CHAPTER 9

CHAPTER 9

After five years…

“It’s good doing business with you, Miss Sandejas.” Wika ng isang Italianong business man sabay lahad ng kamay.

Nasa isang restaurant sila kung saan ginanap ang lunch meeting nila ng italyano.

“Same to you too, Mr. Enrique.” Tinanggap niya ang kamay nito. Isa ito sa mga mayayamang business man sa Italy. Naisipan nitong mag invest sa pilipinas at ang kompanya na pinamamahalaan niya ang napili nito.

Ang Sandeza travel agency.

Mas lalo pang lumago ang kompanya ng siya ang namahala dito, siguro dahil wala siyang ibang ginawa kung hindi i-focus ang buong atensiyon sa kompanya.

Hindi na niya iyon ginagawa para sa ama niya kung hindi para aliwin ang sarili niya.  Ayaw man niyang aminin pero hindi pa rin niya magawang makalimotan ang nangyari limang taon na ang nakakaraan.

Naputol ang pag-iisip niya ng marinig na tumunog ang cell phone niya.  Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, number iyon ng sekretarya niya. “I’m sorry, Mr. Enrique, but I have to answer this.” 

Ngumiti sa kanya ang italyano. “It’s okay Miss Sandejas; I am taking my leave anyway. Have a good day.”

She smiled politely. “Same here, Mr. Enrique.”

Sinagot kaagad niya ang tawag ng makaalis ang italyano.

“Yes, Vicky?” Sagot niya sa kabilang linya.

“I’m sorry, ma’am. I know you’re in a business meeting but I receive a memo today.”

She frowned. “Saan galing ang memo? At anung nakasulat?”

“Galing po kay Mr. Vincent Landeza.”

“Landeza?” Ito ang unang beses na naka-receive sila ng memo galing sa mga Landeza.

Simula ng i-take over niya ang Sandeza traveling agency, walang Landeza na nagpakita sa kanya.

Sandeza traveling agency was a partnership between her father and Mr. Vincent Landeza, pero mula na siya ang pumalit sa ama bilang partner nito, hindi ito nagparamdam sa kanya ni minsan. Tanging ang sekretarya lang nito ang nakikita at nakaka-usap niya patungkol sa mga business matters ng kompanya.  Ito ang nagsisilbing messenger nila ni Mr. Landeza na palaging busy.

Ilang beses na siyang nag-request rito na magpadala ito ng tao na papalit sa posisyon nito pansamalantala, pero hindi nito iyon pinaunlakan. Ang palaging sagot ni Mr. Landeza sa mga request niya ay mayroon daw itong hinihintay na ilagay sa posisyong iyon.

“Ano naman ang nakasulat sa memo?” Tanung niya.

“May ipapalit na daw si Mr. Vincent Landeza sa posisyon niya. Pinaunlakan niya sa wakas ang request mo, ma’am. And that person wants to hold a meeting with only the two of you before he starts working.”

“So lalaki pala ang papalit kay Mr. Landeza. Siguraduhin lang ni Mr. Landeza na may kapas ang ipapalit niyo at hindi puro kahanginan lang ang laman ng utak.”

“Mukhang hindi naman po siya ganoong klaseng tao ma’am. Ayon sa mga narinig ko, kaga-graduate lang ng taong ito sa MBA with awards pa daw ma’am. ”

MBA? Ania is impressed.  Tanging matatalinong tao lang ang nakakapasok at nakaka-graduate sa eskuwelahang ‘yon. Mas lalo naman kung may matatanggap kang award.

Hmm. Mukhang mapapakinabangan naman pala ang papalit kay Mr. Landeza.

“Anong oras ang meeting?”

“One o’clock in the afternoon.”

Tiningnan niya ang relong pambisig. It’s already passed twelve. “Okay, I’ll be there.” Tinapos na niya ang tawag at nagmamadaling naglakad palabas ng restaurant.

Habang nagda-drive siya patungo sa kompanya niya, hindi niya maiwasang isipin ang taong papalit kay Mr. Landeza. Kaano-ano kaya ito ni Mr. Landeza para ibigay rito ang isang malaking responsabilidad?

Maybe, a distant relative.

In fairness, marunong pumili si Mr. Landeza. Matalino talaga ang kinuha nito. Unlike his son na walang patutunguhan sa mundo.

Ipinilig niya ang ulo ng maalala na naman ang anak nito. Walang araw na hindi ito bumisita sa isip niya. Palagi nalang. Nagsasawa na siya. She tried dating to move on pero no use. Walang nangyari. Lahat ng date niya, epic-fail.

Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero hinihintay niya ang pagbabalik nito.

Pagdating niya sa opisina, busy ang sekretarya niyang si Vicky sa harap ng computer.

“Dumating na ba ang papalit kay Mr. Landeza?”

“No, ma’am.”

Tumingin siya sa relong pambisig. “Akala ko ba ala-una, bakit ala-una singko na e wala pa siya? Siya ba ang nag-set ng meeting?”

“Si Mr. Landeza ho.”

Ania sighed in irritation. “Kapag dumating siya pakisabi sa kanya na ayoko ng late. Ayoko ng mga tamad na tao. Wala akong pakialam kung saang lupalop man siya nagtapos, basta ayoko ng late. Just send him in if he arrives.”

Hindi pa siya nakakahakbang papuntang office niya ng may magsalita sa likod niya.

“Ayoko din ng mataray, no fun at uptight na babae.”

Mabilis niyang nilingon ang nagsalita. Ang lakas ng tibok ng puso niya ng makita kung sino ang nakatayo ilang metro sa kanya.

He’s more handsome than before.   He became manlier over the years. His shoulders broader. His body was still well-toned as before. His eyes that she likes so much. The only thing that changed him was his height. He seems taller.

“Blake.” She whispered his name.

He smiled cheekily. “Hey, Ania. Kumusta?”

She missed him terribly. Araw-araw, iniisip niya ito. Gusto niya ipulupot ang braso sa leeg nito at halikan ito. Pero alam mo kung anung ginawa niya?

Lumapit siya rito at binigayn ito ng mag-asawang sampal.

He glared at her. “Why the hell did you do that for?!”

Hindi niya ito sinagot at nagmamadaling pumasok sa opisina niya. Hindi niya pinansin ang panlalaki ng mata ng sekretarya niya dahil sa nasaksihan.  Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng opisina, nanggigigil na tiningnan niya ang pangahas na pumasok.

Tiningnan niya ng masama si Blake na ipinapalibot ang tingin sa kabuunan ng opisina niya.

“Nice office.” Komento nito.

Itinuro niya ang pituan. “Out. Blake.”

Tumingin ito sa kanya. “Huh? Why?”

She took a deep breath to calm her nerves. “May meeting ako ngayon. Kaya umalis ka na. Nakaka-isturbo ka.”

Naglakad ito patungong visitor’s chair at umupo. Tumingala ito sa kanya dahil nakatayo siya. “Let’s start the meeting then.”

Napapantastikuhang tumingin siya dito. “Ano?”

“You are waiting for dad’s replacement right?”

Tumango siya.

Ngumisi ito at ibinuka ang dalawang braso. “Well, here I am. Ako ang papalit kay dad.”

Tumawa siya ng walang emosyon. “Nagbibiro ka lang diba? I mean, graduate sa MBA with award ang papalit sa daddy mo.”

Pain crossed his eyes but it quickly disappeared and replaced by a smug smirk. “Yeah. That would be me. I graduated from MBA just a month ago with award. Shock?”

Hindi makapagsalitang tinitigan niya ang binata na nakaupo sa visitor’s chair niya na parang walang pakialam sa mundo.

Ania, then, began laughing. Typical Blake. Wala naman talaga itong pakialam sa mundo.

Blake frowned. “Okay ka lang?”

Tumigil siya sa katatawa at tumingin dito. “I’m fine. How about you? Kumusta ang limang taon sa ibang bansa? Nagawa mo ba ang gusto mo?”

Tumango ito pero kunut ang nuong nakatingin sa kanya. “Sigurado kang okay ka lang? You look pale.”

His worried expression and voice made the anger and pain that she’s feeling rose up. How dare he worry? Wala itong karapatan na mag-alala sa kanya. Nasaan ba ito ng umiiyak siya hanggang sa makatulog dahil nami-miss niya ito? Nasaan ba ito ng kailangan niya ito?

Ania rolled her eyes at him. “Stop acting like you care, Blake. It’s already five years too late.”

Tumayo ito akmang lalapit sa kanya ng tinungo niya ang filing cabinet at kinuha ang lahat ng file sa loob ng limang taon. Kahit mabigat, binuhat niya iyon at inabot dito.

“Ito ang lahat ng files sa loob ng limang taon. Basahin at intindihin mo. Mukhang hindi ka naman mahihirapan diba, MBA graduate?”

Nang hindi nito tinanggap ang files, ibinagsak niya iyon sa sahig.  Tiningnan niya ito. “No need to hold a meeting, Mr. Landeza. Wala naman kaming transaction na wala diyan sa mga files na binigay ko sayo. Basahin mo nalang. Ayokong makipag-usap sayo.” ‘Yon lang at iniwan niya itong nakatingin sa mga files na ibinagsak niya sa sahig.

Hindi niya ito kayang harapin ngayon na hindi umiiyak. Seeing him after five years makes the pain that she buried resurface again. Habang nakatingin ito sa kanya na parang walang nangyari at hindi siya sinaktan, mas lalo bumubuka ang sugat na matagal ng naghilom.

At ang mas masakit sa lahat, ay kung umasta ito ay parang walang nangyari, na parang walang namagitan sa kanila. Ano ba ang inaasahan niya? Na mahal pa rin siya nito?

Limang taon na ang lumipas. Siguradong nakahanap na ito ng iba. Siya lang naman ang tanga na umasa at naghintay sa pagbabalik nito.

Nang makapasok sa kotse niya, pinakawalan niya ang luha na kanina pa gustong kumawala. Sinapo niya ang puso, halos hindi na siya makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman niya.

Hindi niya alam kung ilang oras na siyang umiiyak sa loob ng kotse niya, basta ibinuhos niya ang sakit na nararamdaman. Dahil nangako siya sa sarili na ito ang huling beses na iiyak siya para sa lalaking iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top