Chapter 31
RAVEN POV
Mabilis lumipas ang araw at ngayon ay sinusukatan kami ng damit na gagamitin namin sa kasal ni Lyle. Natapos na rin ang shop ko, napabendisyonan na rin. Ako rin ang gagawa ng cake para sa kasal ni Lyle.
Noong opening ng sweet tops, si mommy at manang ang katulong kong gumawa ng mga cakes, cupcakes, cookies, at marami pang iba. Pero ngayon, may limang tao akong hinire para may katulong ako sa shop.
"Hoy, tulala ka r'yan... ikaw na sunod na susukatan." nabalik ako sa realidad nang magsalita si Krystal.
"Ha?"
"Si Dave nasa labas." agad akong napalingon sa labas at nang makitang wala tao roon, hinampas ko si Krystal.
"Basta talaga si Dave... lingon agad eh, 'no? Huwag mo naman ipahalata masyado na may feelings ka pa rin sa kaniya hanggang ngayon." sinamaan ko nalang sya ng tingin.
"Miss Raven, kayo na po ang sunod." mabilis akong tumayo at sumunod sa magsusukat.
Bet ko 'yong kulay ng dress ng mga abay, baby pink na may kaunting white. Samantalang charcoal gray naman sa mga lalaki.
Nang matapos akong sukatan, sumunod naman si Lyle. Since medyo malaki na ang umbok ng tiyan nya, pinaadjust nya 'yong sa may bandang tiyan nya para raw hindi maipit kung sakaling suotin nya na ito.
Nang matapos ay bumalik na ako ng sweet tops para tulungan sila Ivy at Wena.
"Ate Raven, kanina may dumaan ditong gwapong lalaki at hinahanap ka." salubong sa'kin ni Mikka.
"Sino? At anong kailangan sa'kin?" tanong ko. Sino naman kaya 'yon?
"Dave raw po ang pangalan nya at hindi sinabi kung anong kailangan eh." sagot nya kaya natigilan ako. Ano kailangan nya sa'kin?
"Baka ibang Raven ang hinahanap nya." pagdadahilan ko bago pumunta sa loob kung nasaan sila Ivy.
"Ate Raven may dalawa pong order ng cakes... 'yong isa para sa birthday at ang isa is para sa binyag." napatango nalang ako sa sinabi ni Wena.
"Babae ba pareho o ano?" tanong ko.
"Yong magbibinyag po, lalaki. At babae naman 'yong magbibirthday."
"Okay, noted."
Sinamahan nila akong gumawa ng cake na inorder. At nang matapos ay nilagyan na namin ng design at pangalan.
"Ayan tapos na. Ang ganda ng design, ate Ven." manghang sabi ni Ivy.
"Thank you. Kukunin ba nila rito o ipappadeliver nalang?" tanong ko.
"Kukunin nalang daw po nila." tumango nalang ako at niligpit na ang mga ginamit saka hinubad ko na ang suot kong apron.
Alas siyete na kami nagsarado dahil dumagsa 'yong mga bumili noong mga bandang hapon. Naubos lahat ng cookies na ginawa namin kanina. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng ice cream na kakainin ko mamaya bago matulog. Dalawa na ang binili ko para meron din kina mommy.
Nasa counter na ako para magbayad nang may makita akong pamilyar na likod. Ba't ba lagi ko syang nakikita? Sumpa ba 'to?
Pinauna ko muna syang magbayad at no'ng makalabas sya saka lang ako nagbayad. Bakit nga pala ako umiiwas sakanya? Eh sya nga 'yong nangloko dati.
Nang matapos akong magbayad ay agad na akong lumabas. Nag-aantay ako ng taxi nang may BMW na tumigil sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang nagmamaneho no'n. Pakshit talaga.
"Get in," wala akong choice kun'di ang sumakay dahil kung hindi baka abutan pa ako ng syam-syam bago maka-uwi.
Pinili ko nalang manahimik dahil wala naman akong masabi.
"Ikaw pala ang may-ari ng sweet tops?" saglit syang tumingin sa akin saka ibinalik ang tingin sa daan.
"Yeah," maikling sagot ko.
"I thought Reeven owned that shop." hindi nalang ako umimik. Ba't ang daldal nya?
"Kumusta kayo ng... boyfriend mo?" kunot ang noo kong tumingin sakanya.
"What are you talking about?" takhang tanong ko.
"Hindi mo ba boyfriend 'yong lalaking kasama mo no'n sa picture?"
"Si kaizen ba ang tinutukoy mo?"
"So, his name is Kaizen." may pagkabitter na sabi nya.
"Kaizen is not my boyfriend. He's just a friend of mine." ani ko. Gosh! Bakit ba ako nakikipag-usap dito sa ugok na 'to.
Nagthank you nalang ako nang maihatid nya ako sa bahay. Hindi na ako uulit na sasakay sakanya. Ang dami kasi nyang sinasabi at tinatanong na parang walang nangyari sa'min noong nakaraan.
"Ginabi ka na yata." bungad ni manang.
"May mga humabol pa pong customers eh, kaya anong oras na kami nakapagsarado." sagot ko. "Tapos na po ba kayong kumain?" tanong ko.
"Hindi pa. Inaatay ka nga namin eh... tara na sa kusina." sinundan ko nalang si manang papuntang kusina at nang makarating ay agad akong humalik sa pisngi ni mommy saka naupo na sa puwesto ko.
"May binili po akong panghimagas." ani ko.
Nang matapos kaming kumain, nanood ako sa youtube ng bagong pastry na gagawin para naman maidagdag ko sa mga ginagawa ko. Pinag-aralan ko nang mabuti kung ilan ang mga sukat-sukat at kung gaano katagal iluluto.
Paakyat na ako ng kwarto ko nang makasalubong ko si mommy sa hagdanan.
"Naka-uwi na pala si Dave. At nagkita na pala kayo." nagulat ako sa sinabi ni mommy. How did she know?
"P-Paano nyo po nalaman na nagkita na kami?" tanong ko.
"Nakita ko sya sa mall kanina and niyaya ko syang mag coffee muna." sagot nya.
"Nakapag-usap na ba kayo about sa past nyo?" tanong pa nya. Umiiling naman ako. I don't wanna talk about it, para saan pa? Past is past. Tapos na 'yon kaya hindi na dapat balikan.
"Akyat na po ako mom. Good night." paalam ko.
"Okay, good night." this time, sya naman ang humalik sa pisngi ko.
Naghalf-bath ako saglit bago humiga sa kama. Nanonood lang ako sa youtube ng ilang tutorials kung paano gawin ang strawberry egg pie nang magvibrate ang phone ko. Pagkakita ko unknown naman nakalagay kaya agad kong pinatay at bumalik na sa panonood. Maya-maya pa ay nagvibrate ulit. Naka-ilang ring pa muna bago ko sinagot.
"Who the hell are you? And where did you get my number?" bungad kong tanong pero wala akong narinig na salita.
Nakailang hello na ako pero wala talagang nagsasalita.
"Prank ba 'to? Kung oo, 'wag ako ang pagtripan mo dahil wala akong panahon para makipagbiruan. Bye... ah wait, at kung sino ka man... pakyu!" sabi ko saka binaba ang tawag.
Nawalan tuloy ako ng gana sa panonood ko. Nakakabwisit kasi eh, sino ba 'yon? At pa'no nya nakuha number ko? Malaman ko lang talaga kung sino 'yong walang-hiyang 'yon, lagot sya sa'kin.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top