07
"Anong bang problema mo, tol?!" sigaw na tanong ni kuyang basurero kay Sean.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Agad niya itong sinuntok sa mukha.
Mayamaya pa ay naggantihan na sila ng suntok kaya naman nagkagulo na ang lahat.
Nakisali na rin sa suntukan ang ibang kasamahan ng lalaking sinuntok ko kanina. Nagulat na lang ako dahil bago pa nila pagtulungan si Sean bigla na ring dumating ang ibang kaibigan niya at tinulungan siya.
Hinanap ko si Lucas at agad naman akong nalungkot dahil wala pa rin pala siya. Nasaan ba kasi siya? Bakit hindi siya pumapasok?
Nakita kong sunod-sunod na sinusuntok si Sean. Hindi siya makabawi kaya agad na bumagsak ang katawan niya. Hindi na rin siya matulungan ng iba niyang kaibigan dahil pati sila nahihirapan kalabanin ang grupo ng mga trying hard bad boys.
Mga TVL student talaga ng school na 'to! Mukha na ngang basurero pinangangatawanan pa nila ang pagiging basagulero. Kahit sino pinapatos ng away. Lahat binabangga.
Nang bumagsak ang katawan ni Sean sa sahig, muli namang lumapit si kuyang basurero sa kaniya. Hinawakan nito sa kwelyo si Sean na hindi makalaban sa panghihina. Kita na rin dito ang hiwa sa gilid ng kilay at kaunting dugo na lumabas mula sa ilong.
Susuntukin muli sana niya ito nang biglang nanlaki ang mga mata ko sa pagdating ni Lucas at sinipa ng malakas papalayo si kuyang basurero. Nang makatayo siya doon na nagsidatingan ang ibang teachers at doon pa lang din pumito itong si Bato.
Umakyat tuloy sa tuktok ng maganda kong ulo ang galit at inis. "Ano, Bato, late reaction?!"
Kung kailan naman kasi tapos na ang live show, doon pa lang siya pumito at umawat. Galing! Kakalbuhin ko na rin talaga ang coconut niya. Kabobo siya!
Pinapunta na muna ng ibang teacher si Sean sa clinic dahil medyo napuruhan ito ni kuyang basurero, kasama na rin ang ibang nagalusan. Naiwan naman ang ibang hindi gaanong nasaktan sa gulo pati na rin si Lucas my crush.
Feeling ko tuloy dumating siya para iligtas din ako. Kinikilig tuloy ang pwet ko. Isa pa... namiss ko siya.
"Mr. Onoya, what happened here?" Walang sumagot kahit isa sa amin, kaya lalong nagalit si ma'am Solomon. "Walang sasagot sa inyo?!"
"Uh, m-ma'am, k-kasi po iyang si Azi nanggulo na naman," sagot ni Rain kaya gulat akong napatingin sa kaniya.
Azi? Sino 'yon?
"Totoo ba iyon, Mr. Mañaqiz?!" Bumaling naman si ma'am Solomon sa lalaking nasuntok ko. Bigla tuloy akong napabulalas ng tawa dahil doon.
Shetengene naman kasing pangalan 'yan! Nakiki-Dao Ming Zi pa. Hindi man lang ba naisip ng nanay niya kung babagay ba sa pagmumukha ng naging anak niya ang pangalang Azi? At sino ba tatay niya? In fairness, apelyido lang niya ang bumagay sa kaniya.
"Why are you laughing, Ms. Viray?" takang tanong naman sa akin ni ma'am Solomon kaya napatigil ako sa pagtawa.
Nakatingin silang lahat sa akin. Nahiya tuloy ako bigla kay Lucas my crush, nakatingin din kasi siya, e.
"A-ah w-wala po, ma'am." Yumuko na lang ako sa kahihiyan, pasimpleng siniko si Rain at binulungan. "Kilala mo pala 'yon?"
"Oo, palaaway talaga 'yan."
"Hindi mo man lang sinabi sakin?" Kahit kailan talaga, Rain. Kahit kailan!
"Ay sorry, wala ka namang pakiealam kapag hindi tungkol kay Lucas, e."
Sa bagay, totoo naman. Nagkibit-balkat na lang ako at bahagyang tumango.
"Mang Bato?" tawag ni ma'am kay manong guard. Bigla tuloy nagsitawanan ang lahat ng estudyanteng nakikiusyoso pa rin hanggang ngayon.
Mga estudyante lang kasi ang tumatawag sa kaniya ng 'Bato' dahil nga marami siyang kaaway na estudyante dito, pero ngayon pati teacher nakikitawag na rin sa gano'ng pangalan.
"Ma'am, Rocky ho ang pangalan ko."
Nakitawa na rin tuloy ako. Paano ba naman kasi, kahit itagalog o i-english mo iisa pa rin ang ibig sabihin ng matigas niyang pangalan. Kagaya na lang ng bumbunan niya. Hindi mo gets? Sabi ko na, e. tandaan mo bobo ka.
"Uh, sorry, mang Rocky. Ano po ba ang nangyari dito?"
Sige Bato, subukan mong baliktarin ako ilalagay ko iyang bumbunan mo sa pwetan mo!
"Yong babae po kasi ang nauna, ma'am. Iyan po, oh." Tinuro niya ako kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
Ako pa talaga, huh?! Lagot ka talaga saking Bato ka. Titibagin ko katigasan ng bungo mo, hintayin mo lang!
"Oo nga, ma'am, iyang babaeng 'yan ang nauna." Turo rin sa akin ni Mañaqiz.
Isa ka pang bwisit ka! Kapangit mong namimintang!
"Ma'am hindi po totoo 'yon. Siya po talaga ang nauna." Turo ko naman kay Azi Maniaqiz pabalik. Totoo naman, e! Siya ang unang nanakit kay Rain.
"Opo, ma'am, siya po talaga ang nanguna sa gulo. Kilala niyo naman po iyang basagulero, e," dipensa naman sa akin ng bruhang hipon.
"Hoy babae!" tawag ni manyakis—este ni Mañaqiz kay Rain "H'wag kang sumasabat dito, ah. Hindi ka kasali. Usapang pantao lang 'to!"
Narinig ko nagtawanan ang ibang estudyante. Napayuko na lang tuloy si Rain sa hiya kaya mas lalong nag-init ang magandang ulo ko.
Anong akala niya sa kaniya, tao?! Mas mukha pa nga siyang lamang-dagat kesa kay Rain, e! Lakas ng tama ng bobong 'to!
"Hoy shokoy! Kung usapang pantao 'to, bakit kasama ka?!"
Iniinis niya talaga ako. Sinabi ko na kaninang ako lang ang may karapatang mang-insulto at manakit sa hipong kaibigan ko!
"Malamang kasi tao ako. Hindi tulad niyang hipon na 'yan." Tinuro niya si Rain.
"Oh ano, Rain? Naniniwala ka nang hipon ka?" baling ko kay Rain pero ngumuso na naman siya. "At ikaw—" turo ko naman kay manyakis—este Mañaqiz "H'wag mong maduro-duro ang kaibigan ko! Kasi kahit na mukang hipon 'yan, masara—mabait pa rin 'yan! Hindi katulad mo mukha ka na ngang adik na mukhang shokoy, napakabaho pa ng amoy mo lalo na ng ugali mo!"
"Ah, gano'n..." Susugurin na sana niya ako pero agad siyang hinarangan ni Lucas my crush.
"Pre, babae 'yan," awat niya dito. Kinilig naman ang magandang ako.
Pero kahit inawat na, hindi pa rin nagpatinag si Mañaqiz kaya agad siyang binigyan ni Lucas ng malakas na suntok sa panga.
Napasapo itong manyakis sa bandang tinamaan ng suntok. Mayamay pa'y binawian niya ng suntok si Lucas my crush. Dahil nga mas malakas makipagsuntukan itong si Mañaqiz, nagkaroon ng sugat ang gilid ng labi ni Lucas.
Agad namang pinunasan ni Lucas ang kaunting dugo na lumabas mula sa sugat gamit ang hinlalaki niya. Dumako ang tingin niya sa akin, tumiim ang bagang at dumilim ang mga mata.
Muli siyang bumaling kay Mañaqiz at tila hindi na maaawat ang itsura niyang galit na galit kung makatingin dito nang magtuloy-tuloy ang suntukan sa pagitan nilang dalawa.
Sinubukan namin silang awatin pero ayaw nila magpaawat. Umaawat na rin ang ibang teachers pero hindi pa rin sila humihinto.
"Enough!... Enough!... I SAID ENOUGH!!!"
Galit na galit na ang boses ni ma'am Solomon. Nakakatakot siya! Simula ngayon makikinig na talaga ako sa mga lessons niya.
Dahil sa sigaw ni ma'am Solomon nakiawat na rin si Bato. Tignan mo 'to, kung wala pang magagalit na teacher hindi pa aawat! Sarap igayod ng bumbunan niya sa totoo lang! Kanina pa siya, ah!
"ALL OF YOU, TO THE GUIDANCE OFFICE. NOW!" maawtoridad na sigaw ni ma'am Solomon sa amin.
"Ako rin ho, ma'am?" tanong naman ni Bato kaya naistatwa kaming lahat at napatingin sa kaniya.
"Gusto ba ninyong sumama?" tanong ni ma'am Solomon sa kaniya pabalik.
"Hindi ho, ma'am," kamot bumbunan niyang sagot.
"Akala ko gusto ninyo, e." sabi pa ni ma'am Solomon at bumaling naman sa amin. "FOLLOW ME!"
Sumunod kaming lahat sa kaniya. Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao sa paligid bago kami tuluyang makaalis doon. Nakarating din agad kami sa guidance office at naunang pumasok si ma'am Solomon. Sinabihan niya kaming maghintay daw muna sa labas.
Dumating na rin ang ibang pumunta ng clinic kanina dahil pinatawag na rin sila. Nahuli namang dumating si Sean. Agad na lumapit si bruhang Rain sa kaniya. Napangiwi na lang tuloy ako sa malantong na hipon. Paniguradong lalandi na naman.
Bumaling ulit ako kay Sean na saktong nakatingin din pala sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng hiya sa kaniya. Sana hinayaan na lang niyang ako ang masuntok. Kaya ko namang labanan 'yun, e. Hindi ko tuloy naipakita ang self-defense na itinuro ng tatay ko.
Lumihis na lang ako ng tingin at sumandal sa nakaharang na bakal dito sa second floor ng main building. Tanaw dito ang buong quad pati na ang stage sa gitna. Nainggit tuloy ako nang biglaan sa ibang estudyanteng nagsisikain na ng tanghalian.
Shetengene naman kasing Mañaqiz na 'to! Naudlot tuloy oras ng pagkain ko. Dahil sa pagkabanas ko sa kaniya, hinarap ko siya at masamang tinignan. Nahinto na lang ako nang makuha ni Lucas my crush ang atensyon ko.
Dahil sa pagtabi niya biglang nawala ang inis at galit ko. Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya pero mas nagingibabaw ang kilig ko.
Hindi ako makatingin sa kaniya ng deretso pero nahahagip pa rin siya ng magagandang mata kong deresto lang ang tingin sa pinto ng guidance office.
Narinig ko ang mahinang pagdaing niya sa sugat na natamo kaya agad akong napatingin sa kaniya. Una kong napansin ang putok niyang labi at galos sa pisnge.
Agad ko naman siyang kinausap kahit sobrang nahihiya ako. Ang awkward na kasi. Tatabi siya sa akin pero hindi naman siya nagsasalita.
"O-okay k-ka lang?" nag-aalala kong tanong.
Tumingin naman siya sa akin at nginitian lang niya ako nang bahagya. Medyo nautot na naman tuloy ang pwet ko sa kilig.
Bakit ba kasi ganiyan ang ngiti niya? Napakaseryoso lagi ng itsura niya pero kapag ngumiti, laglag panty talaga.
Nailang naman ako bigla sa titig niya. Mayamaya ay biglang bumalik sa pagkaseryoso ang awra niya at umiwas ng tingin sa akin. Napakagat tuloy ako sa labi, sinusubakang pigilan ito na kausapin siya pero makulit, e.
"M-masakit ba?" Hahawakan ko sana ang sugat sa bibig niya, buti na lang napigilan ko.
"Kanina, pero ngayon hindi na," sagot niya. Pansin ko ang pagtaas-baba ng kaniyang lalagukan.
Muli siyang tumingin sa akin at nagtama ang mga mata namin. Nakaramdam tuloy ako ng sunod-sunod na pagbayo sa loob ko.
Bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko? May ibang ibig-sabihin ba ang isinagot niya sa tanong ko? Bakit nakatingin siya nang ganito?
"Uhm, b-buti naman. Buti at o-okay ka na." Bahagya akong natawa at kinagat ang ibabang labi bago umiwas ng tingin, tinatago ang pamumula.
"Don't worry, ayos lang ako. Ikaw ba, ayos ka lang?" tanong naman niya.
Kinikilig ulit ang pwet ko pero pinigilan ko na lang 'yong utot na ilalabas niya. Nakakahiya, baka maamoy niya. Medyo mabaho pa naman. Oo, medyo lang kasi kapag maganda ka pati utot mo makikisama. Tandaan mo 'yan, wag kang bobo!
"Oo, o-okay lang naman a-ako." Muli akong napatingin sa kaniya. "Salamat pala kanina."
Napayuko na lang ako dahil sa pagtitig niya. Hindi ko tuloy magawang tignan uli siya dahil doon. Para kasing may kung anong pinag-aaralan siya sa mukha kong maganda.
Lucas my crush, alam kong nagagandahan ka sa akin pero please, wala namang titigan, oh? Talo ako sa mga mata mo, e.
"Buti na lang dumating agad si Sean," seryosong saad niya.
Napalunok na lang tuloy ako. Mas masisiyahan sana ako kung ikaw ang unang dumating para iligtas ako sa manyakis.
Pero ano pa bang aasahan ko. Sino ba ako para sa kaniya? Sigurado naman akong isang ordinaryong babae lang ako sa paningin niya.
"O-oo nga, e, buti na lang dumating siya. Kung hindi niya agad ako nilapitan, paniguradong may bangas na rin ang maganda kong mukha," biro ko kahit na alam kong totoo ang kagandahan ko.
"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago."
Taka akong napatingin sa kaniya dahil sa pagbulong niya ng kung ano. "Ha? Ano 'yon?"
Umiling lang siya at sinabing, oo at maganda raw ako, kaya ako naman ay tuluyan nang nautot sa kilig. Hindi ko na napigilan ang pwet ko. Kabobong pwet!
Napangiti naman ako nang wagas, masyadong nasiyahan sa pakikipag-usap sa kaniya. Ngayon lang kasi nangyari ito, ang makausap siya nang maayos at hindi ako nauunahan ng hiya.
Sana lagi ko siyang nakakausap kagaya na lang nang ganito. Sana magkaroon pa kami ng chance para makilala ang isa't-isa... kahit hanggang kaibigan lang.
Pinapasok na kaming lahat sa loob ng guidance office. Grabe ang lamig sa loob, parang ansarap tumambay.
Makipag away kaya ako palagi para lagi akong nandito? Ang init kasi sa room namin, walang aircon.
Kinausap na kami sa loob at hindi na raw ipapatawag ang mga magulang namin basta sabihin lang daw namin ang mga nangyari.
Sinimulan kong ikwento ang nangyari at sinabing sila Mañaqiz talaga ang naunang nanakit. Pero agad niya itong tinutulan dahil ako raw ang unang sumuntok.
Mas lalo lang akong nainis dahil hindi mawala-wala sa itsura niya ang pang-aasar kaya mas lumalakas ang boses ko. Sa bawat salita ko may sinasabi siya. Kung hindi pambabaliko, panggagaya naman.
"Talaga ba?." Nang-aasar pa rin ang ekspresyon niya.
"Bakit totoo naman, ah! Sa tingin mo ba may maniniwala sa ugaling kamukha mo?!"
Nang magsisimula na naman kaming magkasagutan nagalit na ang guidance counselor at bibigyan na sana kami ng parusa ni Mañaqiz, kaso agad namang nagsalita si Sean at sinabing hindi ko raw kailangang maparusahan dahil pinagtanggol ko lang ang sarili ko sa pambabastos ni manyakis—este Mañaqiz sa akin.
Sumang-ayon naman ang guidance counselor dahil doon. Naniwala rin naman agad siya nang sunod-sunod sumang-ayon ang iba nitong kasama. Pagkatapos ay tinanong naman sila kung paano naman sila napasok sa gulo namin ni Mañaqiz.
Sinabi ni Sean na papalabas na sana sila ng school para magluch, pero naaubutan naman daw nilang binabastos at sasaktan na ako ni Mañaqiz kaya agad naman siyang sumugod dahil hindi daw dapat pinagbubuhatan ng kamay ang babae lalo na ang bastusin.
Kinilig tuloy pwet ko dahil do'n pero ewan ko ba kung bakit hindi nautot. Ano kayang problema? Kapag kinikilig naman siya umuutot siya.
Napatango naman agad ang guidance counselor. Itinuloy naman ng iba nilang kaibigan ang kwento.
"Kami naman po aawatin lang sana namin sila Sean pero napasugod na rin po dahil pagtutulungan na siya ng grupo ni Mañaqiz."
"I see," patango-tangong saad ng guidance counselor. "How about you mister—?" baling niya kay Lucas.
"Onoya po," seryoso niyang sagot dito. "John Lucas Onoya."
Sa pagkakasabi niya ng buo niyang pangalan, mas lalo lang siyang naging gwapo sa paningin ko. Napaisip tuloy ako nang biglaan kung maganda bang gamitin ang apelyido niya para sa pangalan ko.
Napangiti na lang ako sa naisip nang mapagtanto kong bagay ako sa kaniya—este ang pangalan ko sa apleyido niya. Pero mas lalo lang akong napangiti nang maimagine kong asawa ko na siya at may isang dosena na kaming anak sa loob ng labing-dalawang taon.
Bumalik lang ako sa realidad nang bigla naman akong kinurot ni Rain habang kunot na kunot ang malaki niyang noo.
"Aray naman!" singhal ko sa kaniya. Sarap talaga isigang ng hipong 'to!
"What are you thinking na naman? Laway mo tumutulo pa. Kadiri ka!"
Mas mandiri siya sa itsura niya. Ibalik ko siya ng dagat, e! Bwisit na hipon 'to. Lakas umepal.
Inirapan ko na lang siya at pinunasan ang laway kong nasa baba ko na pala. Grabe naman 'tong laway ko, akala mo pandikit sa sobrang lagkit.
"Okay, mister Onoya. Tell me what happened to you. Bakit putok naman ang labi mo?" tanong ng guidance counselor kay Lucas.
Kinuwento ni Lucas ang nangyari sa muling sagutan namin ni Mañaqiz. Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang iba pa niyang sinabi nang bigla niyang banggitin ang pangalan ko.
Hindi ko alam kung bakit sobra akong kinikilig. Siguro dahil ngayon ko lang narinig iyon mula sa kaniya. Basta ang tanging nasa isip ko na lang ay ang iilang sentimetrong lapit ko sa kaniya at itong pagkakataong masilayan siya sa malapitan.
"So, hinarangan ko po siya at nagkasakitan kami." Masama niyang tinitigan itong si Mañaqiz na prenteng nakaupo at nakahalukipkip ang mga braso, ngumingisi pa. "Hindi naman ibig sabihin na kapag nasaktan siya ng babae kailangan na niyang gumanti.
"Mali ang manakit ng babae lalo na kung lalaki ka. Kung alam naman niya ang tama sa mali hindi aabot sa ganito. At iyong ginawa niya, hindi naman pagpapakalalaki iyon," sunod-sunod na sagot ni Lucas my crush.
Ngayon naman hindi lang pwet ko ang kinilig pati na rin ang puso ko. Bigla akong nakaramdam ng saya dahil naranasan kong ipagtanggol mismo ng taong gustong-gusto ko.
Pero ewan ko ba kung bakit may naramdaman din akong kirot. Alam mo kung bakit? Malamang hindi pa kasi isusulat pa lang ni Author na pretty din like me.
May parang kumurot na kung ano sa puso ko matapos niyang sabihin iyon. Natandaan ko na naman kasi 'yong time na malaman kong may girlfriend na siya.
Sa sobrang tagal ko siyang gusto, hindi ko man nasabi ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaya noong malaman ko ang balitang 'yon, halos hirap na hirap akong kumilos araw-araw noon.
Sa sinabi niya ngayon na dapat hindi sinasaktan ang babae, parang ayaw ko maniwala dahil siya mismo sinaktan ako.
Bigla na lang akong natauhan nang maisip kong may girlfriend na nga pala siya. May nauna na sa akin. At sa nakita kong picture nilang dalawa na magkasama, mukhang masayang masaya na sila sa isa't-isa.
Isa pa, wala naman akong laban sa relasyon nilang dalawa. Ayoko rin namang maging isang magandang kabit. Hindi bagay sa itsura ko ang maging kabit lang. Dapat sa akin mapupunta mismo ang apelyido niya pati na rin sa doseng magiging anak namin.
Kaso bigla kong napagtanto na maling-mali ang pumasok sa may relasyon ng may relasyon. Pero kung maghiwalay sila, syempre kekembot na agad ako sa harapan niya para ako naman ang mahalin niya.
Napabuntong-hininga na lang ako sa mga naiisip. Tinatanong sa sarili kung sino nga ba ako para magustuhan din niya. Ako lang naman ang taong matagal na siyang pinapangarap, e... Babaeng gustong-gusto siya.
Hindi ko alam kung mahal ko na nga ba siya o baka naiisip ko lang na mahal ko siya dahil siya lang ang kaisa-isang taong nagustuhan ko.
Ni minsan nga hindi ko siya nakausap nang maayos dahil sa pagka-ilang ko sa kaniya. Madalas lang din na hindi kami magpansinan sa tuwing magkakasalubong.
Lagi kasi akong nauunahan ng hiya kaya mas pinipili ko na lang na huwag na siyang kausapin, maski ang tignan siya sa malapitan. At kung sisilayan ko man siya ay sa lugar na hindi niya ako makikita.
Pinayagan na kaming bumalik sa kaniya-kaniya naming room. Sila Maniaqiz at ang grupo niya ang pinaniniwalaang may mabigat na kasalanan. Pinagsabihan pa siyang dapat hindi siya nananakit at pumapatol sa babae dahil bakla lang ang gumagawa no'n.
Dinilaan ko siya matapos siyang masabihan ng bakla pero imbes na maiinis siya, binigyan niya lang akong ng ngisi bago umiling-iling na parang bobo. Inirapan ko na lang siya dahil mas lalo lang siyang nagmukhang shokoy sa ginawa.
Bilang parusa sa bawat isa sa amin, binigyan nila kami ng gawain na may karampatang araw kung hanggang kailan namin dapat sundin.
Para kila Mañaqiz, dalawang buwan nila lilinisin ang buong campus at wala silang ititirang kahit na anong kalat. Tuwing uwian daw 'yon. Sila na rin mismo ang maglilinis sa araw ng Masquerade Ball dahil sa ginawa nilang pag-angal.
May parusa rin naman sa amin pero hindi naman gano'n kabigat at katagal kagaya kila mayakis—este Mañaqiz.
Sa canteen kami nakatoka ng bruhang hipon. Tutulong kaming dalawa sa pagluluto at pagtitinda, at dalawang linggo lang namin gagawin 'yon. Pabor pa kay Rain dahil gusto raw niyang subukan ang magtinda at magluto. Mukhang excited pa nga, e.
Tapos sila Lucas, Sean at ang iba naman sa kanila ay sa pagpipintura ng stage. Aayusin kasi ang stage sa quad. Luma na ang kulay nito at madumi na rin dahil makukulit ang ibang estudyante at tinatapakan ang pader.
Para rin siguro wala nang babayaran ang school sa magpipintura. Pero ayos lang daw kila Lucas 'yon dahil may kasalanan din naman daw sila, hindi lang sila Mañaqiz.
Nang matapos ang usapan at tokahan ng bawat parusa sa aming lahat, para pa kaming nanalo sa husgado ni Rain. Tumatalon-talon pa kaming dalawa habang nagyayakapan sa loob ng guidance office.
Muntik ko pa ngang mayakap si Sean dahil sobrang pasalamat ko sa kaniya sa ginawa niya, pero hinarangan naman ako ni bruhang Rain at h'wag ko raw yakapin kaya hindi natuloy.
Kung hindi dahil kay Sean baka ako pa ang nagkaroon ng bangas sa maganda kong mukha. Sobrang daming 'salamat' ang sinabi ko sa kaniya kaya tawa siya nang tawa.
Wala lang daw 'yon dahil malakas daw ako sa kaniya. Kinindatan niya pa ako at nginitian nang bongga bago sila tuluyang lumabas ng guidance office.
Minsan nakakapagtaka na rin ang kilos ni Sean. Hindi ko malaman kung napupuwing lang ba siya sa tuwing kikindatan niya ako o sadyang kumukurap lang iyon mag-isa.
Sumunod namang lumabas sila Mañaqiz at binigyan pa ako ng flying kiss bago tuluyang isara ang pinto nang may panunuya.
"Feeling ko may gusto sayo si Azi or baka trip ka lang niya," rinig kong bulong ni Rain.
"Ayoko sa mabaho at hindi ko siya trip."
Nauna na kong lumabas kay Rain nang bigla siyang tawagin ni ma'am Solomon. Pagkalabas ko ng pinto ay saktong pagtama naman ng magadang noo ko sa dibdib ng kung sino.
Napasapo ako sa sariling noo at umangat ng tingin. Naglakihan ang magagandang mata ko nang makita si Lucas my crush.
"Ah, s-sorry."
Hindi na naman siya nagsalita at deretso lang ang mga mata na nakatingin sa akin. Napakaseryoso na naman ng itsura niya kaya hindi na ako nagsalita pa at binigyan na lang siya ng daan dahil mukhang may kailangan siyang kunin sa loob.
Habang lumalakad paalis ay sapo-sapo ko pa rin ang noo pati na ang dibdib na tuloy-tuloy ang malakas na pagpintig sa loob. Ayaw tumigil.
"Saglit lang," narinig kong saad ni Lucas. Hindi ako sigurado kung ako ba ang tinutukoy niya kaya hindi agad ako nakalingon at tuloy lang sa paglalakad.
Mayamaya pa'y nakarinig ako ng mahinang pagyabag at sa isang iglap nasa harapan ko na siya. Natigil ako sa paglalakad at hindi na rin natanggal ang dalawang kamay na nasa noo at dibdib.
Nakatunghay lang ako sa kaniya at hindi na rin matigil ang kaba sa loob ko.
"M-May kailangan ka?"
Hindi siya nakapagsalita, nakipaglaban ng titigan sa akin, mayamaya ay umiwas din ng tingin.
Nang makaramdam ako ng hiya ay napaayos ako ng postura. Lumunok rin maka-ilang beses sa panunuyot ng lalamunan.
May dinukot siya sa bulsa. Isang nakatuping maliit na papel, paniguradong may nakasulat.
"May nagpapa-abot," alangan niyang sagot. Bumuntong-hininga siya bago ibigay sa akin, mukhang pinipigilan ang sarili sa pagkuyom ng kamao.
"Huh? K-kanino raw galing?"
Taka ko itong pinakatitigan at simpleng binuksan para sana basahin pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Mamaya mo na basahin..." Umiwas siya ng tingin at marahang lumayo sa akin. "....kapag nakaalis na ako."
Mabibigat ang mga paa niyang pumasok ng guidance office at agad ring lumabas dala-dala ang iilang papel na hindi ko malaman kung para saan.
Lumakad siya paalis kasalungat sa daan kung sa'n naroon ako. Hindi niya na ako muling tinapunan pa ng tingin. At nang tulungan siyang mawala sa paningin ko, agad ko namang binasa ang sulat na inabot niya galing sa kung sino.
Pinag alala mo ko, buti hindi ka nasaktan.
-Unggoy
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Votes and comments are truly appreciated.
Tinkyu!
~Min♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top