Chapter 33

RAVEN POV

Minsan napapaisip ako kung hinayaan ko ba syang magpaliwanag dati kami pa rin ngayon or siguro may mga anak na kami.

"Okay lang kaya si Ate?"

At siguro sabay kaming nag-ipon ng ipanggagawa ng shop na 'to.

"Ikaw kasi eh... ba't mo pa tinanong 'yon kahapon?"

"Curious nga ako eh. Ba't ba?"

Natigil ako sa pagumuni-muni ko nang marinig kong nag-uusap sina Wena at Mikka.

"Ano pinag-uusapan nyo?" nakangiting tanong ko.

"Ahh...Ehh... okay lang po ba kayo?" tanong ni Mikka.

"Oo naman. Bakit mo naman natanong 'yan?"

"Kanina pa po kasi kayo tahimik eh." sabat naman ni Wena.

"Ano ba kayo, okay lang ako. Don't mind me, wala lang 'to. Btw, wala bang orders ngayon?" pag-iiba ko ng usapan.

"Wala pa po sa ngayon." sagot ni Mikka, sya kasi ang nakatoka sa pagrecieve ng mga orders.

"Okay. Kayo muna ang bahala rito, may pupuntahan muna ako. Tawagan nyo ako kapag may problema rito, okay?" tumango naman sila.

Kinuha ko 'yung cellphone at wallet ko bago lumabas at pumara na ng taxi.

Nang makarating ako ng mall, pumasok na agad ako. Habang naglalakad ako papuntang grocery may bigla akong nabangga at pagtingin ko ay si Tanya.

"I'm sorry— Raven?" agad nya akong niyakap kaya niyakap ko rin sya pabalik.

"Tanya! I miss you."

Pumunta kami sa malapit na coffee shop para makapagkwentuhan kami. Matagal na rin pala syang kasal at may dalawa ng anak.

"Kailan ka ba mag-aasawa, napag-iwanan ka na." sabi nya habang tumatawa.

"Okay lang 'yan, 28 pa lang naman ako." ani ko.

Nagkwento lang sya nang nagkwento tungkol sakanila ng asawa nya at kung paano nila alagaan 'yung dalawang anak nila. Parang gusto ko na tuloy magka-anak.

Napatigil sya sa pagsasalita at nakatingin sa bandang likuran ko.

"Bakit?" tanong ko, tinuro naman nya 'yong sa likuran ko kaya tumingin na ako ro'n.

Nakita ko si Dave na may kasamang babae habang nag-o-order. Napataas ako ng kilay, ang kapal ng mukha nyang magpakita pa sa'kin may girlfriend na pala sya.

"Jowa nya?" napatingin na ako kay Tanya nang magsalita sya.

"Aba malay ko d'yan."

"Ayy! Bitter yarn?" inirapan ko nalang sya.

Nagpaalam na sya sa'kin dahil baka hinahanap na raw sya ng mga anak nya, iniwan lang daw nya kasi mama nya 'yong dalawa nyang anak kasi nasa trabaho 'yong asawa nya kaya walang magbabantay. Nang makalabas kami ng coffee shop, pumara na sya ng taxi at ako naman ay bumalik ng mall dahil may bibilhin pa ako.

Nasa waiting shed ako naghihintay ng taxi nang may huminto na naman na sasakyan sa harap ko. Hindi ko nalang pinansin dahil tumayo 'yong babaeng katabi ko baka ito 'yong sundo nya. Nilabas ko nalang ang cellphone ko at nagcellphone nalang.

"Need a ride?" napaangat ang tingin ko sa lalaking nagtanong no'n. Agad namang nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino 'yon. Shuta? Anong ginagawa nya rito? At saka nasa'n 'yong babaeng kasama nya?

"No thanks." ani ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa nya.

"C'mon Ven. Parang wala naman tayong pinagsamahan." kumunot ang noo ko sa sinabi nya.

"So? Ano pinapalabas mo?" tanong ko.

"Sumakay ka na kasi, ako nga 'tong nagmamalasakit eh." bwisit 'to ah.

"Bakit... sino bang may sabi na isakay mo ako? Kaya kong umuwi nang hindi mo ako hinahatid. Saka nasaan ba 'yong babaeng kasama mo kanina... Bakit hindi sya ang ihatid mo." litanya ko.

"You mean..." napatingin naman sya sa likuran nya at tinuro 'yung babaeng nakasakay sa back seat. "Her?" tanong nya sa'kin.

"O-Oo." Ano ba, bakit ako nauutal?

"She's my cousin." napaiwas ako ng tingin sa sinabi nya. Fudge, akala ko jowa nya.

Saglit na katahimikan ang namayani sa'min hanggang sa tumayo na ako at lalakad na paalis dahil may tumigil ng taxi sa likod ng sasakyan nya.

"Aalis na ako." ani ko at nagmamadaling binitbit 'yong mga binili ko.

Hindi pa ako nakakalayo nang agawin nya sa'kin 'yong mga binili ko at nilagay sa likod ng sasakyan nya.

"Anong ginagawa mo?!"

"Sakay na at ihahatid na kita." marahas kong hinila ang buhok ko at tinignan sya nang masama.

"Tangina mo! Alam mo 'yon?!" wala akong pake kung may mga taong nakakakita sa'min basta masabi ko 'yon, okay na 'ko.

Wala ulit akong nagawa kun'di ang sumakay muli sa sasakyan nya. Nakita ko 'yong pinsan nya na abala sa pagpindot sa cellphone nya kaya hindi nya napansing sumakay ako.

"You're Raven, right?" napatingin ako sa kanya at nakangiting tinanguan sya. "Lagi kang kinekwento ni kuya Dave sa'kin dati no'ng kayo pa. He also told me na ako ang kukunin nyang taga design ng venue kapag ikakasal kayo." tumango-tango nalang ako dahil wala akong maisagot sa mga sinabi nya. Mukhang hindi na matutuloy 'yon.

Maya-maya pa ay pumasok na si Dave at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik lang kaming tatlo habang umaandar ang sasakyan.

"Ahmm kuya, paki daan ako sa shop ni mommy. May kikitain ako roon eh." shemss. Don't tell me kaming dalawa na naman ang maiiwan dito. Shuta! No way.

"Paano kapag uuwi ka?" tanong ni Dave sa pinsan nya.

"Magpapasundo nalang ako sa driver ni mommy."

Nang maka baba 'yong pinsan nya may binulong pa sya saglit kay Dave bago lumakad papasok sa shop nila.

"Can we talk?" maya-mayang tanong nya.

"Wala naman tayong dapat pag usapan." sagot ko nang hindi tumitingin sakanya.

Malalim syang bumuntong-hininga bago magsalita. "Please?"


"Kung tungkol yan sa past natin... wala akong panahon para pag usapan." ani ko.

Tapos anong sasabihin nya? Na wala lang 'yong nangyari dati? Na walang nangyari sa kanila no'ng babaeng 'yon? Kung kasinungalingan lang din naman ang maririnig ko mula sakanya e'di mas mabuting 'wag na lang syang magsalita. Wala naman na sa'kin 'yon eh, matagal ko nang ibinaon sa limot ang lahat.

"Please, Raven... Kahit ngayon lang hayaan mo akong magpaliwanag." umiiling ako at saka hinarap sya.

"Tapos puro kasinungalingan ang sasabihin mo? H'wag ako, Dave... h'wag ako. Magsasayang ka lang ng laway mo dahil kahit anong sabihin mo... wala akong pakealam." ani ko. "Ihinto mo 'tong sasakyan mo, baba na ako." utos ko pero hindi sya nakinig.

"Hindi ka baba hanggat hindi kita nakakausap." matigas na sabi nya.

"Mahirap bang intindihan na ayokong marinig 'yang lahat ng sasabihin mo? Dave ang tagal na no'n! Kalimutan mo na 'yon dahil ako... matagal ko nang kinalimutan 'yon." huminga muna ako saglit bago magsalita. "H'wag ka nang umasa na babalik pa tayo sa dati, dahil ayoko na... ang sakit-sakit ng ginawa mo sa'kin no'n eh." hindi ko na napigilan ang paglabas ng luha ko.

Inihinto nya 'yung sasakyan saka tumingin sa'kin. "Paano naman ako? Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan no'ng iniwan mo ako at pumunta kang Canada. Kung ikaw kaya mong kalimutan lahat, puwes ako hindi... hindi ko kayang kalimutan 'yon dahil mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, Raven." pinunasan nya saglit 'yung luha nya bago magsalita ulit. "Kinausap ako ni Darwin no'ng nakaraang buwan... at sinabi nya sa'kin lahat." nagtatakhang tinignan ko sya. Ano ibig nyang sabihin?

"W-What do you mean?" naguguluhang tanong ko.

"Matagal nang may gusto sa 'yo si Darwin. Sya lahat ang may gawa no'n, he planned everything, Ven. Ginawa nya lahat para makipag-hiwalay ka sa'kin dahil gusto ka nyang makuha mula sa'kin. Pero hindi niya nagawa kasi pumunta kang Canada."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. May parte sa'kin na gustong maniwala sa kanya pero may parte rin sa'kin na sinasabing 'wag ko syang paniwalaan dahil nagsisinungaling sya. Ano nang gagawin ko? Gulong-gulo na 'yong utak ko.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top