Prologue
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagmumukmok. Paano ba naman kase itong kaibigan kong bruha, sinabing may girlfriend na raw ang crush ko!
Naniwala na tuloy ako dahil may ipinakita siyang picture sa akin sa cellphone niya. May isang magandang babae na kasama si crush, at todo ngiti pa sila sa isa't-isa.
Kaya iyan, broken-hearted ang magandang ako!
Ang sabi pa sakin ng kaibigan kong si Rain, 'yong babae raw na kasama ni Lucas ay ang babaeng niligawan nito sa kabilang school.
Ang masaklap pa doon, kanina lang niya sinabi sa akin na may niligawan na pala si Lucas my crush! Nakakainis talaga!
Kaibigan ko siya pero 'yong mga balita na nakakalap niya patungkol sa crush ko hindi niya agad pinapaalam sa akin.
Bwisit kang bruhang hipon ka!
Todo lang ako sa pag iyak nang may biglang tumawag sa akin. Wala akong kaalam alam na nasagot ko pala ito dahil sa sobrang stress sa balitang nalaman ko.
["H-hello?"] rinig kong sabi ng kabilang linya, 'di ako sumagot at tuloy lang ako sa pag-iyak.
Huhuhuhu. Hindi niyo alam nararamdaman ko kaya h'wag kayong ano!
Lumipas ang ilang segundo pero wala pa rin akong marinig na kahit ano. Hindi ko na lang pinansin at mas humagulgol pa nang mas malakas kahit makailang-beses na akong pasukin ng nanay ko sa k'warto kanina at pagalitan dahil sa ingay.
Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng kung ano mula sa kabilang linya. Sunod pa siyang napamura sa akin.
"Bobong 'to! Inaano kita?!" Humagulgol pa ako.
Pagkatapos no'n ay wala na akong narinig muli. Ibababa ko na sana kaso narinig ko ang mahinang pagtikhim niya. Kumunot tuloy ang magandang noo ko.
["Hello? Umiiyak ka ba?"] tanong niya.
"Bingi ka ba?!" tanong ko rin sa kaniya. "Ano bang naririnig mo? Tumatawa ako?!" tuloy ko habang umiiyak pa rin.
["Harsh,"] mahinang bulong niya na narinig ng matalas kong pandinig.
"Harsh ka diyan! Gusto mo i-crush kita?" paghahamon ko. Gusto yata ingudngod ko siya sa gudguran ng yelo. Meron pa naman akong mahihiraman.
Bumungisngis siya. ["Ako? Crush mo?"] Aba! Lakas din ng trip nito. Iba kaya ang crush ko!
"Bobo mo, 'no? Sabi ko i-crush—durugin! Simpleng english 'di alam ng bobong 'to!"
["Akala ko crush mo 'ko, e."] Nagawa pa ngang humalakhak ng bobo.
"Hindi kita crush, 'no! Hindi naman ikaw si Lu—Ah, basta! Hindi ikaw crush ko!" inis kong saad. Naman kasi! Naalala ko ulit tuloy si Lucas my crush.
[Sigurado ka? Hindi ako?] Napatigil ako bigla sa pag-iyak. May anghel yatang dumaan. Asan kaya 'yon? [Oh, ba't natahimik ka bigla?] Bumungisngis pa siya.
Napairap na lang ako sa hangin. "Che! Hindi ikaw ang gusto ko!" Rinig kong bumulalas siya ng tawa.
["Okay, sige. Sino ba crush mo?"] tanong niya.
"Ayoko nga! Hindi naman tayo close, 'no! Ba't ko sasabihin?"
["Alright,"] tugon niya matapos kong marinig ang pagsara ng pinto. ["Ako kasi, 'yong crush ko nakakausap ko naman ngayon pero hindi niya alam na may gusto ako sa kaniya."]
"Sino?" tanong ko naman.
["Secret一"]
"Sino nagtanong?" tanong ko ulit. Hindi kasi muna ako patapusin!
Rinig ko ang pagsingasing niya dahil doon. Hindi naman ako intresado sa crush niya, 'no! Bat nga ba tumatawag ito? Busy pa ako mag-emote, e. Bobo lang? Huhuhu!
["Teka nga, bakit ka ba umiiyak?"] usisa niya.
"Wala kang pake! Hindi mo naman mata 'to, mata ko ito... kaya wala kang pake kung umiyak man ako! Pero kung inggit ka, umiyak ka rin nang ganito—" Humagulgol pa ako nang napakalakas para lang iparinig sa kaniya kung paano.
May narinig akong may kung anong tumama sa pinto at may kasunod pang pagpapaputok ng nanay kong mahilig sa giyera.
Humagalpak siya dahil siguro sa narinig na pane remain ng nanay ko. ["Sige na, makikinig ako."]
"Talaga? Makikinig ka?" paniniguro ko.
["Oo nga. So, bakit ka nga ba umiiyak?"]
"Kasi..." Sininghot ko yung sipon kong patulo na. Lumalabas na kasi sa ilong ko kaya sininghot ko para bumalik sa loob.
Narinig ko namang natawa na naman itong kausap ko. Makikinig ba siya o pakikinggan niya? Tatawa-tawa pa kase!
"Iyong crush ko kasi m-may girlfriend na!" Muli akong naiyak sabay suminghot ulit. Lumalabas, e. "Tapos... tapos hindi man lang ako nakapagsabi na may gusto ako sa kaniya!." Tumutulo na naman kaya sininghot ko pabalik. "K-k-kasi naman itong bruhang kaibigan ko 'di man lang agad ako sinabihan na may karibal na pala ako sa crush ko!
"Edi sana... sana noon pa lang nagtapat na ako sa kaniya," tuloy ko pa at pinaghahampas ang sarili sa papag.
Narinig kong bumungisngis uli siya kaya naman nainis agad ako. Mukha kasing nasisiyahan pa siya sa pagdadalamhati ko ngayon.
"Tinatawa-tawa mo d'yan?!" Sa inis ko, tuluyan nang napunta sa bibig ko ang makulit kong sipon.
["Wala naman."] Rinig kong humagalpak siya. Hindi man lang siya nahiya sa puso kong sawi! Pakikiramay lang naman ang kailangan ko ngayon.
"Che!"
Inis kong sininghot pabalik itong sipon ko. Ang kulit! Labas nang labas. Masyadong nagpapapansin hindi naman siya kasali.
["Isinga mo kaya muna iyan. Kanina mo pa sininghot, e."] Rinig kong natatawa pa rin siya.
"Ayoko! Iniipon ko, e. Bakit ba?!"
["Fine... Bahala ka,"] pigil tawa niyang tugon.
"Bahala ka din!"
Ibababa ko na sana nang bigla ulit siyang magsalita.
["Ako rin naman, e,"] panimula niya. ["Ako rin naman may crush... Kahit na may gusto siyang iba, okay lang basta alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Hindi ko nga alam kung bakit hindi niya mahalatang may gusto ako sa kaniya gayong siya naman itong kausap ko ngayon na tinutukoy ko kanina."]
Bigla akong napaisip kung may sapak ba 'tong kausap ko. Tinatanong ko ba kasi? Hindi ko naman sinabing makikinig ako sa kwento niya, e!
"Sino?" tanong ko ulit.
["Basta. Secret din一"]
"Sino nga kasi nagtatanong?" Kulit naman nito.
Napatawa siya na parang hindi makapaniwala sa narinig. ["Galing mo talaga mambara, ano?"]
"Ako?"
["Oo, ikaw一"]
"Ako ba kausap mo?"
["Matulog ka na nga.] Tumawa ulit siya. [Sige na. Goodnight! Sweet dreams."]
"Sweet dreams? Matamis ba 'yon一?"
***toot-toot***
"Ay bastos! Pinatayan ako. Nagtatanong pa ako, e! Huhuhuhu... Si crush may girlfriend na—waaahhh huhuhuhu!"
Teka yung sweet dreams, matamis ba iyon? San nabibili?!
Binalikan ko ang totoong dahilan ng pag-iyak ko ngayon kaya naman mas lalo akong napahagulgol. Kulang na nga lang ay umungul pa ako na para bang nauulol.
"Lucas my crush naman kasi, e!"
Nung ibinaba ko ang Nokia kong phone na pampanga pa ng aking Lola, nakita kong number lang pala ang nakalagay sa tumawag sa akin. Walang pangalan!
Gusto ko tuloy magwala at mangalampag ng papag, kaso naisip ko wala akong kakalampagan. Iyong bobong nakausap ko hindi man lang nagpakilala. Hindi niya man lang naisip dahil siguro wala siyang gano'n.
Ansakit tuloy sa dibdib kahit alam kong wala rin ako no'n. Sige isipin mo, isipin mo! Kabobo ka!
"Punyeta ka, Rain!"
Pinagbabato ko na ang unan at banig ko sa panggigil sa lamang-dagat na 'yon. Dahil naman kasi sa kaniya kaya ako nagkakaganito ngayon.
"Bruhang hipon ka talaga! Kanino mo na naman binigay number ko?!!!"
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Votes and comments are truly appreciated.
Tinkyu!
~Min♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top