Chapter 36
RAVEN POV
"Gagi? Seryoso kayo na ulit?" gulat na tanong ni Krystal.
"Oo nga. Two months na." sagot ko.
"My gosh! Ba't ngayon mo lang sinabi?" nginitian ko lang sya.
"Para surprise," sagot ko.
Magsasalita pa sana sya nang tawagin na sya ni Brix.
"Saluhin mo 'yong bouquet, ha?" bulong nya bago sumama kay Brix.
"Hey," napalingon naman ako kay Dave na kaka upo lang sa tabi ko.
"Hi," nakangiting bati ko.
"Gusto mo ng dessert? Ikukuha kita." mabilis kong hinawakan ang kamay nya para pigilan sya.
"Nah, busog na ako. Thank you na lang." sabi ko.
"Okay,"
Pareho lang naming pinapanood magkulitan sa harap sina Krystal at Brix. Tawa kami nang tawa dahil pinagtitripan ni Brix si Krystal.
Hinatid na ako ni Dave pagkatapos no'n. Saglit akong naghalf bath at nang matapos ay nagbihis na ako saka humiga na sa kama.
Ilang araw nalang pala at pasko na. Ang bilis lumipas ng araw. Ilang araw nalang din at kasal na ni Reeven. I'm so happy for him.
Speaking of Reeven, agad kong kinuha 'yong cellphone ko sa katabing lamesa ng kama ko dahil tumatawag si Reeven. Hindi nga pala sya nakapunta kanina dahil nasa probinsya sya nila Amanda.
"Hey bro, musta r'yan sa pronbinsya?" tanong ko.
["Okay naman. Ikaw... kumusta? Balita ko kayo na ulit ni Dave, ah."]
"Okay lang naman ako. Yeah, dalawang buwan na simula no'ng nakipagbalikan ako sakanya." sagot ko.
["Congrats. Kailan kasal?"] natatawang tanong nya.
"Hindi ko alam,"
Totoo naman eh. Hindi ko alam kung kailan nya balak.
"Sya nga pala ang grooms men mo, 'di ba?" pag iiba ko ng usapan.
["Yup. At ikaw naman ang brides maid ni Amanda."]
Ako ang kinuhang brides maid ni Amanda dahil wala syang kapatid na babae.
"So, kailan ang balik nyo rito?"
["Next week."]
Madami pa syang kinwento hanggang sa ibaba nya na ang tawag dahil tinatawag na raw sya ni Amanda. Hmm, mukhang mauuna pa 'yata ang honeymoon kaysa kasal.
"Ate Ven, may tatlo pong order ng redvelvet cookie at mamaya raw po kukunin." tumango nalang ako sa sinabi ni Wena.
Nang matapos kong ilagay 'yung mga cookies sa box ay sakto ring dumating 'yong nag-order.
"Thank you po ma'am. Have a great day." nginitian lang ako no'ng kumuha ng order saka umalis na.
"Yey! Malapit na Christmas. Ano plano mo 'te Ven?" tanong ni Mikka.
"Kayo ba? Ano plano nyo?" balik na tanong ko.
"Ako po ate uuwi ako sa probinsya namin. Bibisitahin ko po sina lolo." ani Zella.
"Kailan ang alis mo?" tanong ko.
"Baka po sa Friday or Saturday."
"Sakto, bukas ay makukuha nyo na 'yong sweldo nyo. May bunos na 'yon, ha." sabi ko kaya agad na nagliwanag ang mga mukha nila.
"Talaga po ate may bonus kami?"
"Omg! Ang bait mo talaga ate Ven!"
"Ayiee! Thank you po ate."
"Thank you ate Raven."
"Thank you po."
Nginitian ko nalang sila. "Thank you rin sa inyo. Group hug nga." isa-isa silang lumapit sa 'kin para yumakap.
Kinahapunan no'n, pina-una ko na silang pauwiin dahil kasama ko naman si Dave. Sya nalang ang kasama kong magsasarado nitong shop.
"Gusto kong magpatayo ng sarili kong bahay. Tutal malaki-laki na rin naman ang ipon ko." ani ko.
"Bakit ka pa magpapatayo ng bahay mo kung pwede ka naman sa bahay ko?" niyakap ako mula sa likod ni Dave at ipinatong pa ang kanyang baba sa balikat ko.
"Sure ka bang ako na ang mapapangasawa mo?" biro ko.
"Yep. Sure na sure na akong ikaw ang ihaharap ko sa altar." agad naman akong pinamulahan sa sinabi nya. Raven, maghunos-dili ka nga! Hindi ka na teenager.
Pumunta kami sa bahay nila pagkatapos naming isarado 'yong shop. Sobrang miss na raw kasi ako ni tita kaya dadalhin ako ni Dave roon.
Pagkarating namin ng bahay nila ay agad na syang nag doorbell. Lumipas ang ilang segundo at may nagbukas na rin dito. Bumungad sa'min ang isang matangkad at maputing lalaki na kahawig ni Dave. Is this David? Oh my, ang laki na nya.
"Where's mom?" tanong ni Dave mula sa likuran ko.
"Sa loob. Si ate Raven na 'to?" turo nya sa 'kin.
"Baka gusto mo kaming padaanin."
"Oh, sorry." agad syang gumilid para maka daan kami.
"I didn't recognize you, ate Raven. Gumanda ka kasi lalo eh." puri ni David. Natawa nalang ako at nagpasalamat.
"Raven, iha!" nabaling naman ang tingin ko kay tita na tuwang-tuwang tumatakbo papunta sa akin.
Nang makalapit sya sa'kin. Isang napaka higpit na yakap ang binigay nya sa akin. Grabe maka miss si tita, balak 'yata akong patayin sa sobrang higpit ng yakap nya.
"Hi tita, I miss you po." sabi ko at niyakap din sya pabalik.
"Tara na sa kusina." pinulupot ni tita ang braso nya sa'kin at marahan akong hinila papunta sa kusina.
"So, kayo ulit?" tumango naman ako. "I'm so happy for the both of you! Alam mo ba no'ng nag break kayo ni Dave, grabe 'yong iyak nya no'n." napatingin naman ako kay Dave.
Naalala ko 'yong sabi-sabi noon na kapag ang lalaki umiyak dahil sa isang babae, sobra nya talagang mahal 'yong babaeng 'yon.
Pumunta kami sa sala nang matapos kaming kumain. Ang daming kwento ni tita tungkol sa business nya. Tinawanan din namin si David dahil tuwing papasok daw sya ng school ay lagi raw syang pinagkakaguluhan. Gwapo eh.
Hinatid na ako ni Dave pero bago 'yon ay dumaan muna kami sa 7/11 para bumili ng mga pagkain ko.
"Mauubos mo 'yan lahat?" turo nya sa mga pagkaing hawak ko.
"Naman! Ako pa." dumiretso nalang ako sa counter para makapag bayad na at nang matapos ay hinatid na ako ni Dave sa bahay.
"Bye, good night." sabi ko at hinalikan sya sa pisngi.
"Wala sa lips?" nakangusong tanong nya, natawa naman ako at lumapit muli sakanya para patakan ang labi nya nang mabilis na halik.
"Oh ayan na 'wag ka na mag reklamo." ani ko.
"I'll call you later, okay?" tumango nalang ako bago lumabas ng saasakyan nya.
Pumasok na ako sa loob nang makaalis sya. Nilagay ko sa ref 'yong ibang pagkaing binili ko at ang iba naman ay isinama ko paakyat ng kwarto ko.
Gaya ng palagi kong ginagawa, naghalf bath muna ako bago humiga sa kama ko. Busy ako sa panonood nang biglang tumawag si Dave.
Nag-usap lang kami nang nag-usap hanggang sa mag-good night na kami sa isa't-isa.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top