03

Lumipas ang magdamag at nakatulog na ako lahat-lahat matapos kong kumain kagabi pero hanggang ngayon wala pa ring text galing sa kan'ya.

Shetengene mong unggoy ka! H'wag ka nang magpaparamdam! Hinayupak na kaibigan ni Tarzan! 

Baka busy siya kakakain ng saging niya. Ano masarap ba? Masarap ba? Mabulunan ka sanang unggoy ka!

Nagsimula na akong magligpit ng pinaghigaan at agad na pumunta ng banyo. Wala ako sa mood maligo kaya naghilamos na lang ako at bumalik ng k'warto upang magbihis ng uniform.

Lumabas na rin ako ng k'warto at nag agahan. Wala kaming pansinan ni nanay at laking pasalamat ko na lang dahil nagka-day off din siya kabubunganga. Baka masakit ang lalamunan niya kaya gano'n.

Nasa school na ako at medyo late na rin ako pumasok. Naabutan ko na ang bruhang Rain na nakaupo sa pwesto niya habang kumakaway sa akin. Agad naman akong umupo dahil kasunod ko lang dumating si Ma'am Solomon.

"Oy, what happened to your kilay?" tanong ng bruha sa tabi ko.

"Meron sa kilay ko?"

"Ba't isa na lang?" tanong niya ulit na ikinagulat ko naman. Shetengene! Baka naahit ng hindi ko alam!

Kapag wala pa naman akong magawa or kapag nag-eemote ako ginugupit ko ang buhok ko at naglalagay ng bangs. Minsan naman inaahitan ko o kaya naman bubunutan ko ng buhok ang kilay ko. Minsan din pati sa kili-kili ko. Wala share ko lang!

Hinanap ko kaagad ang salamin ko sa bag ko pero hindi ko pa rin ito makita. Kaya tinignan ko naman sa lumang pouch na brown na pamana pa ni lola sa akin. 

Kinalkal ko ang laman pero hindi ko makapa. Puro mga ballpen na walang tinta lang na napupulot ko kapag isa ako sa mga cleaners, at ang nag-iisang lips stick na kulay pula na bigay sa akin ni lola noong bata pa ako at mabantot na rin 'yong amoy.

Nang ibuhos ko na palabas ang laman ng pouch doon ko pa lang ito nakita. Shetengene kang salamin ka! Nakuha na nga lang kita sa lumang side mirror ng motor sa bakanteng lote, mawawala ka pa! 

"Kapag hinahanap kita magpakita ka, h'wag kang bobo!" Pinanggigilan ko pa ang sirang salamin bago itinapat sa bandang kilay ko.

"BWAHAHAHAHAHAHA!" Para pa siyang hindi makahinga sa katatawa. Lintek na hipong 'to. Problema niya?!

"Shetengene kang bruha ka! Dalawa naman, ah!" reklamo ko ngunit hindi pa rin siya matigil sa katatawa.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at inirapan. Nakakatawa iyon? Hmp!

"Ayan na naman, isa na lang ulit," nakatawa niya pa ring sabi. Ah, gets ko na. Ikaw 'di mo gets? Bobo ka, e.

"Epal!" Inirapan ko siya.

"Aga-aga kasi busangot mukha mo. Kanina ka pa pagpasok, ah." Basta maganda ako iyon na 'yon! "What's your problem ba?" Nakatawa pa rin siya.

"Wala," tipid na sagot ko. Kabobo naman kasi kausap!

"Hindi ka siguro naligo, ano? Kaya in bad temper ka," asar pa niya. Syempre hindi. Wala nga ako sa mood kanina.

"Wala kang pake. At least kakaligo ko lang kahapon." 

Humagalpak ang bruha. Siya nga kahit naliligo araw-araw sa dagat mukha pa ring dugyutin. Itong hipon na 'to! Isumbong ko siya sa mga magulang niyang hito, e.

Hindi ko na lang siya pinansin at inirapan na lang. "Init ng ulo!"

Nakinig na ako kay ma'am sa pagtuturo kahit alam kong wala namang papasok sa magandang utak ko. Napapalatak na lang ako sa anak ng mga hito dito sa tabi ko dahil sa pangangalabit niya. Nang magsawa siya, itinuon na lang niya ang pansin sa nile-lesson sa harapan.

Tungkol sa aerobic at anaerobic blahh...blahh...blahh... Nakikinig naman ako pero wala naman akong sinabing iintindihin ko. Wala naman akong pake sa mga nile-lesson ni ma'am Solomon. Mabait naman 'yan, papasa kami lahat d'yan.

Natapos ang lesson at nag-quiz agad kami. At dahil dakilang mababait ang ABM A, kopyahan sa harap mismo ng teacher ang laging peg namin. Oh diba! Ganoon siya kabait sa amin. Nagbibigay pa iyan ng clue sa sagot. Panis ikaw!

Kahit hindi pa niya sabihin na pwedeng mag-open notes tuwing quiz, uunahan na namin siya. Hindi pa niya sinasabi, ready na notes namin. Alam ba mo kung bakit? Malamang hindi! Bobo ka, 'di ba?

Para kasi sa kaniya 'Grades is just a numbers', so if your number is a grades then your grades is just a number. Gets?

"ABM? Makinig." Natahimik ang mga kaklase kong tuwang-tuwa sa score na nakuha sa quiz. Oh, 'di ba puro perfect! Kagaya ko na maganda lang pati masipag na rin.

"Ano po iyon, ma'am?" maarteng tanong naman ni Ms. Pres—Ms. Preso ng Kulungan 2020!

"Hindi ba't announced na sa araw din ng Christmas Party natin gaganapin ang Masquerade Ball?" Wala pa man nagkaingay na naman ang buong klase. "At dahil nga nalalapit na, ako ang naatasang magturo ng Cotillion para doon."

"Luh, Mae! This is it! Malapit na! Excited na 'ko," kinikilig na saad ng hipon habang inaalog ako. Mukha pa siyang may epilepsy nang bitawan ako.

Sobrang likot. Hindi pa matigil sa kasasayaw kaya binatukan ko na lang. Napa-iling tuloy ako dahil sa itura niyang nakanguso. Mukhang seahorse talaga, walang pinagbago.

"Mamayang last subject dumiretso kayo sa quadrangle. Sama-sama ang lahat ng senior high. Walang juniors na kasama kagaya ninyo dati na walang prom noong juniors pa lang kayo. Ang practice natin ay two times a week lang muna. Every tuesday at thursday lang para makakapagklase pa ang last period niyo on the other day. Make sure lang na naka-one line kayo. Boys and girls per line. Every section iyon para hindi magulo. Understood?"

"YES MA'AM!" excited na tugon naman nila. 

Nang dahil sa balita na iyon ni ma'am Solomon, nagkaingay na naman ang lahat. Syempre kasama na ang bruha sa tabi ko na walang tigil kasasayaw. Sana lang may mang-aya sa isang lamang-dagat na gaya niya. 

Natapos na ang lahat ng subject pang umaga kaya dumiretso na kami palabas ng school. May isang nakatayong parang canteen kasi dito pagtawid namin sa kabilang kalsada at doon kami minsan tumatambay tuwing open gate. 

Arcade ang tawag namin doon dahil iyon lang naman ang sign na nakalagay sa taas ng malaking tindahan. Iba-iba ang mga nagtitinda at may sari-sariling pwesto.

Minsan ayaw pa nga magpalabas sa gate ng guard kaya madami tuloy siyang kaaway na estudyante. Bato ang tawag namin sa kaniya, kalbo kasi, e. Napaisip tuloy ako kung Dela Rosa ba ang apelyido niya. 

Gets mo? Hindi? Okay. Hindi ko na sasabihin iyon, alam mo naman na kasi kung ano ka.

Kaya kapag ayaw niya magpalabas, sa likod ng school kami ng bruha kong kaibigan dumadaan. Iyon nga lang walang gate kaya umaakyat pa kami ng bakod.

At syempre dahil wala akong gaanong pera dahil mahirap lang ako, itong kaibigan kong bruha ang nanlilibre sa akin. Lagi ko nga siyang tinatanggihan pero lagi niya lang sinasabing...

"No, I insist." 

Oh 'di ba? Akala naman niya ikinaganda niya ang tono ng pag-e-english niya. Nagmukha tuloy siyang malanding hipon.

Kinuha ko na lang ang nilibre niya sa aking isang order ng kanin at ulam. Sayang din, 'no! Nililibre na nga lang ako, mag-iinarte pa ba ang magandang ako?

Pagkatapos naming bumili sa Arcade ay naglakad na kami pabalik ng school. Sa stage sana kami kakain pero sa bench area katapat ng stage dito sa quadrangle na lang pala. 

Sa stage talaga kami kumakain noon dahil lagi namang vacant iyon at wala naman masyadong nangyayaring event dito sa school.

Napag-isipan naming sa bench muna kumain dahil nga may mga grupo ng gwapong kalalakihan ang nagja-jamming doon. 

Naglalakad pa lang kami kanina papunta sa stage nang marinig naming kumanta ang mga iyon.

"Maganda siya 'pag nakatalikod 'pag humarap mukhang impakto!" 

Bigla silang nagtawanan habang nakatingin sa amin—ay, kay Rain lang pala. 

Kaya iyon, napanguso na lang ang bruha at naglakad paalis habang kumekembot papunta sa bench. Susundan ko na sana siya pero may biglang tumawag sa magandang ako.

"Mae!" 

Agad naman akong napaharap. Sino kaya iyon?

Lahat ng lalaking kumakanta kanina napahinto rin dahil isa sa kanila ang tumawag sa akin. Tumayo siya at muli niya akong tinawag. 

Shetengene! Sino ba 'to? Ba't ang cute niya? Mukha siyang aso. Charot!

"You're Mae, right?" 

Pwede na bang himatayin? As in now na. Ang pogi niya. Mukha siyang anghel na bumaba ng langit at susunduin na ako upang maglakbay patungong langit. A-ano bang pinag-iiisip ko? 

Napatulala na lang ako sa gwapong nilalang na tumawag sa akin. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko at hindi ko man lang maibuka ang bibig ko.

Shetengene, Mae! Magsalita ka! 

Unti-unti siyang lumapit sa akin at ngumiti. Ang gwapo ng nilalang na 'to. Bakit ngayon ko lang siya nakita?

"Hi," nakangiting bati niya. "I think, tama ako. You are Mae." At dahil doon, biglang akong napautot. Pati pwet ko kinikilig. "Anong amoy 'yon?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

"A-ah w-wala, utot ko lamang iyon," sagot ko at nagbeautiful eyes pa. Narinig ko namang nagtawanan ang mga kasama niya. Barkada niya siguro.

"Wait, ano?" Nakaawang ang labi niya at nagpipigil ng tawa.

Hindi ko pa siya nasasagot nang biglang may tumawag sa likuran niya.

"Sean." 

Napalingon agad kami sa kung sinong tumawag dito sa kausap ko. Si Lucas my crush lang pala. Kararating lang niya kasi wala naman siya kanina. 

Kasama niya siguro itong mga lalaki sa stage. May dala rin kasi siyang lalagyan ng gitara. Ito siguro ang lalagyan nung hawak na gitara ng isa sa mga kasama nitong kausap ko na Sean pala ang pangalan.

Sinilayan ko naman muna si crush. Napanguso na lang ako dahil bigla siya umiwas ng tingin sa akin matapos sabihin ni Sean sa kaniya na saglit lang.

Pinaningkitan ko tuloy siya ng magaganda kong mata pero mayamaya pa ay tila isang sibat ang tumama nang malakas sa akin dahil sa muling pagsilay niya kaya naman ako'y napaubo sa pagkakasamid sa sariling laway.

Tinapik-tapik ko ang dibdib at iniwasan na lang ang seryosong mga tingin niya. Bumaling naman si Sean sa akin at agad na hinimas ang likod ko.

"Okay ka lang?" 

Tumango ako. Gusto ko sanang gumanti kay crush dahil ilang beses na niya akong tinatamaan. Anlakas na rin tuloy ng tama ko sa kaniya.

Matapos makabawi sa pagkasamid ay nahihiya akong nagpasalamat kay Sean. Sumilay na naman ang ngiti niyang nakakawala ng malay dahil sa sobrang aliwalas. Nakausap na kaya niya si San Pedro?

"Pa'no ba 'yan? Tawag na 'ko." Yumuko siya at nag-iwan ng isa't kalahating talampakang layo sa pagitan namin bago muling itinuon ang atensyon sa akin. 

Medyo nakakakaba ang titig niya. Nanunukso ang mga mata niyang deretsong nakatingin sa mga mata ko. Para rin itong nagbibigay kahinaan sa nanlalambot kong tuhod. 

Ngumisi siya at bahagyang kumaway. "Sige, see you around," paalam niya.

Bago pa siya tumalikod sa akin, kinindatan niya muna ako at bumalik na doon sa mga kasama niya. Doon ko lang rin napagtanto na itong mga kasama nila ay ang member ng banda nila Lucas.

Tuluyan nang nakabalik si Sean at tinapik muna ang balikat ni Lucas my crush bago naupo roon.

Tulala pa rin ako nang biglang sumigaw sa likod ko ang bruha kong kaibigan kaya agad naman akong bumalik sa huwisyo.

"ANO MAE? D'YAN KA NA LANG? HINDI KA NA KAKAIN?" 

"ITO NA!" 

Tinalikuran ko na sila Lucas my crush at agad na tumakbo palapit kay Rain. Kaso dahil nga sa katangahan ng sahig, bigla naman akong natisod at nadapa. Rinig ko ang tawanan ng mga tao sa paligid.

Pagtayo ko naman ay nahagip ng mata ko sila Lucas at Sean na seryosong nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakatayo dahil sa sakit ng tuhod ko.

Bago pa man ako tuluyang umalis, nakita kong hinampas at binatukan pa muna nila ang iba nilang kasama na nakikitawa rin kagaya ng ibang estudyante. 

Bobo ng sahig! 

Iika-ika akong lumakad papunta sa hipon na tumatawa rin, hawak-hawak pa ang tiyan niya. Kaibigan ko ba talaga 'to?!

"Anong eksena 'yon?" natatawang bungad niya sa akin. Naupo muna ako at dahan-dahang itinaas ang palda ko para tignan ang tuhod na kumikirot.

"Sakit. May sugat yata ako," mangiyak-ngiyak kong sabi. 

"Tanga-tanga kasi," tawang-tawa niyang saad nang makitang may sugat ang tuhod ko. Itong bruhang 'to talaga!

"Paano kung sabihin ko rin sayo na tanga-tanga ka kasi ayaw mong maniwala na mukha kang hipon, tatawa ka kaya?"

"Ito naman masyadong serious." Ngumuso siya. 

"Sino ba naman taong tatawa kapag nasaktan at nasugatan? Ano bobo lang?" 

Lalo lang siyang ngumuso at hindi na sumagot. Tigil-tigilan niya nga 'yong kangunguso niya, nagmumukha talaga siyang seahorse sa totoo lang!

Tapos na ang lunch time at agad akong sumalampak sa upuan ko dito sa room. Kabobo naman kasi ng sahig, napahiya pa tuloy ako! Sa harap pa mismo ni Lucas my crush!

Kapag ako nanggigil talaga ipapa-demolish ko ang school quadrangle, kaso natandaan ko wala nga pala akong pera kaya h'wag na lang.

Nagsimula na magklase at agad rin namang natapos. 'Di ba ang bilis? Gan'yan talaga kapag lutang ka. Lalo na kung tinutulugan mo lang, kagaya ng ibang kaklase ko.

Nagising lang sila noong lumabaas na ang huling subject teacher namin ngayong araw dahil nga may practice ng Cotillion. 

Ang lalakas din ng pandinig, e. Narinig lang ang 'goodbye, ma'am' agad na nagsibangon ang mga bobo.

Hindi pa naman simula kaya pumunta muna kaming canteen. Sa arcade sana kami bibili kaso si Bato ayaw magpalabas! Kaya 'yon dahil nga bad mood ako sa pagkadapa ko kanina, nakipag-bobohan muna ako sa kaniya.

"Manong guard?" tawag ko sa kaniya na busy kababawal sa mga estudyanteng gusto lumabas. 

"H'wag ka nang makulit, sinabi ko nang bawal lumabas."

"Damot, ay! Principal ka? Pricipal ka?" Tatawid lang naman kami sa kabila para bumili sa arcade, ayaw pa. 

"Tanga ka ba? Sinabi ko nang bawal, hindi ba? Paulit-ulit ka?" Malamang uulit-ulitin ko talaga. Kulit ba naman ng bumbunan niya.

"Hindi ho ako tanga, manong guard... Baka naman ikaw 'yon?" Sarap tuloy kaltukan sa noo nitong si Bato.

"Anong ako? Ikaw nga itong makulit!" Kabobo talaga siya!

"Mas makulit ho ang bumbunan n'yo!... Nakita nga ho kitang nagsha-shampoo noong isang linggo gamit Sunsilk na kulay pink—Ps, not sponsored!... Tapos kahapon lang nagsusuklay? Ano hong sinusuklay nyo? Yung buhok n'yong nakatago?... Oh, ngayon, sino ho sa atin ang tanga? Sagot!"

Biglang nagtawanan ang mga estudyanteng walang magawa kundi ang tumawa na lang. Ito namang hipong kaibigan ko na anak ng mga hito hinila ako paalis doon. 

"Teka lang hindi pa ako tapos." 

Nagpupumiglas ako kaya nabitwan niya ang braso ko. Agad-agad akong bumalik kay manong guard na kalbo dahil may nalimutan akong gawin.

"Pendong piece!" Kinalabit ko ulo niya at nag-piece sign. 

Rinig ko pang nagsitawanan ulit ang mga nanonood. Kaya agad akong kumaripas ng takbo pabalik kay Rain.

"Bata ka, bumalik ka rito!" 

Tignan mo, bobo rin. Bakit ako babalik kung hawak niya ang batuta niya. Hindi nga ako tanga, 'di ba? Baka mamaya bigla na lang niya sa aking ihampas 'yon!

Akala naman niya tutubuan siya ng puting buhok kapag tinakbuhan siya. Baka pati ang coconut niyang tinatago wala ring buhok kaya nangungunsumi siya. Try niya magpa-rebond nang umunat-unat 'yong hairline niyang nasa batok na.

Naiinis tuloy ako. Mas mura kasi ang tinda sa Arcade kaysa dito sa mga ginintuang tinda ng school canteen.

Egg sandwich, fifteen pesos? Tapos namuro mayonnaise pa kesa sa itlog! 

Tapos ang maha naman nila twelve pesos? Ang liit na nga ng hiwa, mapapamura ka pa dahil walang lasa! 

Ito pa, diamond yata ang isang 'to. Iyong turon nila. Shetengene! Okay na sana twenty pesos na turon, e, malaki naman. Ang kaso kapag kinain mo mapapasigaw ka na lang ng 'Shet! Unang kagat puro balat!' Pati ba naman ang saging tinitipid? Akala naman nila ang sasarap ng saging nila!

Binili ko na lang hamburger na namuro ketsup. Okay na iyon at least nakabubusog naman ang tinapay. Nilibre na lang ulit ako ni Rain ng maiinom ko, Zesto 'yong apple flavor na favorite ko.

"Uy, let's go na," aya ng bruha. 

"Kumakain pa kaya ako. Ano bobo lang? Mamaya na," nayayamot kong sabi. Tinatamad pa ko, e.

"Now na," pangungulit niya pa. 

"Mauna ka na kung gusto mo." Inirapan ko siya.

"Tara na kasi. Baka nandoon na crush ko." Napangiwi na lang ako. Ang pangit niyang kiligin sa totoo lang.

"Ayoko na sumali d'yan. Ikaw na lang," inis na saad ko. Masyado kasing excited practice lang naman. 

"Anong hindi ka na sasali? Gusto mo bang mamatay?" 

Akala naman niya maniniwala ako sa kabobohan niya noong nilista namin ang pangalan sa participant's list ng Ball.

"Tinatamad na nga ako." 

"Baka nandoon na rin ibang mga grade twelve," sabi naman niya habang pataas-taas pa ng kilay niyang sabog.

Oo nga pala, grade twelve na si Lucas my crush. One year kasi agwat namin, e. Okay na iyon kaysa magkaroon pa ako ng sugar daddy, 'di ba?

"Oo na," nakangiting saad ko. Malay ba natin nandoon na si Lucas my crush. 

Hinatak na ako ng bruha kong kaibigan papuntang quad. Sana lang walang makaalala ng pagkadapa ko kanina. Mapapahiya ang magandang tulad ko!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Votes and comments are truly appreciated.

Tinkyu!

~Min ♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top