CHAPTER 4
CHAPTER 4
Blake party was in full blast and he was bored to death. Idinaos niya ang party sa isa sa function hall ng isa sa pag-aari na hotel ng parents niya. His parents didn’t know, of course. Paano niya ito nagawa without their consent? With Aunt Edna help of course. Ito ang manager sa lahat ng hotel na pag-aari ng parents niya kaya naman nakalusot siya.
Ipinalibot niya ang paningin sa kabuan ng hall. Nakita niya si Dylan na nakikipag-dirty dancing sa isang babae na halos wala ng suot.
He’s hoping that Ania would make up her mind and come, pero hanggang hoping lang talaga siya. Hindi ito dumating. Naiinis na umalis siya sa sarili niyang party. The boredom is eating him.
Ikinuyom niya ang kamao. ‘Yong babaeng ‘yon. Inimbita na nga niya ito ng personal, ito pa ang may gana na tumanggi? Ano ba ang importanteng ginagawa nito na mas masaya kaysa sa party niya?
Tinungo niya kanyang Lamborghini na naka-park sa labas ng hotel. Regalo iyon sa kanya ng daddy niya ng mag-eighteen siya. Nang makapasok siya sa loob ng sasakyan niya, kinuha niya ang phone na nasa compartment ng kotse niya at tinawagan si Ira o… Isa ba yon? Nagpapasalamat siya na hindi pa niya nadi-delate and number nito na sapilitan nitong isinave sa cellphone niya.
Isang ring palang sumagot na ito. “Sino ‘to?” Tanung nito sa kabilang linya.
“It’s me, Blake.”
Inilayo niya ang tenga ng bigla itong sumigaw. “Oh. My. God. Bakit ka napatawag? Aayain mo ba akong—”
“Alam mo ba kung asan ang bahay ni Anianette Sandejas?” Putol niya sa iba pang sasabihin nito.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga at sinabi sa kanya ang address ni Ania sa disappointed na boses. “’Yon lang ba ang itinawag mo?”
“Thanks. Bye.” Tinapos na niya ang tawag.
Binuhay niya ang makina ng kotse at pinaharurot iyon. Iisang bagay lang ang nasa isip niya habang nagmamaneho.
Si Ania.
HINDI ALAM ni Ania kung ilang beses na siyang tumingin sa orasan. Ang dahilan? Hindi niya alam. And totoo, alam niya.
Blake’s party.
Sa oras na alas-nueve ng gabi, alam niyang nag-umpisa na ang party nito. Ang hindi niya alam ay kung bakit iniisip niya ang lalaking yon.
Siguro dahil kinakain pa rin siya ng kanyang konsensiya. What she said in the library was uncalled for. Alam niyang nasaktan ito sa sinabi niya dahil nakita niya nawala ang kislap ng mga mata nito. May kung anung kirot siyang naramdaman ng makita niya na nasaktan ito sa sinabi niya. Then his voice sounded hurt. Gusto niyang karatehin and sarili pero naisip niya na patas lang sila. Nilait din siya nito. Pero kahit ganoon, nako-konsensiya pa rin siya.
Tumingin siya sa libro na kanina pa niya hawak-hawak. Mag-iisang oras na niyang sinusubukang mag-aral pero wala siyang maintindihan sa binabasa niya.
Nagpakawala siya ng buntong hininga at inilapat ang likod sa malambot niyang kama. Tumingin siya sa kisame. Segundo ang nagdaan at ramdam niyang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata.
She was about to be succumbed into sleepiness when she heard a loud thud. Followed by dogs barking and her brother’s angry voice.
Dali-dali niya iminulat ang mga mata. Sleepiness forgotten. Tinungo niya ang balkonahe ng kuwarto niya para tingnan kung ano yong narinig niya. Nakita niyang may iginigiyang lalaki ang kapatid niya. Sa pagkakahawak ng kapatid niya sa braso ng lalaki, masasasabi niya na may ginawang hindi maganda ang lalaki. Nakatalikod ang mga ito kaya hindi niya makita ang mukha.
Bumalik siya sa kama at nahiga ulit. Anong nangyari. Ano kaya ang narinig niyang lagabog?
Curiosity was killing her. Kaya naman dahan-dahan siyang naglakad patungong sala kung saan naririnig niya ang galit na boses ng Kuya niya.
“Who are you and what are you doing climbing our house?!” Galit na boses iyong ng kapatid niya.
“Kapag hindi ka sumagot, ipapa-pulis kita.” Boses naman iyon ng kanyang daddy.
“Anong pangalan mo?” Tanung ulit ng kapatid niya, galit pa rin ang boses nito.
“Kayong dalawa, babaan niyo nga ang boses niyo. This boy seems harmless.” Boses iyon ng kanyang mommy. “Tanungin niyo siya ng maayos.”
Nadinig niyang tumawa ng pagak ng kapatid. “Maayos? Harmless? For all we know, magnanakaw ang isang ito. Nagsisisi ako at pinigilan ko ang mga aso na sakmalin siya—”
“Anthony!” Pigil na sigaw ng mommy niya sa kapatid. Nang magsalita ito ulit, malumanay na ang boses nito. “Anong pangalan mo iho?”
Maraming segundo ang lumipas bago ito sumagot. “Blake.” Wika ng isang pamilyar na boses.
Natutop ni Ania ang bibig sa sobrang pagkabigla. Si Blake? Anong ginawa nito dito? Akala ba niya may party ito. Hindi ba dapat nagsasayaw ito at naglalasing?
“Anong ginagawa mo dito sa bahay namin?” Tanung ng mommy niya.
“Ahm… kasi ho… si Ania ho.” Nauutal na sagot nito.
Mas natutop lalo ni Ania ang bibig. Oh my god! Ano nalang ang sasabihin ng daddy niya sa kanya?
“Bakit mo siya hinahanap? At bakit mo inaakyat ang bahay namin? Bakit hindi ka nalang kumatok?” Sunod-sunod na tanung ng kuya niya.
Kung hindi niya sagipin ang lalaking ‘yon, sigurado mas lalaong masisira ang reputasyon niya sa pamilya. Kilala siya bilang mahinhin at walang boyfriend. Kailangan niya itong tulungan. Baka ano pa ang idahilan nito sa pag-akyat sa bahay nila.
Kaya naman pumasok siya sa sala. “Manghihiram po siya sa akin ng notes.” Singit niya sa interogasyon ng mga ito.
Blake’s head snapped at her direction. His chocolate eyes bored into her butterscotch one. It made her feel something peculiar. Nag-iwas siya ng tingin.
“Notes?” hindi naniniwalang tanung ng kapatid niya.
Tumango siya. God! She hated lying. “Oo. Pareho kasi kami ng course.”
“Kung ganoon bakit niya inaakyat ang bahay natin?” Puno ng pagdududa ang boses ng kuya niya.
Bago pa siya makasagot, nagsalita ang mommy niya. “Iho, anong buong pangalan mo?”
“Blake Ryan Landeza.”
“Landeza?” Sabay na wika ng daddy at kuya niya.
Ibinalik niya ang tingin kay Blake at nakita niyang tumango ito. “Yes. My father is Vincent Landeza. I’m sure you’ve heard of him.”
Biglang tumawa ang daddy niya at inakbayan si Blake na para bang matagal na itong magkakilala. “Kung sinabi mo kaagad na anak ka pala ni Mr. Landeza e di sana hindi ka na namin ginisa.”
Kumunot ang nuo niya sa pag-iiba bigla ng trato ng daddy niya kay Blake. Kahit ang kapatid niya e humingi ng tawad sa binata. Napansin siguro ng mommy niya ang pagkalito sa mukha niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya.
“Landeza family is one of the richest families in the country. Kilala sila sa business world. Magka-sosyo sila ng daddy mo sa isang traveling agency business.”
Napatango-tango si Ania. Ahh. Kaya naman pala ng una niyang marinig ang apelyido nito ay pamilyar iyon sa kanya.
“So, Blake, nasa room ko yong notes na hihiramin mo.” Wika ni Ania at tumingin sa daddy niya. “Okay lang ba na isama ko sa kuwarto ko si Blake?”
Her daddy smiled widely. “Okay lang, Ania. Alam ko namang matinong bata itong si Blake.”
Ania almost snorted. Mabait? Kung alam lang nito ang panlalalait na natanggap niya galing rito. “Yeah. Mabait.”
Nag-umpisa na siyang maglakad patungong kuwarto niya. Narinig niyang sumusunod si Blake sa likuran niya. The moment they enter her room and close the door, Ania spun around startling Blake.
Dinuro niya ito sa dibdib. “Anong ginagawa mo dito? Ha?” Ania half-shouted and half-whispered at Blake. Ayaw niyang marinig ng pamilya niya ang totoo.
Nagkibit balikat si Blake. “Manghihiram ng notes.”
Tiningnan niya ito ng masama. “Para namang maniniwala ako sayo at alibi ko ‘yon. I’ve seen you in class. You’re always sleeping. You don’t give a shit about our subject. You talk back to our professor. You don’t do your assignment. You don’t answer our quizzes and you don’t participate in class. Tapos ngayon sasabihin mong manghihiram ka ng notes? Yeah, pigs can poo diamonds.”
Hinintay niyang magsalita ang binata na nasa mukha ang gulat. Pagkalipas ng ilang minuto, nagsalita ito. “Y-You, ah, you’ve seen me in c-class?” Nauutal nitong tanung na ikina-kunot ng nuo niya.
“Yeah. What’s wrong with that?” Tinarayan niya ito.
Nag-iwas ito ng tingin. Ania swear she saw his cheeks reddened a bit. “Wala. Akala ko lang kasi wala kang pakialam sakin.”
“Wala naman talaga akong pakialam sayo.”
Ibinalik nito ang tingin sa kanya. “Oh?” Nanunudyong ngumiti ito sa kanya. “Kung ganoon, paano mo nalaman ang lahat ng ginagawa ko sa school?”
Hindi siya naka-imik sa tanung nito. Oo nga? Paano niya nalaman ang mga yon? Maybe because she always looked at him every time he wasn’t paying attention in class. Hindi niya alam kung anung mayroon ang lalaking ito basta nahuhuli nalang niya ang sarili na nakatingin dito. Pasalamat siya at hindi siya nito nahuhuling nakatingin rito.
“I’m waiting for your answer, princess.” He said while tapping his foot on the floor.
Where did that came from? “Princess?” Gagad niya sa sinabi nito.
He walked to her study table and pick up her notes in taxation. “It suits you. You pretty like a princess.”
Hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya. Itinago niya ang pamumula ng pisngi. Lagi siyang nasasabihan ng sexy o kaya naman hot pero wala pang nagsabing pretty siya, maliban sa parents niya. And hearing it from Blake makes her blush.
“Well, ayokong magtagal dito sa kuwarto mo baka ano pa ang isipin ng daddy mo.” Itinaas nito ang notes niya sa taxation. “Isasauli ko ito sayo sa lunes.”
Tango lang ang tugon niya.
Nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan, napailing-iling na ngumit ito at hinatak siya nito sa kamay. “Halika na. Be a good classmate and walk me to the door.”
Wala siyang nagawa kung hindi magpahatak rito patungong sala kung saan ang-uusap ang daddy, mommy at kuya niya. Binitawan nito ang kamay niya.
Ngumit si Blake sa mga ito. “Aalis na ho ako.” Itinaas nito ang notes niya at ngumit ng kimi. “I still need to copy this.”
Tumango ang daddy niya. “By the way, I called your father, telling him that you’re in our house.”
Blake tense beside her. “Hindi naman po niyo kailangan—” Biglang may bumusina mula sa labas ng bahay nila.
“It must be your family car, Blake.” Ani ng daddy niya habang maluwag na nakangiti. “Ingat.”
Her mother gave Blake a small hug. “Ingat, iho.”
“Take care, kiddo.” Ani naman ng kapatid niya.
Tumango si Blake at nagmamadaling tinungo ang pintuan ng bahay nila. Bago nito buksan ang pinto, tumingin ito sa kanya at ngumiti. “See you in Monday.” ‘Yon lang at tuluyan na itong lumabas at naiwan siyang nakatulala at nakatingin sa nakasarang pinto.
PAGKAPASOK na pagkapasok ni Blake sa kanilang bahay, agad niyang nakita ang mga magulang niya sa sala at mukhang hinihintay siya.
Nang makita niya ang family car sa labas ng bahay ng mga Sandejas, alam na niyang makakarinig na naman siya ng daily dose of medicine pagka-uwi niya. Dala niya ang sariling sasakyan kaya naman sinabihan niya ang driver na mag-convoy nalang sila.
“Blake.” Umpisa ng daddy niya. “Why are you doing in Sandejas residence?”
“Nanghiram ng notes.” Walang buhay na sabi niya.
“So, that’s what I heard, but we both know the truth, Blake.” Wika ng mommy niya.
Pinigilan ni Blake ang sarili ng itirik ang mga mata. “Honestly, I just borrow notes from Ania.”
“So, Ania ang panglan niya.” Ani ng mommy niya sa malamig ng boses. “Are you screwing her too? Isa ba siya sa mga babae mong walang galang sa sarili?”
That made his eyes bulge and his anger rose up. “You don’t know her. Hindi mo siya kilala para pagsalitaan mo siya ng ganyan!” Sigaw niya. For once, he’s losing his cool façade in front on his parents. “Ania is nice and responsible girl. You don’t talk to her like that! You can shit talk about me, but not Ania.” Halata ang gulat sa mga mukha ng magulang niya. Sa unang pagkakataon, sinigawan niya ang mga ito. He’s usually laid back and doesn’t care.
But now… no one shit talk about Ania.
“Blake.” Halata sa mukha ng daddy niya ang pagkabigla pero agad din naman iyong nawala. “Sanay lang kami sa ugali mo na papalit-palit ng babae. Usually, ang mga girlfriend mo ay mga walang paki-alam sa buhay nila tulad mo.”
“Iba si Ania at hindi ko siya girlfriend. Sa kuwarto lang ako. Kokopyahin ko pa ang notes ni Ania.” Patakbo niyang tinungo ang kuwarto at naiwang nakatulala ang mga magulang.
He locked his room and sit on his bed. Binuklat niya ang notes ni Ania. Napangiti siya ng makita ang penmanship nito. It’s neat and elegant looking. Tulad ng may-ari. Mas lumapad pa ang ngiti niya ng makitang may nakatuping papel doon, at nang buklatin niya, iyon ang test paper nila nuong last quiz sa taxation.
Perfect score.
This only shows how different he is from Ania. She always got a perfect score, samantalang siya e palaging zero. Wala siyang pakialam, si Ania naman responsible. She’s the opposite of him. And he doesn’t like it one bit.
For the first time in his life, he wanted to study, answer a freaking quiz and pass his exams. God! Ano ba ang nangyayari sa kanya. Tinapon niya ang notes sa sahig at nahiga sa kama.
All I need is sleep and I’ll be back to being whatever-me tomorrow.
“KUMUSTA na ang pagka-inis mo kay Ania?” Tanung ni Dylan habang papasok sila sa isang mall. Nandito sila para mag-relax. Bukas ay lunes na naman. Meaning, school freaking day. They both hate it.
Pumunta ang kaibigan sa bahay nila at inaya siya sa mall para tumambay. Habang papunta sila dito, ikinuwento nito ang nangyari rito sa party. Mabuti nalang at busy ito sa paglalasing kaya naman hindi nito napansin na nawala siya.
Blake shrugged. “Ano naman ang sasabihin ko tungkol doon?” Balik tanung niya.
“Well, you could confess to me.”
“Confess to what?”
“Confess that you like her.”
Blake tripped on his own foot. Tiningnan niya ng masam ang kaibigan. “What the hell, Dylan. Where the hell did it came from?”
Nagkibit-balikat lang ito. “Akala mo hindi ko napapansin ang mga pa-simple mong titig kay Ania pag nasa malapitan lang siya? Blake, I’m your best friend. I know you. At saka, halatang-halata ka, dude.”
Nag-iwas ng tingin si Blake. Gusto niyang i-deny ang sinabi nito pero bago pa bumukas ang bibig niya, nakita niya si Ania sa loob ng isang book store.
Bago pa siya humakbang papunta sa book store, napigilan siya ni Dylan sa braso.
“Dude, saan ka pupunta, iiwan mo ba—” Tumigil ito sa pagsasalita. Tiningnan niya ito at nakitang nakatingin ito kay Ania. Napapailing na ibinalik ni Dylan ang tingin sa kanya. “I’ll just wait for you in our usual hang out place.” Tapos umalis na ito, naiwan siyang nakatingin sa likuran nito.
Bumuntong-hininga siya at tumingin kay Ania na busy pa rin sa pagbabasa ng isang libro. Lakas ang loob ng pumasok siya sa books store at tinungo ang kinatatayuan ng dalaga.
He cleared his throat, getting her attention. Pero hindi man lang kumurap ang mga mata nito at nagpatuloy sa pagbabasa. Kaya naman hinablot niya ang libro mula sa kamay nito at itinago ‘yon sa likuran. That caught her attention. Agad itong lumingon at tumalim ang mga mata ng makita siya.
“Ibalik mo yan!” Sigaw nito sa mahinang boses.
Ngumiti siya. “Hello to you too.”
She rolled her eyes. “Akin na yan sabi e!”
Umiling siya. “Na-ah, not before you agree to eat lunch with me.”
“At bakit naman ako papayag?” Taray nito.
Itinaas niya ang libro na inagaw niya. “Oh, I don’t know, maybe because I’ll buy this for you and treat you lunch?”
She glared at him. “Anong tingin mo sa akin? Pulubi? Kaya kung bilhin ang librong yan at kumain ng mag-isa!” She stomped away from him, leaving the book store.
He frowned. Anong nangyari? Gusto lang naman niya itong i-treat ng lunch at bilhan ng book kasi mukhang interesado ito sa … tiningnan niya ang libro at mabilis na ibinalik sa lalagyan na parang napaso ng mabasa niya ang title. ‘Laws of Taxation’.
Iling-iling na lumabas siya ng books store. He really can’t understand women!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top