06

"Ah! Shetengene! Sige subukan mo lang, ibabalik kita sa dagat na pinanggalinan mo!"

"Are you that so stupid, Mae?"

Pilit niyang ipinasusuot sa'kin itong sapatos na bigay ni Unggoy. Kanina naiinggit pa siya, ngayon iba't-ibang kabobohan na naririnig ko sa kaniya.

"Ayoko nga kasi," nayayamot kong sagot sa kaniya. 

Kung siya na lang kaya itong magsuot?! Pero charot lang 'yon, ano! Bigay sa akin 'yon, e. Sa'kin lang at bawal i-share. Gets mo? Bobo! 

Ayoko lang talaga isuot agad. Dapat kasi maisaayos muna ang pagpapabinyag nito sa pari bago tuluyang mabinyagan. Baka mamaya niyan ay dalhin ako sa impyerno ng sapatos na 'to kapag nagkataon. Hindi naman pwedeng magkaroon ng magandang anghel do'n, 'no!

"Seriously?" Umayos siya ng tayo at muntikan nang umabot hanggang tuktok ng ulo ang kanang kilay niya. "Ang choosy, boba naman!"

Kinuha ko ang dalawang pares ng sapatos pamasok at padabog naman siyang umupo sa tabi ko. "Ikaw pa talaga galit, ah!"

Inirapan niya ako. "Gusto ko lang naman makita kung maganda sa paa mo, e. Kung ayaw mo naman suotin, itapon mo na lang!" Galit na sabi niya.

"O, ba't nagagalit ka? Pinaglalababan mo?"

"Wala!"

Hindi na kami nagpansinan matapos 'yon. Lumabas agad kami para kumain ng tanghalian, pero dahil nga wala akong pera, binilhan niya ako ng isang set ng meal. Bumili din siya ng dalawang bote ng mineral water at marahas na inabot sa akin. 

"May galit ka, hipon?"

"Wala naman, bobang Mae," agad niyang tugon at simpleng ngumiti, 

Hindi rin naman nakatakas sa akin ang sunod-sunod na pag-irap niya, kaya walang pasabi ko siyang binatukan nang buong lakas. Iyon tuloy, tumama noo niya sa ulo ng tinderang kausap niya. 

Narinig kong nagsitawanan ang ibang istudyanteng namimili kagaya namin at pinag-aasar siya. 

Masama naman niya akong tinigan kaya napa-piece sign na lang ako at kumaripas ng takbo pabalik ng campus.

Matapos ang tanghalian ay agad din kaming bumalik sa room. Wala nang galit na hipon sa'kin dahil nakabawi na siya sa pambabatok ko sa kaniya. Pero mas nakakahiya naman ang ginawa niya sa akin kaya ako naman itong pikon ngayon dahil sa kaniya.

"Ano? Galit ka?" Bumulalas siya ng tawa habang papasok kami sa room.

Hindi ko siya pinansin at derestsong naupo sa pwesto ko. Sino ba naman kasi matutuwa kapag harap-harapan kang napahiya sa crush mo?

Nahagilap kasi ng magagandang mata ko si Lucas my crush kanina habang tahimik akong umiinom ng tubig. Pinagpapantasyahan ko pa siya habang paunti-unting sinasaid ang tubig ko. Malapit na nga sanang magdidikit ang mga labi namin at bubuo na ng pamilya, bigla namang naputol!

Paano ba naman kasi itong gunggung na hipon at anak ng mga hito na kaibigan ko, biglang pinisil 'yong boteng iniinuman ko kaya nagkandasamid-samid ako kanina. 

Alam kong napatingin sa direksyon namin si Lucas my crush kaya sigurado akong nakita niya ang itsura kong mukhang timang na umuubo. 

Masama ko tuloy tinignan ang hipon at inirapan. Hindi ko na siya pinatulan at padabog na inayos ang gamit ko habang siya naman ay hindi magkandaugaga sa katatawa.

Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niyang kabobohan sa'kin dah hahakbang pa lang ako para makaalis na sa tabi niya nang bigla naman niya akong tinosod kaya bumagsak ang katawan ko sa sahig. 

Tinulungan naman niya akong tumayo pero nagmukha siyang baliw na sinigang na hipon sa hindi niya mapigilang tawa at napapahawak pa sa tiyan.

Walang pasabi ko siyang tinalikuran at nagmamadaling lumakad pabalik ng room. Tinatawag niya pa ako para magsabay kami maglakad, pero dahil naiinis ako sa kaniya at hindi man lang matigil sa pagtawa, hindi ko na lang siya nilingon at tuloy-tuloy lang sa paglakad hanggang makarating sa mismong upuan ko sa room.

Buong klase sa hapon hindi ko siya pinapansin. Nagquiz kami sa isang subject. Kahit hindi ako nangongopya sa kaniya binibigyan niya pa rin ako ng sagot. Hindi ko naman pwede tanggihan dahil mangingitlog ako kapag hindi ko tinanggap ang grasya.

Matapos iyon ay nagkabati rin kami. Sabi ko sa kaniya, subukan niya pang ulitin ang pagpapahiya sa akin, lalo na sa harap ni Lucas my crush, baka malimutan kong lamang-dagat siya at sa planeta ng mga alien ko siya ibalik.

Nagsorry naman agad siya at sinabing huwag na raw akong mag-alala dahil sa likod na lang daw ni Lucas niya ako pahihiyain. 

Nabatukan ko siya sa pagkainis at siya namang ikinanguso niya. Lalo lang din ako nabadtrip sa mukha niya. Nagmumukha kasi talaga siyang seahorse sa tuwing ginagawa iyon.

Dumaan ang ilang araw, wala namang masyadong nagbago sa magandang ako. Gano'n pa rin naman ang itsura ko sa harap ng salamin.

Natapos na akong mag-ayos ng sarili. Medyo tinanghali ako ng gising ngayon kaya 'yong nalunok na wang-wang ng ambulansiya ni nanay ay nag-iingay na naman.

Umalis ako ng bahay bandang 6 ng umaga. Lumakad ako ng kaunti papuntang paradahan ng tricycle para sumakay. Nang makababa ako sa main road ay pumara naman agad ako ng jeep. May baon na kasi ulit ako kaya namamasahe ako papasok ng school. 

Magmula ngayon pamasahe na lang ang dadalhin ko, nililibre naman kasi ako ni Rain ng pagkain lagi kahit na tinatangihan ko. Napag-isipan ko na ring tanggapin na lang ang bawat grasyang dadating. Nagsimba kasi ako kahapon kasama si nanay. 

Sabi ng pari h'wag na h'wag daw tatanggihan ang grasya. Hindi ko rin alam kung bakit. Noong nagpapangaral na kasi siya lumipad na utak ko, bumalik lang sa ulo ko nang marinig kong magsalita ang mga tao ng 'at sumain niyo rin'. 

May dumating din na sulat kahapon para kay nanay. Wala siya sa bahay kaya ako ang tumangap. 

Tinitignan ko pa ng masama 'yong kartero at sinabihang, 'Byuda na nanay ko at hindi ko siya bet para maging tatay ko kaya tigilan niya ang pagpapadala ng sulat dito.'  Nagtataka niya lang tuloy akong tinignan at may pinapirmahan.

Gusto ko nga sanang basahin kung ano nakalagay kaso naisip ko h'wag na lang kasi bigla rin namang dumating si nanay at hinablot iyon sa kamay ko.

Nakarating na ako ng school. Pagkababa na pagkababa ko ng jeep, saktong pagdating din nung Sean na kaibigan ni Lucas. Nakasakay siya sa astig na motor niyang kulay itim. Huminto siya saglit sa mismong harap ko at tinanggal ang helmet na suot niya.

Nagulat pa ko nang bigla niya akong kindatan at ngitian ng matamis. Naistatwa ang binti ko, nagtataka sa kung bakit hindi ko man lang magawang humakbang. Titig na titig lang ako sa mukha niya, ni hindi man lang magawang kumurap kahit isang beses o dalawa.

May sinasabi siya pero wala akong maintindihan kahit na ano dahil sa motor na kumaripas ng takbo.

"Ano?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

Umiling lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. "Nasabi ko na, hindi ko na uulitin." Nginisihan niya ang nagtataka kong itsura. 

Doon ko lang rin napansin ang hati sa gitna ng baba niya, pati na rin ang mahahaba niyang pilik-mata at magandang kulay ng mga mata. Mukhang maganda ang lahi niya... Magandang lahian.

Hindi ko namalayang nakatulala pala ako sa kaniya nang matagal. Nakarinig na lang ako ng sunod-sunod na busina kaya agad akong napabalik sa huwisyo at tumabi sa gilid ng kalsada. Siya rin namang pagpapandar ng motor niya papasok sa gate ng school. 

Bumalik sa akin ang hindi ko naintindihang sinabi niya. "Ano raw?" tanong ko sa hangin.

Buong klase sa umaga ko iniisip kung ano ang sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit biglaang naging ganoon ng akto ko. Bakit ko nga ba siya tinitigan ng ganoon?

Siguro dahil nadala lang ako sa ganda ng mata niya. Oo, tama, iyon nga! Walang ibig-sabihin iyon. Sadya lang kung makatawag pansin ang mala-abong kulay ng mata niya, at aaminin ko, pati na kagwapuhan niya.

Napailing-iling ako sa mga naiisip at ngayon ko lang napansin na wala nang ibang tao sa room. Ito namang kaibigan kong hipon mukhang pikon na sa akin dahil kanina niya pa ako kinakausap pero hindi ko naman siya mapansin-pansin dahil sa lalim ng iniisip ko.

Natapos rin ang maghapon pero hindi ko na ulit nakita si Sean. Hindi ko man lang din nasilayan kahit isang beses si Lucas my crush. Ang pagkakaalam ko lang ay absent siya dahil sinubukan kong dumaan sa floor nila para silayan siya. 

Lilipat lang dapat ako sa kabilang dulo ng building pero dahil hindi ko siya nakita maghapon, umakyat pa talaga ako sa floor nila.

Nagpauna na akong umuwi kay Rain dahil sabi ko ay may dadaanan pa ako sa palengke. May pinabibili kasi si nanay na langis para sa gasera namin. Naubos na kasi ang pang-isang buwan na stock namin. Umuwi naman kaagad ako pagkatapos. 

Kinabukasan ay wala ulit si Lucas my crush. Gusto ko sanang magtanong sa mga kaklase niya pero naunahan ako ng hiya lalo na at oras ng klase ngayon kaya bumalik na lang ako sa room pagkatapos dumaan doon.

Pagkaupo ko sa pwesto ko ay naramdamn kong may humampas sa braso ko kaya tinignan ko nang masama ang malanding lamang-dagat sa tabi ko.

"Bakit ba?" Kinurot ko ang braso niya sa pagkairitado.

"Akala mo hindi ko alam ginagawa mong pag-akyat-akyat sa floor ng grade 12, ah! Kunwari dadaan ka lang but the truth is you were trying to see your crush.... Hay naku, Mae, you can't fool me. I've been there and done that!"

"O, edi pareho na tayo," bwelta ko.

"No, we're not!" 

"Bobo mo rin, e. Sabi mo nagawa mo na 'yon, edi pareho na tayo." 

"No kaya. You do it during class, ako hindi," pagmamataas niya at umayos ng upo para makinig sa nagtuturo sa harapan.

"Ikaw na nag-aaral nang mabuti!"

Nagkibit balikta siya, halatang nangmamaliit kaya inismiran ko na lang at kunwaring nakinig na lang din kahit mula pa isilang ako sa mundo, natural lang sa akin ang hindi makinig sa klase.

Lumipas pa ang mga araw pero absent pa rin si Lucas my crush. Paano ko nalaman? Secret.

Lunch na kaya palabas na kami ng school para bumili sa arcade ng makakain. Kahit naman hindi ako sumama sa kaibigan kong hipon, magpupumilit pa rin siya at manlilibre kahit hindi ka nagpapalibre. Mayaman siya, e.

Hindi na sana ako sasamang bumili kasi wala akong gana. Hindi ko pa kasi nakikita si Lucas my crush mula pa nung nakaraang Lunes. Halos dalawang linggo na ang nakalipas at sobrang miss ko na talaga siya.

Habang naglalakad kami ng bruhang hipon, may natatanggap ako text galing kay Unggoy. Ilang araw na rin pala siyang walang paramdam sa akin. 

Magtatampo nga sana ulit ako sa kaniya pero naisip ko wala namang kami. Ba't ako magtatampo?

Hindi ko rin maintindihan sarili ko kung bakit parang namimiss kong makausap siya kahit sa text lang.

Binuksan ko ang text galing sa kaniya. Nang mabasa ko iyon, nagmistulang sunod-sunod na karayom ang nararamdaman kong tumusok sa loob ko.

From: Mr. Unknown Number

miss u :'(

Agad akong nagtipa ng "miss rin kita" sa phone ko. Hindi sigurado kung para sa kaniya ko ba gusto sabihin iyon o kay Lucas talaga na maraming araw ko nang hindi nakikita.

Buburahin ko na sana ito nang bigla naman akong hatakin ng hipong kasama ko at tumakbo.

"C'mon! Hinahabol nila 'ko," tarantang saad niya, hila-hila ako patakbo.

"Sino ba? Ba't ka daw hinahabol?" Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil kinakaladkad niya ako.

"Basta marami sila. Hurry up!"

Takbo na lang kami nang takbo hanggang sa makalabas kami ng gate at tumawid papuntang Arcade. Hingal na hingal kaming naghahabol ng hininga nang makapasok kami sa loob.

Naalala ko si Unngoy na nagtext pala sa akin kanina. Sinubukan kong tignan ang phone ko kaso nakita kong nagsent pala sa kaniya ang huling tinype ko kanina na dapat buburahin ko na sana!

Masama kong tinignan ang bruhang hipon na nagtatakang nakatingin din sa akin. Wala siyang kaide-ideya kung bakit.

Sinubukan kong kumalma dahil alam kong hindi naman niya kasalanan iyon.

"Bakit nga uli tayo tumakbo? Sinong humahabol?" mahinahong tanong ko sa kaniya.

"Yung mga langaw." Humagikgik siya.

Biglang umusok ang magkabilang butas ng magandang ilong ko at dali-dali ko siyang binigyan ng sunod-sunod na hampas. "BWISIT KA TALAGA, RAAAIN!"

"Ouch! Stop na," mangiyak-ngiyak niyang pigil pero bakas pa rin ang pang-iinis sa mukha niya. "Matsakit." Ngumuso pa siya.

"Kabobo ka talaga!" 

"Ba't ba galit na galit ka? I was just trying to make you walk faster." May halong inis sa tono niya.

"WALA!" Inirapan ko siya, hindi nag-atubiling sagutin ang tanong niya.

"Fine!" Bumuntong-hininga siya at tumango-tango. "Let's grab food na lang."

Nagpatiuna siyang maglakad papunta sa tindahan ng mga ulam at kanin. Sumunod na lang ako sa kaniya at sakto ring nakarinig ng huni ng ibon kaya muli kong kinuha ang Nokiang phone na pamana pa sa akin ni lola.

From: Mr. Unknown Number

wag kang ganiyan... kinikilig ako

Napa-irap ako sa hangin at wala sa sariling bumungisngis. Hindi ko na lang siya nireplyan ng kahit na anong pambabara para hindi masira ang pagkakilig niya.

Narinig kong tinawag ako ni Rain kaya agad akong nagtungo sa kaniya at tumuro ng gustong ulamin. Binili naman niya agad iyon at umorder din siya ng kanin para sa aming dalawa.

Bumalik agad kami sa campus at pumunta ng stage para magsimulang kumain ng pananghalian.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko, tumunog ulit ang phone ko. Agad ko namang binuksan ang text na galing ulit kay Unggoy.

From: Mr. Unknown Number

i hope you're doing well. hayaan mo bukas hindi mo na ko mamimiss

Nagtataka ko naman siyang nireplyan.

To: Mr. Unknown Number

bakit magpapakita ka na ba sakin?

Habang naghihintay ng reply niya ay tinuloy ko lang ang pagkain ng tanghaliang nilibre sa akin ng kaibigan kong lamang-dagat.

From: Mr. Unknown Number

lagi mo naman akong nakikita... hindi lang ako nagpapakilala

Lalo lang tuloy akong nagtaka dahil sa nireply niya. Mas lalo lang din niyang pinagulo ang utak ko kakaisip kung sino ba talaga siya.

Ang tagal na naming nagkaka-usap sa text pero yung mismong siya, hindi ko kilala. Napaka-unfair din dahil marami na siyang nalalaman tungkol sa akin, samantalang ako kahit totoong pangalan niya hindi ko alam.

Sa sobrang sabik kong malaman kung sino ba kasi siya, hindi ko na namalayan na nahuhuli na pala akong kumain kay Rain.

Nagmamadali akong kumain nang biglang namang hablutin ni Rain ang phone ko. Agad ko rin naman itong binawi at nakipagsagutan pa sa kaniya kahit na punong-puno ng kanin ang bibig ko.

"Damot nito!"

"Talaga! Since birth pa, 'di mo alam?" 

Mariin ko siyang tinignan nang masama dahil sa sunod-sunod niyang pag-irap at akmang babatukan siya pero agad naman siyang nakaiwas.

"Napakasama mo talaga, 'no? Maganda nga, salbahe naman," sabi niya. "Wala ring utak," bulong pa niya.

"Iniinsulto mo ba 'ko?"

"Hindi, ah! Dinidescribe lang kita," nakangiting tugon niya.

"Ah, okay." Marahan kong ibinalik sa bulsa ang phone ko at tinuloy ang pagkain ko.

"Boba ka talaga!"

Bigla tuloy akong napaisip "Maganda meaning niyan, 'di ba?"

Tumango lang siya at tumawa nang tumawa na akala mo may nakakatawa. Napangiwi na lang tuloy ako sa pagmumukha niyang mukhang hito kagaya ng magulang niya.

Natapos ang klase. Nagpasama sa akin si Rain bumili ng bago raw niyang sapatos pamasok dahil bigla daw siyang naiingit sa bago kong sapatos. Sinuot ko na rin kasi agad ito kinabukasan pagkatapos ibigay sa akin ni Unggoy.

Nang makakita siya ng kapareho ng akin ay agad rin niya itong binili. Tinanong ko kung magkano pero napanganga na lang ako sa presyo. Ibig-sabihin lang, mamahalin pala ang sapatos na meron ako.

Hinatid na rin ako ni Rain pauwi dahil kasama naman namin ang driver nila na siyang nagmaneho ng kotse. Siya rin ang nagsabi kay nanay na sinama niya ako at sabay ibinigay niya ang pasalubong na mini cake, pampalubag-loob dito. 

Alam niya kasing mainitin ang ulo ni nanay at mahilig sa matamis, kaya sa tuwing pupunta siya sa amin ay may dala-dala siyang pasalubong.

Buong gabi ko iniisip kung gaano kamahal ang sapatos na ibinigay sa akin ni Unggoy kaya nagkaroon ako ng ideya kung anong estado ng buhay ang meron siya.

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako at nagising ng bandang 6 ng umaga. Hindi sana ako papasok dahil sumasakit ang ulo ko pagkagising. Ilang oras lang pala ako nakatulog! 

Bumalik sa isip ko ang text ni Unggoy kahapon na 'hayaan mo bukas hindi mo na ko mamimiss' at ibig-sabihin lang no'n ay makikita ko na siya.

Napabalikwas ako ng tayo at gumayak agad papasok. Nanermon pa ang nanay ko kaya medyo nahuli ako pagpasok. 

Nagsisimula nang magklase noong pumasok ako at sa kasamaang palad, tumapat pa ang araw ng pagkalate ko sa araw na may Per Dev kami. Unang subject pa! Sinusumpa ko pa naman teacher namin doon.

"Hayss! BADTRIPPPPP!"

"Bakit nga ba kasi nalate ka? You know naman na witch 'yang si Mrs. Milagro."

Katatapos lang ng unang subject namin at nawala na rin sa room na 'to ang bakulaw. 

Pinahiya kasi niya ako sa harap ng buong klase dahil sa pagkalate ko, unang beses pa lang naman! Sama talaga ng ugali sa'kin por que't mas maganda ako sa kaniya. Kabobo!

"Sana pati mismomg apelyido niya magmilagro. 'Yong bigla na lang siyang maglalaho! Bwisit!"

Natawa na lang si Rain at saktong pagdating ng sunod na teacher namin sa second subject.

Natapos din lahat ng klase sa umaga. Kanina pa ako hindi mapakali kakahintay ng text galing kay Unggoy at kada may dadaan sa pasilyo ay napapatingin ako. Buti na lang at tapat lang ako ng bintana.

Nagbabakasakali kasi akong siya pala ang mapadaan doon at kindatan ako gaya ng ibang lalaking malalakas ang trip na pagpapapansin sa daan. 

Pero mukhang hindi naman siguro siya ganoon kaya tinatak ko na lang sa isip ko na disenteng tao siya dahil yayamanin siya at baka mamahalin ko—este ang mga gamit niya kagaya ng suot niya. Gets mo? Bobo, ah!

Lunch na kaya nag-aya na si hipon na pumuntang Arcade upang mamili ng pananghalian. Siya naman kasi lagi bumibili at tagalibre. Sumusunod lang ako sa kaniya.

Nang makarating na kami ng kaibigan kong bruha sa gate, agad naman akong napatingin kay manong guard. Naalala ko tuloy 'yung pakikipag-away ko sa kaniya nung nakaraan. 

Pilit kong tinatago ang sarili ko sa gilid ni Rain para hindi niya ako mapansin pero mayamaya pa may biglang sumigaw sa kabilang side ko.

"Bato, ito yung nagsabing nagsusuklay ka, oh!" Pagtingin ko sa kaniya nakita ko ang pagmumukha niyang mukhang binugbog ng tagihawat.

Nagtatawanan pa nga sila ng mga tropa niyang trying hard bad boys. Hindi naman bagay sa kanila, mga mukha lang silang adik.

Tuloy-tuloy lang sila sa pagtatawanan at dahil sa sobrang inis ko sa mga pagmumukha nilang mukhang barumbadong adik, agad ko naman silang nilapitan.

"Hoy! At least si Bato marunong magsuklay kahit namuro noo lang at walang buhok. E, kayo? Marunong ba? Mukha kasing pinamumugaran na ng mga inakay iyang mga ulo niyo!" pang-aasar ko sa kanila. 

Totoo naman, e! Ano 'yon mga trying hard Dao Ming Zi rin sila?

"Aba ang tapang mo, ah! Akala mo kung sino ka! Por que ba maganda ka hindi na kita uurungan?!" Tumapat siya sa akin at nakipagtitigan.

"Alam ko namang maganda ako, hindi mo na kailangang sabihin pa." Hinawi ko ang buhok. "At oo, matapang ako. Bakit? Ikaw ba duwag?!"

Huh! Kung alam niyo lang kung paano ako tinuran ng tatay ko ng self-defense, baka mabali pa mga buto ninyo.

"Kababaeng mong tao pero kung makaasta ka akala mo lalaki ka." Pinagtawanan na naman nila ako ng mga barkada niyang kamukha niya.

"Mae, let's go. Hayaan mo na ang mga iyan. Everybody's looking at us na," aya sa akin ni Rain sabay hatak sa braso ko pero hindi ako sumunod at nanatili ako sa kinatatayuan ko.

"Ano naman kung babae ako at umaastang lalaki? Bakit? Kayo ba lalaki? Kasi kung umasta kayo parang hindi, e!"

"Sinasabi mo bang bakla kami?!"

"Ano pa nga ba? You said it right!" pag-e-english ko. Kita ko ang pagpipigil niya ng galit at ang pagkuyom ng kaniyang kamao.

Huminga siya nang malalim upang kumalma siguro. "Alam mo, miss, maganda ka naman." Mas lumapit pa siya sa akin. "Ba't hindi na lang natin 'to pag-usapan mamayang uwian. Ako bahala sayo," bulong niya.

"Excuse me? Sorry, kuya, ah, hindi kasi ako pumapatol sa mga basurero." Kunwaring nababahuan pa ako sa kaniya. Sa totoo lang mabaho naman talaga siya, e. Sobrang tapang ng amoy niya!

"H'wag ka nang pakipot, miss. Alam kong gusto mo naman." Hinawakan niya bigla ang dalawang braso ko at inilapit sa katawan niya.

"Let go of her!" Pilit akong inaagaw ni Rain sa lalaking 'to pero itinulak lang siya nito kaya naman napaupo siya sa sahig.

"Ano ba!" Nagpupumiglas ako sa kaniya. 

Nakita ko kung paano nasaktan si Rain sa ginawa niyang pagtulak dito kaya naman lalo akong naiinis. 

Kahit na lagi kong kaaway ang bruhang hipon na 'yan, ayaw na ayaw ko siyang sinasaktan ng iba, dahil ako lang ang may karapatang gumawa no'n sa kaniya. Gets mo? Bobo ka!

Imbis na bitawan ako ng lalaking 'to, mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin. Ramdam kong bumabaon na ang mga kuko niya sa balat ko. 

Author: Oh, ano na? Asan na ang self-defense na sinasabi mo?

"Bitiwan mo 'ko kung ayaw mong masaktan!" 

Napansin kong dumarami na ang nanonood sa live show namin. Pati si Bato parang gustong-gusto pa niya ang napapanoond niya. Kalbuhin ko kaya pati ang coconut na tinatago niya sa gitna?

"Grabe ang tapang mo. Gusto ko 'yan," sabi naman nitong basurerong hawak-hawak ako sa braso.

"Pero ito ang gusto ko!" Nakakuha ako ng pagkakataong suntukin siya sa mukha kaya naman napabitaw siya sa akin. 

Rinig ko ang sigawan ng ibang mga estudyanteng nanonood nang maka-angat sa pagkakayuko ang lalaking nasuntok ko dahil agad siyang lumapit sa akin at gagantihan na ako ng suntok.

Napapikit na lang ako sa takot pero walang kamao na dumapo sa magandang mukha ko. Pagdilat ko nakita kong naistatwa sa ere ang kamao niya habang hawak ito nang kung sino. 

Hinarap niya ang taong humawak sa kamay niyang isusuntok sana sa akin. Nagulat na lang ako nang makilala kung sino iyon. 

"Sean!"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Votes and comments are truly appreciated.

Tinkyu!

~Min ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top