Chapter 3

"So it's you."

Napatingin ako sa nagsalita. Halos malaglag ang puso ko nang makita ko ang mukha niya. I tucked my hair behind my ear and properly smiled at him. Shit.Nakalimutan kong mag-retouch.

"Me?" I asked modestly.

"Yeah. I saw your ID in your wallet. I found it at the gate when I entered the school. So it is yours. I see."

Napansin ko ang maliit na pagngiti niya, at hindi ko mapigilan mapangiti rin. And the fact that I was amazed by his low and husky voice—hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako. Nananaginip ba ako?

"So it's you..." I responded with the essence of joy and gratitude in my heart. Kanina lang ay gusto kong makilala kung sino nga ba ang mabuting taong nakapulot ng wallet ko at dinala sa lost and found section, at hindi ko alam na mabilis palang sumagot ang Dios sa dalangin dahil nandito na siya sa harapan ko. Hindi ako makapaniwalang maliit ang mundo at siya ang nakapulot nito. "S-salamat," dagdag ko pa.

I heard him chuckle when he sat on his chair behind me. I am in awe when he moves closer to me and whispers, "Hindi ako tumatanggap ng basta thank you lang."

My eyes were shut when he sent those chills down my spine.

"A-ano palang gusto mo?" Lumingon ako sa likod nang tanungin ko siya, pero isa iyong pagkakamali dahil sa ginawa ko ay napakaliit na lang ng pagitan namin sa isa't isa. Nararamdaman ko ang hininga niyang tumatama sa leeg ko. At ang mga tambol sa puso ko ay nagsimula nang dumagundong. Hindi ko pa ito nararamdaman sa buong buhay ko. Nakakabaliw! Lalo ngayong nakikita ko ang buong mukha niyang napakalapit sa akin na para bang humihila sa mga kamay ko na haplusin ito. Hindi! Nababaliw ka na, Sheen May!

Nakita ko ang paglunok niya sa gilid ng mata ko. Shit. Nakakahiya. Bakit ba ako nagre-react na parang nasa isang pelikula?

Lumayo siya at tumawa. "If you saw your reaction, you'd laugh," sambit niya. I glanced at him and felt my chest about to explode, even though my cheeks were burning.

"Hey, why are your cheeks red?" dagdag pa niya. I had to avert my eyes. Did he see me blushing? I am such an open book!

"Sheen..." Nawala ang mga ngiti ko nang tawagin ako ng katabi ko na walang iba kung hindi ang ex-boyfriend ko na si Jhunel. I rolled my eyes. He's ruining the mood.

"Can we talk?" he added.

"No," I replied. He should have known to put some boundaries between us. Wala na akong intensyon pang makipag-usap sa kaniya. Sapat na ngang nakikihalubilo ako sa kaniya, o kaya nama'y dinadapuan siya ng tingin kapag tinatawag ako. Sapat na 'yon dahil ayokong umarte na walang masakit at masamang nangyari sa pagitan namin. Ayokong umakto na okay lang ang lahat dahil hindi naman talaga. Nakakainis ngang kailangan ko siyang pansinin dahil magkatabi kami sa upuan.

"Please..."

"Ano pa bang pag-uusapan natin?" Sinubukan kong huwag siyang sigawan pero naiinis talaga ako. Hindi na siya dapat lumipat pa rito. Kung mayroon siyang dignidad, hindi na siya magpapakita at aarteng biktima dahil ako naman talaga ang pinakanasaktan at naghirap sa aming dalawa. Mabuti na lang at dumating na ang professor namin kaya may dahilan na ako para hindi siya pansinin.

"Nana is dead."

Natigilan ako. Hearing those words traced with sadness and longing makes me believe that he's now telling the truth. I looked at him to see that those weary eyes seemed to be mourning for our Japanese spitz dog, our baby.

***

"I think he missed you," komento niya nang makarating kami sa bahay ni Jhunel. Dito sa backyard nila, dito niya inilibing ang aso namin.

Naalala ko noong nagdesisyon kaming mag-ampon ng aso dahil first anniversary namin. Napakasaya namin noon at sobrang kuntento sa kung anong meron kami. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit biglang nagbago.

"What happened?" I beseech to maintain my composure.

Tumikhim siya. "He no longer eats. He also couldn't fall asleep right away. I think he knows what happened to us, Sheen."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. "Dapat sinabi mo sa akin."

"I couldn't. Alam kong galit ka sa akin," tugon niya.

"Sa 'yo, oo! Pero sa baby natin? You should have gathered up balls to ask me or to give him to me! You had balls when you cheated on me." I rolled my eyes. Hindi ko na napigilang pagtaasan siya ng boses.

"It's a misunderstanding, Sheen." He held my hand, but I flinched.

"No, huwag mo na akong lokohin pa, Jhunel. I saw what happened. Don't force me to hate you even more."

I turned my back and decided to leave him. My phone rings, and Anne's name flashes on the screen.

"Girl, nasaan ka? Did you just ditch the class?"

"Ahhh y-yeah..." sagot ko.

"At bakit naman babaita? Kung hindi ko pa tinanong kay Jhon Rey kung nasaan ka, hindi ko pa malalaman na umalis ka at kasama mo ang ex-boyfriend mo! Nababaliw ka na ba talaga?"

"Jhon Rey?" Iyon lang ang nasambit ko dahil narinig ko ang pangalan niya at tila ba nabalik ako sa wisyo. Bakit nga ba ako sumama sa ex ko? Nawala na naman ako sa tamang pag-iisip. "Ipaliliwanag ko sa 'yo mamaya. Babalik na ako."

"Let's go together." Jhunel grabbed my arm and opened his cardoor, making me sit on the shotgun seat.

"Sandali Sheen May, si Jhunel ba 'yan?!"

I hung up the call and looked outside the window.

The silence filled his car as much as the anger I felt towards him. It's his fault.

And because of what happened to Nana, I don't think I can look at him.

Lumabas ako sa kotse niya at nagdere-deretso na sa classroom. Walang lingon-lingon. Hindi ko na gustong lingunin pa siya lalo na ang kahapon namin. Wala na iyon. Hindi na babalik. Sawang-sawa na ako.

"Sheen, hear me out, please! Just this once!"

I did not give him a chance even to just look at him.

But when I got to the classroom, I began to wonder why my classmates looked at me differently, much more when Jhunel came behind me.

I gasped. I think I already know what that look means. Even though I am one of the students they admire because I excelled in academics, I am not exempt from those judgmental eyes.

Napabuntong-hininga na lang ako habang naglalakad pabalik sa upuan ko. Hindi ko pa man naidadampi ang pang-upo ko sa silya nang may pumunta sa harap ko at nagsalita.

"Hey, are you hooking up with the new transferee?"

Naramdaman ko ang mga tingin ng mga kaklase ko sa akin. Ngayon nagiging interesado na silang muli sa kung anong nangyayari sa buhay ko. Naghahanap talaga sila ng butas at baho ng isang Velasco.

"Where did you make out? We're interested in what you did together." Another one lit up from the wick.

"Yes! We are curious why both of you leave and come together!"

I gritted my teeth, but the loud thud of chairs broke the heavy atmosphere inside the four corners of this room. Nakita ko si Jhon Rey sa upuan sa likod na suot ang naiinis na mukha dahil naabala sa pagtulog niya. Mas lalong napakunot ang noo ko.

"Who shouted?" He walks towards us. "Who interrupts my sleep?" he added with the authority of a prince who we shouldn't interrupt.

"Tsk. Bakit ka ba kasi natutulog sa classroom? Bahay mo ba 'to?" Someone murmured; unfortunately, Jhon Rey and I heard it.

"Sinasagot mo ba ako nang pabalang?" He clenched his fist and held my classmate's collar. Looking at his face was a little bit scary, but manly for me.

Pero saglit lang iyon dahil nagulat ako nang itulak ni Jhon Rey ang kaklase ko sabay pinalipad niya gamit ang kaniyang kamao. Napasigaw ang mga kaklase kong babae. Sino ba naman kasing tao ang kakalipat lang ngayong araw ay gumagawa na ng gulo?

A-anong gagawin ko? Kailangan ko siyang pigilan dahil nakakabahala ang ginagawa niya at isa pa, dinudungisan niya ang kaniyang anghel na pagmumukha. Sinisira niya ang pantasya ko sa kaniya!

"STOP!" sigaw ko. Nakapikit ang mga mata ko bago ko pinigilan ang mga kamay niyang mukhang susuntok na naman doon sa kaklase namin.

Silence makes us deaf for a moment. I slowly opened my eyes to see his reaction. Our eyes met, and all I can hear now is my heart.

"Why would I?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top