitin ko ang pangalan ng lalaking iyon.
"W-What?" she laughed. "At bakit mo siya bibigyan? Nababaliw ka na ba? Seryoso ka bang siya ang Mr. Right mo? At saka bakit walang icing? Itatanong mo ba sa kaniya kung siya na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake mo?" natatawa niyang mga tanong habang inaasar ako't tinutusok-tusok ang tagiliran ko. Hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil gusto kong inaasar niya ako sa crush ko, kaysa ipagtulakan niya ako sa walang kwenta kong ex.
"H-hindi, ah! Mamaya ko pa ilalagay 'yong icing kasi baka matagtag. At saka bakit ka ba nangingialam? Ano bang masama kung bigyan ko siya kahit papaano ng gift of appreciation dahil sa ginawa niya. Remember? Siya ang nakahanap ng wallet ko," mahaba kong paliwanag sa kaniya.
Hindi ko maiwasang ma-imagine ang magiging reaksyon ni Jhon Rey, kapag binigay ko na sa kaniya ang mga ito.
"And so? Kailangan mo ba talagang magbigay ng kapalit? Aren't you being so dramatic?" pagkukwestiyon niya sa kabutihan ko at sa pagiging appreciative na siyang maaaring maging simula ng love story namin ng Mr. Right ko.
"Tell me, you're not doing this to make Jhunel jealous, right?"
I frowned. Dahil sa sinabi niya, nagkaroon tuloy ng bagabag sa dibdib ko.
"What I mean is, baka ginagawa mong rebound si Jhon Rey, ha? Para maka-move on ka sa ex mo. May pabigay-bigay ka pa ng cupcakes. Ano 'to? Damoves mo? Para maging malapit kayo sa isa't isa?"
"Of course, not!"
I do not know why my mind suddenly became confused. Hindi naman ganoong ang iniisip ko. Hindi naman ako gumagamit ng tao para makalimutan ang ex ko.
Napabuntong-hininga ako. Ngayon, para tuloy akong nag-aalinlangan na ibigay pa sa kaniya ito. Hindi ko inasahang pati ito ay maaaring pag-isipan ng masama. Sa totoo lang naman, ang intensyon ko ay magpasalamat. Iyon lang naman.
Convincing myself, I went to our locker room. Holding the cupcake box, all ready to be left in his locker. Sinigurado kong walang makakakita sa akin.
"What is that for?" I was surprised when I heard Jhon Rey's voice, so I immediately looked at him.
"H-ha? What is this?" pag-uulit ko sa tanong niya habang nauutal. Bakit naman kasi bigla siyang sumusulpot?
Napatingin ako sa kahon na ipinasok ko sa loob ng locker niya. Wala akong masabi. Paano ko ito ipapaliwanag?
Lumapit siya sa akin dahilan para hindi ako agad makakilos lalo na nang mapasandal ako sa locker at nakulong sa bisig niya nang kunin niya ang mga ito. "Cupcakes? Galing ba 'to sa 'yo?"
"Ha? O-oo," sagot ko habang napapakamot sa ulo. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang pagkahiya. Parang gusto ko na lang bawiin iyong binigay ko sa kaniya.
Kumuha siya ng isa at tinikman iyon. "Ikaw ang gumawa?"
"O-oo. K-kumusta? Masarap ba?" sunod-sunod kong tanong habang nag-aalala sa magiging husga niya sa ginawa kong cupcakes.
"Okay lang. Hindi naman ganoong katamis." The thorn disappeared from my throat, and I could breathe easily now. Thank God. I thought I was in the middle of the court, waiting for judgment to determine whether I was guilty or innocent. "Para saan ito? Bakit mo ako binibigyan?"
"Ah, I just want to thank you for returning my wallet last time. I am just happy that it was you who found it, because if someone else did, they might not return it to me."
Tumango-tango siya habang inuubos iyong cupcake na hawak niya. "I see."
"W-wala kasi akong maisip na ibigay sa iyo kapalit ng ginawa mo para sa akin, so naisip ko lang na baka magustuhan mo." Ngumiti siya na para bang iyon ang bayad sa binigay ko.
"Binibiro lang kita last time. Hindi ko kasi alam kung paano sagutin ang salamat. I never thought that you'd take it seriously," wika niya. "Nag-abala ka pa."
"Ayos lang. Nasa dugo na namin ang tumanaw ng utang na loob at bumawi sa mga pabor. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa paggawa ng mga cupcakes. It's in our blood to show gratitude. It didn't bother me at all, so don't worry. I happened to bake yesterday for my family, so I thought to set aside some for you," I explained.
Tumango siya.
"A-ah, una na ako sa room. Salamat nga pala ulit sa pagbalik mo sa wallet ko," I said as I ran back to our classroom.
Seriously, hindi ko alam kung saan ilalagay ang kaba ko. Kung hindi pa siguro ako tumakbo paalis ay tuluyan niyang maririnig ang malakas na tibok ng puso ko. Sobrang lakas kasi na parang gustong kumawala. Napakabago nito sa akin. Ni minsan ay hindi ko naranasang kabahan nang ganito noong kami pa ni Jhunel. Nakakabaliw ang isang Jhon Rey.
"Oh, saan ka galing? Why do you seem to be out of breath? May humahabol ba sa 'yo?" tanong ni Jhunel na kasalukuyang nakatambay sa may pintuan. Nakita niya akong papasok sa room namin at para bang tinitingnan niya kung may nakasunod sa akin. Tsk. Ano bang pakialam niya? Naninira lang siya ng mood, eh.
"N-nothing. It's none of your business," sagot ko bago tuluyang pumasok sa loob at umupo sa upuan ko.
"Oh, Jhon Rey, cupcake ba 'yan? Sinong nagbigay? Pahingi."
Napatingin ako sa kinakausap ni Jhunel at laking gulat ko nang makitang hawak ni Jhon Rey ang box ng cupcakes na dala ko kanina pagpasok sa room. Napatakip ako sa mukha ko. Bakit kailangan niyang dalhin dito? Nilagay ko na nga sa locker niya, eh. Ano na lang ang iisipin ng mga kaklase ko?
"Ayoko nga."
"Ang damot mo naman. Fine, you don't have to get mad. Anyway, who gave it to you? Your girlfriend?" My eyes widened. Does he have to ask that?
"Yes, so don't ask. Get off." Nanlaki lalo ang mga mata ko nang sagutin siya nang pabalang ni Jhon Rey. Pero sandali, g-girlfriend? Ako? Napatingin ako kay Jhon Rey at nakita ko siyang ngumiti sa akin at ngumiti. Shit! He even winked at me!
Kagat ko ang ibaba kong labi habang nakayuko habang tinitingnan ko siya sa gilid dahil papunta na siya sa likuran ko para maupo.
"Sino kaya ang girlfriend niya?" Jhunel asked me as he sat down next to me. Bakit ba ang dami niyang tanong? Tsaka bakit parang interesado siya kay Jhon Rey?
"At paano ko naman iyon malalaman?" tanong ko tsaka ko siya inirapan. Bakit niya ba ako kinakausap?
"Bakit mukhang ang iinit ng mga ulo ng tao ngayon? Kahit ikaw, Sheen May, hindi ka naman ganiyan sa akin noon, ah, noong magkarelasyon pa tayo."
Nabugnot ako sa sinabi niya. Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Thank God, hindi nila narinig. Pero dahil sa sinabi ng lalaking katabi ko, nagsimula na namang kumulo ang dugo ko. Bakit kailangan niya pang banggitin ang nakaraan namin?
Siningkitan ko siya, habang pinipigilan ang galit ko sa dibdib. "So, ine-expect mong maging mabait pa rin ako sa 'yo at umarteng walang nangyari sa kabila ng lahat?"
Natawa siya. "Hey, don't take it seriously. It was all in the past. Kaya nga ako narito para makipag-ayos sa 'yo, eh. Alam ko namang hindi ka pa rin nakaka-move on sa akin."
Ang kakapalan ng kaniyang mukha ang dahilan kung bakit bumabaliktad ang sikmura ko. Gusto ko siyang suntukin at sakalin, pero kailangan kong magtimpi. Ayokong masayang ang lakas ko sa walang kwentang nilalang na ito.
"Naalala ko pa noong binibigyan mo rin ako ng cupcakes." Nakangiti siya nang sambitin niya iyon. Pwede ko bang pilasin ang mga labi niya? Naka-drugs ba siya? What's with his attitude? Why is he bringing up the past?
"It is you who can't get over her."
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ko si Jhon Rey na nagsalita sa likuran namin. Again, he's here to rescue me.
Jhunel was in shock, not knowing someone will bug in. "Anong sabi mo?" tanong ng katabi ko habang nakatitig kay Jhon Rey na para bang nanghahamon ng away.
"I don't think she will give you cupcakes anymore, so don't dream about receiving them again. I think, nakita niya na ang halaga niya, and she deserves someone else. Right, Sheen May?"
My jaw dropped when I heard my name coming from his sacred lips. Para niya akong tinanggalan ng hininga sa pamamaraan niya ng pagbigkas sa pangalan ko. At kung paano niya ako titigan ay para akong pinapako sa krus. Tagos hanggang kaluluwa.
Sa tingin ko, kailangan niya nang tumigil sa pagliligtas at pagtulong sa akin dahil sa bawat kibot niya, bawat galaw ay nagtutulak sa akin na mahulog sa kaniya. I think my chest is about to explode. Naiiyak ako.
It's my first time meeting such an angel. Hindi ako makapaniwala na totoo palang may anghel na bumababa sa lupa dahil pakiramdam ko natagpuan ko na ang guardian angel ko na magpoprotekta sa akin laban sa demonyong katabi ko.
Jhon Rey, sabihin mo sa akin, ano ba itong ginagawa mo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top