Chapter 35

RAVEN POV

Iyak ako nang iyak pagkatapos magpaliwanag ni Dave. Ang tanga! Ang tanga-tanga ko dahil hindi ko man lang sya hinayaang magpaliwanag noon. Nagpadala ako sa galit ko.

"Sorry... Im really sorry, Dave. Sorry kung hindi ko pinakinggan 'yong sasabihin mo. Sorry kung sinaktan kita. Sorry... sorry." paulit-ulit kong sabi sakanya habang patuloy pa ring lumuluha. Napaka selfish ko. Hindi ko man lang naisip na nasasaktan din siya.

"Shh... Tama na, Ven. Stop crying, please? Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak." agad nya akong niyakap at hinaplos-haplos ang buhok ko.

Bumitaw na ako sa pagkayakap nya sa'kin nang mahimasmasan ako.

So, all this time si Darwin talaga ang may pakana. Binayaran niya 'yong babae para gawin 'yon. At 'yong babae naman pumayag sa kadahilanang kailangan nya ng pera para may pang bayad sya ng hospital bills ng nanay nya.

"Sorry talaga ha? Sorry kung inisip ko na niloko mo ako." ani ko.

"I won't be able to cheat you because I love you so much." napayuko naman ako sa sinagot nya.

Saglit na katahimikan ang namayani sa'ming dalawa bago nya ako ihatid sa bahay. Tinext ko naman si Zella na sila na muna ang bahala sa shop dahil biglang sumama ang pakiramdam ko.

Pagpasok ko sa bahay nadatnan ko si mommy na nanonood sa sala.

"Oh? Ang aga mo naman."

"Mom, nakausap ko po si Dave." umupo ako sa tabi nya at niyakap sya.

"Kumusta naman ang pag-uusap nyo?" tanong nya.

"Mom, masama ba akong tao?" tanong ko at muli na namang umiyak.

"Hey? Why are you saying that? What happened?" sunod-sunod na tanong ni mommy.

"He told me everything," umiiyak na sagot ko.

"What are you talking about?"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"He didn't cheat on me." sagot ko. "Darwin planned everything. Plinano nyang sirain kami dalawa ni Dave." patuloy ko.

Niyakap ako ni mommy.

"Okay na ba kayong dalawa?" tanong nya.

"Hindi ko po alam. Nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya. Feeling ko ang sama-sama ko dahil sa ginawa ko." umiiyak na sabi ko.

"Shh... Don't say that. Hindi ka naman nya sinisisi, 'di ba?" umiling ako. "'Yon naman pala eh, so stop blaming yourself."

Nagpaalam na lang ako kay mommy na aakyat muna ako sa kwarto para magpahinga.

Nakatitig lang ako sa kisame habang hindi pa rin maproseso ang sinabi ni Dave. Kailan pa ako gusto ni Darwin? At bakit nya nagawa 'yon kay Dave na kaibigan nya?

Napabalikwas ako nang marinig kong nagriring ang cellphone ko. Pagkakita ko si Krystal pala ang tumatawag.

"Hello?"

["Okay ka lang? Galing kasi ako kanina sa shop mo at ang sabi no'ng Zella na umuwi ka ng bahay dahil sumama ang pakiramdam mo."] aniya.

"Oo, okay lang ako." sagot ko.

["Ba't parang ang lungkot mo? Okay ka lang ba talaga? Gusto mo puntahan kita r'yan?"]

"Naka-usap ko si Dave." pag-aamin ko.

["Sinabi nya na sa 'yo?"]

"A-Alam mo?" tanong ko.

["Sinabi lang din sa'kin ni Brix. Gusto kong sabihin sa 'yo kaso ang sabi sa'kin ni Brix ay hayaan ko raw na si Dave mismo ang magsabi sa 'yo."] paliwanag nya.

"So, totoo talaga lahat ng sinabi nya?"

["Hindi rin ako makapaniwala no'ng sinabi sa'kin ni Brix. Okay na kayo?"] natahimik naman ako sa tinanong nya.

"Hindi ko alam, tal." pag aamin ko.

["Magiging okay rin kayo, hmm? Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako, ha? Kami ni Lyle."]

"Thank you, tal."

["Anything for you, Ven. I love you."]

"I love you, tal." ani ko saka pinatay ang tawag.

Busy ako sa paghalo ng mga ingredients nang tawagin ako ni Mikka kaya napalingon ako sakanya.

"May naghahanap po sa 'yo sa labas." aniya.

"Sino raw?" tanong ko.

"'Yung ex nyo po." nanlaki ang mata ko sa isinagot nya.

Ano na naman ginagawa nya rito.

"Ikaw na muna magtuloy nito." bilin ko saka lumabas.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" bungad na tanong ko.

"Masama bang gusto lang kitang makita?" tanong nya saka mapaglarong ngumiti.

"Hindi nakikipag lokohan, Dave." I said coldly.

"Gusto lang kitang yayain mag dinner mamaya."

"At bakit?" tanong ko.

Sige lang Raven magpachoosy ka pa.

"Friendly date?" alanganing sagot nya. "Tutal hindi pa naman tayo... ulit. Kaya friendly date muna." namula naman ako sa sinabi nya. Shutek! Ano'ng hindi pa kami ulit? May balak ba syang makipag balikan? Kung meron ba't ang tagal? Ehe! (C)harot.

Tumikhim ako bago magsalita.

"What time?"

"Sunduin na lang kita sa bahay nyo." sagot nya. Nag-okay nalang ako.

Agad akong nilapitan nina Wena at Zella no'ng makalabas si Dave.

"Nangangamoy comeback ah." agad ko namang hinampas nang mahina si Wena. Loko 'to ah!

"Kapag naging kayo ulit 'te Raven dapat hindi ako mawawala sa kasal, ha?" sabat naman ni Zella.

"Ano ba kayo? Friendly date lang 'yon." ani ko.

"Atleast nandoon 'yung word na date, 'di ba Zella?" sabi ni Wena at nakipag apir pa kay Zella.

"Trip nyo talaga akong pagtulungan 'no? Bumalik na nga tayo sa kanya-kanya nating trabaho." sabi ko at bumalik na sa ginagawa ko kanina.

Kinagabihan, mabilis akong naligo at simpleng yellow dress ang isinuot ko. Bumaba na rin ako no'ng matapos akong mag ayos.

"Oh? Where are you going?" tanong ni mommy nang makasalubong ko sya sa hagdan.

"U-Uh, Dave invited me for dinner." sagot ko. Lumiwanag naman ang mukha ni mommy.

"Really? Oh my gosh! You should go baka naghihintay na 'yon sa 'yo." aniya.

"Sige po, mommy. Bye." hinalikan ko sa pisngi si mommy bago lumabas ng bahay.

"Halatang hindi mo pinaghandaan, ah." bungad nya nang makasakay ako ng sasakyan nya.

"Shut up." tumawa naman sya.

Huminto kami sa harap ng isang mamahaling restaurant. Wow, galante.

"Sana all maraming pera." bulong ko pero mukhang narinig nya.

"Asawahin mo 'ko para mapunta sa 'yo lahat ng pera ko." natatawang sabi nya.

"No thanks, I don't need your money." sambit ko saka inirapan sya.

Sabay kaming pumasok ni Dave at nilapitan kami ng waiter para ituro ang mauupuan namin. Sinabi na rin ni Dave ang order namin kaya umalis na 'yong waiter.

"I invited you tonight because I want to ask you something." pambabasag nya sa katahimikan.

"What is it?" tanong ko.

"Kaso nahihiya ako." napangiwi naman ako sa sagot nya. What the heck?

"Ano nga? Parang ewan."

"Maraming taon na ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago itong nararamdaman ko sa 'yo." huminga sya sandali bago magpatuloy sa sasabihin nya. "I still love you, Raven. Can we go back together... again?" napalunok ako at hindi agad nakapag salita mabuti nalang at dumating na 'yong mga pagkaing inorder nya para sa'min.

Tahimik lang kami pareho habang kumakain pati hanggang sa paghatid sa'kin.

"Uh, Dave. About do'n sa tanong mo. Y-Yes, payag ako." nakita ko naman kung paano nanlaki ang mata nya at dahan-dahang lumingon sa'kin.

"Really?" tanong nya habang nakatakip pa ang isang kamay sa kanyang bibig. Ang Oa, ah.

"Ayoko sa lahat 'yong paulit-ulit. Good night." sabi ko, hinawakan naman nya braso ko nang akmang baba na ng sasakyan.

"Nasa'n ang I love you ko?" tanong nya habang may nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Sa susunod na," ani ko at tuluyan nang lumabas ng sasakyan nya.

May ngiti sa labi akong natulog nang gabing 'yon at si Dave ang dahilan no'n.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top