02
"Listen now, class."
Bumungad samin ang teacher namin sa MAPEH nang makapasok na kami ni Rain sa room.
Agad naman kaming umupo ng bruha kong kaibigan sa pwesto namin sa dulo. Oo, magkatabi kami at lagi kaming napapagalitan. Wala lang, share ko lang!
"Sabi ng school council, wala nang magaganap na Senior Prom dahil magiging busy ang schedule natin this coming second semester." Balita na nagpagimbal samin—ay sa kanila lang pala. Pakielam ko ba do'n?
"Pero ma'am... 'yon na nga lang ang pinakahihintay namin bago matapos itong school year, e," nakabusangot na sabi ni Ms. President na si Colleen.
"Oo nga po, ma'am."
"Wala na nga kaming prom no'ng junior high, e."
"Tinatanggalan niyo naman po kami ng pagkakataong maranasan iyon."
Angal ng iba kong mga kaklase, habang ako naman nakapangalumbaba lang at nangungulangot pa. Teka, malaki yata nakakapa ko!
"MA'AM, THAT'S UNACCEPTABLE!" sigaw ng katabi kong bruha. May patayo tayo pa at paghampas ng mesa. Akala naman niya may mang-aaya sa kaniya na maging date siya. Itong hipon na 'to!
Pinagtinginan tuloy yung kabobohan niya. Buti pa ko nananahimik na masipag at maganda lang.
Sa totoo lang wala naman akong pakielam sa prom na iyan. Lalo na kung hindi naman si Lucas ang makakadate ko.
Kahit noong nasa junior high pa lang ako, siya na ang gusto kong maging date. Pero wala, e, alam mo kung bakit? Kasi nga hindi ba sabi kanina ng mga kaklase ko wala kaming prom noon? Edi dahil walang prom na naganap ang dahilan.
Hindi mo naman yata iniintindi, e. Hayaan ko na nga. Bobo ka nga pala!
"Shh... Class, I said quiet," pagpapatahimik ni ma'am Solomon sa buong klase.
Todo pa rin sa pag-angal ng mga kaklase ko. Pati itong bruha sa tabi ko ay tumayo na sa upuan habang iwinawagayway ang papel na may nakasulat na 'Prom Night for this year!' at nakikisama sa pagwewelga ng ibang kaklase ko.
"Please, sit down. Calm yourselves. Alam ko naman lahat ng hinaing niyo pero wala tayong magagawa, school council na ang nagsabi."
"Pero ma'am? Ganun-ganun na lang ba? Hindi na matutuloy?!" nakatayong tanong ni pres na akala mo ay hihimatayin, may papaypay-paypay pa.
"Wala nang prom night, pero..." May pabitin effect pa si ma'am. Kala naman ikakaganda niya yan.
"PERO ANO?!" sigaw na tanong ng mga kaklase kong uhaw sa prom. Buti pa ko nasungkit na 'yung malaking kulangot sa ilong ko.
May magagawa ba ako? Every girls' dream kaya ang sumayaw ng naka-formal attire, with matching super gwapong lalaking partner. Kagaya na lang ng paparating dito sa room namin.
Oh my Lucas... It's dark outside yet you are my rainbow who brings color in my life.
Uulan siguro, ang dilim ng langit, e. Pero keri na, gwapo naman 'yong paparating.
"Excuse po, Mrs. Solomon?" Kumatok siya sa nakabukas na pinto.
Ang gwapo talaga niya, hindi nga lang marunong ngumiti. Pero ayos lang, malakas pa rin naman ang dating.
Kailan mo ba ako mapapansin, crush? Kakalbuhin ko talaga girlfriend mo, gusto mo? Ganda kong nilalang pero kulang iyon kung wala Lucas na magiging ama ng mga anak ko!
Narinig kong tinawag ako ni Rain pero hindi ko siya pinansin dahil nakatuon na kay crush ang buong atensyon ko.
Mayamaya naman ay biglang nagsigawan ang buong klase. Napatakip tuloy ako ng tainga pati kasi itong bruhang katabi ko nakikisigaw na rin.
"Okay, okay. Calm down, class," palala ni ma'am "So, I guess, hindi na nga ninyo kailangang magluksa pa."
May pinapasa siyang papel galing kila Lucas my crush. Ewan isusulat daw ang pangalan.
Sa sobrang pakatulala ko kay crush hindi ko na tuloy alam kung anong nangyayari.
"Sige na, Mr. Onoya. Ako na magpapasa ng mga names nila," paalam ni ma'am sa kaniya.
Bago pa siya umalis nilingon niya muna ang buong klase at dahil doon nagtilian sila. Puro babae ba naman kaklase ko, iyong iba naman ay binabae. Kaunti lang din ang boys kaso puro mga nerd pa. ABM kasi.
Bago siya tuluyang umalis ay kinausap muna niya saglit si ma'am. Pero shet lang, ah! Nang tumingin ulit siya sa amin bigla namang naglock ang mata namin sa isa't-isa. Kaya iyon, nasampal ko tuloy ang sarili dahil hindi ako sigurado kung nananaginip lang ba ako sa pagtitig niya sa akin. Nakaalis na pala siya hindi ko man lang namamalayan.
"Gosh, tinignan niya ako," dinig kong sabi ni Ms. President kaya napalingon ako at agad na kumunot ang noo. Ako kaya!
"Easy lang, girl," paalala ng bruha kong kaibigan at nakuha pang tumawa. Napansin niya siguro ang ginawa kong tingin kay Colleen.
"Ano ba kasing meron?!" Nang-aasar niya akong tinignan, umiiling-iling pa. "Ano nga? Ba't nagsisigawan kayo?"
"Na-occupied na masyado utak mo sa pumunta kanina. Ba't ano ba inimagine mo? Hahaha!"
Napairap na lang tuloy ako. Ano naman kung imagine na lang na magiging asawa ko siya. Pake ng magandang katulad ko tsaka masipag? Gets mo? Malamang hindi, bobo ka kaya.
"May Masquerade Ball daw pagkatapos ng finals, isasabay sa araw ng Christmas Party"
Akala ko ba wala nang prom? Tapos ngayon may ball-ball pa silang nalalaman. Oy, baka ibang 'yang iniisip mo, ah!
Ba't ba kasi hindi ako nakikinig kanina. Epal kasi si Lucas my crush, e. Lakas magpapansin! Bigla-biglang dumadating. Napaisip pa tuloy ako kung anong style gagawin namin sa pagbubuo? Smack ba? Or french kiss?
Sabi kasi ng lola ko, h'wag na h'wag makikipag kiss hanggat hindi pa kasal kasi mabubuntis daw ako ng maaga.
Naguluhan nga ako, e. Nalimutan ko kasi itinuro samin no'ng grade 5 kung paano nabubuo ang bata. Lalabas ba sperm ng lalaki sa bibig niya at papasok naman sa bibig ng babae?
"Ah. Hindi ako sasama," sabi ko habang hinahanap sa bag ang napulot kong ballpen kahapon.
"Bawal daw ang hindi sasama. MAMAMATAY!" Imbes na matakot ako, nginiwian ko na lang siya. "Kaya ilista mo na ang pangalan mo kung gusto mo pang mabuhay."
Hindi naman ako bobo para maniwala. Pero ewan ko ba kung bakit sinusulat ng kamay ko ang pangalan ko sa papel na pinapaikot. Ano, kamay ko, bobo ka na rin?
"Oh, iyan. Perfect! Sino kaya mang-aaya sa akin?" excited niyang tanong. As if naman na may mang-aya sa isang hipon?
"Aba, malay ko. Basta ako gusto ko siya date ko." Sabay hawak sa pisngi ko. Bakit? Gusto ko ma-imagine, e!
"Sino?" tanong niya.
"Si Luca—"
"Sinong nagtanong?" Ay shetengene! Kaibigan ko nga talaga ang bruhang 'to.
"Mamamuu!" Inis na 'ko niyan.
"Nasa Thailand," sagot niya. Shetengene! tanong ba 'yon? Pakisagot please!
Binatukan ko na lang siya at ngumuso pa ang bruha. Nagmukha pa tuloy siyang seahorse. Hindi ko na siya pinansin at nakinig na lang sa pagtuturo ni Ma'am Solomon.
Wala naman nang patutunguhan kung mag-aaway pa kami. Baka palabasin na naman kami ng room kagaya no'ng nakaraan.
Pano ba naman kasi sinasabihan ko na siyang mukhang hipon, ayaw niya pang maniwala. Kasi wala naman daw siyang maraming paa at dalawa lang daw paa niya.
Tapos habang nagsusulat kami ay sinulatan niya lecture ko. Ginantihan ko naman siya pero mas malaking guhit naman ang ginanti niya.
Kaya iyon, gantihan kami pati uniforms namin nagkasulat din. Napansin kami ng teacher namin kaya pinalabas kami kasi ayaw daw naming magpaawat. Kabobo lang walang ganti 'di ba?
Nagkabati rin naman kami matapos kaming palabasin. Kaya no'ng uwian na tinago namin sandals ng teacher namin na nagpalabas samin. Nilagay namin sa basurahan sa likod ng seniors building. Kawawa naman kasi siya kung sa juniors pa namin itatago. Baka mamaya bigla pang atakihin 'yon sa puso lalo na't bilang na lang ang araw niya.
Madalas man kaming mag-away dalawa nitong bruhang hipon na kaibigan ko, nagbabati rin naman agad kami. Mga kabobohan ba naman niya, e. Kahit ayoko sabayan walang magagawa, kawawa naman kasi siya kung mawawalan siya ng magandang kaibigan.
Para na nga kaming magkapatid niyan. Pero kung totoong magiging magkapatid kami iisipin ko na lang na inampon siya ng mga magulang ko sa mga hito niyang magulang.
Lahat at karamihan man ng bagay pinag-aawayan namin, nagbibigayan pa rin naman kami... Pwera na lang sa mga crush namin. Aba sabunutan na lang, oh!
Noon nga sabay pa kaming nag-swimming sa kanal, tapos hati rin kami sa isang pirasong candy, bato-bato pick na lang kung sino unang kakagat.
Gan'yan kami ka-sweet sa isa't-isa, dahil mahal namin ang sarili namin. Gets mo? Hindi pa rin? Bobo mo talaga!
Natapos na rin ang school at syempre hindi mawawala ang bangayan namin ng bruha kong kaibigan.
"Hay, kapagod."
Kakauwi ko lang pero itong nanay ko na naman ay nagbubunganga. Siguro dati may nalunok s'yang wang-wang ng ambulansya. Ano na naman kayang problema niya. Akala mo ay laging may regla sa init ng ulo. Nakakabobo siya sa totoo lang!
Nakaupo na ako sa papag ko dito sa k'warto at nagtatanggal ng necktie nang biglang tumunog na naman ang phone ko.
***witwiw-witwit-wiw***
Kanina pa siya sa school, ah! Mapa-pagpasok hanggang ngayong pag-uwi ay nagtetext.
Nagulat nga rin ako nang mag-text si SMARTLoad sa akin. Hindi ko na lang sinagot kasi natandaan ko wala nga pala akong load.
Pero noong nangungulit na sa akin ang katext ko ay bigla kong nasagot ito at nareplyan. Natatakot na ako minsan sa phone ko bigla-bigla na lang kasi siyang nagkakaroon ng load.
Lola, alam kong pamana mo sa akin ang Nokia mong phone kaya sana wala namang takutan.
Binuksan ko na ang text niya. Sino pa nga ba? Si Mr. Unknown Number lang naman ang textmate ko.
From: Mr. Unknown Number
Got home already?
Bilib na ako sa lokong 'to. Hindi nauubusan ng load. Panay ba naman kung magtext. Hindi lang araw-araw, minsan oras-oras pa. Dami pera panload! Penge naman, kuya!
To: Mr. Unknown Number
Oo. Safe na safe pa.
Message sent ✔
Wala pang ilang segundo at hindi ko pa nabibitawan ang phone may reply agad. Wow! Bilib na bilib na talaga ako, boy! How to be you po?
From: Mr. Unknown Number
Ok. Nga pala.. may date ka na sa ball?
I smell something fishy. Hmmm? Oh, h'wag kang assuming, literal talagang naaamoy ko. Tilapia yata ulam namin.
To: Mr. Unknown Number
Wala pa naman. Baka hindi na rin ako pumunta.
Message sent ✔
Pero kung may mang-aaya, why not 'di ba? Sayang naman ang ganda ko kung nakadisplay lang sa gilid at nangungulangot.
Makalipas ang ilang minuto wala pa ring reply. Baka namatay na at bukas na ang libing. Makapagmeryenda nga muna.
Iniwan ko ang phone kong Nokia sa k'warto at lumabas para kumain. Gutom na rin, e. Alam niyo naman bawal akong magutom kasi nakabobobo 'yon. Kaya, kayo, kumain kayo nang hindi kayo mabobo!
Nang makalabas na ako ng k'warto, nakita kong nagpiprito ng tilapia si nanay sa kitchen—
Author: Akala mo naman may gan'on sa barong-barong.
Chill lang, author. Sa likod ng bahay, iyong lutuan naming de-uling, do'n siya nagluluto ng tilapia. Ano masaya ka na?
Parang gusto ko tuloy pagtripan nanay ko. Kaya lang h'wag na, ayokong magkagiyera. Baka mamaya makarinig na naman ako ng putukan niyan.
Lumabas na lang ako ng bahay para bumili ng tinapay sa panaderya ni aling Mona.
"Aling Mona? Monay niyo ho, isa." Naglabas ako ng barya sa bulsa.
"Aba itong batang ito! Malamang isa lang ang monay ko. Bakit iyo ba dalawa?"
Taka tuloy akong napatingin sa kaniya. Makailang beses pang kumurap-kurap. Nabobo na rin yata si aling Mona.
"A-ang ibig ko hong sabihin, pabili po ng isang monay ninyo," paglilinaw ko.
"Dapat kasi inaayos mo. Hindi ko marinig ng maayos, e." Kasalanan ko pa bang marami siyang tulok?
"Ito ho ang bayad." Inabot ko sa kaniya ang bayad ko. "Tsaka nga po pala pakilinis ang tainga ninyo," paalala ko sa kaniya pero minura naman niya ako.
Si aling Mona talaga ang berde ng utak. Siguro gabi-gabi sila maglabing-labing ni mang Utoy. Naku nandidiri ako sa naiisip ko.
"Nakabobobo naman!" Kinagat ko na lang tuloy ang monay ko—Ang monay na binili ko kila aling Mona. Oh, pati ikaw maberde na rin!
Nang makabalik ako sa bahay naririnig ko na naman ang bibig ng nanay ko at tinatawag ang magandang ako. Si nanay talaga sarap tanggalan ng ngala-ngala.
"Bakit ho, nay? Miss niyo agad ako?" tanong ko nang makapasok ako sa loob ng bahay.
"Saan ka ba galing?! Hindi mo ba nakitang nasusunog na ang niluluto ko?! Kainin mo iyang sunog na iyan! Kahit kailan talaga hindi ka maasahan! Lumayas ka nga sa harapan ko!"
Padabog akong pumasok sa k'warto ko at narinig ko pang sumigaw ang nanay ko ng 'walang kwenta'.
Kasalanan ko ba iyon? Siya itong nagluluto, hindi ba? Lahat na lang ba ng kapalpakan niya sakin niya ibabato at isisisi? Nakakainis! Nakakabobo!
Lahat na lang kasalanan ko. Wala na akong nagawang matino. Ako na lang palagi ang may mali. Pero tama naman siya. Napakawalang kwenta ko.
Unti-unti ko na namang naaalala ang nangyari. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni nanay nang mawala ang tatay.
"KASALANAN MO LAHAT NG 'TO... DAHIL SAYO NAPAHAMAK ANG TATAY MO... DAHIL SAYO INIWAN NIYA TAYO... AT NG DAHIL SAYO NAWALA ANG ASAWA KO!"
Nagsimula na namang tumulo ang luha ko. Tama si nanay, dahil sa akin kaya nawala si tatay. Si tatay na pinakamamahal ko. Si tatay na laging nandiyan sa tabi ko. Si tatay na laging pumoprotekta sa akin. Si tatay na nagbibigay ng saya sa akin.
Dahil sa akin nawala siya. Dahil sa katangahan ko iniwan na niya kami... Iniwan niya akong nag-iisa.
Alam ko naman, e. Galit sa akin si nanay dahil doon. Dahil sakin kaya nawala si tatay. At dahil sa akin nawalan ng haligi ang masayang tahanan namin.
Kaya ngayon bagsak na. Wala nang matibay na pundasyon na nagpapatatag at nagbibigay kasiyahan sa amin. At kahit anong gawin ko hindi ko na mapapalitan lahat ng sakit at pighati na nararamdaman ni nanay noong mawala ang tatay.
Patuloy ako sa pag iyak at pag singhot ng sipon kong tulo ng tulo dito sa balcony ng aking k'warto—este sa bintana ng aking k'warto. Baka sumingit na naman si Author ng walang gano'n sa barong-barong kong bahay.
Nakadungaw lang ako rito habang unti-unting sinasakop ng dilim ang kalangitan.
"Tay, namiss mo ba bigla si lola kaya pumunta ka d'yan? Andaya mo naman kasi. Iniwan mo agad kami. Hindi ka man lang nagpaabiso, edi sana sumama na lang kami ni nanay."
Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Dapat bang tiniis ko na lang ang gutom ko noong panahong iyon?
Siguro kung naghintay pa ako ng kaunti sa pag-uwi nila galing trabaho, hindi hahantong sa ganito ang nangyari. Hindi sana nawala si tatay sa tabi ko.
"Tay, naman kasi. Ang hirap nang wala kayo rito. Alam mo bang parati na lang nabubuntong sa akin ang galit ni nanay? Kasalanan mo 'yun kasi iniwan mo kami, ako tuloy kinakagalitan niya lagi."
Lalo lang akong naiyak sa mga sinabi ko kasi ako naman talaga ang may kasalanan. Naiinis lang talaga ako kay tatay kasi hindi niya ako sinama.
"Joke lang, tay. Baka hatakin mo mamaya ang paa ko habang natutulog."
Pinunasan ko muna ang mukha ko bago ko ulit siya kausapin.
"Tay, miss ko na kayo ni lola... Kasama mo ba siya ngayon? Pwede bang pakitanong kung dati bang ibon ang Nokiang cellphone na pinamana niya sa akin? Madalas kasing magparamdam, e."
And speaking of... Nalimutan ko pala yung katext ko. Agad-agad kong hinanap ang phone ko sa papag. Nagulo kasi ang higaan ko dahil sa pag-e-emote ko kanina.
Baka mamaya nagreply na iyon. Aayain niya kaya ako?
Baka hindi na rin ako pumunta dahil wala nga pala akong balak. Pero kung may mang-aaya, edi go na. Sayang din ang experience!
Binaliktad ko na ang banig lahat-lahat pero hindi ko pa rin makita ang mahiwagang phone ko hanggang sa tumunog na ito.
***witwiw-witwit-wiw***
Napatingin naman agad ako sa ilalim ng papag dahil nahulog siguro. Nandoon nga nang makita ko at dinampot ito. Pagbukas ko may message na nga siya kaya agad ko itong binuksan.
From: Mr. Unknown Number
Okay
Iyon na 'yon? Tagal namang pinag-isipan n'yan. Kabobo, ah!
Akala ko naman kasi aayain niya akong maging date. Na-excite pa naman ako dahil baka makikilala ko na s'ya... Pero shetengene! Paasa!
Hindi na ako nagreply. Bahala s'ya d'yan! Baka hindi ko alam unggoy pala 'yan. Unggoy 'yan, unggoy!
Lumipas ang oras at hindi na muna ako lumabas ng k'warto dahil ayoko munang makita si nanay.
Ginawa ko na lang ang mga assignments ko at nagmuni-muni. Pero mayamaya pa napapaluha na naman ako. Ganito ba talaga kapag maganda? Iyakin?
Lumabas na ako ng k'warto nang mapansing wala nang ingay na nanggagaling sa labas.
Magbabanyo lang sana ako pero nang lumabas ako doon ko pa lang napansin ang isang platong may takip sa mesa. Nang tanggalin ko ang takip, may nakahain nang pagkain. Kanina lang walang kahit ano sa mesa pero paglabas ko meron nang pagkain.
Gaano ba ako katagal tumae sa banyo? Sumakit kasi ang tiyan ko, e, siguro dahil doon sa monay ni aling Mona.
Unti-unti na namang bumagsak ang luha ko nang makitang hinandaan ako ni nanay ng makakain.
Kahit na may galit sa akin ang nanay ko, hindi mawawala sa isip ko na may pagmamahal pa rin siyang natitira. Hindi lang niya siguro maipakita iyon sa akin dahil sa tuwing makikita niya ako naalala niya kung paano kami nawalan ng isang matatag na haligi ng tahanan.
Tahimik ang paligid ngayon kasi walang giyera. Bukas magkakaroon ulit, hintayin mo lang. Gets mo? Ako rin hindi, e. Hayaan mo na bobo ka naman.
Sinimulan ko nang kainin ang pagkaing inihanda ng nanay. Lalo lang akong umiyak nang matikman ko ito.
Sa susunod nga hindi ko na hahayaang sunugin ni nanay ang ulam. Sobrang pait talaga ng lasa. Kabobo naman!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Votes and comments are truly appreciated.
Tinkyu!
~Min ♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top