Chapter 28

RAVEN POV

Nagising ako bigla nang marinig ko ang cellphone kong tunog nang tunog. Paniguradong sabog na naman notification ko dahil sa mga bumabati.

In-off ko muna 'yong cellphone ko bago icharge at saka bumangon na para maghanda dahil may trabaho ulit ako.

Tinapay lang at kape ang almusal ko dahil inatake ako ng katamaran para magluto. Matapos akong kumain, agad ko nang hinugasan 'yong tasang ginamit ko at pagkatapos ay nagtungo na ako sa cr ng kwarto ko para maligo.

Pagkarating ko ng shop, nadatnan kong naglilinis si Kaizen kaya mabilis kong ibinaba 'yong bag ko at saka tinulungan sya sa paglilinis. Nang matapos kami, sakto namang dumating si tita suot ang malapad n'yang ngiti.

"Ang aga nyo naman." nakangiting sambit nya.

"Actually, si Kaizen po 'yong unang dumating dito, tita." ani ko.

"Okay. Anyway, happy birthday iha... here's my gift for you, I hope you like it." nag 'thank you' ako kay tita saka inabot 'yong parihabang box. When I opened the box, my eyes widened when I saw what inside the box. The cresent moon and sun.

"Birthday mo pala? Sayang wala akong gift."

"It's okay, ano ka ba. And besides, hindi ko rin naman nabanggit sa 'yo eh." sabi ko at nginitian sya.

"Masaya ako at naging magkasundo agad kayo." tuwang-tuwang saad ni tita. "So, what's your plan?" tanong ni tita.

I shrugged. Ano nga ba ang plano ko?

"None? Look, honey. If you have time to enjoy, then go. Wala namang masama kung lilibangin mo ang sarili mo." hinawakan ni tita ang kamay ko kaya napatingin ako ro'n.

"Your tita is right, Raven. Wala naman mawawala sa 'yo kung lilibangin mo ang sarili mo eh. Lalo na ngayon... birthday mo kaya dapat magsaya ka." singit ni Kaizen.

"Masaya naman ako eh." sagot ko, nadinig ko naman ang mahinang buntong-hininga ni tita. "Okay fine. So, anong gagawin ko?" tanong ko.

"May alam akong pwede kainan kaso medyo malayo 'yon dito." sabi ni Kaizen. "Pwede ko ho ba syang isama?" baling nya kay tita.

"Sure! No problem. Just make sure na mag eenjoy sya, ha?" malapad na ngiti ang iginawad ni tita kay Kaizen.

Nagumpisa na kaming magtrabaho dahil ang sabi ni tita ay maaga kaming magsasara ngayon dahil nga birthday ko. Nang dumating ang lunch break, sabay kaming kumain ni Kaizen. Nakakatatlong subo pa lang ako nang mag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot nang makitang si Reeven ang tumatawag.

["Happy birthday to us, sis! Is that Raven?"] natawa nalang ako nang mahina dahil alam kong mag-aagawan na naman sila sa phone para makausap ako. ["Ma, naman eh! Mamaya mo na kausapin si Raven, may phone ka naman eh."] dinig kong reklamo ni Reeven.

"Mom... Reeven. 'Wag na kayong mag-agawan, pwede nyo namang i-loud speaker para marinig nyo ako pareho." sabi ko saka nagsubo ng kanin... na may ulam, syempre.

Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil may kanya-kanya pa kaming trabaho.

"Saan mo 'to nalaman?" tanong ko kay Kaizen habang inililibot ko ang tingin ko sa lugar kung saan kami kakain. Para syang Italian style na parang hindi. Hay ewan, basta ang ganda ng lugar na 'to.

"Dito ako madalas pumupunta kapag nalulungkot ako. Masarap kasi ang mga pagkaing hinahanda nila rito." tumango-tango naman ako.

"So, ikinakain mo nalang 'yong lungkot mo?" tumango naman sya.

"Let's go inside." sabi nya pero bigla akong napahinto sa naisip ko.

"Hindi ba mahal dito?" alanganing tanong ko, tumawa naman sya.

"May kamahalan din but don't worry it's my treat."

Eh? Ba't parang baliktad? 'Di ba dapat ako ang manlilibre dahil ako ang may birthday.


"P-Pero ako ang may birthday kaya dapat ako ang manlilibre sa 'yo." sabi ko pero umiling sya.

"Hindi na uso sa'kin yan. Tara na."

Nagpahila nalang ako sakanya hanggang makapasok na kami sa loob. Habang inaantay ko syang mag-order, nagcellphone muna ako at nanood ng kung ano sa youtube.

Maya-maya pa ay dumating na si Kaizen dala ang mga inorder nya. Bigla akong naglaway dahil mukhang masasarap 'yong mga pagkaing inorder nya.

"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka." hindi ko sya pinansin at tuloy-tuloy lang sa pagkain.

Shemss. Ang sarap! Babalikan ko talaga 'tong restaurant na 'to. Matapos kaming kumain, niyaya naman nya ako sa beach malapit sa restaurant na 'yon.

Tahimik lang kami pareho at parang wala talagang balak magsalita. Kaya huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Uhmm, thank you nga pala, ha." napatingin naman sya sa'kin.

"You're welcome. And I guess this is my birthday gift for you." nginitian ko nalang sya saka tumingin sa dagat.

Hindi ko akalaing ganito sya kabait, partida kakakilala pa lang namin ha. At thankful ako dahil kahit na sa maikling panahon pa lang kami nagkakilala naging magkaibigan na agad kami.

Hinatid ako ni Kaizen sa bahay after no'n. Ang sabi ko nga sakanya 'wag nya na akong ihatid pero nagpumilit pa rin sya kaya wala na 'kong nagawa kun'di ang pumayag.

"Salamat sa paghatid at mag-iingat ka." sabi ko.

Ngitian nya nalang ako saka pumasok na sya ng kotse nya, kumaway pa muna sya bago nagdrive paalis. Nang hindi ko na sya natanaw ay agad na rin akong pumasok sa loob.

Naghalf-bath ako saglit bago humiga sa kama. Pagkaopen ko ng messenger ko tumambad sa'kin 'yong mga message nila Krystal at Lyle. Dahil tamad akong replyan sila pareho, pumunta ako sa gc naming tatlo at pinindot ang videocall. Sana wala silang ginagawa ngayon.

["Kyaaa! Happy birthday Raven!"] bungad ni Krystal, sya kasi ang unang sumagot sunod si Lyle.

["Omg! Nakita ko 'yong post mo ha. Sino 'yong guy? Bago mo?"] tanong ni Lyle.

"Hindi! Katrabaho ko lang 'yon slash bbf." sabi ko.

["Ahh, akala ko bago mo eh. Magpapaparty na sana ako."] natawa naman kaming dalawa ni Lyle sa sinabi ni Krystal.

["Sayang nga eh. Cute pa naman 'yon."]

["Hoy, Lyle! Maghunos-dili ka nga. Magkakaanak ka na nga lumalandi ka pa. Isumbong kita kay Kyron eh."]


["Oy joke lang!"] natawa nalang ako sa kagagahan nila. Damn, miss na miss ko na sila.

"Kailan kasal mo, tal? Para mamark ko sa calendar ko." sabi ko.

["Wala pa kaming naiisip na exact date ni Brix, eh. Ichat nalang kita if meron na."]

"Eh ikaw Lyle, kailan ka manganganak?" tanong ko.

["Sa April pa... magt-three months palang ako ngayong September."]

Kung anu-ano pa ang napagusapan namin hanggang sa tawagin na sila ng mga asawa nila. Ay, hindi pala asawa pero do'n na rin naman punta no'n eh kaya okay na 'yon.

Maghahanda na sana ako sa pagtulog nang biglang tumunog 'yong cellphone ko, means may nagchat kaya agad ko itong tinignan. Muntik kong mabitawan 'yong cellphone ko nang makita ko kung sino 'yong nagchat.

Dave Martinez

Happy birthday, Raven. I hope you're doing well and stay strong sainyo.

Napakurap nalang ako nang ilang beses, pati sya akala nya boyfriend ko si Kaizen. Hindi ko alam kung rereplyan ko sya o ano dahil nanginginig 'yong kamay ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Raven

Thank you^^

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para isend 'yon. Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang bilis-bilis pa rin ng tibok.

Ilang years, months na ang lumipas pero gano'n pa rin ang epekto nya sa'kin.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top