Chapter 7

REEVEN POV


"Bro, bakit ang tagal mong mag-cr?" Darwin asked.


"Oo nga, bro. Akala ko nga nilamon ka na ng inidoro, eh." sabat ni Brix.


"Naka usap ko si Sofia." sabi ko.


"Ows? Ano sabi?" tanong ni Brix.


"She said that she likes me too." sagot ko, malakas namang tumawa si Brix.


"Seryoso ba 'yan, bro? Ang Laught trip naman." sabi nya habang tumatawa.


"I thought she likes Lucas?" tanong ni Dave.


"Oo nga. Si Lucas ang gusto nya pero no'ng nalaman nyang may ibang gusto si Lucas biglang nag bago isip nya." paliwanag ko.


"What a bitch?!" halata sa mukha ni Dave ang pagka irita no'ng sinabi nya yon.


"Bitch talaga, bro." sabat ni Brix.


"Oh tapos ano sabi mo? I mean anong reaksyon mo no'ng malaman mong ikaw na ngayon 'yong gusto nya?" tanong ni Darwin.


"Wala," sagot ko.


"Wala? As in, wala?" hindi makapaniwalang tanong ni Brix kaya binatukan uli sya no'ng dalawa.


"Ano ba kayong dalawa! Kanina pa kayo batok nang batok, ha!" sigaw nya.


"Engot ka kasi!" singhal ni Darwin.


"Maka engot ka naman." reklamo ni Brix.


Hindi ko nalang sila pinansin hanggang sa matapos na kaming kumain.


"Nga pala, bro. Malapit na birthday nyo ni Raven, ah. Uuwi ba uli sila tito't tita?" Darwin asked.


"Yeah." maikling sagot ko


Dumiretso na kami sa kanya-kanya naming classroom dahil malapit nang mag time.


***

RAVEN POV


"Anong subject natin ngayon?" tanong ni Lyle habang naglalakad kami pabalik ng classroom.


"History yata, eh." sagot naman ni Krystal, napabuntong hininga nalang ako.


"Anyare, Ven?" tanong ni Krystal.


"Ha? Wala namang nangyare ah." takang sagot ko.


"May pabuntong hininga ka pa." aniya.


"Ang dami mong napapansin." sabi ko saka inunahan silang mag lakad.


"Mag antay ka, Raven. Hoy, Lyle bilisan mo maglakad!" dinig kong sigaw ni Krystal


Bungangera talaga kahit kailan, hays.



Nang makarating ako ng classroom ay agad na akong dumiretso sa upuan ko.


"Bwisit ka talaga kahit kailan, Raven!" sabi ni Krystal pagkapasok nya ng room.


"Ano na naman?" maang-maangan ko


"Anong ano na naman?! Hay, ewan ko sayo!" natawa nalang ako sakanya at hindi sya pinansin.


Maya-maya pa ay dumating na si sir, teacher namin sa history.


"So ngayon class, hindi muna ako mag-di-discuss kasi may pinapagawa pa sa akin si Ma'am Principal." sabi ni sir. "But mag-iiwan ako ng gagawin nyo." saad nya at saka nagsulat sa board.


"So paano ba 'yan, aalis na muna ako. Ms. President, ikaw na muna bahala sa mga classmates mo, ha?" sabi ni sir nang matapos syang magsulat.


"Opo sir." sagot naman ng president namin


Pagkaalis ni sir ay agad na 'kong naglabas ng papel at ballpen pero bago ako magsimulang magsagot, hinarap ko si Dave para itanong sakanya 'yong about sa science.


"A-Ah Dave, kailan tayo mag-istart gumawa ng volcano model?" alanganing tanong ko.


"Maybe this Saturday, in my house." sagot nya.


Sheyt! Bakit sa bahay pa nila? Eh pwede naman sa amin.


"Ahh okay, so kailan bibili no'ng mga gagamitin?" tanong ko ulit.


"Saturday rin." sagot nya habang hindi tumitingin sakin.


Okay? Medyo bastos sya sa part na 'yon. Pero okay lang, I don't care naman.


After ng 'pag uusap' namin ni Dave, sinimulan ko nalang sagutan 'yong binigay ni sir.


Habang nagsasagot ako biglang may sumulpot na bugok sa harapan ko.


"Oy Raven ang sipag natin ah." nakangiting sabi nya, tinignan ko lang sya at hindi pinansin.


"Ang sungit mo talaga, pagbuhulin ko kayo ni Dabe, eh." sabi pa nya pero hindi ko parin sya pinapansin.


"Raven, magsalita ka nga."


Bahala ka riyan.


"Oy Raven."


Ewan ko sayo.


"Psst Raven." kinalabit pa nya ko pero hindi ko pa rin sya pinapansin.


Ano bang problema ng taong 'to? Hindi kaya may gusto sakin 'to.


"Ra-" hindi nya natuloy 'yung sasabihin nya nang unahan sya ni Dave.


"Pwede ba, Brix. Go back to your seat. Gawin mo nalang 'yong pinapagawa." sabi nya kaya sumimangot si Brix.


"Ang sabihin mo, gusto mo lang syang masolo." sabi nya saka umalis na sa harapan ko.


***

"Ven, sa 'yo nalang 'to, ayoko na, eh." sabi ni Lyle


"Kaya hindi ka tumatangkad, eh." pang aasar ni Krystal sakanya.


"Epal ka, tal." sabi nya.


"Pandak," pang-aasar pa ni Krystal.


"Maka pandak ka naman, parang ang tangkad mo, ah. Eh hindi mo pa nga natatangkaran si Raven, eh." banat ni Lyle.


"Foul 'yon, ah. Gaga ka talaga." si Krystal.


"Awit sa inyo, mga pandak." pang-aasar ko sakanila.


"Tangina mo, Raven." sabi ni Krystal, tinawanan ko lang sya.


"Kapag kami lang talaga tumangkad, who you!" sabi ni Lyle.


"Kung may itatangkad pa kayo." sabi ko, binato naman nila ako ng isang butil ng kanin.


"Hoy! Ano ba 'yan ang dudugyot nyo! Ano ba 'yan!" reklamo ko.


"Ang yabang mo ah, porket matangkad ka." si Krystal.


"Sorry na," natatawang sabi ko.


"Apology unaccepted." sabi naman ni Lyle


"Lah? Bakit?" tanong ko.


"Since malapit na birthday mo, ililibre mo kami ni Krystal." sagot ni Lyle.


"O'sige, saan at kailan?" tanong ko.


"Mamaya sa starbucks." sabat ni Krystal.


"Sige ba. Papaalam muna ako kay Reeven." sabi ko.


"Pupunta tayo sa tambayan nila?" tanong ni Lyle.


"Hindi, itetext ko sya." sagot ko.


"Ayy sayang." nakasimangot na sabi ni Lyle.


Agad kong nilabas ang cellphone ko at tinext na si Reeven at maya-maya pa ay nag reply sya ng 'okay'.


"Ayon! Okay raw." sabi ko.


"Yown! Makakagala ulit sa wakas." sabi ni Krystal.


"Sino susundo sa 'yo?" tanong ni Reeven.


"Mag-taxi ako." sagot ko.


"Dapat 6 nasa bahay ka na." sabi nya.


Ngumuso naman ako. "Ang aga naman!"


"Nagrereklamo ka?" seryoso nyang tanong.


"Sabi ko nga 6 uuwi na." palihim naman akong umirap.


Tinalikuran ko na sya at pumunta na kina Lyle. "Tara na."

"Ano pang sinabi sa 'yo no'n?" tanong ni Krystal.


"Tinanong nya kung sino ang susundo sa'kin at ang sabi ko mag tataxi nalang ako, tapos sabi pa nya dapat 6 nasa bahay na 'ko." sabi ko


"Okay, tara na para maka abot ka ng 6." sabi ni Lyle.


Pagkarating namin ng mall dumiretso kami agad ng starbucks at after no'n nag arcade naman kami.


"Nakaka-inis naman 'tong claw machine na 'to! Ang daya-daya." reklamo ni Krystal.


"Ang sabihin mo hindi ka lang talaga marunong." sabi ni Lyle.


"Hoy ang kapal mo! Marunong kaya ako, sadyang madaya lang 'to." sabi ni Krystal.


"Sige kung marunong ka kunin mo nga 'yong cute stuff toy na 'yon." panghahamon ko.


"Pahingi muna token." sabi nya habang nakalahad ang kamay nya.


Tinabig ko naman ang kamay nya. "Mukha mo! Ang dami ng token mo kanina, eh."


"Iyon na nga, eh. Naubos dahil dito sa bwisit na claw machine na 'to." sabi nya.


"Sinisi mo pa talaga 'yan, ah. Eh anong alam n'yan?" singit ni Lyle.


"Aisshh! Ayoko na rito sa claw machine na 'to." sabi nya saka naglakad papunta sa may baril-barilan.


"Kaya mo ba 'yan?" tanong ko.


"Watch and learn." sabi nya tsaka umupo sa may bakante at nagsimula na syang maglaro.


"Akala ko ba ubos na token n'yan?" tanong ni Lyle.


Nagkibit-balikat ako. "Malay ko d'yan."


"Wahh! Mama! 'Wag ka lalapit, kyahhh! Putcha! Wag kang lalapit, wahh!" maya-mayang sigaw ni Krystal, kaya naman pinatinginan sya ng ibang naglalaro.


Tinapik ko sya. "Hoy bruha! Baka nakakalimutan mong nasa arcade tayo at maraming tao."


"Ayy sorry hehe, kyahhh!" sigaw nya ulit. Kaya nilapitan na kami ng nagbabantay at ending napalabas kami.


"Nakaka-asar ka naman Krystal, pati tuloy kami napa alis." sabi ni Lyle.


Kumamot naman ng ulo si Krystal. "Sorry na nga, eh."


"Ano, uuwi na tayo o dito muna?" tanong ni Lyle.


"Uwi na tayo lapit na mag 6." sabi ko.


"5:39 palang naman Raven, eh." sabi naman ni Lyle.


"Ihhh kahit na, baka mamaya traffic edi lagpas 6 na 'ko naka-uwi." sabi ko. "Alam nyo naman ugali ng kakambal ko, 'di ba?" patuloy ko.


"Napaka arte nya naman kasi." si Krystal.

"Hayaan na, may next time pa naman, eh." sabat ni Lyle.

"Sabagay tama si Lyle, may next time pa kaya uwi na tayo." si Krystal.


Pagkarating ko ng bahay, nagpalit agad ako ng pambahay at umiglip muna saglit.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top