Chapter 3

Hinalikan niya ako sa mga labi na hindi ko naman magawang ma-appreciate hanggang sa dumako ito sa leeg ko.

"Oh, love, I'm so hard right now. Touch me," usal nito sa nakakaakit na boses pero bakit nawala na ang excitement ko?

Pero nagawa ko pa rin siyang hawakan lalo na ang pagkalalaki nito.

My goodness! I can't do it!

Bigla ko na lang siyang itinulak na ikinagulat nito kaya napatigil ito sa ginagawa.

"Is there something wrong? Hindi ka pa ba handa?" tanong nito sa worried na boses.

Tumayo ako sa kama at muling isinuot ang robe para matakpan ang halos hubad kong katawan. First time ko ring magsuot ng sexy na lingerie dahil pinaghandaan ko rin talaga ang araw na ito.

Masuyo niyang hinawakan ang isa kong kamay at pinisil iyon.

"Hindi ba matagal nating hinintay ito? Pero kung hindi ka pa talaga handa, naiintindihan ko. Hindi kita pipilitin." His voice was full of understanding and assurance.

Bigla tuloy akong na guilty sa dahilan kung bakit bigla na lang akong umayaw.

"I'm sorry, John. I can't do it with you," usal ko saka nagmamadali akong lumabas sa kwarto nito.

Kung gaano ako kabilis magbihis ay ganoon din ako kabilis nakalabas sa apartment nito. Hindi na ako lumingon pa at deretso na ako sa elevator ngunit hinabol ako ni John.

"Zoey, you forgot the bouquet." Iniabot nito sa akin ang magandang bouquet.

Napatitig ako sa malaki at magandang bouqiet saka dumako ang tingin ko sa mukha nito. "Thank you."

"You're always welcome, love. Happy anniversary ulit. I love you."

Isang mapait na ngiti at tango lang ang isinagot ko sa kaniya, sakto namang bumukas na ang elevator kaya kaagad na akong pumasok.

Kumaway pa si John sa akin hanggang sa mag-close na ang elevator. Nakahinga naman ako nang maluwang saka napukpok ko ang sariling ulo gamit ang palad ko.

Nakakahiya ka, Zoey! Bakit ka nag-back out? Mahal mo siya, hindi ba?

Para akong tanga na kinakausap ang sarili sa isipan.

John is a perfect boyfriend. Gentleman, sweet, caring, loving and understanding. Wala ng hahanapin pang iba ang isang babae kapag siya ang naging boyfriend.

Pero bakit ganoon? Bakit ganito ang nararamdaman ko? I felt confused and disappointed. Nabigla ba ako sa pangyayari?

Umuwi ako sa bago kong apartment na matamlay. Nahiya ako sa ginawa ko pero naisip ko na tama na rin ang ganoon.

Kaagad akong napahiga sa couch. Hindi ko pa naayos ang iba kong mga gamit dahil kalilipat ko pa lang.

Kinuha ko ang cellphone ko at message kaagad ni John ang bumungad sa akin. Nagtanong kung nakauwi ba ako ng safe. Hindi rin naman ako nagpahatid dito kanina.
"I just got home safe. Thanks!" I replied to his message.

"Glad to know, love. I hope you're okay."

"I'm okay, but..."

"But?"

"I can't do this anymore, John. I'm sorry, let's break up. What's between us now is over."

Isinubsob ok ang mukha sa couch pagkatapos ma sent ang last message ko rito. In-off ko na rin ang cellphone ko dahil panay tawag ni John.

I know I did the right thing.

Napapapikit na ako nang may marinig akong halinghing sa kabilang apartment. Mabilis akong bumangon sa couch saka idinikit ang tainga sa pader kung saan nagmumula ang malakas na ungol ng babae.

Hindi ko akalain na maririnig pala, siguro masyado lang nasarapan ang babae o kaya naman masyadong magaling ang ka-sex nito kaya ganoon na lang ito kalakas makaungol.

Ibinagsak ko ulit ang katawan sa couch. Nakakainggit naman ang kapitbahay ko, mukhang sarap na sarap at satisfied sa sex life.

Ako kaya?

Nabatukan ko na naman ang sarili.

Hindi nga ba pagkakataon ko na nga kanina na maranasan ang ganoong klaseng sarap pero bigla na lang akong umalis.

Kung bakit naman kasi...

Bumuntonghininga na lang ako at nakuntento na lang makinig sa ungol ng kapitbahay ko. Parang musika sa pandinig ko pero nakakainggit talaga.

Kinabukasan ang daming text messages sa akin ni John pero hindi ko na sinagot. Mayamaya lang din ay napatawag na si Maris, ang bestfriend ko.

"Girl, talaga bang nagpasarap ka kagabi hindi kita ma contact?" mataray na saad niya.

I rolled my eyeballs and I sighed.

"O, bakit parang disappointed ka sa first mo? Hindi ka ba nasarapan?"

"Wala ngang nangyari," disappointed kong sagot.

"What?! Why? Ano ang nangyari?" gulat niyang tanong. Nailayo ko na naman saglit ang cellphone sa tainga dahil sa boses nito.

"Wala nga, umalis ako."

"Bakit nga, best? Ano ba talaga ang nangyari? Akala ko ba handa ka na."

"Handa naman talaga ako. Hindi lang ako handa sa... ano niya..."

"My God, Zoey! Normal lang naman na ganoon ang maging reaksyon mo lalo na kapag first time mo. Girl, dapat itinuloy mo na 'yon."

"Best, hindi ko talaga kaya eh," sabi ko sa kaniya na para bang maiiyak pa. "Alam mo 'yong feeling na parang bigla akong na confused at na guilty kung tama ba ang naging dahilan ko kung bakit ko nagawa iyon sa kaniya."

"Ano ba ang ginawa mo, best?" mahinahon nitong tanong.

"Iniwan ko siya, umalis ako. Pagkatapos pagdating ko rito sa apartment ko hiniwalayan ko siya na wala namang dahilan. I know, ang babaw ng dahilan ko pero ano kasi..."

Maris cleared her throat. "Best, kalma lang. Isa-isa lang, huwag kang ma confused, okay?"

Napatango ako kahit hindi naman nito nakikita. Hindi rin ako umimik.

"So, hiniwalayan mo siya without telling him the reason?"

"Yes," usal ko sa nagi-guilty na boses.

"Bakit?" nagtataka ring tanong nito. "Akala ko ba mahal mo siya?"

"Iyon na nga best, mahal ko naman siya pero nang makita ko ang pagkalalaki niya... I felt disappointed." Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung tama bang sabihin sa bestfriend ko.

Nahihiya ako sa sarili ko kung ganoon lang ang rason ko kaya ako nakipaghiwalay. Pero nandito na kasi ito, eh. Ayaw ko naman manatili sa taong ganoon kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ako masa-satisfied.

Siguro nga hindi pa ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kaniya.

"Best," untag ni Maris sa akin sa kabilanh linya.

"Kasi naman best, I won't settle for less. I think I deserve the best for losing my virginity, 'di ba?"

Saglit kaming natahimik dahil hindi kaagad nakasagot si Maris. Mayamaya lang ay bumunghalit ito nang tawa.

"My God, Zoey! Dahil do'n hiniwalayan mo siya?" hindi makapaniwalang bulalas nito saka napatawa ulit.

"Don't laugh," saway ko rito. "Kung alam mo lang, nahiya rin ako sa sarili ko. Kasi naman, baka kapag itinuloy ko 'yon hindi ko man lang maramdaman na na virginan na pala ako."

Tumawa ulit ang bestfriend ko.

"Masyado bang juts?" tanong nito sa nagpipigil ng tawa.

Napatango ako saka sumagot, "Oo best, tapos hard na daw siya pero parang maski average size hindi rin yata abot eh. Ang bad ko talaga, best!"

Isang malakas na halakhak lang ang isinagot nito sa akin.

I know size doesn't matter but it matters to me.

***

Please vote and comments. Thanks!❤️

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top