Chapter 4

RAVEN POV


"Hey, wake up dinner is ready." nagising ako sa mahinang pag-uga sa'kin ni Reeven.

"Sunod na 'ko," sagot ko tumango sya tsaka lumabas na ng kwarto ko.

Pagkalabas nya ay agad na akong tumayo para makapag bihis na. At pagkatapos kong magbihis ay agad na rin akong lumabas ng kuwarto at dumiretso sa dinning area.

"Nga pala Reeven, bakit hindi ka pumunta ng canteen kanina?" tanong ko habang ngumunguya.

"Wala lang," sagot nya nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay agad na 'kong tumayo at dumiretso na sa kwarto ko para mag toothbrush.

Pagkatapos kong mag toothbrush dumiretso na agad ako sa study table para tapusin 'yong mga assignments ko.

"Grabe! Ang sakit sa ulo no'ng math, lintek!" sabi ko habang  hinihilot 'yong sintido ko.

Niligpit ko na agad lahat ng gamit ko saka kinuha 'yong phone ko sa katabing table ng kama ko at nahiga na. Pagka open ko ng wifi ay agad na nagsitunog 'yong messenger ko.

Anak ng tokwa naman! Naglalag tuloy putek naman.

Agad kong inopen 'yong gc nila Reeven para i-mute. Pagkamute ko ay agad ko na ring binack 'yong messenger ko. Wala akong pake sa mga pinaguusapan nila haha.

Nanonood ako sa youtube nang may magmessage sa qkin. Kumunot naman 'yong noo ko kaya binuksan ko ito para basahin.

Dave:
Hey! Do you have a problem with your brother?

Napa 'wow' nalang ako sa biglang pag message sa 'kin ni Dave

Raven:
Wala naman akong matandaan na pinag awayan namin, bakit?

Ano na naman kaya ang drama ng ugok na 'yon?

Dave:
Nothing, thanks

Sineen ko na lang 'yong chat nya. Wala naman akong balak na pahabain pa, eh. Kaya pinagpatuloy ko nalang 'yong naudlot kong panonood.

Shucks ang lalim no'n ah, char.

Habang nanonood ay hindi mawala sa isip ko 'yong tinanong ni Dave. What if puntahan ko si Reeven para kausapin? Kaso baka sungitan lang ako no'n.


"Aishh! Mapuntahan na nga!" sabi ko sa sarili ko tapos lumabas na papunta sa kwarto ni Reeven.

Nasa tapat na ako ng kwarto nya, nagdadalawang-isip ako kung papasok ba 'ko o ano.

Ano ka ba Raven! Nandito ka na eh.

"Hoo! Go Raven kaya mo 'yan," bulong ko sarili ko saka agad na pumasok sa kwarto ni Reeven.

"What are you doing here?" tanong nya no'ng makapasok ako sa kwarto nya.

"Im here for you," sagot ko.

"It's too late, go back to your room." sabi nya.

Umiling ako. "Hindi ako babalik hanggat hindi mo sinasabi sa 'kin kung anong problema mo."

"Just dont mind me, go back to your room now." matigas na sabi niya.

'Di porket mas matanda ka sa 'kin gaganiyan ka na? Tss asa!

"Kung sinabi mo na kung anong problema e'di tapos!" inis na sabi ko narinig ko pa siyang bumuntong hininga.

"Sofia rejected me," nakayukong sabi nya.

Pfft! Para 'yon lang.

"Para 'yon lang nagkakagan'yan ka na?" muntik na 'kong matawa no'ng tinanong ko 'yon.

"You don't understand me, Raven." sabi nya. "Matagal ko nang gustong ligawan si Sofia pero natotorpe ako, kahapon lang ako naglakas loob na manligaw sa kaniya pero nireject nya lang ako." sabi nya kaya napatahimik ako. "Hindi mo alam 'yong feeling ng mareject kasi babae ka." pagpapatuloy nya.

Gosh! Hindi ko sya kayang tignan nang ganito. Hindi ako sanay na nakikita syang malungkot.

"O-Okay, I'm sorry," lumapit ako sakanya para yakapin sya. "Don't be sad, okay? Hindi ako sanay na gan'yan ka, eh. Tsaka marami pa namang iba r'yan eh. Marami ka pang makikilala kaya kalimutan mo na sya." sabi ko, nadinig ko naman syang bumuntong-hininga.

"Wag ka na malungkot bro, dito pa naman ako eh... mga friends mo. We're here for you so don't be sad, okay?" nakangiting sabi ko. "Trust me, may dadating din sa 'yong girl na kaya kang mahalin pabalik." tuloy ko pa nakita ko naman syang ngumiti.

"Thanks, Ven, thank you for being there for me." sabi nya kaya niyakap ko sya.

"Syempre kakambal kita, eh." sagot ko. "Yieee! Nakangiti na sya."

Ginulo naman nya ang buhok ko!

"Tss... matulog ka na maaga pa tayo bukas." sabi nya.

"Hmm, sige good night bro. I love you mwahh!" sabi ko at kiniss sya sa pisngi.

"Goodnight, lil twin sister. I love you more." sabi nya kaya lumabas na 'ko sa kwarto nya at dumiretso na 'ko sa kwarto ko.

Wait... sino kaya 'yung Sofia na niligawan nya? Eh wala naman akong kilalang kaklase nya na Sofia.

Aissh! Makatulog na nga lang, ang mahalaga okay na si Reeven.

Kinabukasan. Maaga akong nagising para tulungan si manang na maghanda ng breakfast namin.

"Oh? Ang aga mo naman magising, hindi pa ako tapos magluto ng kakainin nyo eh." sabi ni manang habang nagluluto.

"Tutulong po sana akong maghanda ng breakfast namin hehe." sagot ko.

Tumango naman sya. "Gano'n ba? O'sya sige pakihanda na lang 'yong mga plato nyo malapit naman nang maluto itong pagkain nyo, eh."

Nang matapos na akong maghanda, inutusan ako ni manang na gisingin na si Reeven.

"Reeven gising na, nakaluto na si manang." sabi ko habang inuuga sya.

"Oh? You're too early huh?"

Loko 'to ah! Nang asar pa

"Aba! Hindi lang ikaw ang kayang magising nang ganito ka aga, 'no." pagsusungit ko natawa naman sya.

"Okay, chill haha." inirapan ko nalang sya.

"Hayst! Bumangon ka nalang nga, pasalamat ka hindi kita binuhusan ng malamig na tubig gaya ng ginawa mo sa'kin noon." sabi ko tumawa na naman sya.

"Ang ingay mo... labas na sunod nalang ako," sabi nya tumango nalang ako saka lumabas na ng kwarto nya at dumiretso na sa kusina.

"Oh? Nasaan si Reeven?" tanong ni manang.

"Susunod nalang daw po sya, manang." sagot ko tsaka nagsimula nang kumain hindi rin nagtagal ay bumaba na rin si Reeven at sumabay na sa'king kumain.

"Ang aga mo naman Raven." sabi ni Krystal na kapapasok lang.

"Sadyang mabagal ka lang. Anyway, asan si Lyle?" tanong ko.

"Malay ko ro'n sa babaeng 'yon, sabi nya paalis na sya kaya nagmadali akong maligo." sabi nya.

"Ahh, baka may dinaanan lang." sabi ko saka pinagpatuloy 'yong ginagawa ko.

"Good morning!" malakas na sigaw ni Brix.

"Brix, umagang-umaga ang ingay-ingay mo!" sigaw ni Krystal.

"Wow! Nagsalita ang hindi maingay." bulong ko sa sarili ko.

"Oww? Sorry Krystal hehe." sabi ni Brix at umakto pang zinipper 'yong bibig nya.

Napa-iling nalang ako sa kanilang dalawa.

"Hoy bruha ka! Saan ka galing at ngayon ka lang?!" sigaw ni Krystal kaya napatingin ako kay Lyle na kararating lang.

"Ahh... Ano... M-May dinaanan lang ako." kinakabahang sagot nya

"At saan naman?" Tanong pa ni Krystal kay Lyle.

"Aissh! Basta 'yon na 'yon."

Hindi ko nalang pinansin.

"Good morning, Dabe!" sigaw bigla ni Brix

Langya naman 'tong mga 'to! Umagang-umaga ang iingay. Haysst.

"Fvck you, Brix." sabi ni Dabe—ayy este Dave pala haha putcha nahawa na 'ko kay Brix.

Naglakad na lang si Dave papunta sa upuan nya at hindi na pinansin si Brix.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top