Chapter 30

RAVEN POV

Nandito na ako sa tapat ng bahay at hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari sa airport kanina. Buti nalang nakapagbayad pa ako kay manong.

Huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Maya-maya pa'y bumukas na 'yong pinto at bumungad sa'kin si manang, nanlaki pa ang mata nya at agad kong tinakpan ang bibig nya nang akmang sisigaw sya.

"Shh ka lang manang. Saan po si mommy?" tanong ko.

"Nasa kusina, nagluluto. Halika sa loob."

Tinulungan ako ni manang sa pagbuhat ng maleta ko. Sabay kaming pumunta ni manang sa kusina at nadatnan namin si mommy na busy sa pagluluto. Nakatalikod sya sa'min kaya lumapit ako sakanya para yakapin sya patalikod.

"Hi, mom."

Unti-unti syang humarap sa'kin at napatakip pa sya ng bibig nya. Ang Oa ng nanay ko, jusko!

"Omg?! Raven, sweetie. I miss you!" niyakap ako ni mommy na akala mo wala nang bukas.

"Mom, hindi na ako makahinga." biro ko kaya humiwalay na sya.

"Why didn't you tell us na uuwi ka? Hindi ka tuloy namin nasundo." nakangusong sabi ni mommy.

"E'di hindi na surprise 'yon." tumatawang sambit ko. "Nasa'n po si Reeven?" tanong ko.

"Binisita 'yong ginagawang shop mo." napangiti naman ako at nahalata naman 'yon ni mommy. "Gusto mo bang pumunta ro'n? Para makita mo na rin 'yong shop mo." tumango nalang ako.

Hindi nauubusan ng kwento si mommy kaya hindi namin namamalayan na nakarating na pala kami sa site.

"Ako nalang po ang baba, mommy." tumango naman sya kaya binuksan ko na 'yong pintuan at bumaba na.

Malayo pa lang ay natanaw ko na si Reeven na nakapamewang. Natawa ako nang mahina bago lumapit sakanya at tinabihan sya.

"Ang ganda-ganda ng araw tapos nakasimangot ka r'yan." sabi ko habang nakatingin din sa tinitignan nya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na dahan-dahan syang  lumingon sa gawi ko at nanlaki rin ang mata. Pati ba naman sya? Ano ako multo?

"Gago? Minumulto na yata ako." dinig kong bulong nya kaya tumawa ako nang malakas.

"Ang ganda ko naman para maging multo." saad ko at tumingin sakanya nang nakangisi. Gaya ni mommy, napatakip din sya ng bibig nya.

"Totoo ka nga. Pero bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka?" tanong nya sabay batok sa'kin.

"Aray! Bwisit ka, kailangan mang batok?!" sinamaan ko sya ng tingin pero ang gago tinawanan lang ako.

"Eh sa gan'yan ako mang welcome back, eh." aniya saka mas malakas na tumawa.

"Bwisit ka talaga! Hindi kita bibigyan ng pasalubong, lintek ka." pananakot ko.

"Ay hala! Walang ganyanan." inirapan ko nalang sya saka tinalikuran.

Pagbalik ko ng sasakyan ni mommy, nag-aya si mommy na magshopping at after no'n umuwi na kami dahil nagugutom na 'ko.

"Namiss ko 'to." tukoy ko sa nilutong kaldereta ni mommy.

"Hindi ka ba nagluluto ro'n sa Canada ng ulam mo?" tanong ni manang. Nilunok ko muna 'yong nasa bunganga ko bago magsalita.

"Nagluluto naman po kaso minsan tinatamad akong magluto kaya nag-oorder na lang po ako." sagot ko.

Nang matapos kaming kumain, umakyat kaming dalawa ni mommy papunta sa kwarto ko para ayusin 'yong mga gamit ko. Naunang pumasok si mommy bitbit ang maleta ko. Nilibot ko ang paningin ko a kwarto ko at napansin kong may kaunti itong pagbabago.

"Sorry kung iniba namin ang pagkaka-ayos nitong kwarto mo, ha."  nabaling ang antensyon ko kay mommy na naka-upo sa kama ko.

"Okay lang po mommy... ang ganda nga eh, hindi na sya parang masikip." sabi ko at tinabihan sya.

"Kailan mo kikitain sina Krystal at Lyle?" tanong niya.

"Baka bukas na po." sagot ko.

Matapos naming mailagay lahat ng damit ko sa cabinet, lumabas na si mommy sa kwarto ko at ako naman ay pumasok ng cr para maligo ulit.

Nang matapos ako maligo at makapagbihis, kinuha ko 'yong cellphone ko at inopen ang wifi tapos nag search ng pwedeng ipangalan sa shop. Marami ang lumabas pero may isang pangalan ang nakapukaw ng atensyon ko.

"Sweet Tops." basa ko ulit.

Pagkatapos no'n ay nahiga muna ako sa kama at umiglip saglit. Naalimpungatan ako dahil sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Sila Krystal na naman 'to panigurado. Nanlaki ang mata ko nang makitang gc nila Reeven ang bumungad sa akin. Kasali pa pala ako rito?!

Hindi pa rin talaga nagbabago 'tong si Brix, ikakasal na nga't lahat napaka daldal pa rin. In-off ko nalang ulit 'yong phone ko at natulog ulit.

Nagising ako madilim na sa labas, nag-inat-inat muna ako bago mag-ayos ng sarili at lumabas na. Pagkarating ko sa sala nakito ko roon si Amanda, nagulat pa sya no'ng makita ako.

"Oh my, hello Raven." lumapit sya sa'kin at niyakap ako, niyakap ko rin sya pabalik.

"Congrats nga pala Amanda, ha." ani ko at nginitian sya.

"Thank you,"

"Akalain mo 'yon, natagalan mo 'yong ugali ng pangit na 'yan." sabi ko sabay turo kay Reeven na palapit sa puwesto namin.

"Inggit ka lang." inirapan ko nalang sya at iniwan sila sa sala.

Sabay-sabay kaming naghapunan at nang matapos ay nagkwentuhan kami sa sala at maya-maya pa'y umuwi na sila Reeven sa bahay nila.

Nasanay na ang katawan kong gumising ng maaga kaya heto ako ngayon naghahanda na sa pag-alis. Makikipagkita ako kina Lyle ngayon.

"Mommy, alis na po ako." paalam ko.

"Sige, take care sweetie." gaya ng ginagawa ko dati hinalikan ko sya sa pisngi bago umalis.

Nagtaxi ako dahil hindi ko pa alam magdrive ng kotse, saka na ako magpapaturo kay mommy. Tinext ko na sila nang makarating ako sa coffee shop kung saan kami magkikita. Hindi pa sila maniwala  na nakarating na ako kaya nagsend ako ng picture ko sa nasa coffee shop at sinend sakanila.

Halos sabay silang dumating at muntik na nila akong patayin sa higpit ng pagkakayap nila sa'kin.

"Kailan ka pa dumating?" tanong ni Lyle.

"Kahapon lang,"

"Gaga ka! Ba't hindi ka man lang nagsabi?" masungit na tanong ni Krystal.

"Surprise nga, tangek."

Nilapitan na kami ng waiter kaya nag-order na kami.

"Kailan ka ikakasal, Lyle?" tanong ko.


"October 19," tumango-tango nalang ako.

"Ikaw... kailan mo balak?" napatingin naman ako kay Krystal.

"Sira! Kanino naman ako ikakasal? Eh wala nga akong jowa." ani ko.

"Kay Dave," natigilan naman ako sa sinabi ni Lyle at nagsimula na namang tumibok ng mabilis ang puso ko. Shuta!

"See? May epekto pa rin sya sa'yo. Nagkita na kayo?" tanong ni Krystal.

Tumango ako. Bakit ako magsisinungaling eh totoo namang nagkita kami kahapon sa airport, pero nagkataon lang yata 'yon.

"Talaga? Kailan?" sabay na tanong nila.

"Kahapon.... sa airport." sagot ko.

Umalis na kami ro'n sa coffee shop na 'yon at pumunta naman kami ng mall. Hindi kami nagtagal doon kasi hindi pwedeng magtagal si Lyle dahil nga buntis. Natawa pa kami dahil may nakita kaming tatlong babae na nagtatalo dahil napa-alis din sila sa arcade. Parang kaming tatlo lang din noon.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top