Chapter 34
DAVE POV
"Hoy Dabe! Sama ka mamaya ha? Hindi pwedeng hindi."
Kahit kailan talaga napaka ingay nito, kitang may ginagawa ako eh. Duda akong magbabago 'tong bwisit na 'to.
"Nakailang ulit mo nang sinabi 'yan at nakailang ulit ko na rin sinabing magpapaalam pa ako kay Raven." ani ko habang nagbabasa.
"I'm sure, papayag 'yon." hindi ko na lang sya pinasin at hinayaan nalang syang magsalita nang magsalita. Pake ko sa sinasabi nya.
Linggo ngayon kaya nandito sa bahay si Raven. Busy sya sa binabasa nya nang maalala ang sinasabi ni Brix.
"Nag-aaya si Brix na magbar, pwede ba?" tanong ko, tumingin naman sya sa'kin.
"Kailan?"
"Tomorrow night. Can I come?" I asked.
"Oo naman... Minsan lang kayo magkita ba't kita pagbabawalan? Basta ba 'wag kang iinom nang marami, ha?" ngumuso ako at yumakap sakanya.
"Hindi ka magagalit?" tanong ko ulit, narinig ko naman syang mahinang tumawa.
"Bakit ako magagalit? Gaya nga ng sinabi ko, minsan nalang kayo magkita kaya papayagan kita basta 'wag kang magpapakalasing."
Magdidilim na no'ng ihatid ko si Raven sa bahay nila. Sinabi ko na rin kay Brix na pupunta ako bukas, at syempre tuwang-tuwa ang gago.
Lunes nga pala bukas, ano't naisipan n'yang magpainom. Buti na lang at naipasa ko na lahat ng mga kailangang ipasa kaya wala na akong poproblemahin.
Nasa labas na kami ni Darwin habang inaantay na dumating si Brix. Hindi namin kasama ni Reeven dahil wala raw syang time para uminom. Pero ang totoo ayaw nya lang maistorbo sila ni Amanda.
Habang inaantay namin si Brix, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Agad naman akong napangiti nang makita kung sino 'yung nagtext. It's Raven, tinatanong nya kung nasa bar na ba kami. Nireplyan ko agad sya at binulsa na ang cellphone ko. Pumasok na kami sa loob nang makarating si Brix. Light lang ang inorder ko dahil nangako ako kay Raven na hindi ako iinom nang marami.
Tahimik lang akong umiinom nang may lumapit sa akin na babae at bigla akong hinalikan kaya sa sobrang gulat ko ay naitulak ko sya.
"What the hell is your problem?" pilit kong piniligilang 'wag syang saktan dahil babae sya.
"Woah! Miss, may girlfriend 'yang hinalikan mo." dinig kong sabi ni Brix. Nakita rin pala nya.
Dahil sa nangyari ay maaga kaming umuwi. Hindi ko na rin natawagan si Raven dahil inantok na agad ako.
Kinabukasan, maaga akong nagising at agad kong tinignan ang cellphone ko para tignan kung mag message si Raven. At meron nga, nakikipag kita sya after class. Napangiti naman ako at agad nang bumangon para maligo at nang matapos ay bumaba na ako para mag breakfast.
"Good morning mom, David." I greeted.
Bumati naman sila pabalik. Umupo na 'ko sa puwesto ko at nagsimula nang kumain.
"Kumusta kayo ni Raven?" maya-mayang tanong ni mommy.
"We're good, mom. Anyway, magkikita kami mamaya after class." sagot ko.
Naglalakad na 'ko ngayon papunta sa building namin nang masalubong ko si Kris, isa sa mga kaklase ko.
"May recitation at quiz daw mamaya sa mga major subjects natin." aniya.
Fvck! Buti kahit papano naaalala ko pa rin 'yong mga diniscuss.
"Sa 'yo ako tatabi mamaya para may kokopyahan ako." halakhak nya.
Umiling-iling nalang ako. "Gago,"
Nang matapos ang klase namin sa dalawang major subject namin, agad na kaming pumunta ni Kris sa cafeteria.
"Tangina talaga! Sayang 'yong sagot ko kanina." kanina pa sya nagrereklamo sa'kin na akala mo ako 'yong nagpa quiz.
"Nakabawi ka naman sa recitation kaya okay lang 'yan." sabi ko.
"Kung hindi ko lang talaga pangarap ang maging seaman... magiging tambay nalang siguro ako sa kanto." tinawanan ko na lang sya sa kagagohan nya. May pagka Brix din ugali nito eh.
Mabilis lumipas ang oras at uwian na. Kaya naman mabilis akong tumakbo papuntang parking lot at nagmaneho na papunta sa meeting place namin ni Raven.
Umayos ako ng upo nang makita kong pumasok si Raven.
"Hi," nakangiting bati nya. Ganda nya talaga kapag nakangiti.
"Missed me?" nakangising tanong ko. Nahuli ko syang umirap kaya natawa ako.
"May itatanong ako." nahimigan kong seryoso ang boses nya kaya sumeryoso na rin ako. Baka kasi sungitan na naman nya ako.
"What is it?" tanong ko.
Nilabas nya 'yung phone nya at pinakita nya sa'kin 'yong picture na may kahalikang babae. Shit?! Saan nya nakuha 'yan?
"Anong ibig sabihin n'yan?"
"Believe me... I don't know her. Bigla nalang syang lumapit sa'kin at hinalikan ako kaya sa sobrang gulat ko tinulak ko sya." sagot ko.
"Totoo?" napabuntong-hininga naman ako.
"I'm telling the truth, babe. Kahit itanong mo pa kay Brix... he saw what I did."
"No need, naniniwala na 'ko sa'yo. Basta kapag nangyari ulit 'yan, bahala ka na sa buhay mo." napangiti naman ako kaya tumayo ako para yakapin sya.
"Thank you, babe. Thank you for believing me." bulong ko.
"Oo na, since nandito naman na tayo. Mag oorder na 'ko ng kakainin natin at ikaw ang magbabayad, ha." natatawang sabi nya. Napaka moody talaga nito.
Matapos kaming kumain inihatid ko na si Raven sa bahay nila. Saglit ko syang niyakap bago sumakay ng kotse at nagdrive na pauwi.
Gaya ng nakagawian namin, magkausap ulit kami bago matulog. Tsaka hindi rin ako makatulog kapag hindi ko naririnig ang boses nya lalo na ngayong sya naman ang kumanta para sa'kin.
"Good night, I love you... Sleep tight my girl." sabi ko bago binaba ang tawag.
Halos one week akong busy kaya naman hindi ko pa masyado nakakasama si Raven. At sa Thursday na ang first monthsary namin kaya naman tinapos ko na lahat-lahat ng mga projects at research na binigay sa'min. Walang araw ang hindi ako puyat para lang tapusin ang lahat ng 'yon.
"Nice work, Mr. Martinez." puri ng prof namin pagkapasa ko ng ginawa kong research.
Kinagabihan, nag search ako sa google kung saan magandang puntahan. Madami ang lumabas pero naka fucos lang ang mata ko sa sunflower maze na matatagpuan sa Pangasinan. May kalayuan sya pero hindi ko na inisip 'yon, basta ang mahalaga maging masaya si Raven.
"Happy first monthsary, babe." nakangiti akong lumapit sakanya sabay abot ng bulaklak.
Nakangiti rin naman nya itong tinanggap. "Happy monthsary, babe."
Lumakad na kami papunta sa kotse ko at ipinagbuksan ko ng pintuan at nang makapasok sya ay agad na rin akong umikot at sumakay na sa driver seat.
"Saan tayo pupunta?" tanong nya.
Ngumiti nalang ako. "Secret," kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang panyo. "Wear this." sabi ko.
Nagtataka naman n'yang tinangap 'yon. "Bakit? Para saan?" tanong nya.
"Basta, isuot mo nalang." sagot ko bago paandarin ang sasakyan.
Nang makarating kami ay agad na akong bumaba ng sasakyan at umikot para pagbuksan ulit sya ng pintuan. Nakaalalay lang ako sa kanya habang naglalakad.
"Ready?" tanong ko, tumango naman sya kaya pumunta ako sa likuran nya para tanggalin ang blind fold nya.
Kitang-kita sa mga mata ang sobrang pagkamangha. Napawi lahat ng puyat at pagod ko nang makitang nasiyahan sya nakikita nya ngayon.
"Nasaan tayo?" maya-mayang tanong nya.
"Pangasinan," maikling tugon ko.
Pinagmamasdan ko lang sya habang tuwang-tuwang kumukuha ng mga litrato.
"Tara picture tayo ro'n." nabigla ako sa biglaang paghila nya sa'kin. Wala naman akong nagawa kun'di magpahila sakanya.
Wala kaming— I mean sya, wala syang ibang ginawa kun'di ang mag picture.
"Ngumiti ka naman, Dave... parang ano naman kasi." may halong inis na pagkakasabi nya.
Bumuntong-hininga na lang ako saka pilit na ngumiti. Sinulit namin ang araw na magkasama kami sa special na araw para sa'min.
Pagkatapos no'ng araw na 'yon, bumalik ulit kami sa dati. Kaya lang mas naging busy kami ngayon lalong-lalo na si Raven dahil naging madalas ang pago-ojt nya.
"Dave may nagpapabigay raw." tumigil saglit ako sa pagrereview at iniangat ang tingin kay Ziah.
"Kanino galing?" takhang tanong ko at hindi parin kinuha 'yong box na hawak nya.
"Ewan ko, hindi naman nya sinabi 'yong pangalan nya eh." sagot nya.
Pinabalik ko nalang kay Ziah 'yung box na 'yon, kung sino man ang nagbigay no'n... Sorry nalang, hindi ako tumatanggap ng gano'n kung hindi si Raven ang nagbigay.
Nandito ako kina Raven ngayon dahil nagc-crave sya ng ice cream. Nasabi ko na sa kanya na nag-aaya ulit mag bar si Brix, nagpaalam din sya sa'kin na manonood daw sila ng sine nila Lyle.
Nang maubos namin 'yung ice cream na binili ko, saglit pa muna kaming nanatili bago ako magpaalam na umuwi.
"Sira! Umuwi ka na nga. Anong oras na may pasok pa tayo pareho bukas."
Natawa ako nang mahina bago lumapit sakanya. "Okay fine, goodnight babe." ani ko saka mabilis na humalik sa labi nya. Nakita ko namang dumaan ang inis sa mukha nya.
"Putcha ka, Dave! Nakatatlo ka na ha!" sigaw nya kaya tumawa ako.
"I love you more." sabi ko bago sumakay ng kotse.
Nakahinga ako nang malalim dahil sa wakas ay tapos na kami sa exam. I'm sure, tapos na rin ang exam nila Raven ngayon.
Nasa sala ako habang tinutulungan si David sa paggawa ng project nya nang maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at nakita kong may text si Raven. Ang sabi nya ay mag-oovernight na lang daw sila ngayon sa bahay nila Lyle.
Nandito kaming tatlo nila Reeven sa harap ng bahay nila Brix at hinihintay sya.
"Kaya ayokong sumama sa inyo eh. Ang tagal kumilos ni Brix." reklamo ni Reeven.
Maya-maya pa'y lumabas na rin si Brix kaya nagmaneho na si Darwin paalis. Pumasok na kami agad nang makarating kami sa bar.
Tahimik lang akong umiinom sa sulok samantalang 'yong tatlo nandoon sa dance floor na parang baliw na sumasayaw.
Pinaglalaruan ko ang baso kong may lamang alak nang may babaeng lumapit sa akin. Nang iangat ko ang tingin ko agad na kumunot ang noo ko nang makita kung sino 'yon.
"Ikaw na naman? What do you need?" tanong ko.
"You... I mean, gusto lang kitang makilala."
"I'm not interested. At isa pa, may girlfriend. So, back off." ani ko at hindi sya pinansin.
"Oh c'mon! Wala naman sya rito eh." giit nya.
"So? Ano naman sa'yo?"
"Okay fine!" aniya saka may kinuhang baso ng alak sa lamesang nasa likuran nya at binigay sa'kin. "Take it, peace offering ko 'yan." tinanggap ko naman 'yon at ininom.
Pagkatapos no'n, ang akala ko'y aalis na sya pero nanatili pa rin syang naka upo sa harapan ko.
Tinaasan ko sya ng kilay. "What are you stil doing here?" I asked.
Ngintian lang nya ako kaya sa sobrang inis ko ako na lang aalis dahil wala naman yata syang balak umalis do'n. At nang akmang tatayo ako agad akong napahawak sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil bigla nalang akong inantok.
Nagising nalang ako sa kwartong hindi sa 'kin. Fuck! Where am I?
Kahit na masakit ang ulo ko pinilit ko pa rin ang tumayo at lumabas ng kwartong 'yon.
Nang makarating ako ng bahay, dali-dali akong naligo at nang matapos ay agad kong dinial ang number ni Raven. Nakailang ulit ko syang tinatawagan pero nakapatay yata ang cellphone nya. Hinayaan ko nalang baka kasi tulog pa sya.
Isang linggo akong hindi tinawagan o tinext ni Raven kaya naman nag-aalala na 'ko. Nandito ako ngayon sa labas ng school nila. Maaga kasi ang dismissal namin kaya dumaan na ako rito ngayon.
Natanaw ko sya 'di kalayuan kasama 'yong dalawang babaeng kaibigan nya. Nagsalubong ang mga mata namin pero agad nya itong iniwas at hinila 'yong dalawa nyang kasama. Nagmadali akong pumunta sa kotse ko at nagmaneho papunta sa bahay nila.
Pagkarating ko sakanila ay sakto ring kabababa nya lang ng taxi. Dali-dali akong bumaba sa kotse ko at pumunta sa puwesto nya.
"Hey? Are you okay?" tanong ko.
"Oo, okay lang ako medyo pagod lang dahil sa school works." sagot nya.
"You want ice cream?" tanong ko saka pilit na ngumiti pero tumanggi sya.
"May problema ba? Sabihin mo sa'kin at makikinig ako." ani ko.
"Gusto mo malaman kung anong problema." deretso siyang tumingin sa mga mata ko.
"Y-Yes."
Namanhid ang pisngi ko sa lakas ng pagkakasampal nya sa'kin.
"Ikaw Dave... ikaw ang problema ko! Alam mo kung bakit? Kasi ang sabi mo sa'kin hindi mo ako sasaktan." umiiyak na sabi nya. Nagtaka naman ako sa sinabi nya.
"What do you mean? Wala naman akong ginagawang ikakasakit mo eh." sabi ko.
"D'yan ka nagkakamali."
Umiling-iling naman ako. "Hindi kita maintindihan."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko sa sinabi nya sa'kin. Paano? Paano nya nakita? At anong sinasabi nya na may kasiping akong babae, eh mag isa lang ako no'ng gumising ako.
Pilit kong pinapaintindi sakanya na wala kaming relasyon no'ng babaeng 'yon. Hindi ko nga alam ang pangalan no'n eh.
Paulit-ulit nyang pinagsusuntok ang dibdib ko. Masakit, oo. Pero mas masakit sa'kin ang makita syang ganito.
"Let me explain, please." tumigil naman sya sa pagsuntok.
"Sige, pero 'wag mo aasahang may babalikan ka pa." mas lalo akong umiyak sa sinabi nya.
No, no.
"Raven..." I begged.
"Nakalimutan mo na ba 'yong sinabi ko sa 'yo? Na kapag ginawa mo pa 'yon ng isang beses mawawala na ako sa 'yo."
Gusto kong magpaliwanag pero napangunahan ako ng takot. Ayokong mawala sya sa'kin. Hindi ko kaya... hindi.
Lalapit na sana ako sakanya pero agad syang lumayo.
"H'wag na h'wag mo akong hahawakan." madiing sabi nya.
"Don't do this, please." kulang nalang ay lumuhod ako sa harapan nya para magmakaawa.
I can't imagine my life without her. Paano na ako kung wala sya? Hindi ko alam kung makakayanan ko bang magpatuloy lalo na't alam kong mawawala sya sa'kin.
"Umuwi ka na, wala ka nang mapapala rito dahil tapos na tayo." 'yung mga katagang 'yon ang mas nagpawasak ng mundo ko.
Umiyak lang ako nang umiyak sa loob ng kotse ko. At hindi ko alam kung paano ako nakarating ng bahay nang hindi naaaksidente.
Bakit Raven? Bakit hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag? Bakit naniwala ka kaagad sa nakita mo? Bakit?
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top