Chapter 27
RAVEN POV
Years past
Maaga akong nagising ngayon dahil ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Niligpit ko muna ang pinaghigaan ko bago tumungo sa banyo para maligo at nang matapos ay bumaba na ako para magluto ng kakainin ko.
Pagkagraduate ko ng College pinasok ako ni tita sa bakeshop na pag-aari nya. Kaysa raw maghanap pa ako ng ibang mapagtatrabahuhan do'n nalang daw ako sa bakeshop nya.
Ilang years na rin pala simula no'ng pumunta ako rito sa Canada. Miss na miss ko na sila mommy. Kinuha ko 'yong cellphone ko nang may marinig akong tumatawag... speaking of.
"Hello mom?" sagot ko.
["Ngayon na ang unang araw mo sa trabaho, right?"]
"Opo," maikling tugon ko.
["Mag-iingat ka ha?"]
Sa bawat tawag ni mommy, hindi talaga mawawala ang 'mag-iingat'
"Lagi naman po akong nag iingat, mommy. By the way, nasaan nga po pala si Reeven?" tanong ko. Tuwing tatawag ako or si mommy, palagi n'yang inaagawan ng phone si mommy para lang maka-usap ako.
["Maagang umalis dahil may trabaho."] shit! Speaking of trabaho.
"Mommy mamaya nalang po tayo mag-usap may trabaho pa pala ako." paalam ko.
["Okay, okay... I love you sweetie."]
"I miss you and I love you mom." sabi ko saka ibinaba ang linya.
Nagtaxi nalang ako papuntang bakeshop ni tita, medyo malapit lang naman ito kaya wala pang isang oras ay nakarating na ako.
"Tita, I'm sorry ngayon lang ako tumawag pa ho kasi si mommy." pagpapaumanhin ko.
"Its okay, honey. By the way, this is Kaizen Gomez. Sya ang makakasama mo rito sa shop. And don't worry marunong syang magtagalog." napahinga ako nang maluwag dahil sa wakas hindi dudugo ang ilong ko kapag kakausapin ko 'to.
"Uh Kaizen, iho... this is Raven, pamangkin ko."
Nagtama ang paningin namin kaya nginitian namin ang isa't-isa. Hmm... gwapo sya, pero 'di ko type.
"Nice to meet you, Raven."
Nakipag-shake hand ako sakanya. "Nice to meet you too, Kaizen."
"Single 'yan, honey." bulong ni tita sa'kin habang nakangiti ng nakakaloko.
"Tita! Trabaho po ang pinunta ko rito hindi pagjojowa." balik kong bulong kay tita.
"Biro lang. Pero malay mo sya na ang the one mo." pang-aasar ni tita.
Sinimangutan ko nalang sya at nanahimik nalang.
Umaga palang ay marami na ang pumupunta rito sa shop kaya naman pareho kaming busy ni Kaizen.
Nang dumating ang tanghalian, niyaya ako ni Kaizen na kumain sa labas pero tumanggi ako dahil may dinala akong pang lunch ko. Ayoko muna gumastos nang gumastos kasi nga mag-iipon ako ng pagpagawa ko ng sarili kong bakeshop sa pilipinas.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang mag ring ang cellphone ko.
["Hi sis, kumusta?"] bungad ni Reeven
"Ito, maganda pa rin." sagot ko saka tumawa.
["Wait, lumakas bigla hangin dito eh. Ingat ka baka tangayin ka."]
"Ang epal mo talaga. Bye na nga!"
["Ay hala, joke lang eh. So, kumusta ka na?"]
"Okay lang naman." sagot ko.
["Baka naman may umaaligid-aligid na riyang lalaki para ligawan ka, ha."]
"Asa naman silang papayagan ko silang manligaw."
["Sya pa rin ba?"] tanong nya, hindi ko alam kung nang-aasar ba sya o ano.
"Pinagsasabi mo?"
["Wala. By the way, captain na sya ngayon ng barko."] bwisit talaga 'tong kakambal ko kahit kailan.
"Sa pagkakaalam ko... wala naman akong tinanong."
Pagkatapos naming mag-usap ni Reeven, sumunod namang tumawag sina Krystal at Lyle, through video call. Nagkwentuhan lang kami about sa mga buhay namin, at ang bruhang si Krystal ikakasal na kay Brix. Samantalang si Lyle ay two months ng buntis, akalain mo nga naman at nauna pa ang honey moon kaysa sa kasal.
["Basta Raven, 'wag kang mawawala sa araw ng kasal ko, ha?"] tumango-tango nalang ako at biglang natahimik.
Ganyan na rin ba kaya kami ni Dave kung hindi kami naghiwalay? May pamilya na rin ba kami ngayon kung hindi nangyari 'yon?
["Ven? Are you okay? Bigla kang tumahimik eh."]
"Yeah! Okay lang ako Lyle, may naalala lang." sagot ko.
["Si ano ba?"] tinanguan ko nalang si Krystal.
"Hay! Hayaan na nga. Anyway, I have to go... may trabaho pa ako eh." paalam ko sakanila.
Nang maipatay ang tawag, napabuntong hininga nalang ako. Bakit ko ba sya iniisip? Asa namang ikakasal at magkakapamilya kami no'n... baka nga may asawa't anak na 'yon ngayon eh.
Wala masyadong customer kaya nakipagkwentuhan muna ako kay Kaizen.
"Nasaan ang mama mo?" tanong ko.
"Nasa pilipinas... kasama ng mga kapatid ko sa mama." tumango-tango nalang ako at hindi na nagsalita, baka kasi may maitanong ako at ma offend sya.
"How about you? Anong ginagawa mo rito sa Canada kung maganda naman pala ang buhay mo sa pilipinas?"
"Matagal ko nang gustong makapunta rito sa Canada tsaka gusto kong makalimot... pero..." huminto ako saka huminga nang malalim. "Hindi ko magawa. Ang tagal na no'n pero sya pa rin talaga." yumuko ako para itago ang pamumuo ng luha ko.
Naramdaman kong hinahagod ni Kaizen ang likod ko kaya napatingin ako sakanya.
"First love mo?" tumango ako. "Oh, I see... mahirap talagang kalimutan mga first love natin." aniya.
"Nagka girlfriend ka na?" tanong ko.
"Of course. She have her own family now." biglang nalungkot ang tinig nya kaya hinawakan ko ang balikat nya.
"Sorry natanong ko pa." paumanhin ko.
"Don't worry... nakamove on na 'ko." sana all naka move on na.
Nginitian ko nalang sya at bumalik na sa trabaho.
Madilim na sa labas pero heto pa rin kami nagtatrabaho. May iilan pa kasing bumibili at nagpapa reserve ng mga cake. Mag-a-alas nuebe na nang makauwi ako sa bahay, ihahatid pa sana ako ni Kaizen kaso tumanggi ako dahil mapapalayo pa sya.
Paulit-ulit lang ginagawa ko, uwi sa bahay... magbibihis... magluluto... at kakausapin sina mommy.
["Nasabi sa'kin ni tita na may kasama ka raw... at lalaki pa."] napa-irap naman ako. ["H'wag ka ngang umirap, tusukin ko mata mo eh."] kausap ko ngayon si Reeven through video call. Ayaw nya ng audio call eh, ang arte.
"Oo nga may kasama ako. But, don't worry dahil 'di ko sya type at saka trabaho ang pinunta ko ro'n." sabi ko.
["Good to know. Nga pala, may nahanap na akong engineer na gagawa ng bakeshop mo."] nanlaki ang mata ko sa gulat. The fudge? Wala pa nga akong ipon!
"Gagi! Wala pa akong ipon pang bayad." sabi ko.
["Kami na bahala ni mommy ro'n. Tsaka regalo ko na sa 'yo 'yon."] kumunot naman ang noo ko.
"Ehh?" nasabi ko nalang.
["Ehhklog! Advance happy birthday sa'tin."] shoot! Oo nga pala birthday na namin bukas.
"Gagi, oo nga pala nalimutan ko. Pag-uwi ko na 'yong regalo mo, ha?"
["House and lot gusto ko, ha?"]
"Lolo mo! May bahay ka na kaya." natawa naman sya. Nagkulitan lang kami nang nagkulitan bago magpaalam na sa isa't-isa na matutulog na.
["Goodnight sis, mag-iingat ka r'yan at sana 'wag ka pang mamatay."]
"Talaga ba, Reeven. Pakyu! Goodnight." sabi ko saka binaba ang linya.
Ilang minuto akong tumitig sa kisame bago lamunin ng antok.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top