CHAPTER 10 (END)

CHAPTER 10

PAGKAPASOK NI Ania sa opisina kinabukasan agad niyang nabungaran si Blake na naka-upo sa visitor’s chair niya.

“What do you want?” Tanung niya ng walang emosyon. “Natapos mo ba basahin ang mga files na ibinigay ko sayo?”

Hindi ito sumagot at matiim lang siyang tinitigan.

Inirapan niya ito. “Staring is rude.” Aniya sabay upo sa swivel chair niya.

“You’ve been crying.”

Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang titig nito. “What do you want? Kung wala kang importanting pakay sa akin, makakaalis ka na.”

Kununot ang nuo nito habang nakatitig parin sa kanya. “Bakit ka ba galit sa akin?”

That question made her heart tighten inside her chest. Iyon din ang tanung nito dati bago sila nagkamabutihan.

“Hindi ako galit sayo.”

“You’re attitude towards me said otherwise.”

She gritted her teeth. “I said, hindi ako galit. Ano ba sa sanabi kung iyon ang hindi mo maintindihan?”

“Naiintindihan ko ang sinabi mo.”

“’yon naman pala e. umalis ka na kasi marami pa akong gagawin.”

“Wala akong pakialam.” Isinandal nito ang para sa kaharap nitong upuan. “Hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan kung bakit ka galit, hindi ako aalis dito.”

Walang emosyong tiningnan niya ito sa mga mata. “Galit ako dahil bumalik ka.”

Umayos ito ng upo. “A-Ano?”

“Galit ako dahil bumalik ka. Okay na ako e. I’m moving on, Blake. Bakit kailangan pa kitang makita at maalala ang sakit na dinulot mo ng umalis ka?”

“A-Ania, I can explain—”

“Umalis ka na. Ayokong marinig ang paliwanag mo.” Pagtataboy niya dito bago pa malaglag ang luhang kanina pa niya pinipigilan.

“Hindi ako aalis—”

Ania abruptly stands up and slammed her hands on the table, stopping Blake’s word. “Just get out, damn it!” May pumatak sa luha sa mga mata niya. Pesteng luha ‘to! Pinahid niya iyon. “Just go, Blake. Just go.” Nanghihinang wika niya.

Tinitigan siya nga matagal ni Blake bago tumayo. Akala niya aalis na ito pero ganoon na lamang ang lakas ng tibok ng puso niya ng lumapit ito sa kanya at pinahid ang luha niya.

Tinabig niya ang kamay nito. “Hindi ko kailangan ng tagapahid ng luha. I’ven been going that for five years. I don’t need your help drying my tears.”

Pero matigas ang ulo nito at nagpumilit pa rin na pahirin ang luha niya.

“I’m sorry. Umiiyak ka dahil sakin.” Anito.

“Bakit ka ba kasi bumalik?” Mahinang boses na tanung niya.

“Dahil nakapagtapos na ako ng pag-aaral and for the first time, I’m proud to say na walang binayaran si daddy para maka-graduate ako. And dad needs me here.”

‘Yon ang dahilan nito kung bakit ito bumalik? Tumawa siya mahina. Hindi man lang siya kasama sa rason ng pagbalik nito. Bakit ba si umasa at patuloy na umaasa na bumalik ito ng dahil sa kanya?

Sa mga nangyari, paulit-ulit niyang tinatanung ang sarili kung totoo ba ang sinabi nito sa sulat na mahal siya nito at hindi siya nito makakalimutan. Dahil mukhang nakalimutan na siya nito habang nasa ibang bansa ito.

Iniiwas niya ang pisngi ng akmang papahirin nito ang luhang nakatakas sa mga mata niya.

“Umalis ka muna, Blake. Please lang.” Pagmamakaawa niya rito at mukhang tumalab iyon dahil humakbang ito palayo sa kanya at walang imik na umalis ng opisina niya.

   Nanghihinang umupo siya sa swivel chair niya. God! Why did she have to tell him why she’s mad at him?

I’m a mess!

ISANG linggo ng iniiwasan ni Ania si Blake. Palagi itong pumupunta sa opisina niya at hinahanap siya. Hindi na si Ania magtaka kung humaba na ang ilong ng sekretarya niyang si Vicky dahil sa palagi nitong pagsisinungaling sa binata sa mga whereabouts niya.

Nagpapasalamat siya na hindi ganoon kapilit para tingnan nito ang opisina niya kung saan siya nagtatago. Ayaw niya itong harapin. Ayaw na niyang umiyak. Pakiramdam niya pag nag-usap na naman sila, hindi mapipigilan ng luha niya na hindi kumawala sa mga mata niya.

Masyado pa rin siyang nasasaktan. Akala niya pag nakita niya ito magiging masaya siya, kabaliktaran pala ang nangyari. Kung sinabi lang sana nito na kasama siya sa dahilan kung bakit ito bumalik sana hindi na siya umiiyak ngayon.

Ania already decided. Hindi niya hahayaan na paiyakin na naman siya nito. Ayaw na niya. Pagod na ang mga mata niya sa kaiiyak simula na bumalik ito.

Napaigtad sa kinauupuang swivel chair si Ania ng bigla ng bumukas ang pinto ng opisina niya at pumasok si Blake.

Pabalibag na isinara nito ang pinto at tumingin sa kanya ng masama. “I’m done with this hide and seek game you’re playing, Ania!”

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang mabilis na tibok nga puso niya ng makita si Blake. Kahit kailan, traidor talaga ang puso niya.

“Bakit mo ba ako pinagtataguan?!” Nasa mukha nito ang sobrang frustration na nararamdaman.

Bumuntong-hininga siya. “Blake, may appointment ako.” Gusto niyang e-congratulate ang sarili ng hindi nanginig ang boses niya.

“Pakialam ko naman. I need an explanation pronto! Napapagod na ako sa laro mong ‘to Ania.”

Hindi makapaniwalang tumingin siya dito. Ito pa ang may karapatang mapagod? Ang walang hiya! Parang may kung anung sumabog sa kaloob-looban ni Ania. Lahat ng galit at hinanakita na dinanas niya sa loob ng limang taon ay naghalo-halo na. Kunti nalang sasabog na siya.

“Sagutin mo ako Ania. Naiinis na ako sa pagtatago mo sakin! Nagagalit na ako!”

SNAP!

Lumapit siya sito at dinuro ang dibdib nito sa sobrang galit. “Ikaw pa ang may karapatang magalit ngayon?! Wala kang karapatan, Blake. Wala! Ako lang, ako lang ang may karapatan makaramdam ng pagod! Pagod na pagod na ako, Blake! Pagod na pagod sa kahihintay sayo! Ayoko na! Pagod na pagod na ako sa kakaiyak!” Pinagbabayo niya ang dibdib nito. “Sinabi mong huwag kang hintayin. Sa tingin mo ba ganoon lang kadali yon pagkatapos mong sabihin sa sulat na mahal mo ako? Ginawa ko ang lahat maka-move on lang, pero araw-araw, umaasa ako na babalik ka. Araw-araw sa loob ng limang taon, umaasa ako na babalikan mo ako! Pagod na pagod na ako, Blake. Ayoko na. Ayoko na!”

Pinahid niya ang luhang walang patid sa pagtulo. “Kaya kung puwede lang, huwag mo na akong lalapitan. Bumalik ka lang naman diba dahil nakatapos ka na, may ipagmamalaki ka na at iti-take over mo ang posisyon ng daddy mo? Kaya tantanan mo na ako. Ayoko na.”

Nanghihinang umupo si Ania sa sahig. Tinakpan niya ang mukha gamit ang dalawang kamay para itago ang masaganang tulo ng mga luha niya.

Naramdaman niyang umuklo si Blake sa harapan niya. She felt him touched the strands of her hair.

“Umalis at bumalik ako para sayo, Ania. Lahat ng ginawa ko sa loob ng limang taon ay para sayo.” Nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga. “Kaya naman may karapatan akong magalit, mairita, mapagod at mag-alala sayo. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko habang malayo ako sayo. Sa tingin mo ikaw lang ang naghirap? Ako din. Araw-araw natutukso akong umuwi para makita ang mga ngiti mo. Araw-araw nilalabanan ko ang sarili kung damdamin para sayo. Gustong-gusto kong makita ka pero hindi ko magawa. Hindi kita tinawagan dahil alam kung pag narinig ko ang boses mo, hindi ko kakayanin ang pangungulila ko sayo at uuwi ako! Gusto kong magtapos sa MBA para may maipagmalaki ako sayo, sa pamilya at mga kaibigan mo pagbalik ko kahit walang kasiguraduhan na wala pang nagmamay-ari sa puso mo. Araw-araw pinagdarasal ko na sana hindi ka pa nakahanap ng iba. Na sana ako pa rin ang laman niyang puso. Araw-araw nag-aaral akong mabuti para sayo. Araw-araw ikaw ang palaging laman ng isip ko. Pagod na rin ako Ania, pero hindi ako sumuko sayo. Hindi ako napagud umasa na balang araw magiging tayo.”

Nasapo ni Ania ang bibig para pigilang ang hikbing gusting kumawala.  Tiningala niya si Blake. Bakas sa mukha nito ang pagod pero may kakaibang kislap pa rin ang mga mata nito.

“Blake…”

Blake looked at her softly. “Ania, please, itigil na natin itong hide and seek na laro mo. Nasasaktan ako sa tuwing iniiwasan mo ako. Tuwing nagsisinungaling sakin ang sekretarya mo na wala ka sa opisina mo kahit alam kung nasa loob ka, pakiramdam ko bumalik na naman tayo nuong college tayo. Ang sakit-sakit na hindi mo ako pansinin. Sabihin mo lang kung anung gusto mong gawin ko para mawala ang galit mo sa akin, gagawin ko.” Nagmamakaawang lumuhod ito sa kanya. “Please, Ania. Sorry. Please, I’m very sorry.”

Natatawang pinahid niya ang mga luha na sa wakas as tumigil na rin sa kakatulo. Parang magic na bigla nalang nawala ang galit at sakit na nararamdaman niya dahil sa mga pinagtapat nito.

Tumayo siya at inilahad ang kamay sa binata. “Tumayo ka nga diyan. Hindi ako santo para luhuran mo.”

Tumingala ito at tumingin sa nakalahad niyang kamay.  Kapagkuwan ay tinanggap nito ang kamay niya, hindi para magpatulong tumayo kung hindi para hatakin siya papunta rito.

Napatili si Ania ng tumama ang katawan niya sa katawa nito. Nang marealize niya ang posisyon nila, nag-init ang buong mukha niya.

She gasped. “Oh my god!”

Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang makipagtitigan rito sa posisyon nila ngayon. Naka-kubabaw siya rito at ito naman ay nakapulupot ang braso sa bewang niya at napakalapit ng mukha nito sa mukha niya.

Blake chuckled making Ania shievered. “Ania, look at me.”

At siya naman si tanga, ibinalik ang paningin kay Blake. Sinalubong ng mga labi ng binata ang mga labi niya. Nagulat siya nuong una pero habang tumatagal ang halik nila, nagi-enjoy na siya, nandiyan parin ang koryenteng naramdaman niya nuong una nilang pagsaluhan ang matamis na halik.

Blake pulled away and looked at her butterscotch eyes. “I love you, Ania.”

Isang malapad na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi habang nakatingin sa mga mata nitong puno ng pagmamahal.

“I love you too, Mr. Whatever.”

**THE END**

AUTHOR'S NOTE: The end na. Maikli lang talaga ang story na ito. This is the reason why nabuo ang ACE CENTREX UNIVERSITY SERIES. Thanks for reading and i hope it's worth you time. God bless.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top