Chapter 32

RAVEN POV

"This is it! Oh my, gosh ang gaganda natin. Lalong-lalo ka na Lyle." tuwang-tuwang sabi ni Krystal habang iniikot pa suot ang dress.

Parang kailan lang nagsusukat-sukat pa lang kami ta's ngayon suot-auot na namin. Masaya akong nakikita si Lyle na masaya pati 'tong si Krystal. Alam kong matagal pa ang kasal nya pero excited na ako para sakanya, at hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang sila ni Brix ang magkakatuluyan. Hays.

"Ilang minutes nalang ay pupunta na tayo ng simbahan. So get ready." tumango nalang kaming tatlo sa sinabi ng organizer.

"Kinabahan ako, mga inday." maya-mayang sabi ni Lyle.

"Pwede ka namang magback-out, Lyle." biro ni Krystal.

"Gaga! Ngayon pa ako magbaback-out eh magkakaanak na kami." tumawa na lang ako sa kagagahan nila. Hindi pa rin talaga sila nagbabago.

Pagkarating namin ng simbahan, pumwesto na kami ni Krystal kung saan kami nararapat. Hanggang binuksan na nila ang pintuan ng simbahan at nagumpisa nang palakarin 'yong mga bata, ang cute-cute nila. Nang makalakad 'yong dalawang pares sa harapan ko maya-maya kunti ay sumunod na rin kaming maglakad nitong kapartner ko.

Nakatuon ang lahat ng atensyon namin sa naglalakad na si Lyle kasama si Tito. Dahan-dahan ang paglalakad nila hanggang sa makarating na sila sa harap ng pari. Saglit niyakap ni tito si Lyle at tinapik naman ni tito ang balikat ni Kyron bago umalis.

Mabilis nag umpisa ang seremonya at dumating na ang magpapalitan sila ng vow. I envied them, kasi kahit na ang dami nilang napagdaanan they ended up together.

"May I pronounce to you... Husband and wife, you may now kiss the bride." natauhan ako nang marinig ang sinabi ni father.

Nagpalakpakan kaming lahat at after no'n pumunta na kami ng reception pagkatapos kaming picturan sa simbahan.

"Bawal akong magpuyat kaya kayong dalawa nalang ang maiiwan dito mamaya." sabi ni Lyle.

"Okay lang 'yon, ano ka ba." ani ko habang kumukuha ng dessert na gawa ko.

"Ang sarap nito ah, ikaw may gawa?" tanong ni Krystal.

"Of course... ako pa?" sabi ko saka nginisian sya.

"Ang yabang ha,"

Natawa nalang kami pareho saka ipinagpatuloy ang pagkain. Palinga-linga ako sa paligid dahil ang ganda ng pagkakadesign dito sa venue.

"Wala rito si Dave. Pero 'wag kang mag-alala dahil naroon sya sa kasal namin." sinamaan ko sya ng tingin.

"Sino sabing hinahanap ko 'yon? Tinitignan ko lang 'yong design dito kasi ang ganda." ani ko pero hindi pa rin nawala ang ngisi sa mukha nya.

"Sige, kunwari naniwala ako." inirapan ko nalang sya at hindi na pinansin.

Nang matapos ang event ay isa-isa nang nagsi-alisan ang mga tao. Nagpaalam na rin ako kina Lyle na uuwi na dahil maaga pa ako bukas sa trabaho. Pagkatapos kong ibigay sakanila 'yong regalo ay umuwi na ako.

"Ate Raven, may tatlong order ng cakes. 'Yong isa kukunin nila mamayang 4:30 ng hapon. At 'yong dalawa bukas ng 8:00 am." napatingin naman ako sa orasan 8:25 am pa lang, kaya pa 'yan. May kasama naman ako.

Nasa kalagitnaan kami ng pagbebake nang pumasok si Mikka sa kitchen.

"Ate, may nagrereklamong customer sa labas." nanlaki ang mata ko at saka nagmamadaling lumabas hindi inalintana ang suot kong apron.

"Ano pong meron?" mahinahong tanong ko, nagulat nalang ako dahil binato nya sa'kin ang kinakain nyang blueberry cake.

"Bakit may langaw yan?! Hindi ko akalain na ang dugyot pala nitong shop mo. Ang ganda mo sana kaso ang dudugyot ng mga gawa mo." huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili ko bago magsalita.

"Mawalang-galang na ho pero hindi ho dugyot ang mga gawa ko. At isa pa, wala ho kaming tinitindang blueberry cake." nakita ko syang natigilan dahil sa sinabi ko. "Mukha po yatang nagkamali kayo ng pinuntahang shop." sabi ko.

"A-Anong pangalan ng shop na ito?" tanong nya. Tinuro ko naman ang logong nakalagay sa may counter.

"Sweet tops po ang pangalan nitong shop ko." ani ko.

"Nako! Pasensya ka na, iba nga ang napuntahan ko. Jusko po, pasensya na talaga at nageskandalo pa ako rito." paumanhin nya.

"Ayos lang po 'yon, basta po 'wag na ho sanang mauulit." sabi ko.

Nagsorry pa ng isang beses 'yong babae bago umalis.

"Kinabahan ako roon, ah. Akala ko talagang may langaw 'yong gawa natin." dinig kong usapan nina Wena at Ivy

"Duh! Malinis kayang gumawa si ate Raven." singit naman ni Mikka.

"Girls, balik na tayo sa trabaho." sabay silang nag 'opo' at bumalik na sa kanya-kanya naming ginagawa.

Magt-twelve na ng tanghali kami natapos kaya naman nag-order ako ng jollibee para may tanghalian kaming anim. Hindi rin nagtagal ay dumating na 'yong mga inorder ko. Tinawag ko na sila para sabay-sabay kaming kumain.

"Ate Ven, kaano-ano mo 'yong lalaking pumupunta rito?" kumunot naman ang noo ko sa tanong ni Zella.

"Ha? Sino?"

"Tangek, paano nya makikita eh 'pag pumupunta rito 'yong lalaki eh wala si Ate." sabi naman ni Mikka. "Naalala mo po ba 'yong sinasabi ko sa'yo na naghahanap sa'yo?" tanong ni Mikka kaya tumango ako.

"'Yon ba 'yong sinasabi nyong lalaking pumupunta rito?" tanong ko, tumango naman sila.

"Opo, 'yong pogi."

"He's my ex." sagot ko, sabay namang nabulunan sina Mikka at Zella.


"Totoo po?!" tanong pa nila kaya tumango naman ako sabay tawa.

"Pero matagal na kaming wala. College, wala na kami." sagot ko.

"Ano pong nang—aray ko naman mikka!" reklamo ni Zella dahil sinabunutan sya ni mikka.

"Mahiya ka nga." mahinang bulong ni mikka pero sapat lang para marinig ko.

"Okay lang Mikka, matagal naman na 'yon. Nakita ko syang may kasiping na babae sa bar." sagot ko.

"Sorry po, ate." nakayukong sabi ni Zella.

"Come on, Zella. Past is past, so you don't have to say sorry." sabi ko.

"Paano po kapag mahal ka pa rin po nya? Tatanggapin mo pa po ba sya ulit?" tanong ni Wena.

Napatigil naman ako. Tatanggapin ko pa ba? Pero ang tanong, mahal pa kaya nya ako? Kasi ako, may parte pa rin sa akin na gusto ko syang bumalik sa'kin.

"Hindi ko alam," sagot ko.

Pagdating ng hapon, mas naging busy kami dahil ang daming orders na dumating. Kaya apat na kami nina Ivy, Wena, Yna ang gumawa ng mga cupcakes at cookies.

Pag-uwi ko ng bahay ay umakyat agad ako at hindi na kumain dahil pagod na ako at gusto ko nang matulog. Naghalf-bath nalang ulit ako at nang matapos ay humiga na ako ng kama, maya-maya pa ay nakatulog na.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top