Chapter 10

Ilang araw akong nagmukmok sa loob ng apartment. Ilang days na rin akong hindi pumapasok sa school magmula nang makita ko ang aking ina.
Her emotionless face always lingers in my mind. I looked at myself in the mirror and smiled sadly.

Parang kaharap ko na rin sa salamin ang mommy ko. Aminin ko man o sa hindi, carbon copy niya ako. Maputi, heart-shaped ang hugisng mukha, at higit sa lahat mestisa.

I sighed and decided to go out to buy something to drink. Maris is always checking on me; calling and texting me every time, kahit busy siya ngayon sa school dahil may tinatapos na project.

Sa malapit na convenient store ako nagtungo kung saan sana ako magpa-part-time job. Sampung pirasong can na beer ang kinuha ko sa shelves ng mga alak at kumuha na rin ako ng junk foods.

Pagkatapos bayaran ay kaagad na akong bumalik sa Apartment.

"Hi!" A beautiful woman greeted me on my way to my room.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Bigla tuloy akong na conscious sa hitsura ko ngayon na tanging sweatpants at lose t-shirt lang ang suot, magulo pa ang nakapuyod na buhok.

"Ikaw ang bago kong kapitbahay, ano?" wika pa niya. Napatango na lang ako. "Great! I'm Kristine."

Iniabot nito ang isang palad sa akin para makipag-shake hands at wala namang pag-aatubiling tinanggap ko ang palad nito.

"Zoey," usal ko bago bitawan ang palad nito.

Matamis itong ngumiti. "Nice name, Zoey." Kumindat pa siya sa akin.

"Thanks!" saad ko sa naiilang na boses saka nagmamadali ng pumasok sa unit ko.

I didn't notice the time because I was busy minding myself. I was drinking while dancing to the beat of music. Mas lalo ko pang nilakasan ang sounds ng musika na halos mag-echo na sa buong paligid at wala akong pakialam.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, gusto kong magpakalunod sa sakit.

I miss her. Akala ko okay na ako, unti-unti ko na ngang natatanggap sa sarili ko na hindi ko na siya makikita pa ulit, but all of a sudden she appeared in front of me and left me again without explanation.

Basta ang alam ko siya ang Mama ko, and that's all that matters.

Another pain hit me so hard when flashbacks of my childhood came rushing into my mind.

Me, as a child begging her to stay. Me, as a child waiting for her to come back. Me, as a child longed for her love. Me, as a child missing her so much it hurts.

Ako si Zoey na parang nasa akin na ang lahat pero pinagkaitan ng pagmamahal ng isang ina. Na sa tuwing may nakikita akong masayang pamilya lalo na kapag kasama nila ang mga mommy nila ay sobrang inggit ang nararamdaman ko.

Napahagulhol ako nang iyak. Sumasabay sa ingay ng musika ang malakas kong pag-iyak. Sa sobrang iyak ko ay halos hindi na ako makahinga.

Lasing na ba ako?

I looked at the can of beer on the floor, and then I laughed. Akalain mo 'yon? Nagawa kong ubusin lahat ng beer na binili ko.

I stop crying but when I remember my mom I'll cry again.

I getmy phone and dialed Tina's number. After two rings she answered.

"Zoey, do you need anything?" Her voice sounds formal but I can feel her genuine care for me.

"Tina..."

"Are you crying?" Her voice sounds worried.

"She came her and left me again." I cried agaian and again. "She left without telling me the reason why she can't stay with me. Why she can't be a mother to me.

Tina never say a word. She just listened to me.

"Hindi ba sabi mo kapag mabait ako, lumaki akong mabait na bata ay babalik na siya at magsasama na kami? Naging mabait naman ako." Napahagulhol ako nang iyak ulit.

Buong buhay ko sinusunod ko kung ano ang sinasabi ni Tina dahil utos ng Mama ko. Buong buhay ko naging masunurin ako sa lahat ng gusto niya kahit gustong-gusto ko ng mag-rebelde bilang isang anak.

Pero mas nanaig sa akin ang aral na iniwan sa akin mula bata pa ako na maging mabuti kang anak sa mga magulang mo at respituhin mo sila dahil kahit ano ang mangyari magulang mo pa rin sila.

"Masama bang mangarap na makasama mo siya kahit sandali lang?" Umingos ako saka umiyak ulit. "Masama bang maranasan ko naman na makasama siyang kumain sa labas, mag-shopping, makausap siya o maka-kwentuhan..."

"Zoey, your music from the background are so loud, are you somewhere? Are you drunk?" sunod-sunod na tanong ni Tina at halata sa boses nito ang pag-aalala.

"Tina, why I can't be with her? Anak ba ako sa labas? May iba ba siyang pamilya?"

Narinig ko ang pagsinghap ni Tina sa kabilang linya. "Don't you ever think that way, Zoey."

Natigilan din ako sa bigla kong naisip. Bakit biglang sumagi sa isipan ko ang ganoon? At bakit sobra akong nasasaktan sa naiisip ko?

"Zoey, your Mom work so hard for your future," dagdag pa nito. "Gusto niyang mapabuti ka at wala siyang ibang inisip kung hindi ikaw."

Mapakla akong napatawa. Bullshit! Ako pa talaga ang dahilan?

"I want to die..." bigla kong usal saka nanghihina akong napahiga sa sahig.

"I'll be there in a minute," she said and cut off the call immediately.

Bigla akong napabangon saka natampal ang noo.

Ang tanga mo, Zoey!

Na sabunutan ko ang sariling buhok. Hindi ko naman intensyon na sabihin ang dialogue na 'yon. Nabasa ko lang naman 'yon sa novel na kadalasang sinasabi ng mga characters sa kwento kapag brokenhearted or nasasaktan.

Shit! Kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko hindi ko naman intensyon na magpakamatay 'no!

My goodness! Tina is coming! Para pa naman 'yong si Miss Minchin.

Bigla tuloy nawala ang kalasingan ko at nagmamadali akong bumangon. Pinatay ko ang music saka napatingin sa buong paligid.

Ginulo ko na naman ang magulo kong buhok dahil sa kalat na ginawa ko. Bigla na lang akong nahilo dahil sa nainom kong beer.

Una kong dinampot ang garbage bag na no'ng isang araw ko pa hindi naitapon. Nagmamadali akong lumabas ngunit natigilan rin nang makalabas ay nakita ko si Mr. Valerio na kahalikan si Kristine.

Nahilo na naman ako bigla pero hindi ko pinahalata. Nakatitig lang ako sa kanila hanggang sa maghiwalay ang katawan ng mga ito. Akala ko nagha-hallucinate na ako dahil sa kalasingan ko ngunit totoo ngang si Mr. Valerio ang nasa harapan ko ngayon.

I sighed and walked away. I don't care about his personal life or sex life.

Oh, shit! Pababa na ako nang hagdan nang bigla na lang umikot ang paningin ko. Muntikan na akong matumba, buti na lang may humawak sa akin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top