Chapter 40

Hindi ako matahimik.
Hindi ko na alam kung anong nangyayari.
Wala akong balita.
Kanina ko pa kinukumusta si Rod pero hindi siya nagre-reply. I can't help but be worried about what will happen to Jhon Rey if he falls into my father's hands.

Kahit si dad ay wala pa rin dito sa bahay.
Mas lalo akong kinakabahan.
Ni hindi ako makatulog sa paghihintay ng balita.

Kinabukasan, nagmadali akong pumasok sa school. I will be relieved if I see Jhon Rey enter the class. That means he survived or managed to escape from my father. Wala na ang atensyon sa akin ng lahat na siyang parang bago sa akin. Mas lalo akong nangangamba na baka may nangyari ngang hindi ko alam.

Nagdesisyon akong pumasok na sa room. Naroon na rin ang iba kong mga kaklase na kapwa naghihintay sa pagdating ng una naming professor. They never looked at me as if they were not allowed to do so. My forehead twitched as I walked to my seat.

Nandoon din si Anne Marie na nakaupo sa unahan na hanggang ngayon ay hindi man lang tumitingin sa akin. Hindi pa rin kami nagpapansinan. The ice is still between us, and no one dares to break it.

Lumakas ang kaba ko nang makita si Jhunel na papasok sa klase. Umiwas ako ng tingin sa kaniya ngunit nasulyapan ko ang namamaga niyang mata. Hindi naman ganoon kahalata, pero dahil kabisado ko ang mukha niya, alam kong may pagbabago.

Hindi rin ako makatingin sa kaniya nang umupo siya sa tabi ko. I don't know how to approach him after all, he witnessed what happened to my family—how my father treats me, even in front of many people. I'm embarrassed.

I gulped as I clearly remembered how he managed to talk back to my father yesterday—how he still stood up for me and was willing to be married to someone like me.

Kahit alam niyang buntis ako sa ibang lalaki, handa niya pa rin akong tanggapin. Bakit? Bakit, Jhunel? Are you sure that you want me to be your wife?

Nagulat ako nang magpatong siya ng bottled milk sa ibabaw ng desk ko kaya napatingin ako sa kaniya. Sumulyap siya sa akin pero saglit din niya itong iniwas.

"S-salamat," sambit ko tsaka ko ininom iyon. It made me think. Was he worried about me, so he gave me milk? Is this for the baby?

Kumuha siya ng notebook at nagsulat. Hindi ko alam bakit nagsusulat siya, eh, hindi pa naman nagsisimula ang klase. Napanganga ako nang mapagtanto kung bakit. Ipinatong niya 'yong notebook sa ibabaw ng desk ko at doon ko nabasa ang sulat niya.

"What do you want to eat? I'll buy it for you."

Simple akong napangiti. Naalala ko 'yong panahong nagpapalitan pa kami ng mga sulat na kahit ang pangit ng penmanship niya, kinikilig pa rin ako. I can feel his strong love with those words coming from his heart.

"Mango," I answered as I moved the notebook near him.

"This early?" sulat niya.

"Yes." Nagdrawing ako ng kamay na para bang nagsusumamo. Tumango-tango siya bago isinara 'yong notebook.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Hindi ko na siya napigilan pang lumabas. Gusto kong matawa sa isipin na baka bibili nga siya ng mangga ngayong oras na ito. Akala ko naman ay ipagpapaliban niya muna. I bit my lip as I stopped myself from smiling. I don't know, but it seems funny to me.

Mabuti na lang at agad siyang nakabalik bago dumating ang professor namin. Natatawa ako kasi palihim akong kumakain habang nagkaklase, and Jhunel is helping me by covering my food with his notebook. Kahit papaano ay nawala sa isip ko ang mga problema ko kahit saglit.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakausap ni Anne?" tanong sa akin ni Jhunel.

Sinasabayan niya ako sa paglakad. Papunta ako sa cafeteria at balak kong bumili ng mga pagkaing pasok sa cravings ko.

Umiling ako. "Hindi niya ako pinapansin."

"Really? I saw her checking on you sometimes. Baka kasi hinihintay ka niyang pansinin mo siya?"

Napaatras ako. "Ako pa lalapit? Siya 'tong may kasalanan," mataray kong sagot. "She should have the courage to clarify things since she had the courage to betray me."

Natawa siya. "Ang tapang mo, ah. Palaban yarn?"

Hinataw ko siya. Kahit papaano'y nawala na ang pagkailang ko sa kaniya at mukha namang ganoon din siya sa akin kung kausapin niya ako. Para bang hindi niya alam ang kalagayan ko. Like there's nothing changed. He treats me the same.

"Or, you know, maybe she's giving you time too. Maybe she thinks if she approaches you now, when you're still in the heat of what happened, there's a possibility that you say what you don't mean to say and both of you will end up hurting each other more."

I was speechless for a moment. Tila ba iba ang dating ng sinabi niya sa akin. Ganoon ba ang ginawa niya noon? Kaya hindi siya kaagad nagpaliwanag nang makita ko siyang may kasamang iba? Kaya ba paulit-ulit niyang sinasabi na hindi naman siya nagloko? Was all a misunderstanding? But how come?

Napabuntong-hininga ako. Bakit ganoon ang takbo ng utak nila? Hindi pa ba nila ako kilala? Pwede naman silang magpaliwanag sa akin, eh, or baka nga kasi kilala nila ako na hindi tumatanggap ng paliwanag? 

I heaved a sigh again. Ewan.

Tingin ko'y para bang mas kilala nila ako kaysa kilala ko ang sarili ko.

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko inaasahan ang pangalang makikita ko sa screen.

Si Jhon Rey.

Napatingin ako kay Jhunel, and he seemed curious about who was interrupting us. "Jhunel, wait lang ha? Mauna ka na sa cafeteria. Sasagutin ko lang 'tong tawag."

Tumango siya kahit na parang nagtataka kung sinong kakausapin ko.

I suddenly felt the changes in my breathing. I'm nervous about why he will call me this time, but I still answered his call.

"Hello?" tanong ko.

"Where are you?" Bakas sa tono niya na galit siya sa akin pero parang nabunutan ako ng tinik dahil sa wakas ay narinig ko ang boses niya. Akala ko ay tuluyan na siyang napatay ni dad.

"Nandito sa school."

"Saan banda?"

"Malapit sa cafeteria."

Hindi na siya nagtanong pa. Akala ko tuloy ibinaba niya na ang tawag. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at marahas akong hinila. He was here.

Nakarating kami sa likod ng cafeteria kung saan hindi normal na puntahan ng mga estudyante dahil malapit dito ang waste area. Although, hindi naman maaamoy dahil magaling mag-segregate ang utilities dito sa university.

Tumama ang likod ko sa pader nang bigla niya akong isandal. Nasa harap ko siya at pawis na pawis. Bakas ang galit sa pagkunot ng noo at kilay niya.

"Sabihin mo sa 'kin kung anong gusto mo."

Kumunot ang noo ko.

"Gusto mo bang pakasalan kita?"

Ilang beses akong kumurap. Ang lakas ng tibok ng puso ko, pero hindi dahil gusto ko siya kundi dahil sa takot. Nasasaktan ako sa tanong niya na para bang wala na siyang magagawa pa at nakulong na siya sa akin.

"Sagot!"

Hindi ako makasagot dahil kung iiling ako, hindi ko alam kung matutuwa siya sa sagot ko o mas lalong magagalit.

"Ano? Hindi ka ba magsasalita?" He pushed me again.

"Ano bang gusto mong marinig?" tanong kong sagot sa kaniya. "Naiipit din naman ako sa sitwasyon. Hindi ko rin naman alam paano lulutasin 'to." I feel miserable and low every time I am in front of him.

"Hindi mo alam? Bakit hindi mo ipalaglag?"

Natigilan ako sa sinabi niya.
Hindi ko inakalang sasabihin niya 'yon.
Masyadong masakit kasi galing sa kaniya.

"O kaya naman magpakamatay ka para matapos na 'to."

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi ko maatim na may taong gustong mawala ako sa mundong 'to.

Siya ang pangalawang taong gusto akong mamatay.

"Gago ka ba?"

Nakarinig ako ng sigaw. Hindi ko inaasahang masasaksihan ni Jhunel ang pag-uusap namin ni Jhon Rey. Agad niyang binitawan ang mga pagkaing hawak niya bago sinugod ng suntok ang lalaking nasa harap ko.

"What kind of man are you? After you fuck someone, you will run away from your responsibility? Are you fucking stupid?"

I tried to stop Jhunel, but he didn't let go of punching Jhon Rey. He is above Jhon Rey and punching him nonstop.

"You should have withdrawn it, asshole!" May inis at gigil na pagkakasabi ni Jhunel. Nabasag ang boses niya at doon ko lang napansing lumuluha na pala siya. "What right do you have to play with her feelings? Don't you know that the woman you are fucking playing with is the one I cherish the most?"

Jhon Rey grinned as he pushed Jhunel away. He wiped his lips, and blood was streaming down. "How ironic to hear it from you, who cheated on the woman who you said you cherish the most. Haven't you played with girls too? That's why you broke up then, right? And now, you're just feeling like a hero because, who knows, you need something from her."

"Anong sinabi mo?" Kinuwelyuhan ni Jhunel si Jhon Rey at kitang-kita ko kung paano niya bigyan ng diin ang bawat salitang sinasabi niya. "Don't talk like you know what happened. If I made a mistake, that was before, and I am not stupid to make the same mistake twice."

He pushed Jhon Rey before turning to me.

"Sheen May, come on. Don't waste your time with this man."

Hinawakan niya ang kamay ko bago niya ako hilahin sa paalis sa lugar na iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top