Chapter 3

RAVEN POV

Wah! Good morning earth!

"Hey—" hindi natuloy ni Reeven 'yong sasabihin nya no'ng makita akong gising na.

"O'di ba! Hindi mo na 'ko kailangang gisingin." pang aasar ko.

"Tss, hurry up and we might be late for school." walang-gana niyang sagot.

"Oo na, labas." sabi ko saka tinuro pa 'yong pintuan.

Pagkalabas nya ay agad na 'kong pumasok ng cr at ginawa na ang morning routine ko.

After a couple minutes. Natapos na akong maligo kaya agad na akong nagbihis ng uniform. Pagkatapos kong magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso na sa kusina para mag breakfast.

Habang kumakain, wala kaming kibuan ni Reeven hanggang sa matapos na kaming kumain walang nagsasalita samin.

Hanep 'tong kakambal ko ah hindi lang ako nabuhusan eh nagkaganyan na.

Better luck next time twin brother.

"Are you done?" tanong niya.

"Teka ubusin ko muna itong gatas ko," sagot ko.

"Hurry up we're leaving." sabi nya.

Binilisan ko na lang ubusin 'yong gatas ko para hindi na magreklamo 'tong kakambal ko.

"Reeven, matanong ko lang ha, kaya mo bang magsalita nang hindi nag-i-english?" tanong ko.

"Tss, just hurry up."

Pssh! Nagtatanong lang eh.

"Ito na tapos na, tara na." sabi ko at nauna nang sumakay sa kotse nya.

Kung nagtataka kayo kung bakit kami lang at nila manang ang nasa bahay, well sila mommy at daddy kasi nasa California, may work sila roon.

"Ah Reeven, aantayin ba ulit kita sa parking lot mamaya?" tanong ko.

"Yeah," sagot nya kaya nanahimik na 'ko.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa school. Pagkababa ko ng kotse nya ay agad na akong dumiretso sa room namin.

Hindi ko na aantayin sila Krystal for sure nando'n na 'yong mga 'yon.

"Raven,alam mo na ba 'yong inannounce kahapon?" tanong ni Miya no'ng pagkapasok ko sa room.

Napakamot naman ako sa ulo. "Ano ba 'yong inannounce kahapon?"

"Aishh! Yan kasi umalis ka agad kahapon eh."

Kasalanan ko pa?

"Ano nga 'yong sabi?" tanong ko ulit.

"Magpapalitan ng 15 student ang Garnet at Emerald." sagot nya.

"W-Weh?! Seryoso?" tanong ko tumango naman sya.

"7 girls at 8 boys daw ang sabi." sabi pa niya.

Lord, sana isa ako ro'n sa pitong babae please.

Agad na kaming umayos kasi dumating na si ma'am.

"Good morning class. So alam nyo naman na siguro 'yong announcement kahapon 'di ba?" tanong ni ma'am kaya nag 'yes' kaming lahat.

"When you heard your name line up outside." sabi pa nya.

Gosh! Kinakabahan ako whoo!

So 'yon, binanggit na ni ma'am 'yong mga pangalan ng kaklase kong lalaki.

"So complete na ang boys, proceed tayo sa girls."

Lord, please kasama sana akooo huhuhu.

*Amy Baltazar
*Valerie Concepcion
*Hannah Cariaga
*Keila Estrada
*Tasha Evangelista
*Doreen Francisco
*Raven Fernandez

Natigilan ako saglit nang marinig ko ang pangalan ko.

Umay! Aym so beri hapi! Yieeee thank you Lord.

"Raven, tara na." dinig kong sabi ni Doreen

"Ayaw mo 'yatang lumipat, eh."

Sino may sabi?

"Gusto ko syempre, tara na." sabi ko saka lumabas na kami ng room at naglakad na kami papunta sa bagong room namin.

Pagkarating namin sa tapat ng room ng Garnet ay agad kaming sinalubong ni Ma'am Alvarez.

"Kayo na ba 'yong kapalit no'ng 15 students ko?"

Ayy hindi ma'am char.

"Yes, ma'am, kami nga po." sagot ni Hannah.

"Okay so pumasok na kayo at aayusin ko 'yong magiging upuan nyo." sabi ni maam kaya pumasok na kami.

"Hi, Raven!" malakas na sigaw ni Brix.

Nandito nga rin pala 'tong mokong na 'to tss.

"Ahh ganito nalang, pumili nalang kayo ng upuan na gusto nyo at sa tingin nyo ay kumportable kayo." sabi ni ma'am kaya dali-dali na akong lumapit sa upuan na katabi ni Krystal at likod ni Lyle.

"Ahmm Ms. Fernandez may naka upo na r'yan, absent nga lang," aissh sayang! "Do'n ka nalang maupo sa tabi ni Mr. Martinez." tuloy ni maam, napakurap naman ako nang ilang beses bago ako tumingin sakaniya at nakita kong nakatingin din sya sa'kin.

What the heck! Ba't sa tabi pa ng masungit na 'yan?! Ang malas naman.

Hayss Raven tanggapin mo nalang tsaka hindi mo naman sya papansinin e.

Tama-tama hindi ko sya papansinin.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa katabi nyang upuan at nang makalapit ako ay tahimik kong binaba ang gamit ko at walang kibong umupo ako.

Whoo! Raven 'wag kang kabahan. Si Dave lang 'yan kaya hindi ka dapat kabahan.

Mabilis natapos ang dalawang klase namin sa umaga kaya naman... Recess naa!

Yess! mah peyborit subject, char lang.

"Yieee Raven! Sa wakas classmates na tayoo! Wah I'm so happy!" si Lyle

Pshh! bungangerang pangit charr hahah.

"Ang ingay mo Lyle, nahawa ka na 'yata kay Raven, eh." sabi ni Krystal kaya napatingin ako sakaniya.

"No way! That will never gonna happen." sabi ni Lyle kaya napatingin din ako sakaniya.

Wahh! i kennat! Ang sama nilaa! mommy! huhu.

"Wah! I hate you both, hmpk!" sabi ko habang nakanguso pero tinawanan lang nila ako.

Are they really my friends? huhuhu.

"Raven joke lang ahhh." sabi ni Krystal.

"Heh! Don't talk to me." nakanguso pa ring sabi ko kaya tumawa na naman sila.

"Lahh grabe 'to, joke nga lang, eh." si Lyle.

"You hurt my feelings huhuhu."

"Ayy ang Oa ah hahaha." si Krystal

"Wahhh! You do it again!"

"Hay naku! Raven gutom lang 'yan, tara na sa canteen."  sabi ni Lyle kaya nahinto ako sa kaka-emote ko.

"Hm, siguro nga, tara na." sagot ko at nauna nang maglakad palabas.

"Krys, our friend is crazy." dinig kong bulong ni Lyle

Lumingon naman ako at sinamaan sya ng tingin. "Ano sabi mo, Lyle?"

"Ahh wala wala." sagot nya.

Nadinig ko 'yon, gaga!

"So, sino mag-o-order?" tanong ni Lyle

"Eh sino pa ba? Eh ako lang naman ang nag-olorder, 'di ba?" sabi ni Krystal.

Sabay naman kaming tumawa ni Lyle "'Yong dati kong inoorder, heto bayad ko."

"Gano'n din ang akin. Ito na rin bayad ko," si Lyle

"Tss." pfft!

"Ven, buti naman at kaklase ka na namin." biglang sabi ni Lyle.

"Oo nga eh. Ang akala ko nga kanina hindi ako masasama sa mga ililipat." sagot ko.

"Tsaka ang suwerte mo huhu."

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Bakit suwerte?

"Kasi katabi mo si Dave miloves ko." nakangusong sagot nya.

"Aishh! Para 'yon lang? E'di palit tayo." sabi ko.

"Yon na nga eh... hindi pwede." sagot niya.

"Pfft! Hay naku para 'yon lang nagkakaganiyan ka na? My ghad Lyle." sabi ko.

Ngumuso naman sya. "Hindi ko pa kasi sya nakakatabi, eh."

"Hay naku!  Ewan ko sa'yo." galit-galitan kong sabi.

Maya-maya pa ay dumating na si Krystal dala 'yong pagkain namin.

"Heto na po 'yong pagkain nyo kamahalan." sabi nya.

"Maraming salamat, alipin." natatawang sabi ko kaya naman lumanding ang kamay ni Krystal sa ulo ko.

"Aray ko naman Krystal! Bakit mo 'ko binatukan?!" singhal ko.

"Alipin mo mukha mo, tse!" masungit na sabi ni Krystal. Tumawa naman si Lyle.

"Oh?! Ano itinatawa-tawa mo r'yan?" mataray tanong ni Krystal kay Lyle.

"Ahmm nothing... Lets eat." sagot naman nya.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain may nadinig nanaman kaming sigawan.

"Anak ng tupa! Hindi ba nila maitikom mga bibig nila?" inis na tanong ko.

"Ang tagal mo nang nag-aaral dito hindi ka pa rin sanay hanggang ngayon?" tanong naman ni Krystal sakin.

"Eh sa nakakarindi, eh." sagot ko

"Iba kasi kapag gwapo, Raven." sabi naman ni Lyle.

Umirap nalang ako. "Tss... whatever."

"Oh? Bakit nabadtrip ka agad?" tanong ni Krystal.

"Nag-away na naman kayo 'no?" si Lyle.

"Hindi ah," sagot ko.

"Eh bakit gan'yan ka? Ang init agad ng ulo mo." si Krystal

"Nothing, just don't mind me." sagot ko kaya tumahimik na lang sila.

Nang matapos kaming kumain ay nagpa-baba muna kami ng kinain bago pumunta ng classroom.

"Ven, pansin ko lang, bakit hindi ka yata pinuntahan ni Reeven?" tanong ni Lyle.

"Oo nga, nakakapanibago tuloy." sabat naman ni Krystal

"Malay ko ro'n." sabi ko atsaka umupo na sa upuan ko.

Bakit nga kaya ako hindi pinuntahan ng kupal na 'yon? Ahh! Baka 'di pa rin nya tanggap na hindi nya ako nabuhusan ng tubig.

Makapagbasa na nga lang muna hehez.

"Raven!" napatigil ako sa pag babasa nang marinig ang napakalakas na sigaw ni Brix.

Tss! Andito na naman 'tong asungot na 'to.

Malamang Raven dito rin room nya aissh.

"Kailangan mo?" walang gana kong tanong.

"Ahh wala lang." sagot naman nya

Inismiran ko nalang sya at bumalik nalang sa pagbabasa.

"Grabe, ang sungit mo naman." sabi pa nya pero hindi ko sya kinibo.

"Will you please go back to your seat?! Kalalaki mong tao napaka daldal mo, tss." iritang sabi ni Dave kay Brix.

Pfft! Buti nga sakanya hahaha.

Maya-maya pa ay dumating na si ma'am kaya kunwari nakikinig ako. Joke lang, totoong nakikinig ako, 'no.

"Let's talk purpose, what do you think is your purpose in this world?" tanong ni maam.

Hmm? Ano nga ba ang purpose ko rito sa mundo?

"Anyone?" si maam. "Yes? Mr. Perez what do you think is your purpose in this world?" pag uulit ni maam.

"Ang purpose ko po sa mundo is magmahal ng kaya akong mahalin pabalik." sagot no'ng mr. Perez.

Err ang corny ha.

"Okay? Good, anyone aside from him." sabi ni maam.

Nagtaas naman ng kamay si Brix.

"Yes, Mr. Flores?" sabi ni maam kaya tumayo na si Brix.

"Ang purpose ko sa mundo ay ang makapag tapos ng pag aaral at maging successful sa buhay." taas noo'ng sagot nya.

"Okay, thank you Mr. Flores, sit down." si maam.

Mabilis tumakbo ang oras at sa wakas ay uwian na rin.

Grabe! Ang daming binigay na assignments lintek!

Pagkadating namin sa bahay ay agad na kong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga. Iglip nga muna ako kapagod eh, hayyst.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top