Chapter 38
DAVE POV
"Ang bilis ng panahon, 'no? Dati-rati ikaw pa 'yong katabi ko ngayon dito sa harap. Tapos ngayon, ikaw na ang groom." napatingin ako kay Reeven sa tabi ko.
He's right, dati ako lang ang groom's men nya ta's ngayon ako na ang groom.
"Masaya ako para sa inyo ni Raven. Hindi ko nga akalain na ikaw ang mapapangasawa nya eh." nakinig lang ako sa mga sinasabi nya. "Alagaan mo kakambal ko, ha? Hindi man halata pero sobra ang ginawa kong pag aalaga ro'n. H'wag mo na ulit syang paiiyakin, ha?"
Tinapik ko ang balikat nya. "I promise. Aalagaan ko sya gaya nang pag-alaga mo sakanya. And I promise, I won't hurt her again." sabi ko.
"Ang drama natin put—ayy bawal pala mag mura." natawa nalang ako habang umiiling.
Umayos ako ng tayo nang biglang bumukas ang pintuan ng simbahan at nakita ko roon ang napakagandang babaeng minamahal at mamahalin ko pang habang-buhay. Dahan-dahan ang ginawa nyang paglakad.
Si tita at si mommy ang kasama nya sa paglakad at mukhang kinakausap nila si Raven dahil kita ko ang bawat pagtango nya.
"Nako! Mukhang may iiyak ah." dinig kong bulong nitong katabi ko ngunit hindi ko nalang ito pinansin.
Hanggang sa makarating sila rito sa harapan ko ay agad kong niyakap si tita at sunod naman si mommy.
"Ingatan mo baby ko, ha?" sabi ni tita agad naman ito sinita ni Raven.
"Yes po, tita." sagot ko.
"Nakakatampo 'tong anak mo ha. Sabing mommy na ang itatawag sa akin eh." natawa kami sa inasta ni tita— I mean, mommy.
Nang umupo sina mommy, agad kaming humarap ni Raven sa pari. Pero bago 'yon, bumulong muna ako sakanya.
"You're so beautiful." namula naman sya kaya mahina akong tumawa. I don't know but gustong-gusto ko syang nakikitang kinikilig.
I am happy now because I can finally be with the woman I will love forever. I have nothing more to ask for.
Pagkatapos naming magpalitan ng vows at ng singsing may sinabi pa ang pari pero hindi ko ito maintindihan dahil nanatili ang mga mata ko sa babaeng kaharap ko.
"Dave and Raven, because God has brought you together and you have vowed before God to keep your marriage pure and permanent as long you both shall live... I pronounce you, husband and wife." tumingin sa akin si father at tumango. "You may now kiss your bride."
Tinaas ko na ang belo na nakaharang sa mukha ni Raven bago sya halikan.
"I love you so much, my wife." I whispered.
"I love you more, my hubby." nakangiting tugon nya.
Dumiretso na kami sa reception pagkatapos no'n. Pagkarating namin ay agad kaming sinalubong ng mga pagbati. Pinasalamatan namin ito ni Raven bago pumunta sa upuan namin.
Matapos ang salo-salo, pinasalamatan namin lahat-lahat ng mga dumalo at lahat ng tumulong para ganapin ang napaka espesyal na araw na ito. Nang magsi-uwian na ang lahat, umuwi na kami ni Raven sa bahay.
Pagkarating namin ng bahay ay agad ko nang pinarada ang sasakyan ko sa garahe. Dito na tumira si Raven simula noong magpropose ako sakanya. Napangiti nalang ako nang maalala ang araw na iyon.
"Baliw ka na 'yata." nilingon ko si Raven na naka upo sa gilid ko. "Ngumingiti ka mag isa." umiiling na sabi nya. Tumawa nalang ako saka bumaba na ng sasakyan para pagbuksan sya ng pintuan.
Pumasok na kami sa loob at umakyat na ng kwarto.
"Magshower ka na sunod nalang ako." aniya.
"Sabay nalang tayo." sabi ko at niyakap sya.
Pinalo naman nya ako sa braso. The fuck? Ano ginawa ko?
"M-Mauna ka na nga! Susunod nalang ako." namumula ang mukha nya nang tignan ko ito. Is she shy?
"Bakit ka nahihiya eh mag asawa na tayo." sabi ko kaya mas lalong namula ang mukha nya. Tumawa ako nang malakas na ikakunot ng kanyang noo.
"H-Hindi ako n-nahihiya, 'no! Bakit naman ako mahihiya sa 'yo?" tangi nya.
"Okay fine, sabi mo eh. Ikaw na ang mauna sunod nalang ako." ani ko at humiwalay na sa pagkakayakap sakanya.
Nang makapasok sya ng cr ay umupo lang ako sa kama habang nagsi-cellphone.
Napaangat ang tingin ko nang marinig kong bumukas ang pintuan ng cr. Lumabas na rito si Raven na naka bath robe.
"Your turn," aniya.
Tumayo na ako at inilagay ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at saka nilapitan sya.
"Ang bango mo." sabi ko at inamoy-amoy ang kanyang leeg.
"A-Ano ba, nakikiliti ako. Magshower ka na rin doon." sabi nya kaya tumigil ako sa pag amoy sakanya.
"H'wag ka munang matutulog, ha? Wait for me." sabi ko na ikinatawa nya.
"Oo na. Bilisan mo na."
Dali-dali akong pumasok ng cr upang mag shower. Mabilis lang ang ginawa ko at nang matapos ay lumabas na ako.
"Grabe ka. Wala pang thirty minutes tapos ka na agad?" natawa nalang ako at nilapitan sya habang nagsusuklay.
"Let's go."
"Where are we going?" hindi ko alam kung hindi ba nya talaga gets or nagloloko lang sya.
"Alam mo na,"
"Ano ba 'yon?" napa irap nalang ako at sinunggaban agad ang labi nya.
Narinig ko ang mahina nyang ungol sa gitna ng paghahalikan namin. At dahil doon ay nakaramdam ako ng matinding init sa aking katawan. Binuhat ko sya at lumakad ako papunta sa kama saka sya dahan-dahang ibinaba.
"I love you, Raven." bulong ko at saka itinuloy na pagpapaligaya sa isa't-isa.
***
"Capt. Kumusta na? Balita ko buntis na si misis, ah." Derrick said, my co captain.
"I'm fine. And yeah, she's seven months pregnant." sagot ko.
"Malapit na pala. Dalawang buwan nalang." tipid na ngiti ang ginawad ko sakanya bago sya magpaalam na may gagawin daw muna sya.
Isang buwan nalang ay pwede na akong umuwi. I miss them already and I can't wait to see my two angel. Yes, they're twins. Girl and Boy. Halos hindi ako makapaniwala noong sinabi ni Reeven na kambal ang magiging anak namin.
Sila tita at mommy ang kasama ni Raven sa bahay. Sila ang nag aalaga at nagbabantay sa mag-iina ko. Shit, ang sarap sabihin ang word na 'mag-iina ko.' Parang gusto kong pabilisin ang oras para mas mapabilis na rin ang pag uwi ko.
["Kailan ka uuwi?"] nahimigan ko ang malungkot na boses ni Raven nang itanong nya 'yon.
"Next month." sagot ko ngunit ang hindi nya alam ay narito na ako ngayon sa airport at hinihintay sina Reeven at Brix.
["Ang tagal naman. Miss na miss ka na namin."] I chuckled because I can imagine her pouting face after saying that.
"I miss you too..."
Nang makita ko sa labas sina Reeven ay agad na akong nag paalam sakanya. Ayaw pa nyang pumayag no'ng una pero ang sabi ko ay kailangan na ako ng co captain ko kaya kahit labag sa loob nya ay pumayag na rin sya.
I already home baby. Wait for me.
Agad na akong lumakad papunta sa puwesto no'ng dalawa. Nagulat pa si Brix sa biglaang pagsulpot ko sa likuran nya.
"Welcome back, man. Tara na, inaantay ka na ng mag-iina mo." ani Reeven.
Tinulungan nila akong ipasok ang mga gamit ko sa kotse at nang matapos 'yon ay sumakay na kami at nagmaneho na si Reeven pa-uwi.
Nang makarating kami ng bahay, dali-dali akong bumaba ng kotse at pumasok na sa bahay. Nagulat si mommy nang makita akong pumasok ng bahay. Mabilis akong sumenyas na 'wag maiingay nang akmang sisigaw sya.
"Bakit hindi mo kami sinabihan na ngayon pala ang uwi mo?" tanong nya matapos akong yakapin.
"Balak ko pong surpresahin si Raven. Nasaan po sya?" tanong ko.
"Upstairs. She's with Trina. At lagot ka umiiyak sya." at nanakot pa talaga si mommy. But, she's right. Lagot talaga ako kay Raven.
Nagpaalam na muna ako kay mommy na aakyat muna. At nang marating ko na ang kwarto namin nadinig ko ang mahihinang hikbi ni Raven mula rito sa labas. Tangina lagot talaga ako nito.
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok.
"Naka uwi ka na pala. Bakit hindi mo man lang sinabi sa'min?" tanong ni tita.
"Susupresahin ko po kasi si Raven." sagot ko.
"Katutulog nya lang. Iyak kasi nang iyak kanina eh."
"Gano'n po ba? Ah, ako nalang po ang magbabantay sakanya." ani ko.
"Oh sige. Sa baba muna ako." tumango nalang ako sakanya at saka lumabas na sya.
Agad kong nilapitan si Raven na mahimbing ang tulog. Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok at saka pinatakan ng halik ang kanyang noo.
"I'm home, babe. Sorry for making you cry. Sorry for not telling you my plan." bulong ko sa tainga nya.
Naramdaman nya 'yata na narito ako kaya agad syang gumising.
"Dave?"
"Yes, babe. That's my name." nakangiting sabi ko. Nawala naman ito at napalitan ng pangamba dahil bigla syang umiyak. "Fuck! Why are you crying? Did I do something wrong?" tarantang tanong ko habang yakap-yakap sya.
"Sinungaling ka. You told me na next month pa ang uwi mo pero bakit nandito ka na?" umiiyak pa ring tanong nya.
"Surprise?" sabi ko at ngumiti nang pilit.
"I hate you! Ang sama-sama mo! Sinungaling ka—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya nang halikan ko sya.
"I love you," sabi ko matapos ko syang halikan.
"I love you." sagot nya habang nakanguso.
"Matulog ka na ulit. Babantayan kita." sabi ko, tumango naman sya bago ipikit muli ang kanyang mga mata at natulog ulit.
Isang buwan na simula no'ng makauwi ako. Nakagawian ko na rin ang gumising nang maaga para magluto ng pagkain namin ni Raven.
"Dave! Puta, manganganak na 'yata ako!" nahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang sigaw ni Raven.
Dali-dali akong nagtungo sa kwarto namin. Nadatnan ko syang naka-upo sa gilid ng kama habang nakahawak sa baba ng tiyan nya.
"Dadalhin na kita sa hospital." ani ko at binuhat sya saka dali-daling lumabas ng bahay at isinakay sya sa sasakyan.
Nang makarating kami sa hospital ay agad na akong nagtawag ng nurse kaya mabilis nilang isinakay si Raven sa stretcher.
Agad kong tinawagan sila tita na nandito na kami sa hospital at ang sabi nila ay susunod na raw sila.
"Doc, can I come inside?" tanong ko nang ipapasok na si Raven sa delivery room.
"Yes po, sir. Para may kasama po si misis." sagot nya kaya pumasok na kami sa loob.
"Aaahhhhh." mahigpit na hinawakan ni Raven ang kamay ko habang umiire sya.
"Isa pa misis. Malapit nang lumabas ang ulo ng bata." sabi ng doctor kaya umire ulit si Raven.
Lumipas ang ilang oras, may narinig akong mahinang iyak ng sanggol.
"It's a girl." masayang sambit ng doctor.
Our princess.
Dahil kambal ang anak namin ay pina-ire ulit sya. Kita ko sa mukha nya ang pagod pero kinakaya nya pa rin.
"It's a boy. Congratulations Mr. And Mrs." pagkasabi no'n ng doctor ay agad ding nawalan ng malay si Raven.
And our prince.
Nailipat na ng kwarto si Raven at mahimbing na natutulog. Nandito na rin sila tita at mommy pati na rin sina Reeven at ang asawa nya.
"Dave, nasaan ang mga anak natin?" napalingon ako kay Raven.
"Parating na sila." pagkasabi ko no'n ay sakto namang may pumasok na dalawang nurse hawak-hawak ang dalawang anghel namin.
Agad ko namang kinuha ang isa at ang isa naman at kinuha ni Raven.
"Ang cute naman nila. Manang-mana sa mga lola." natawa naman kami sa sinabi ni tita.
"May naisip na ba kayong ipapangalan?" tanong ni Reeven.
"Vernon and Veronica." sabay naming sagot ni Raven.
Ako na 'yata ang pinakamasayang asawa at tatay sa buong mundo. Sobra akong nagpapasalamat dahil sila ang ibinigay sa akin. Napatingin ako kay Raven habang hinahalik-halikan si Vernon.
Napangiti nalang ako dahil sila ang napakagandang nangyari sa buhay ko.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top