Chapter 29

RAVEN POV

Habang tumatagal ay nagiging mas malapit kami ni Kaizen sa isa't-isa. Naging habit na rin namin ang pumunta ro'n sa restaurant pagkatapos ng trabaho.

Malaki na rin ang naipon ko kaya baka umuwi na rin ako sa pilipinas. Nasabi na rin sa'kin ni Reeven na malapit nang matapos 'yong shop ko.

"Kailan ka uuwi?" tanong ni Kaizen

"Hindi ko pa alam eh. Hindi ko pa nasasabi kay tita." sagot ko.

"Balak ko rin sanang umuwi."

"Edi umuwi ka... sabay na tayo." sabi ko kaso umiling sya.

"Ayaw akong pauwiin ni papa." sagot nya.

"Bakit naman? Mama mo pa rin naman 'yon ah."

"Ewan ko kay papa."

Tinap ko 'yong balikat nya.

"Sorry... wala akong magawa para tulungan ka."

"Okay lang, tara na... balik na tayo sa trabaho." sabi nya saka tumayo na.

Maaga kaming nakauwi dahil hindi gaanong madami ang customer. Nasabi ko na rin kay tita na balak ko nang umuwi ng pilipinas at pumayag naman sya.

Kausap ko ngayon si mommy, hindi ko sinabi sakanya na uuwi na ako dahil balak ko silang isurprise.

["Sweetie, kailan ka ba kasi uuwi? Miss na miss na kita"] natawa ako dahil biglang nag pout si mommy. Ang cute nya! Confirmed! Sakanya ako nagmana sa ka cute-an.

"Hindi ko pa alam mommy eh." I lied. Next month na uwi ko mommy, inaantay ko pa 'yong suweldo ko.

["Dapat nandito ka sa araw ng kasal ng kakambal mo."] nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. Ikakasal na si Reeven? The heck! Ba't hindi ko alam? Napag iiwanan na talaga ako. Poor you, self.

"Kailan, mom? Ba't 'di nya sinasabi? Epal talaga nya." maktol ko.

["December 20."] sakto nasa pilipinas na 'ko no'n. So, bale mauuna pala ang kasal nila Krystal at Brix. Parehas silang December pero 6 ang kina Krystal.

"Ako nalang talaga ang nahuhuli mom." sabi ko at mahinang tumawa.

["Kasi nga wala d'yan sa Canada ang magiging asawa mo kun'di nandito sa pilipinas."] nang asar pa.

Nagpatuloy lang ang usapan namin ni mommy hanggang sa sya na ang unang magpaalam dahil may pupuntahan pa raw sya.

Nahiga nalang ako sa kama ko at tumingin sa kisame, ilang linggo nalang aalis na ako sa shop ni tita. Mamimiss kong magtrabaho ro'n, mamimiss ko ring gumawa ng mga cakes at cupcakes kasama si Kaizen.

Ang bilis talaga lumipas ng panahon, parang kailan lang no'ng unang pasok ko sa trabaho ta's ngayon aalis na 'ko.

Napabalikwas ako nang magring 'yong cellphone ko at pagtingin ko si tita pala.

"Hello po tita?"

["Okay na 'yong flight mo next month at baka next week makuha na 'yong buong suweldo mo."]

Nagpasalamat nalang ako kay tita bago ibaba ang linya. Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko... excitement, kaba, at lungkot.

Excitement dahil sa wakas mayayakap ko na sila mommy, Reeven, at mga kaibigan ko. Kaba, ewan ko ba kung ba't ko nararamdaman 'to. At lungkot dahil madami akong maiiwan na magagandang memories dito sa Canada.

Kinabukasan. Maaga ulit akong nagising dahil ito na ang huling araw ko sa trabaho. Nilinis ko muna itong buong bahay bago ako pumasok sa trabaho.

"Last day mo na pala 'no?" napalingon ako kay Kaizen na abala sa pagmasa ng dough.

"Yeah," maikling sagot ko.

"Sa sunday gusto mo mamasyal? May alam akong lugar." napangiti naman ako at tumango.

"Sure... para may baon ako bago ako umalis." ngumiti nalang sya saka pinagpatuloy ang ginagawa.

Nang matapos kaming magbake, naupo muna kaming dalawa habang inaantay maluto 'yong ibang cupcakes na ginawa namin.

Dumating ang linggo at nandito kami ni Kaizen sa Butterfly garden, meron din pala rito sa Canada nito... akala ko sa Singapore lang meron eh.

"Ganda, 'di ba?" tinanguan ko nalang sya saka inilabas ko ang phone ko para kumuha ng mga pictures.

"Kai, picture tayo." aangal na sana sya kaso hinila ko sya. "Bawal kj, sakalin kita eh." tumawa naman sya habang umiiling.

"Tama na, baka ma full storage ka na." sabi nya. Saglit akong napahinto pero umiling na lang ako at nginitian siya.

"Hindi 'yan... tara doon naman tayo."

After kong kumuha ng mga pictures, nag-aya naman si Kaizen na kumain muna.

"Seryoso... hindi mo man lang maramdaman 'yong gutom?"

"Oo nga... gano'n ako kapag nasa magandang lugar ako." sagot ko.

"May weird side ka pala, ngayon ko lang nalaman." sabi nya saka tumawa.

"Kumain ka nga lang d'yan. Dami mong alam."

Alas sais na ng gabi no'ng hinatid nya ulit ako sa bahay. Sobra akong nagpasalamat sakanya dahil sobra-sobra na 'yong ginawa nya para mapasaya ako. Sana dumating 'yong panahon na makabawi ako sakanya.

Sinadya kong late na gumising dahil mamayang 3:30 pa ng hapon ang flight ko pauwing pilipinas. Bumangon na ako sa higaan ko at pumasok na sa cr para maligo. At after no'n ay naglinis ulit ng buong bahay saka nagimpake na ng mga gamit ko.

Bago ako umalis ng bahay, nakipag video call muna ako kila Krystal at Lyle. Argh! Hindi na ako makapaghintay na mayakap sila. Im sure, magugulat din sila sa pag-uwi ko. After naming mag-usap, dumaan muna ako ng shop ni tita para makapagpaalam kay Kaizen.

"Ingat sa flight." niyakap ko naman sya at nagpasalamat.

"Mamimiss kita. Thank you sa lahat-lahat ng ginawa mo, hinding-hindi ko 'yon makakalimutan." sabi ko saka humiwalay na sa yakapan namin.

"Sige na, baka malate ka na sa flight mo."

Niyakap ko ulit sya bago sumakay ng taxi papuntang airport. Nag-antay ako ng ilang minuto bago tumayo dahil tinawag na ang eroplanong sasakyan ko.

Buong byahe ako tulog at nagising nalang ako nang marinig ko ang sinabi ng piloto na ilang oras nalang ay lalapag na ang eroplano.

Nang makababa ako ay nagtungo ako sa baggage scanner para kunin 'yong maleta ko. Palabas na ako nang may makabangga ako kaya nahulog 'yong passport ko. Ang tanga mo, Raven... ba't kasi hindi mo pa nilagay sa loob ng bag mo.

Sabay naming pinulot 'yong passport ko at saglit akong natigilan nang mapagtanto ko kung sino 'yong kaharap ko ngayon. Agad akong tumayo at saka yumuko. Shit! Shit! Bakit naman ngayon pa?

Agad kong kinuha sa kamay nya 'yong passport ko at nagpasalamat, tumalikod na ako at maglalakad na sana paalis nang bigla syang magsalita.

"Nice to see you again, Raven."

Napapikit nalang ako at huminga ng malalim bago humarap sakanya at nginitian sya. At pagtapos no'n ay tumalikod na ako at lumakad na paalis.

Takte! Ba't mas lalo yata syang gumwapo? Shit Raven! Erase, erase. Pero totoo, ang gwapo nya lalo. Hays, heto na naman 'tong puso ko na akala mo kabayong nakikipag karera sa sobrang bilis ng tibok.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top