CHAPTER 8
CHAPTER 8
LAHAT ng estudyante ay nakatingin sa kanila habang hawak kamay silang papasok sa class room nila.
Gusting magtago ni Ania sa likod ni Blake dahil sa sobrang hiya pero ayaw niyang magmukhang tanga. Speaking of Blake, kung makalakad ito, parang wala lang itong pakialam na lahat yata ng estudyante nakatingin sa kanila.
Nang makapasok sila sa room, lahat ng classmate nila, tumingin sa magkasiklop nilang kamay. Kapagkuwan ay biglang nag-ingay ang buong class room. Kinikilig na nagtatawanan ang mga babae, ang mga lalaki naman ay nagsisipulan ay kino-congratulate si Blake.
Nakita niyang umilng-iling si Blake habang hinahatid siya sa upuan niya.
“Blake, hindi mo naman ako kailangang ihatid sa upuan ko.” Namumulang wika niya.
Nagkibit balikat ito.“Alam ko pero gusto ko e.”
“Pinagtitinginan na tayo.”
“E ano naman ngayon? Paki ko sa kanila.” Then he did the thing that shock her, he kissed her on the cheek. “I’ll wait for you in the parking lot after class.”
Hindi nito hinintay ang sagot niya at tinungo ang sariling upuan. Nakita niyang tinitingnan siya ng masama ni Isa. Nginitian niya lang ito ng nakakaloka at ibinalik ang paningin kay Blake na nahuli niyang nakatingin sa kanya.
Inirapan niya ito na sinagot naman nito ng kindat. That made her heart skips a beat. Nag-iwas siya ng tingin baka masunog na ang pisngi niya sa sobrang pag-iinit ‘non.
“Bakit hindi ko napansin na may something kayo ni Mr. Transferee?” Boses iyon ni Gina na ikina-igtad niya sa kaniyang upuan.
“Anong something ang pinagsasabi mo diyan?”
“Asus!” Ngumisi ang kaibigan. “Huwag ka nang denial queen diyan. Sapat na ang nakita ng mga mata ko. Ang sweet niya!”
Napailing si Ania. “Hindi ako denial queen. Yeah, may something nga kami pero wala ‘yon. Saka FYI, hindi ko siya boyfriend.”
That stops Gina from heading to kiligland. “Ano? Hindi kayo? E anu ang ibig sabihin ng holding hands? Kiss sa cheek? Ano ‘yon, friend with extra lang kayo?”
“Hindi mo maiintindihan kahit ipaliwanag ko sayo.”
“Kung ganoon, ipaliwanag—”
“Silence, Class.”
Nagpapasalamat si Ania sa pagpasok ng professor nila. Tama naman kasi siya, walang makakaintindi sa sitwasyon nila ni Blake. Silang dalawa lang ang nakakaintindi kung bakit hindi sila matatawag na magkasintahan. Silang dalawang ang makakaunawa sa relasyong mayroon sila.
Pagkatapos ng first period, nagmamadaling ibinalik ni Ania ang notes sa bag para sabay silang lumabas ni Blake pero ng tingnan niya ang upuan nito, wala na ito doon at paalis na ng room.
Her heart fell. Anung nangyari? Bakit hindi siya nito hinintay? Para may kung anung pumupiga sa puso niya. Sa bawat nagdaan na sigundo na hindi bumalik si Blake para sa kanya, pasakit na pasakit ang puso niya.
Humigpit ang hawak niya sa bag ng lumapit sa kanya si Isa. Wala siya sa mood sa mga pang-iinis nito sa kanya. Siguradong nakita nitong iniwan siya ni Blake.
Puno nang iritasyon ang mukha nito ng may iabot na nakatuping maliit na papel.
“Ano ‘yan?” Tanung niya rito.
Padabog na inilagay nito ang papel sa arm chair niya ng hindi niya iyon tanggapin. “Malay ko. Pinabibigay ng boyfriend mo! Sa susunod huwag niyo akong gagawing messenger!” Taray nito at nagmamartsang umalis ng room.
Napatingin siya sa nakatuping papel. She picks it up and unfolds it.
A wide grin appeared in her lips as she read the letter. Parang magic na biglang naglaho ang sakit na nararamdaman niya kani-kanina lang. His penmanship suits his personality. It looks manly and rough.
Ania,
See you after last period in the parking lot. I wanted to walk you to your next class but you will only be distracted. Final is approaching and I know how important it is to you and I know that I can distract you easily :) You need to focus on your every class. I’ll wait for you in the hood of my car. Take care.
PS: I heart you.
From Mr. Whatever <3
Napatawa siya ng mabasa ang ‘From Mr. Whatever’, it suits his personality perfectly.
Wala naman nakakilig sa sulat ni Blake pero hindi mapigilan ng puso ni Ania na kiligin.
“Ania, halika na.” Aya sa kanya ni Gina na nasa pinto na at naghihintay sa kaniya.
Agad niyang tinupi ang papel at inilagay sa bulsa ng bag niya. Naglakad siya patungon kay Gina at sabay silang pumasok sa second subject nila. Nagpapasalamat siya na hindi na siya nito kinulit tungkol kay Blake.
Mabilis na lumipas ang oras at namalayan nalang ni Ania na last period na nila. Sa lahat ng subject niya hindi siya tumingin sa gawi ni Blake. Nag-focus siya dahil alam niyang ganoon din si Blake. Nangako ito sa kanya na magbabago, alam ni Ania na mahirap iyon para dito pero alam niyang kakayanin nito.
Pagkatapos ng last period, para siyang may pakpak sa sobrang bilis na tumungo sa parking lot kung saan naghihintay si Blake.
Napatigil siya sa paglalakad patungo sa sasakyan ni Blake ng mapansing kasama ng binata ang kaibigan nito. Nang makita siya ni Blake kinawayan siya nitong lumapit.
Nahihiyang lumapit siya sa mga ito. Inakbayan kaagad siya ni Blake ng makalapit siya.
“Dylan, I want you to meet Ania. Ania, si Dylan, best dude friend ko.” Pagpapakilala ni Blake sa kanila.
Dylan extended his hand to me. “Nice to finally meet you in person, Ania.” Nakangiting wika nito.
She smiled back and accepted his hand. “Nice to meet you too, Dylan.”
“So… kayo na?” Tanung nito ng pakawalan ang kamay niya.
Binatukan ito ni Blake habang namumula naman si Ania.
“Itikom mo nga yang bibig mo.” Ani ng binata.
Dylan gave Blake and arched look. “What? Blake, dude, matagal ko ng alam na patay na patay ka kay Ania, hindi mo lang inaamin—”
Tinakpan ni Blake ang bibig nito. “Shut up!”
Napatawa si Ania ng mapansing namumula ang pisngi ng binata.
Aww! Blake is embarrassed.
Tawa ng tawa si Dylan ng pakawalan ito ni Blake. Hinawakan siya ni Blake sa kotse nito at sapilitang pinasakay. Binatukan nito si Dylan ng daanan nito ang kaibigan habang papuntang driver’s seat.
“May pupuntahan tayo?” Tanung ni Ania ng mapansing hindi ito ang daan papunta sa bahay nila.
“Yeah.”
“Saan?”
“Sa bahay namin.”
Nanlaki ang mga mata ni Ania sa narinig. Panic consumed her. “A-Ano?”
“Ipapakilala kita sa parents ko.” Sagot nito na parang wala lang. hindi ba nito napapansin na malapit na siyang himatayin?
“B-Bakit?”
Blake shrugged and smile. “Kasi gusto ko.”
Nang tumigil ang kotse nito sa isang malaking mansiyon, huli na para pigilan ang plano ni Blake. Nang bumukas ang gate ng mansion, napalunok si Ania.
Ito ang unang beses na pumuna siya sa bahay ng isang lalaki. Hindi niya alam ang dapat i-akto o gawin.
“Relax. Hindi naman aswang ang parents ko. Hindi ka nila kakainin.” Ani ni Blake sabay ganap ng kamay niya at pinisil iyon.
Ania took a very deep breath. “I’m nervous.”
Blake chuckled. “I know.” Pinakawalan siya nito at lumabas ng sasakyan, ilang sigundo ang lumipas, binuksan nito ang passenger seat.
“Come out, Ania.” Inilahad nito ang kamay.
She took his hand and intertwined it. “Blake, nanginginig ako!”
Tumawa ng mahina ang binata. “Relax. They will love you.”
Hawak kamay silang pumasok sa bahay ng mga ito. Nanlalamig ang kamay ni Ania. Mas kinakabahan pa siya kaysa sa nuong recitation sila sa calculus.
Ania gripped Blake’s hand when she spotted three people sitting on the couch in the living room.
“Dad.” Puno ng kasayahan ang boses ni Blake.
Lumingon sa kanila ang lalaking kamukhang-kamukha ni Blake, medyo matanda nga lang ito.
“Blake.” Tumayo ito ng makita siya. May kakaibang ning-ning ang mga mata nito. “Siya na ba?” Excited nitong tanung.
“Oh my god, is that her son? She’s stunning!” Wika naman ng isang babae na naka-upo sa sofa at medyo mangiyak-ngiyak.
Lumapit sila ni Blake sa mga ito. “Mom! Dad! Huwag nga kayong umiyak siyan. Nakakahiya!” Wika ni Blake na parang nangangaral na magulang sa anak. Tinuro siya niya binata. “Siya ang dahilan kung bakit nag top one ako sa med-term. She’s my inspiration.”
Tumawa ang ama nito at niyakap siya ng mahigpit. “Welcome to the family, Iha.” Anito at ng pakawalan siya, ‘yong babae naman na katabi nito ang yumakap sa kanya.
“You are so beautiful, Iha. Bagay kayo ng anak ko. Oh my god! Excited na ako sa magiging mukha ng anak niyo!” She giggled.
Nag-init ang mukha ni Ania sa narinig, pati tenga niya nag-uumpisa naring mag-init. Nang tumingin siya kay Blake, namumula din ito.
“Mommy! Ano ba yang pinagsasasabi niyo!” Inagaw siya ng binata sa ina na akmang yayakapin siya ulit.
“Anak, doon din naman ang punta niyo!”
“Oo nga naman, Blake. Ngayon palang dapat pinag-uusapan na—”
“How rude!” Sigaw ‘nong babae na mag-isang naka-upo sa mahabang sofa. Mag kamukha ito at ang ama ni Blake.
Magkapatid?
Biglang natahimik ang tatlo na nagbabangayan.
“Hindi niyo man lang tinanung kung anu ang pangalan ng visita natin.” Nakangiting bumaling ito sa kanya. “I’m Blake’s Aunt Edna, kapatid ng daddy niya. Iha, anung pangalan mo?”
Ito pala ang Aunty na tinutukoy ni Blake na palaging nasa likod nito.
“Anianette Sandejas po.” Magalang niyang sagot.
“Sandejas? How are you related to the owner of Sandejas construction, Sandejas accounting firm and my business partner in Sandeza traveling agency?” Tanung ng ama ni Blake.
“Arturo Sandejas is my father, Mr. Landeza.”
Nanlaki ang mga mata nito. “Ah! Ang swerte nga naman. Sige, kailan ang kasal niyong dalawa?” Biglang tanung nito na ikina-ubo ni Blake at namula naman siya.
Hinawakan ni Blake ang kamay niya at hinatak palabas ng bahay.
“Kung alam ko lang na ‘yon ang mangyayari, hindi na sana kita dinala rito.”
She giggled when she saw his cheeks reddened a little. “Aww. Si Blake nagba-blush.” Tinudlok-tudlok niya ang pisngi nito. “Uy! Si Blake nagba-blu— Ay!”
Ania yelped when Blake pinned her against the car. He looked at her softly. “I miss you, Ania. I haven’t hug or kiss you for a day.” Then he crashed his lips on hers.
“I miss you too, Blake.” Ania said when he pulled away.
Ngumit ng pilyo si Blake. “Pinanuod ni mommy at daddy ang halikan natin.” Umilin-iling ito habang nakangisi. “Perverts.”
Nag-iinit ang pisngi na itinago ni Ania ang mukha sa likod ni Blake na pinagtatawanan ang inakto niya.
NGUMIT si Ania ng maramdamang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Alam niyang si Blake iyon dahil naamoy niya ang mabangong pabango nito. Nasa library siya at itinext niya itong pumunta dito. Naalala pa rin niya ang mukha nito ng sapilitan niya itong pakunin ng Library I.D.. Akala niya hindi ito papaya na kumuha pero laking gulat niya ng sabay silang pumasok sa library at may ipinakita itong library ID sa lade guard.
It’s been two months since they started going out unofficially. Oo, nagda-date sila, nagyayakapan, naghahalikan pero ‘yon lang iyon. Wala pa rin siyang relasyon. Pero ang tingin sa kanila ng iba ay magkasintahan sila.
“Congratulion, Ms. Summa cum Laude.” Anito na ikinangiti niya.
“Well, congratulation too, Mr. Graduate.”
He chuckled. “Ang dali ng panahon, six months ago, iniisip ko kung ga-graduate ako.”
“Yeah, six months ago, pinapangarap ko lang na maging summa cum laude, natupad rin sa wakas.”
“I’m proud of you, Ania.”
Humarap siya rito at ipinulupot ang braso sa leeg nito. “Thank you. Excited na ako para bukas.” She giglgled.
May kung anung emosyong dumaan sa mukha ng binata na agad din namang nawala. “Yeah, can’t wait for tomorrow.” Parang napipilitan lang ito na maging masaya.
Marahan niyang tinampal ang batok nito. “Be happy. Ga-graduate ka na. Kahit wala ka pang balak sa buhay mo after graduation, I’m sure makakaisip ka rin.”
He smiled at her, but it didn’t reach his beautiful chocolate colored eyes. “Yeah. Actually, may naisip na akong gagawin.”
Nagulat si Ania sa sinabi ni binata. “Talaga? Ano yon? Care to tell me?”
Umiling ito. “Nope. Surprise. Malalaman mo ‘yon bukas sa graduation.”
She rolled her eyes and kissed him on the lips. Sa dalawang buwan na palagi nilang ginagawa ang bagay na ito, nasanay na siya at comporatble na siya sa piling nito.
Blake pulled away first. “Halika, ihahatid na kita sa bahay niyo. Bukas na ang graduation, magpahinga ka. You need your beauty sleep.”
Tumango si Ania. “Okay.” She pecked on his lips. “I’ll rest para bukas.”
Nangihatid siya nito sa bahay niya, nagulat si Ania ng pigilan siya nitong bumaba ng sasakyan.
He gathered her in his arms and embraced her tightly. “I’m going to miss you, Ania.” He pulled away then kissed her passionately.
Napangiti siya ng maghiwalay ang mga labi nila. “Silly! Magkikita pa naman tayo bukas.”
Hindi ito sumagot sa halip ay niyakap ulit siya nito ng mahigpit. “Ingat ka palagi ha?”
Ania rolled her eyes. “Opo.” Kumawala siya sa yakap nito at binuksan ang pintuan ng passenger seat.
Nilingon niya ang binata. “See you tomorrow.”
Andoon na naman ang malungkot na kislap ng mga mata nito. “See you, Ania.”
Hinalikan niya ulit ang binata sa labi. “Huwag ka ng malungkot diyan. I’ll call you later.” Bumaba na siya sa sasakyan nito at pumasok sa bahay nila.
Nang gabing iyon, tinawagan niya si Blake pero hindi ito sumasagot. Baka tulog na ito o kaya naman naghahanda para bukas. Tinitigan niya ang larawan ni Blake na ginawa niyang wallpaper ng cell phone niya.
Ipinatong niya ang cellphone sa dibdib kung nasaan ang puso niya at ipinikit ang mga mata habang nakangiti na parang timang. Her heart was hammering inside her chest just the thought of Blake.
Nakatulug siya na yakap-yakap ang cellphone.
“SUMMA CUM LAUDE, Anianette Sandejas!”
Nakangiting tumayo si Ania sa kinauupuan at taas nuong naglakad patungong stage para tanggapin ang award.
“Congratulation.” Ani ng University President habang isinasabit ang medalya sa leeg niya.
She smiled widely. “Thank you.”
Habang pababa ng stage hinahanap ng mga mata ni Ania si Blake.
Mabilis na tumibok ang puso niya ng maalala ang binata. Mula ng ipakilala siya ni Blake sa mga magulang nito ay palagi siyang iniimbitahan ng mga ito na mag-dinner na pinapaunlakan naman niya palagi. Palagi niyang kasama si Blake maliban nalang sa school kung saan ito talaga ang umiiwas sa kanya. Pero pagkatapos naman ng klase, nandoon na ang binata sa parking lot at nakangiting naghihintay sa kanya. Ganoon ang naging routine nilang dalawa hanggang ngayon. At hanggang ngayon, wala paring linaw ang relasyon nila ni Blake pero ayos lang iyon sa kanya. As long as he’s with her, sapat na iyon sa kaniya.
Sa araw-araw na palagi siyang hatid sundo ni Blake, palagi siyang tinutudyo ng kapatid at mga magulang niya. Hindi nga niya maintindihan kung bakit titudyu siya ng mga ito, samantalang alam naman ng mga ito ang katutuhanang wala silang relasyon ni Blake.
Pagkababa niya ng stage sinalubong kaagad siya ng buong pamilya niya.
“I’m so proud of you, Anianette.” Wika ng daddy niya na ikinataba ng puso niya.
She’d been waiting for her father to say that and now he did. Hindi napigilang umiyak ni Ania ng yakapin siya ng mahigpit ng ama.
“Thank you, daddy. I love you.”
Ang sunod na yumakap sa kanya ay ang ina na umiiyak at ang kuya niya na nakangiti sa kanya.
“I’m proud of you, little sis.” Sabi nito sabay yakap sa kanya.
“Thank you, kuya.”
“Anianette, balik ka na sa upuan mo.” Ani ng ama.
Tumango siya at tinungo ang upuan niya.
Umupo siya at hinintay na tawagin ang pangalan ni Blake. Kahit letter ‘s’ ang apelyido niya at letter ‘L’ naman ang binata, nauna siyang tawagin dahil may award siya.
Kagat ang labi niya ng marinig ang pangalan ni Blake na tinawag. Tinawag ulit ang pangalan ng binata ng walang Blake na nagpakita sa stage. Sa ikatlong pagkakataon na tinawag ang pangalan ng binata, narinig niya ang iba’t ibang komento ng mag ka-klase niya. May kakaibang kabang bumundol sa dibdib niya. Ipinagwalang bahala niya iyon at kinumbinsi ang sarili.
Typical lang kay Blake na hindi magpakita sa graduation. Siguradong nakangiting naghihintay ‘yon sa akin. Pagkonsola ni Ania sa sarili.
Pagkatapos ng graduation, hinanap kaagad niya si Blake. Siguradong nasa tabi-tabi lang ito at hinahanap din siya. Sa halip na si Blake ang makita, nakita niya si Dylan na papalapit sa kanya.
Puno ng kalungkutan ang mukha nito at may dala itong regalo na may baby pink na pambalot. Tumigil ito sa harap niya at ibinigay sa kanya ang hawak-hawak nitong regalo.
“From Blake. Pinabibigay sayo.” Anito
Tinanggap niya ang regalo at nakangiting tumingin sa paligid. “Nagda-drama na naman ang kaibigan mong ‘yon. Asan ba siya? Bakit hindi siya ang magbigay ng regalo niya?”
Hindi umimik si Dylan at tinitigan lang siya.
Naiilang na siya sa titig nito. “Ahm, may dumi ba sa mukha ko?”
Dylan shook his head. He looked defeated, sad and devastated. “He told me to tell you to open the gift so you will know where he is.” Nasa tono ng pananalita nito na parang pinipigilan nitong umiyak.
She frowned at him. “Okay ka lang, Dy?” Dahil sa palagi silang magkasama ni Blake, nagging close na rin siya kay Dylan. Ito palagi ang taga-tudyo sa kanila ni Blake.
Marahang tumango ito. “Open it.”
Mabilis na binuksan niya ang regalo. Napangiti siya ng Makita kung ano ‘yon.
Ania touched the cover of the book. Kung tama ang ala-ala niya, kapareho ito sa libro na gusto nitong basahin niya nuong dinala siya nito sa isang book store. At hindi lang iyon, may kasama pa itong tatlo na libro.
Binasa niya ang title ng bawat libro.
I am number four. The power of six. The rise of nine at and the fall of five.
Basi sa mga title ng libro, series ang mga ito.
Inaayos niya ang pagkakasunod-sunod ng libro ng may nahulog na nakatuping papel. Pinulot niya iyon at kunut-nuong tumingin kay Dylan.
Dylan shrugged. “Just read it.”
Binuklat niya ang nakatuping papel.
Ania,
If you’re reading this letter, I’m already in the plane to sort out my life. I’m sorry if I’m such a coward not to say good bye to you personally. I know that I’m a bastard for doing this but I have to do this. For myself. I’m sorry I didn’t tell you that I’m leaving. Natatakot ako na baka magalit ka sa akin. Naduwag ako kahapon kaya hindi ko nasabi sayo. Sa mga panahong magkasama tayo, ‘yon ang mga masasayang panahon ng buhay ko. Babaunin ko yon at araw-araw na aalalahanin kung saan man ako pupunta. Ania, I’m proud of you. Sana nandiyan ako sa tabi mo ngayon at kino-congratulate ka at niyayakap ka ng buong higpit . Sana ma-realize mo na proud na proud sayo ang daddy mo hindi dahil summa cum laude ka kung hindi dahil ikaw na ang pinaka-responsabling tao na nakilala ko. You are amazing, Ania. Sana maging masaya ka sa kung anu man ang mangyayari sayo sa hinaharap. Sana hindi ka maapektuhan sa pag-alis ko. Sana huwag mo akong hintayin. Hindi ko alam kung kailan ako babalik kaya huwag mo akong hihintayin. Masakit man para sa akin na sabihin pero I’m not worthy of you. Humanap ka ng lalaki na karapat-dapat sa isang Anianette Sandejas.
Live your life by the heart, not by the rules. Always smile Ania. Always remember, na may isang lalaki na nasa ibang bahagi ng mundo na iniisip palagi ang mga ngiti mo. Hinding-hindi kita makakalimutan, Ania.
PS: I love you.
From Mr. Whatever
Masaganang luha ang dumadaloy sa pisngi ni Ania habang binabasa ang sulat ng lalaking mahal niya. Sa bawat kataga na binabasa niya, ang puso naman niya ang paunti-unting nagugutay-gutay. Parang may kumuha ng puso niya at inapak-apakan iyon ng walang awa.
Humigit ang hawak niya sa libro na bigay nito.
Paano? Paano siya maghahanap ng iba kung ito ang mahal niya. Paano siya makaka-move on? Paano siya makakahanap ng lalaking karapat-dapat sa kanya kung ito ang mas karapat-dapat para sa kanya. Paano niya haharapin ng nakangiti ang bukas kung puno ng kalungkutan ang puso niya?
Paano…
Tumingala siya sa kalangitan, punong-puno iyon ng mga bituing nagniningning. Patuloy pa rin ang luha na dumadaloy sa pisngi niya. Naramdaman niyang naglakad si Dylan palayo sa kanya.
She closed her eyes. An image of Blake smiling popped into her mind. “Blake… kailan ka babalik para masampal kita sa pagpapaiyak mo sakin.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top