Chapter 14
Zoey POV
Ang tanga ko talaga! Bakit ko pa kasi nabanggit ang bagay na 'yon?
Bakit ko ba na sabi kay Mr. Valerio kung ano ang habol ko sa isang lalaki?
Bumuntongjininga ako. Baka mapagkamalan nuya akong sex maniac.
Ginulo ko ang buhok habang palakad-lakad ako sa sala.
Hindi bale na nga, ganoon din naman siya kaya hindi rin kami nagkakalayo ng beliefs pagdating sa ganoong bagay. At least naiintindihan niya ako at ganoon din ako sa kaniya.
Mayamaya lang ay may narinig akong doorbell, pagbukas ko ay ang nakangising mukha ni Maris ang bumungad sa akin.
Bihis na bihis ito at sa postura pa lang ay halatang magna-night-out ito kasama ang ibang mga kaibigan.
Mabilis itong pumasok at dumeretso sa kwarto ko. Inilapag nito sa kama ang dalang paper bag.
Napakamot ako sa ulo. "Inaantok na ako, best, bakit late ka naman nambulabog," kunwari'y reklamo ko pa pero masaya ako na nandito siya.
Kanina pa kasi ako nabu-boring at okay lang na kahit saglit ay may maka-kwentuhan ako.
"Best, magbihis ka na. Isuot mo 'yang dala ko." Inginuso niya ang dalang paper bag.
Napakunot naman ang noo ko. "Ano naman 'yan?"tanong ko pa pero binuklat ko na kung ano ang laman ng paper bag.
Inisa-isa kong ilabas ang laman ng paper bag. Isang sexy na halter dress na kulay pula at plain na pointed shoes na kulay pula rin.
"Best, bakit ko naman susuotin 'to?" Itinaas ko pa sa mukha ni Maris ang kakapiranggot na dress.
Timgin ko kapag 'yon ang isinuot ay kalamang wala ring matatakpan sa katawan mo.
Kinuha nito ang dress saka itinapat sa katawan ko. Sinisipat nito kung bagay ba sa akin o hindi.
Ngumisi siya. "See? Bagay sa'yo kaya isukat mo na. Dali na, best!"
I rolled my eyeballs, pero pinagbigyan ko rin naman siya. Isinuot ko ang damit saka ang shoes na dala nito. Sakto nga lang sa sukat ng katawan ko.
Hanggang hita ko ang hava ng dress at hindi naman ganoon ka revealing ang hinaharap, 'yong sakto lang na makita kaunti ang cleavage mo.
"Perfect!" Maris beamed in happiness, she even clapped her hands.
"Ano ba ang okasyon bakit gusto mong mag-nigh-out?" takang tanong ko sa kaniya saka napatitig sa mukha nito.
Umiwas siya ng tingin at humarap sa malaking salamin. Kunwari ay chini-check niya ang outfit na suot.
"Wala lang, gusto ko lang mag-enjoy," sagot niya sa mahinang boses.
There's something wrong and I don't want to ask her. But one thing I know she's sad.
Nilapitan ko siya saka inakbayan. "Okay, let's go out tonight and let's enjoy!" masigla kong saad.
Umaliwalas ang mukha nito. "That's my girl!" bulalas niya saka nagtatalon sa tuwa.
Nakatitig lang ako sa kaniya dahil kakaibang sigla ang ipinapakita nito ngayon. Likas naman siyang kalog at masayahin kaya lang ay may kakaiba ngayon, parang pinipilit lang nito ang sarili na maging masaya.
I just smiled. Hindi ako magtatanong kung bakit dahil alam kong mag-iiyak na naman ito. And I don't want to ruin her night.
I put a light make-up and spray my favorite perfume. I style my hair into messy bun and we're good to go.
We found ourselves at the bar. This is not my first time, this is my second time.
Ang unang beses na nag-bar ako na kasama si Maris ay no'ng panahon na broken-hearted siya, at sigurado akong broken-hearted din siya ngayon.
"Let's party!" sigaw ni Maris na ikinatawa ko.
Ang daming tao at halos siksikan na. Ang dami na ring nagsasayawan sa dance floor.
"Dito tayo, best. Nagpa-reserved na ako ng table natin," saad ni Maris habang hila-hila ang kamay ko.
Nakarating kami sa gitna at merong table doon na good for two. Malapit lang din kami sa dance floor kaya nakikita ko ang mga sumasayaw at mga couple na halos maghalikan na sa sobrang dikit ng mga katawan.
Maris ordered our drinks and pulutan. And while waiting I'll enjoy watching the people dancing on the dance floor and the good music. It sounds refreshing and relaxing kahit nakakabingi ang musika sa sobrang lakas.
Sometimes, it's good to be here.
Maris knows I am not into more on alcohol, mababa ang tolerance ko sa alak. So instead of hard drinks, she ordered a ladies drink for me na mababa lang ang percentage ng alcohol. Samantalang siya ay hard drinks talaga ang binanatan.
"Cheers!" sigaw nito saka itinaas ang hawak na baso. Ganoon din ang ginawa ko.
Inisang lagok nito ang alak saka nagsalin ulit. Napailing na lang ako. I sipped my drinks and observe my surroundings.
Tambayan yata ang bar na ito ng mga estudyante dahil parang halos lahat ay mga estudyante ang nandidito. Halata naman sa hitsura at postura ng mga ito.
Medyo tipsy na si Maris kaya bumanat na ito ng sayaw sa dance floor, at ako naman ay nakatingin lang sa kaniya, binabantayan siya. Marami rin siyang nakaka-partner pero hindi naman siya nababastos. She's enjoying herself.
Enjoy now, cry later, usal ko sa isipan.
"Excuse me, can Insit with you?"
Tiningnan ko ang lalaking nagsasalita. Gwapo naman ito at matangkad kaya lang ay mukhang lasing na.
"Sorry I'm with someone," tanggi ko sa kaniya.
Pero umupo pa rin ito, and worst sa tabi ko pa.
"Kung ako ang kasama mo, hindi kita basta-basta iiwan," wika pa nito sa naglalanding boses.
Pilit akong ngumiti. "But sadly, hindi ikaw ang kasama ko." Pagtataray ko rito.
Mas lalong lumapad ang pagkakangisi nito. "I like you. Let's dance."
"No, thanks!" mariing tanggi ko.
"Come on! Don't be a hard to get." Inakbayan niya ako at pilit na pinapatayo.
Pabalang akong tumayo, at para lang makaiwas dito ay iniwan ko ito. Patungo ako sa confort room ngunit nagulat na lang ako nang biglang may humila sa kamay ko.
"Hey, miss sexy, I'm not done with you."
Shit! At talagang sinundan pa ako.
Iwinaksi ko ang kamay nito. Isa na lang talaga at tatawag na ako ng bouncer para ipadampot ito, halatang lasing na.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top