04

Pagkarating namin ng bruhang Rain sa quad nakita naming nandoon na ang ibang mga seniors. Nakaupo sa bench ang iba at ang iba naman ay nasa gitna mismo, naghaharutan. 

May mga nakikita rin kaming mga juniors dahil sa uniforms nila. Siguro manonood sila kaya nandidito.

Nagsalita na sa microphone si ma'am Solomon sa stage. Pinaalis niya muna ang ibang juniors para hindi masyadong masikip dito sa quad. 

"Okay, seniors, be ready. Call all your classmates na kasali at magsama-sama na ang girls and boys. We will start in 10 minutes. Wala nang aalis kapag bumalik ako."

Agad na nagkagulo ang lahat at 'yong iba naman ay nagsisigawan. Ang ingay tuloy. Nakita ko ang ibang juniors na nasa gilid at mukhang gusto rin nilang sumali kaso kagaya namin noon, hindi pwede. 

Dumarami na ang nakikita kong mga seniors na dumarating at lalo lang nagkaka-ingay. Mayamaya pa ay nagsigawan ang iba at nagsitinginan sa likod kaya napatingin din kami.

"Andyan na silaaaaaa!" 

Paparating ang grupo ng kalalakihan at nanlaki ang mata ko nang makitang sila Sean iyon kasama niya ang kasamahan niya kanina sa stage. Hindi mo maitatanggi na makalaglag panga sila kagwpuhan. 

Shetengene! Nagmumukha tuloy silang sikat na boy band sa dating nila.

May hawak pang gitara ang isa sa kanila at 'yong isa naman ay may dalang drums stick. Kinawayan nila ang mga tao kaya nagsigawan pa lalo ang mga ito. 

Hinanap agad ng mga mata ko si Lucas my crush dahil hindi ko siya makita. Barkada niya ang mga ito pero hindi niya kasama. Asan ba siya?

Tuloy lang na nagkakagulo ang mga kababaihang mukhang idol sila. Ang iba naman ay malapit na sa kanila at hinaharot sila. Isa pa itong mga mukhang boy band na ito, e, malalandi rin. Kalalaking tao, mahaharot! Basta ako, maganda lang okay na. Pati na rin masipag.

"Seniors, tama na iyan. Magsisimula na tayo," sabi ni ma'am Solomon na nasa stage at may hawak na mic. "Girls, doon muna kayo sa bench and boys naman maiwan sa center."

Sumunod naman ang iba pero hindi pa rin sila matigil sa kasisigaw. 

"Oh my god, Sean! Akin ka na lang!" sigaw ng isang babae na nasa bench pero todo pa rin sa tili at mukhang kinikiliti pa sa pwet. Napatingin lang doon si Sean at kinawayan ito. 

Nagsisigawan pa rin ang iba pati na rin ang bruhang Rain sa tabi ko. Nagsama-samang umupo sa bench ang bawat strand kaya sobrang ingay at ang gugulo nila. Hindi nila ako gayahin tahimik lang at nagmamaganda. 

Tuloy lang sa pagpapaliwanag si ma'am Solomon doon sa stage at buti medyo tumahimik na rin ang mga malalantod na babae. 

Pero itong hipong haliparot sa tabi ko hindi pa rin matigil. Nabatukan ko na siya lahat-lahat pero todo pa rin siya katitili at kasasayaw. May bulate talaga sa pwetan ang bruha!

Pinaliwanag ni ma'am kung ano ang mangyayari sa Ball. At syempre dahil nga Masquerade Ball ang magaganap kailangan daw naming nakamask. Napaisip tuloy ako kung anong klase ng mask ang bibilhin ko. 

Sabi pa ni ma'am lahat daw magkakaroon ng partner. Pero kung ang iba ay ayaw sumali sa cotillion okay lang daw. Ipinaliwanag din niya na pwedeng magkaiba-iba ang partner namin pero pare-pareho lang ng step ang sasayawin. Syempre magkaiba naman ang step ng girls sa boys. 

Dalawang beses lang magpapalitan ng partner kaya hindi na kailangan magkagulo, kasi nga pare-pareho lang ang steps. Jusko! Ang hirap naman mag-explain sa taong bobo. 

Natapos na siyang magpaliwanag sa stage at bumaba na siya doon para ayusin ang formation ng boys. Nagsimula na ring tumugtog ang music at tuloy lang sa pagtuturo si ma'am Solomon kung ano ang gagawin.

Todo sigawan lang ang mga girls dito sa bench. Parang nagpapalakasan ba. Ano 'to competition ng 'Most Loudest Scream'? Most na nga loudest pa.

Patuloy lang ang practice at todo sigaw rin 'tong kaibigan kong bruha. Kaninang lunch inggit na inggit pa siya sa akin dahil nakausap ko daw si Sean na crush niya. Sabi niya rin sa akin kanina na galing daw kabilang school ito. Nag-transfer lang dito dahil nandito ang kabanda niya na sila Lucas. 

Lalo tuloy ako nabadtrip kanina. Paano ba naman kasi andami niyang nalalaman tungkol kay Lucas pero hindi man lang naisip na sabihin sa akin kaagad? Sarap niyang isigang sa totoo lang!

Una 'yong girlfriend ni Lucas my crush, sunod naman itong kaibigan ni Lucas sa kabilang school noon at nagtransfer dito na si Sean. Dami alam ng bruha, siguro stalker ang hipong 'to.

And speaking of Lucas, kanina ko pa siya hinahanap pero hindi pa rin siya makita ng magaganda kong mga mata. Lucas my crush, asan ka ba?

Okay na ang step ng boys bago mag-entrance ang girls. Inulit lang ito ng inulit para magkasabay-sabay sila. Nagsigawan na naman ang mga malalantod na babae pati na rin ang haliparot na hipon sa tabi ko.

"Lee! Ang gwapo mo. Woooh!" sigaw ng kung sino sa kanan namin. Mga HUMSS ang nandoon, kulay green ang outline ng blouse, e.

"Ken! Ang cute mo sheeeeet!" sigaw naman sa kaliwa ko. Mga TVL, kulay pink naman ang kanila.

Hanggang sa magsigawan na sila ng iba't-ibang pangalan na akala mo ay may championship ng basketball league at parang chini-cheer ang kani-kanilang pambato. 

Sa mga sigaw na naririnig ko lamang ang mga pangalan ng banda lalo na si Sean na bagong transfer dito. Syempre dahil bago, fresh pa siya sa paningin kaya siya ang idol ngayon.

Nababagot na ako hindi ko naman kasi makita si Lucas my crush, e. Kanina pa ako nangungulangot dito at nakapangalumbabang nakaupo pero walang Lucas na mahagilap ang magandang mata ko.

Tuloy lang ang pagsasayaw ng boys at tilian ng mga babae nang biglang sumigaw ang babae sa harapan ko, banda sa baba. Sa taas kasi kami ni Rain nakaupo, e.  

Naalala ko bigla na ABM pala ang may kulay dilaw na outline. Wala lang, bawal mag-mention? Puro nalang sila, e, kaya dapat maging proud ako bilang ABM student, 'no! 'Di mo gets? Bahala ka! Sabi ko nang bobo ka.

"Kuyang paparating?!" Tumayo si Colleen at kumaway pa. Nang humarap ito sa amin, nagsalita ulit si Colleen. "Ako date mo, ah," sabi pa niya bahang nakapamewang.

Kaya agad namang lumingon ang iba. Lakas kaya ng boses ni Colleen, siguro dati ngang preso 'to.

Pero noong mapagtanto ko kung sino ang tinawag niya, agad naman akong natigil sa pagkuha ng malaking kulangot sa ilong ko na ayaw magpahuli. Para bang biglang bumagal ang ikot ng mundo. Wala na akong iba pang marinig at tila ba nabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. 

Author: Sana all may dibdib!

Edi puso ko na lang pala. Nabingi na ako sa lakas ng kabog, hindi lang kabog kundi kalabog ng puso ko! Ano, happy na?

Nandito na siya. Ang taong kanina pa hinahanap ng magaganda kong mga mata. Ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko. Kahit nasaktan man ako sa nalaman ko noon hindi pa rin nawawala ang pagtingin ko sa kaniya.

Kaya sana tumingin din siya sa akin para pareho na kaming dalawa na may pagtingin sa isa't-isa. Hindi mo gets 'yan. Bobo ka nga hindi ba?

"Lucas? Dito pwesto mo!" tawag ng isang STEM student. Kaklase niya siguro.

"Mr. Onoya, why are you late?" 

"Pasensiya na po. May kinailangan lang pong puntahan," walang emosyon niyang sagot dito. Agad naman siyang pumwesto at tinuruan muna siya ng mga steps para naman makasabay siya.

Nang okay na at magsisimula ulit sa una ang sayaw, napatingin naman siya sa banda naming mga ABM. Biglang nagtilian ang iba pero mas malakas ang ginawang sigaw ni Colleen kaya siya ang napansin nito.

"WOOOOH! GO LUCAS! WOHHHOOOO!"

Nagkatinginan silang dalawa pero agad ding umiwas si Lucas. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon niya sa nakasanayan. Si Colleen naman ay parang hihimatayin pa. Sundutin ko pwet niya, e!

Nagpatuloy ang pagpa-practice ng sayaw. Ang unang step ay ang pagpasok nila habang may hawak na bulaklak sa likuran. Sinundan ng iba pang mga steps pagkatapos noon ay ang pagba-bow nila, at doon naman papasok ang mga babae, tatapat sa bawat lalaki.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang patuloy silang sumasayaw. Inulit lang nila ng inulit ang sayaw hanggang sa dumating ang punto na magba-bow ulit sila.

Hindi na nawala ang mga mata kong nakatitig lang sa kaniya. At habang tumatayo sila ng tuwid galing sa pagkaka-bow nila, nagtama naman ang mga mata namin sa isa't-isa. 

Ang bagal ng paggalaw ng paligid at lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay maingay nitong pagkabog. 

***Dug-dug... Dug-dug***

Ano ba 'tong pusong 'to! Para na akong aatakihin sa bilis ng pagtakbo at kabog ng dibdib ko. Sana all talaga may dibdib!

Pagkatapos nila agad namang nagpalakpakan ang iba kasabay ng maingay na tilian ng mga malalantong na babaeng nanonood dito sa bench.

Syempre hindi rin mawawala 'yong tili ng hipon kong kaibigan sa tabi ko. Yung tili ba naman niya parang naiipit pa, e, tapos bigla-biglang pumipiyok. Pero kahit gano'n wala pa rin siyang pakiealam. Mamaga sana lalamunan mong bruha ka.

"Water break muna, boys," saad  ni ma'am Solomon sa mic. "Girls, in five minutes kayo naman. Get ready."

Nagkagulo na naman ang lahat sa katitili. Shetengene! Hindi ba sila namamaos?

Nawala na si Lucas my crush sa paningin ko dahil nagsilapitan na sa kanila ang mga babaeng walang tigil sa katitili. Bibigwasan ko sila sa leeg isa-isa, e.

"Rain, bili tayong tubig," aya ko sa kasama kong hipon.

"Bakit? Nanuyot ka na sa katititig?" Humagalpak siya. Gagv talaga!

"Namo kang bruha ka!" Inirapan ko naman siya at tumayo na. 

"H'wag ka nang magalit. Si kuya Lucas, oh..." Tumuro siya sa likuran ko. Nakaharap kasi ako sa kaniya habang prente pa rin siyang nakaupo at nakade-k'watro pa. "Papunta rito."

Dahil sa sinabi niyang iyon naalarma ako. Hindi ko alam kung bakit tumakbo na lang ako paalis sa lugar na iyon. Pero sa kasamaang palad nga naman, nadapa na naman ako!

Nakakadalawa na itong sahig ng quad, ah! Sa susunod lalagyan ko na talaga ng 'slippery when wet' sign 'to. Kabobo!

Natahimik ang paligid, at alam kong nakakahiyang eksena na naman iyon. Narinig ko pang tumawag si Rain pero iniwanan ko na lang siya at tumakbo na lang ulit ng tumakbo.

Dahil sa sobrang kaba ko nalimutan ko nang nauuhaw pala ako. Ngayon ko lang din napansin na nasa canteen na pala ako. Agad naman akong bumili ng tubig at tinungga dahil sa sobrang hingal at pagod. 

"Hoy?" Nakita ko si Rain hinihingal habang nakayukod at nakatungkod ang mga kamay sa dalawang tuhod. Bobo kasi humabol pa!

"Ba't sumunod ka?" Nagsalubong kilay ko bago uminom ulit.

"Girls na daw..." Hindi pa man ako nakakainom ng maayos bigla naman niyang inagaw ang binili kong tubig. 

"Hindi pa ako tapos, ano ba!" Tinapat lang ng bobong hipon yung kamay niya sa mukha ko. Aba't magaling!

"Oh..." Inabot niya sa akin pabalik ang bote. Inubos ng bruha ang tubig ko! "Salamat."

"Welcome... Grabe welcome ka talaga!" Kabobo naman kasi.

"Oo, kaya let's go na." Kinaladkad niya ako pabalik. Namumuro na siya, ah! Pansin ko, simula pa kanina kinakaladkad na niya ako.

"Aray, sandali lang naman!" Kinuha ko ang braso ko sa mahigpit niyang hawak. Akala mo naman ay may nagawa akong kasalanan. 

"Ba't nga ba kasi tumakbo ka, binibiro lang naman kita, e." Tignan mo 'to! Kabadong kabado ako kanina pero niloloko lang pala ako ng hipon na 'to!

"Ikaw talaga!" Babatukan ko pa lang siya pero kumaripas na agad siya ng takbo. "RAIN!"

"BILISAN MO NA!" Tinawanan niya pa ako.

Nakabalik na kami at magsisimula na ulit ang practice. Pinapunta na kaming girls sa gitna at inayos na ni ma'am Solomon ang pwesto namin.

Sinimulan sa pagpasok at tatapat kami sa mga partner namin. Pagkatapos naman ay ang pakikipag-bow at aabutin ang bulaklak na ibibigay sa amin. Iyon lang naman ang unang step namin, dahil boys nga ang mauunang pumasok at hihintayin lang nila ang pagpasok namin.

Pinapwesto na rin ni ma'am ang lahat sa gilid at nagsimula ulit sa entrance ng boys at girls. At sa kasamaang palad, mukhang unggoy ang unang nakatapat ko. 

Naalala ko tuloy ang textmate ko na kaibigan ni Tarzan. Jusko! H'wag naman ninyong sabihin na siya 'yon? Hindi ko na talaga siya rereplyan kung siya nga. 

Hindi pa rin pala siya nagtetext sa akin. Napunta na ba sa gubat iyon? Mula kagabi hanggang ngayon kasi wala pa akong natatanggap na text galing sa kaniya.

Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Nakipag-bow muna kami sa isa't-isa at kunwaring inaabutan na kami ng bulaklak ng mga boys.

Napatingin naman ako sa mukha ng kapartner ko ngayon. Nagulat pa nga ako nang makita ko siyang nakatingin sa kagandahan ko. Napaiwas tuloy ako ng tingin.

Medyo dugyutin ang itsura niya at kupas na kupas na ang kulay ng polo niya. Marunong kayang maligo 'to? Sa bagay parang pareho lang kami. 

Tiunuro na sa amin ang mga sumunod pang steps at sumunod naman doon ang palitan ng mga kapartner pero iisa lang lahat ng steps. Uulit-ulitin lang. At sa kasamaang talampakan nga naman, puro kaibigan pa rin ni Tarzan ang mga nakakatapat ko. 

Sana sa susunod na araw kahit mismong Tarzan naman na ang makapartner ng magandang ako.

Dalawang beses magpapalitan ng partner kaya tatlong lalaki ang makakapartner naming girls. The same din sa boys, tatlong babae rin ang makaka-partner nila. H'wag mo na intindihin. Alam mo na kung ano ka.

Natapos na rin ang practice ngayong araw at sa susunod na araw na ulit. Naglalakad na ako pauwi ng bahay nang biglang may marinig na naman akong ibon.

***witwiw-witwit-wiw***

Napatingin agad ako sa itaas kung may ibon ba pero wala naman. Mayamaya pa nakarinig na naman ako ng huni. 

"Ah, alam ko na kung nasa'n ang ibon na iyon."

Kinalkal ko ang bulsa ng bag ko at nakita ko ang Nokiang phone na pinamana pa sa akin ni lola. Kinuha ko ito at may isang unread message at dalawang new messages.

Binuksan ko ang isang unread message galing kay bruhang Rain.

From: Sexy Rain

Uy wala pa ring nagte-text sa akin :'(......... Binigay mo na ba number ko sa kanila? Si Mae madamot..... Share your blessings aba!

Tignan mo 'tong bruhang 'to! Hindi pa rin pala limot yung sinabi niyang ibigay ko ang number niya sa mga nagtetext sa akin. Siya na lang daw makikipag-text tutal ayaw ko naman daw replyan.

To: Sexy Rain

Hindi pa nga tsaka bakit mo pinalitan pangalan mo sa phone ko? Bruhang Hipon ang alam kong nakalagay dito!

Message sent ✔

Galing talaga ng phone ko. Hindi naman ako nagpapaload pero nagkakaroon na lang bigla-bigla nang hindi ko nalalaman. 

Binuksan ko naman ang dalawang bagong message habang naglalakad pa rin. Kanina pa ako naglalakad. Malayo kasi sa school ang bahay namin. Wala naman na akong pera dahil naipambili ko na yung natitirang baon ko ng tubig sa canteen kanina. 

Naibigay pa naman na ni nanay ang pang dalawang linggong baon ko na 150 pesos. Isang linggo pa lang pero ubos ko na agad. Grabe naman kasi 'yong canteen na 'yon, akala mo jewelry store sa sobrang mahal ng mga tinda.

From: Mr. Unknown Number

Ayos na ba tuhod mo? Bakit naglalakad ka pa pauwi?

Agad naman akong napalingon sa likod ko. Nakasunod ba siya? Itong lalaking 'to ayaw magpakilala kaya natatakot na ako minsan. Baka kasi mamaya stalker pala ang Unggoy at bigla-bigla na lang niya akong atakihin nang hindi ko alam.

Binalik ko na lang agad ang tingin ko sa phone ko at binuksan ang isa pang message na galing din sa kaniya. Siguro nakita niya ang kabobohan ng sahig sa quad nung nadapa ako.

From: Mr. Unknown Number

Take care sa paguwi :-*

Napangisi tuloy ako. Ngayon pa talaga siya nagkaganang mag-text, ah! Natandaan ko kasi na galit pala ako sa kaniya, kaya dapat suyuin niya muna ako. Hindi pa kami bati, 'no!

Hindi ko na siya nireplyan at tumuloy na lang sa paglalakad. Medyo malapit naman na ako sa bahay, e, mga limang kilometro na lang.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Votes and comments are truly appreciated.

Tinkyu!

~Min ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top