Chapter 29


"Stop acting like a kid."

I was surprised to see Jhunel. His face showed such anger that even Dhonna was afraid of him.

"Stop pestering my wife," matigas niyang sabi habang nakakunot ang noo. "Do it one more time, Dhonna, and I'll tell your father about this, so your cards will be frozen."

Dhonna scoffed and was stunned enough to speak for a moment. "At bakit naman gagawin ni dad 'yon? As if I'm doing something wrong? Tsaka, kapag nilabas ko ang baho ng mga Velasco, siguradong matutuwa sa akin si Dad because Velasco's business will be severely damaged."

Ngumisi si Jhunel. "You think he'll be proud of you after that? What if I tell him that you're always at our bar flirting with our bartender? I'm sure he'll make your guy disappear."

"Oh, come one! You're not doing that," naiinis na litanya ni Dhonna.

"I will."

Dhonna rolled her eyes as she looked at me. Para bang sinisisi niya ako.

"You too, Klarissa, I'll tell your politician father that you're bullying someone in our class. Who knows what will happen to you after that?"

Pareho nila akong tiningnan nang masama. Bakas ang sukdulang inis nila sa akin lalo na sa lalaking katabi ko.

"Why did you even transfer here? You're such a pain in the ass!" sigaw ni Dhonna bago niya kami iwanan. Sa pagsigaw niya, para bang nakalimutan niyang nasa library siya kanina. Napailing na lang ako. Such a spoiled brat.

Napalingon naman ako kay Jhunel nang mapansing naiwan na lang kaming dalawa. Tiningnan niya rin ako.

"I'll make sure they won't bother you again," usal niya, bago ibinigay sa akin ang mga pinilas niyang mga litrato namin ni Jhon Rey. Kita ko sa pag-angat ng kaniyang mga balikat ang mabigat niyang paghinga. Nagseselos ba siya?

"You don't have to do that. I can handle myself," I replied firmly.

"Is that how you say thank you now?"

Hindi ako nakapagsalita. Ngayon, sigurado na akong may inis siyang ikinukubli, pero hindi ko maintindihan. Bakit niya rin ako ipinagtanggol sa dalawa kanina?

"I don't care if those pictures were true. I don't care if something happens between the two of you. I don't intend to tell your father." He was staring into my eyes as if he wanted me to see his sincerity. "I won't do something that will ruin our marriage."

He said that without letting go of his gaze on me. And without a second, he turned his back and walked away. Naiwan akong mag-isa na hindi alam ang mararamdaman.

Saan ba nanggaling ang mga problemang nasa harap ko ngayon? Bakit ang dami naman? Para akong pinarurusahan ng mundo.

Una, narito si ang ex kong si Jhunel na gustong ipakasal sa akin ni dad. Pangalawa, may nangyari sa amin ni Jhon Rey na maaring magbunga na siyang ikinatatakot ko. Pangatlo, bigla na lang umentrada sa buhay ko si Dhonna at Klarissa para pestehin ako. Panghuli, mukhang maging ang pangarap ko'y tuluyan nang lumalayo sa akin at naglalaho.

Bakit kung kailan magtatapos na ako sa pag-aaral, tsaka pa sila nagsabay-sabay?

Napabuga ako ng hangin bago ko napagdesisyunang lumabas na sa library para pumunta sa shop kung saan ko ipakikisuyo ang research papers ko para sa binding. Tama, ito muna ang aasikasuhin ko para naman sa Biyernes ay maipasa ko na sa six offices around the campus.

Pagkatapos ko rito ay uuwi na ako para makapagpahinga.

But before I could get on, dumaan muna ako sa isang kiosk na madalas kong puntahan noon para kumain ng kalamares. Hindi ko na ito napupuntahan dahil hindi gusto ni Jhunel ang amoy nito, kaya naman iniwasan kong kumain para hindi ako maamoy. Hindi ko alam kung bakit paborito ko itong pagkain sa kabila ng amoy niya.

Napangiti ako. Hindi naman ganoon kaliit 'yong kiosk pero dahil masyadong maraming estudyanteng tumatambay, medyo masikip at maingay. May mga tinda rin silang palamig. At kahit sa tabing-daan lang ay mukha naman itong niluluto sa malinis na paraan. Hindi nga lang gusto ni mom ang pagkain ko ng mga ito. Medyo conscious kasi si mom, lalo na kapag tungkol sa akin. Palagi kasi akong naoospital, noong bata pa ako dahil sakitin daw ako.

Malapit na ako sa tindahan nang manuot sa ilong ko ang kakaibang baho ng amoy na wari'y magiging dahilan ng pagsuka ko. Bakit parang iba yata ang sangsang nito ngayon?

"Tita, anong nangyari sa kalamares mo?" I asked, preventing myself from showing a disgusted facial expression.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya habang tinitingnan ang kaniyang mga ipiniprito.

"Hindi naman po ganito ang amoy ng kalamares dati. Madalas po akong bumibili dito dati."

"Paanong hindi? Wala namang iba sa amoy niya. Ganito naman talaga ang amoy ng kalamares. Pwede bang sabihin mo sa akin kung anong pinagkaiba?" malumanay niyang tanong.

Napakamot ako. "Basta 'yong amoy po, tita. Parang tumapang o baka 'yong ilong ko lang ang may problema. Pasensya na po. Sa susunod na lang po pala ako bibili."

"Okay lang, hija."

Umuwi na ako ng bahay at hanggang sa pag-uwi ko ay nasa utak ko pa rin ang amoy na naamoy ko kanina. Nakakasuka. Hindi ko maipaliwanag.

Napansin kong wala si mom at dad nang makarating ako. Dumeretso kaagad ako sa banyo para maligo dahil gusto kong matanggal ang amoy na kumapit sa damit ko. Hindi ko alam bakit naisipan kong tingnan ang calendar ko. And there, I figured out that my period had been delayed for three days now. Agad akong napakagat sa labi.

Fear rose in my chest. And even if I wanted to rest, hindi ko magawa. Nag-aalala akong baka may posibleng dahilan kung bakit wala pa akong dalaw ngayong buwan.

Hindi ako nakatulog nang maayos kaya kinabukasan ay ramdam na ramdam ko ang panghihina at pagkahilo.

"Honey, are you okay?" tanong ni mom nang makita niya ako. Dad also looked at me but didn't seem interested in what was going on. I just nodded in response. I didn't want them to probe me further. Pinili kong umarteng normal na para bang walang nararamdaman habang kumakain kami ng agahan.

"Derrick will use the car to ride you to your school," dad commented before turning his attention back to his tablet. Napalunok ako. So, ihahatid ako ni Derrick? Derrick pala ang pangalan ng lalaking laging sumusunod sa akin.

I immediately finished my breakfast and said goodbye to my parents. Katulad ng sinabi ni dad ay nakita kong naghihintay sa akin si Derrick sa labas ng bahay. Tama ako. He was the one who always followed me—that one disciple of my father.

He opened the car door for me. And today, he is in his disguise uniform. He is wearing his black suit. Just like dad's security officers. Ngayon ko napagtanto na magaling nga siyang magkubli dahil akala ko ay bata pa siya noong makita ko siyang naka-school uniform at iba ang hawi ng buhok pero ngayon, nasisiguro kong magkaedaran lang kami o kaya naman ay mas matanda siya sa akin ng ilang taon.

He got in and sat in the driver's seat. I was just in the back not saying any word. Nasa labas lang ang mga mata ko. Maya-maya pa ay nakaramdam muli ako ng pagkahilo.

"Are you alright, Miss Velasco?" Derrick asked me out of concern. That was the first time I heard his voice, and for a moment I thought he was my father because of his low-toned voice. Nakatingin siya sa rearview. "Do you want me to stop over at a pharmacy and get you medicine?"

Umiling ako. "Ako na lang."

Tumigil ang kotse sa tapat ng isang pharmacy. Nagmadali akong lumabs ng kotse para bumili ng gamot para sa pagkahilo. Pero hindi lang iyon ang dahilan kung bakti ako narito. I took a deep breath when I told the cashier what I needed. She glanced at me when she gave me a pregnancy test kit, and I immediately hid it before returning to the car.

The car started again and Derrick took me to school.

"Are you still gonna follow me inside?" tanong ko nang makababa ako.

Bumaba rin siya. "Yes, Miss Velasco."

I sighed. "Why are you even doing this? You've got a life to enjoy. Bakit mas pinipili mong sundan ako at sabihin sa dad ko ang bawat kilos ko?"

"Your father just wants to know everything you do because he doesn't have time to check on you physically."

Napatigil ako sa narinig ko. Para bang ipinamumukha niya sa aking may pakialam sa akin ang ama ko kahit hindi ko naman maramdamang meron.

"I don't believe you. He just wants to know if I'm doing anything that will destroy his reputation," I murmured.

"And if so, he can take action immediately."

"So tama nga ako. It was all for his business."

"Your father is not that bad, Miss Velasco," he emphasized. I don't know why I suddenly felt some hatred toward my father, especially now that this guy is spilling out lies. How come he can say that my father is not that bad? Does that mean he is kind to others but not to me?

Muli ko na namang naalala ang muntikan ko nang katapusan sa kamay ni dad. Nasaan banda roon ang hindi siya masyadong masama?

Napabuntong hininga ako. Unti-unti kong napagtatantong kahit kailan ay hindi naging mabuti sa akin ang ama ko. And I was blind to see that. Maybe that's why I grew up afraid of him.

"Are you telling him everything?" pang-uusisa ko pa.

"Yes, Miss Velasco."

"Can you not tell him that I feel sick?"

Ilang minuto niya akong tinitigan na para bang sinusuri, pero tumango din naman siya na siyang ikinahinga ko nang maluwag. "Thank you."

I walked into the school. I did not waste any time and gathered up my courage to go to the comfort room first since this is my only chance to check. Derrick will surely follow me later, when he changes into our university uniform that he will probably do.

I felt my hands get cold when I entered the cubicle.

Kinakabahan ako. Sa totoo lang.

I feel like any moment from now on, everything will change.

Hawak ko nang mahigpit ang pregnancy test kit habang naghihintay kung may magpapakita bang dalawang linya. At halos hindi ako nakahinga nang makita ko nga ang mga iyon. Nawalan ako ng lakas habang pinipigilan ang mga pagluha pati na rin ang nag-uumapaw na emosyon.

Buntis ako.

Ano nang gagawin ko?

Nanginginig ang mga kamay ko nang tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. This can't be happening. Bakit ako buntis? Bakit dumagdag pa ito sa problema ko?

I was there in the cubicle silently crying. Trying to stop my tears but it was just like rivers. My heart is full of sadness, and a lot of questions have struck my mind, suffocating me. I know I should be happy because this baby is a blessing, but how can I? I couldn't even fight for myself. How can I fight for him in this world where I also feel betrayed?

A few minutes passed before I got out of the cubicle. I was surprised when I saw Anne outside the door. She saw me and I could see her eyes worried about me.

"Sheen? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong. Hindi na ako nakasagot pa at mabilis ko siyang niyakap. Hindi ko na naman napigilang tumulo ang mga luha ko.

"Shhh... What's the matter?" Paulit-ulit akong umiling. Hindi ko magawang sabihin sa kaniya ang katangahan ko. Dapat ko bang sabihin? O huwag na lang?

She caressed my back, but it never stopped me from crying. Sa halip ay mas lalong lumakas ang iyak ko at wala naman siyang nagawa kundi hintayin na lamang ako.

"I heard someone crying in this cubicle when I entered. I knew it was you," mahinahon niyang kuwento habang patuloy pa rin sa paghagod sa likod ko.

I just keep crying. Gusto kong mawala lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong maging masaya pero hindi ko magawa. I feel the weight of responsibility I have to bear. At ang malala pa ay nagkaroon ako ng takot at pangamba. I feel like all my dreams have disappeared. Paano ko haharapin ang mga taong naniwala sa akin? Anong mukhang maihaharap ko sa mga professor? Lalo na kay dean. Paano ko sasabihin 'to kay mom. Kay dad?

"What happened?" she repeated.

Bumitiw ako sa pagkakayakap ko sa kaniya. Tinagpo niya ang mga mata kong namamaga na sa kaiiyak. Ni hindi na makamulat nang maayos.

"Anne, anong gagawin ko?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top