Chapter 9

DAVE POV

"Mauna ka na pumasok magpapark lang ako," sabi ko kay Raven, tumango naman sya saka lumabas na ng sasakyan.

Pagkapark ko, agad na 'kong pumasok sa loob at hinanap sya. Nakita ko syang nasa tapat ng pagbilihan ng accessories at may kausap sa phone.

"Hmmm, love you too." dinig kong sabi nya sa kausap nya at saka pinatay 'yong tawag.

Oh? Alam kaya ni Reeven 'to?

"A-Ah Dave a-anu-ano 'yong mga bibilhin? N-Nalimutan ko kasing isulat kagabi, eh." sabi nya habang kumakamot sa ulo.

"Ako na ang bahala sa bibilhin tapos ikaw naman ang bahalang magtulak sa push cart." sabi ko nang hindi nakatingin sakanya.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako makatingin sakanya. Maybe because of her eyes? Ang ganda kasi, ang sarap titigan.

Nandito kami sa counter para bayaran 'yong pinamili namin. Ako na ang nagbayad lahat kasi sya ang pagbubuhatin ko ng pinamili namin.

Why? That's what Reeven told me before we leave their house. Sounds rude? Well, I don't care.

"Buhatin mo na lahat 'yan." sabi ko saka tinalikuran sya.

"Hoy Dave! Wala ka talagang balak tulungan ako?" dinig kong sabi nya pero hindi ko sya pinansin at patuloy lang ako sa pag lakad ko.

Pagkarating ko ng parking lot sumandal ako sa kotse ko habang inaantay sya. Maya-maya pa... I saw her standing not far from where I was and seemed to be looking for someone and later she looked in my direction so she quickly walked towards me.

"Tagal mo," Pang-aasar ko sakanya nabigla nalang ako nang bigla nyang ibato sa'kin 'yong hawak nyang paper bag.

Phew! Buti nasalo ko, wala talagang pinagkaiba 'tong babaeng 'to sa kapatid nya.

"Matagal pala, eh. E'di ikaw na maglagay sa likod, tabi nga!" sabi nya tapos pumasok na sa loob ng sasakayan at pabagsak na isinara 'yong pintuan.

What the fvck?!

"Pag nasira 'yan ikaw ipapalit ko." sabi ko sakanya.

"Oh, talaga? I don't care, tss." irap nyang sabi sa'kin.

Namumuro na 'tong babaeng 'to.

"Ang tanga naman Raven!" dinig kong bulong nya.

Umiling naman ako. "Crazy."

"Sinong baliw ha?" nakapamewang na sabi nya.

"Shut up, ang ingay mo." sabi ko.

"Heh! Epal mo." haisst napaka ingay.

"Mauna ka na sa loob ako na bahala rito." sabi ko.

"Ayoko nga, nakakahiya." sabi nya.

"Ngayon ka pa nahiya?"

"Aba malamang! Hindi ko bahay 'to bakit ako papasok nang walang pasabi? Mamaya mapagkamalan pa akong magnanakaw eh." sabi niya saka inirapan ako.

"Dami mong sinasabi tara na nga." sabi ko at nauna ng pumasok sa loob.

"Umupo ka muna r'yan magbibihis lang ako." sabi ko saka binaba 'yong dalawang paper bag sa lamesa at umakyat na sa kwarto ko.

I was on my way down when I heard David shout.

"Mommy! kuya brought his girlfriend."

What the fvck?!

"Hey David! What are you saying? She's not my girlfriend." sabi ko.

"If she's not your girlfriend, why did you bring her here?" sabat ni mommy.

"Because we have a project to do."

"Oh, okay." nakangiting sabi ni mommy.

"What's on your mind, mommy? How many times can I tell you that she is not my girlfriend, she's just my classmate." iritang sabi ko.

"Okay, okay chill haha." Sabi na nga ba mang-aasar lang sya eh.

"Don't mind them." baling ko kay Raven na tahimik lang na naka upo.

Nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng volcano nang pumasok si mommy sa living room galing sa kusina at may dalang pagkain.

Lumapit sakin si mommy at bumulong.

"Pakainin mo muna 'yang classmate mo." talagang idiniin nya pa yung salitang 'classmate'

"Mommy!?"

"Iha, here oh kumain ka na muna." baling nya kay Raven.

"Ah t-thank you po," nahihiyang sabi nya.

"You can call me tita or mommy if you want." napapikit nalang ako sa inasta ni mommy.

"Ahh ehh t-tita nalang po hehe." sagot naman ni Raven.

"But I prefer mommy," nakangusong sabi ni mommy.

"Mom!" saway ko sakanya.

"Okay fine, ayaw mo lang magpaistorbo eh." Pang-aasar pa nya, napabuntong hininga nalang ako at bumaling kay Raven.

"Pagpasensyahan mo na si mommy." I said.

Ngumiti naman sya. "Okay lang."

Bumalik nalang kami sa kanya-kanya naming ginagawa.

"Putrages na buhok 'to, sagabal." Dinig kong reklamo nya kaya napatingin ako sakanya.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nag slowmo 'yong paligid. 'Yong pag tali nya ng buhok nya, 'yong pagpikit nya. Lahat bumagal.

Fvck! What is happening to me?


Umiling ako nang ilang beses pero gano'n pa rin hanggang sa natapos syang magtali ng buhok nya at nagtatakang tumingin sa'kin.

Tinapik nya ang pisngi ko at do'n na ako nabalik sa wisyo.

"Hoy Dave, okay ka lang? Bakit ka nakatingin sa'kin?" Tanong nya. "May harina ba ako sa mukha?"

"W-Wala, wala." umiiling na sabi ko at umiwas ng tingin.

"Eh bakit ka nakatingin sakin? Crush mo 'ko, 'no." napa irap naman ako.

"Ang kapal mo, ituloy mo na nga 'yang ginagawa mo." pagsusungit ko sakanya.

"Tapos ko nang gawin 'yong dough, ikaw na maghulma ng bulkan." aniya.

"Ayan okay na, ang galing natin." tuwang-tuwang sabi nya no'ng matapos kong hulmahin 'yong bulkan.

"Baka bumaba 'yan kinabukasan."

"Ikaw na magdala bukas ha?" Sabi pa nya, hindi nalang ako umimik. Tinignan ko nalang sya habang patuloy sa pagsusuri.

"What if pinturahan din natin para mas gumanda."

Fvck! Raven anong ginawa mo sa'kin?

"Ang ganda mo sana kaso napaka daldal mo." bulong ko sa sarili ko.

Napatingin naman sya sa'kin saka tinaasan nya 'ko ng isang kilay. "May sinasabi ka?"

"Wala, ang sabi ko ang daldal mo." sagot ko, napa-irap naman sya nang ilang beses.

"Tangina ka, alam mo 'yon?" napatawa nalang ako sa inasta nya.

"So kapatid mo pala si Reeven?" tanong ni mommy.

"Yes po," sagot naman ni Raven.

"Ang galing naman ng name nyo." tuwang-tuwang sabi ni mommy.


"Si mommy po 'yong naka isip ng pangalan namin ni Reeven." sagot naman ni Raven.

"Oh? Ang galing naman." pumapalakpak pa na sabi ni mommy.

"So–" hindi ko pinatapos 'yong sasabihin ni mommy nang magsalita ako.

"Mommy, kumakain pa sya." sabi ko, ngumiti naman sya.

Shit! Wrong move, Dave.

"You're so sweet naman, anak." Hays.

"Balik ka rito Raven ha? Welcome na welcome ka rito." Sabi ni mommy saka humiwalay sa pagkakayakap kay Raven.

"And sana kapag bumalik ka rito girlfriend ka na ni Dave ko." agad ko sinuway si mommy.

"Mommy! Ah Raven hatid na kita." sabi ko.

"Ahh ano kasi eh... May bibilhin pa kasi ako." Sagot naman nya.

"Samahan ka na ni Dave, iha. Baka mapano ka kung mag-isa ka lang." sabat ni mommy.

"Ah h-hindi na po, kaya ko na po sarili ko." sagot ni Raven, siniko naman ako ni mommy.

"Samahan na kita." sabi ko at nauna nang lumabas.

"Kasi sabing kaya ko na eh." reklamo ni Raven.

"Kung hindi dahil kay mommy papabayaan kita." sabi ko.

"E'di pabayaan mo na 'ko mag-isa." Sabi nya tsaka ako tinalikuran at naglakad palabas ng gate.

"Teka! Raven!" tawag ko sakanya pero tuloy tuloy lang sya.

"Fvck!" mura ko bago pumasok sa kotse ko at inistart ang makina saka sya hinabol.

***

RAVEN POV

"Raven, get in!" dinig kong sabi ni Dave pero hindi ko sya pinansin.

"Sasakay ka o bubuhatin pa kita?" sabi nya kaya napahinto ako sa paglalakad.

Inis ko syang nilingon. "Hayaan mo na kasi ako! Umuwi ka na!" 

Inihininto naman nya 'yong kotse nya at saka bumaba.

"Hindi ka talaga sasakay?" tanong nya saka unti-unting lumapit sa'kin kaya napaatras ako.

"Wag mong susubukang buhatin ako, lagot ka talaga." pagbabanta ko.

"Ows? Really? Anong gagawin mo?" nakangising tanong nya.

Geez. May creepy side pala 'tong mokong na 'to.

"Oo na! Sasakay na." pagsuko ko. Saka sumakay na sa kotse nya.

"Arte ka pa, ha." pang aasar pa nya pero hindi ko sya pinansin.

Nakakainis.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top